Chapter 3

1570 Words
CHAPTER 3 FIERCE'S POV   He's kissing me! I can feel him gently grazing his teeth on my lower lip. Then he flicked his tongue. Circling it around. After a few minutes of him driving me crazy, he plunged his tongue inside my mouth.   I moan. I can't remember ever kissing anyone this passionate. Fiery. Hot. I can feel a tingling sensation running down my spine when he pulled me closer to his warm body. I trail my hands up to his shoulder. Gripping on his shoulder tightly cause I can feel my legs giving up. Like my legs turned into a jelly.   A kiss.   So hot that I can forget anything in this world—Harvey.   "Stop!"   Napatigil siya sa paghalik sakin. Pagkaraan ay bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sakin. "What?"   He's voice is so husky. Bedroom voice. Napalunok ako ng makita ko ang apoy na nagliliyab sa mga mata niya. "What's wrong?"   "This is wrong." I murmured.   "............"   "I can't. I shouldn't."   Narinig kong bumuntong-hininga siya. For a few seconds tinitigan niya lang ako while I look at him pleadingly. Atubili na pinakawalan na niya ako ng tuluyan.   "I'm sorry." sambit ko.   "You'll be mine. The moment you failed that test you'll be mine."   Kinabahan ako sa sinabi niya. Not in fear this time. But in anticipation.    No. Hindi ko dapat nararamdaman ‘to. Hindi pwede. Hindi pa ako handa. I don't think I’m ready yet. I don't think I will ever be ready for something like this.   "Maybe. Maybe you'll have me. But not in the right way."   "Wala akong pakialam kung anong tama." sabi niya bago tumalikod at naglakad paalis.   Bumuntong hininga ako at inayos ko na ang sarili ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa shower room. Nagshower muna ako saglit at nagpalit ng damit. Nang matapos ay lumabas na ako ng training room at naglakad-lakad ng walang pagmamadali. I just want to think about Cloak. Cloak is an attractive person despite his irritating attitude. Oo gwapo siya, matalino, oozing with s*x appeal. Pero hindi ibig sabihin non ay gusto ko na siya. And yes I admit that I'm attracted to him but I don't love him. Or even close to like.   A person shouldn't rush love. It takes a lot of time. Kapag minadali kasi ng isang tao ang pagmamahal mas malaki ang possibility na magkasakitan lang sila.   Sa sitwasyon namin ni Cloak pareho pa kaming may mga extra baggage. I'm still carrying the grief of losing Harvey and Cloak is still pinning for Paige. Hindi kami pwedeng magmadali dahil lamang sa pisikal na atraksyon na nararamdaman namin sa isa't-isa.   "PANALANGIN KO SA HABANG BUHAY! Makapiling ka makasama ka! Yan ang panalangin ko!"   "O TUKSO LAYUAN MO AKO! Kay rami ng winasak na tahanan! Kay rami ng matang pinaluha! Kay rami ng pusong sinugatan, o tukso! LAYUAN MO AKO!"   Napatakip ako bigla sa tenga ko ng marinig ko ang dalawang kumakanta. Nagpalingon-lingon ako at namataan ko sa di kalayuan si Hade na may hawak na walis ting-ting. At si Quin naman ay kasalukuyang nagdidilig. As usual masama na naman ang tingin nila sa isa't isa.   "May asungot na naman na dumaan. Bakit hindi pwedeng magandang bagay na lang ang matira sa mundo? Like this flowers, the trees. And not some alien look alike." sabi ni Quin na halata namang pinapatamaan si Hade.   "Hay nako pareng tingting. Bakit kaya sa lahat ng tao, sa kakosa pa ako ni Gabriela Silang napadaan? Parang inaabangan talaga ako." sabi naman ni Hade.   Parang gusto na nilang magsuntukan ang kaso parang may silent agreement sila na hindi maghahawakan. At hindi mag-uusap. Well. Nang directly nga lang.   Pinagpatuloy ko na lang ang pagmumuni-muni ko. Natagpuan ko ang sarili ko na papunta sa gameingarea ng the camp. Ang 'Sprint'. Pumasok ako sa loob at naabutan ko ang ibang guests, konti lang sila. Ang mga naglalaro ay mga empleyado na agents.   Napatingin ako kay Pierre na kasalukuyang nakikipagbuno sa isang machine. May lumalabas na ulo ng aso at panay ang palo niya doon.   "Psst” pukaw ko sa kaniya.   "Hi Fierce. Bored ka?"   "Not really."   "You're stressed out? Here. Ikaw naman. Pampatanggal stress." sabi ni Pierre.   Kinuha ko iyong pamalo. Nang lumabas na ang mga aso ay pinagpa-papalo ko ang mga iyon. Halos lahat tinatamaan ko. At dahil binubuhos ko na don lahat ng nararamdaman ko, parang magigiba na ang machine sa sobrang lakas ng pagpalo ko.   "Amm. Fierce. Dahan-dahan lang." rinig kong sabi ni Pierre pero hindi ko siya pinakinggan.  Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa natanggal na ang isang aso sa sobrang lakas ng palo ko.   Naiba na ang tingin ko doon sa aso. Naging si Cloak na. Kasalanan niya to eh. Dapat hindi ganto ang nararamdaman ko. Hindi ako dapat na a-atract sa kaniya.   Naningkit ang mga mata ko ng may tumalsik na naman palabas na isang aso at nagpagulong-gulong sa sahig. Naramdaman ko na may humaklit sakin. On instinct nagpapasag ako.   "Ano ba! Bitawan mo ko—" Napatigil ako ng makita ko kung sino ang pumigil sakin sa pagmurder sa mga aso na nag transform na Cloak. Dahil ang lalaking pumigil sakin ay walang iba kundi ang lalaking kanina ko pa iniisip.   "Ano bang problema mo?!" singhal ko sa kaniya.   Itinaas ko ang pinangpu-pukpok ko ng aso at malakas na ipinalo ko sa ulo niya.   "What the hell was that for!?" sigaw niya.   "T-that's...that's." That's for distracting me. For making me feel this way.   "What?" tanong niya.   "That's for distracting me."   "I was just concern."   Nalukot angg mukha ko. Ayoko na magkaroon ng kahit anong attachment sa kaniya bukod sa trabaho. Ayoko. Ayoko pa. I know I'm not yet ready.   "Why would you be concern?! Hindi ka pwedeng maging concern! Naiintindihan mo?!” s   "I'm concern para sa 'Sprint'. I don't think magugustuhan nila Craige na winasak mo ang machine nila."   "Kaya kong magbayad."   Tatalikuran ko na sana siya ang kaso hinila niya ako sa isang lugar sa loob ng Sprint. Pumunta kami sa tapat ng isang game thingy. Inabot niya sakin ang baril na nakakabit doon. Nagtatakang tinignan ko ang baril.   "Stress reliever. At para wala kang nasisira."   Nakasimangot na inabot ko yon. Nag focus ako doon sa game. Noong una halos wala akong tinatamaan. Pero ng sinubukan kong isipin na si Cloak ang target ko nagsunod-sunod na ang tinatamaan ko. At ng inisip ko yung mga kakaiba kong nararamdaman, puro sa ulo ang mga natamaan ko.   Tahimik lang si Cloak sa tabi ko.   Nararamdaman ko na tahimik siyang nanonood sa ginagawa ko. Hindi ko na lang pinapansin ang mga tingin niya. Yes. We're both attracted to each other. But no we don't love each other. He want me on his bed. But its not enough. Not enough as a foundation to stay together.   Bakit pa ako papasok sa sitwasyon kung sa simula pa lang alam ko na kung anong kahihinatnan ko. Na sa huli masasaktan lang ako.   Nang matapos ako binaba ko ang baril at humarap sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sakin. There's something in his eyes that I’m very familiar with. Confusion. "I know what you feel." I whispered.   ".........."   "I know you feel confused on what’s happening. Why? How? Kahit ako walang sagot but I don’t want to rush everything na alam ko na pagsisisihan din natin."   "........"   "Fine don't talk. I want you to hear this. Yes, Cloak, I’m attracted to you despite the fact that you irritate the hell out of me. But that's all I feel at hindi pa ako handa sa kahit ano. Can't we just take our time?"   "I want you."   "I can't and I shouldn't"   "I know."   "So stop trying."   "That's the problem. I can't."   Inabot ko sa kaniya ang kamay ko. Nagtatakang tinignan niya ang nakalahad kong kamay. "A truce. That we wont rush things. That we will take it easy and that nothing will change."   "For now."   "For now."   "But still. That agreement. Hindi mo pwedeng baliin yon." sabi niya dahilan para mapabuntong hininga ako. Agreement. That apprentice thingy.   "Fine."   "You know, you'll enjoy it when it happens." sambit niya na ikinamula ako. Give it to Cloak to ruin the mood. Parang alam na alam niya ang dapat sabihin para inisin ako. Pakiramdam ko dalawampung taon ang itinanda ko mula ng makilala ko siya.   "For a man who rarely talks, you can really irritate someone to death."   ".........."   "Nakapatay ka na ba ng tao?"   "Yes—"   "Because of irritating them to death?"   He pressed his lips into a thin line. Nginisihan ko siya at pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad palabas. Nararamdaman ko na sumusunod siya sakin. Nilingon ko siya at nag-iwas lang siya ng tingin.   This man. Ang dami niyang mga katangian bukod sa macho at gwapo siya. First. He's a silent type of guy. Man of few words. Also, he's irritating, ang sarap niyang sipain, at kahit lalaki kaya niyang paiyakin sa sobrang weird ng ugali niya.   Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano, pero sa kabila ng lahat ng iyon, nakukuha niya parin ang atensiyon ko. Na kahit hindi siya nagsasalita parang may nakapaskil na sa noo niya na 'look at me'.   "Stop staring." pukaw niya sa akin.   "I'm not staring."   "You are."   "I'm not. Nakatingin ako sa palakol sa likod mo."   It's too early. Too early for anything. And I will surely take my time.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD