CHAPTER 2
FIERCE'S POV
Nakasimangot ako habang nag spa-sparring kami ni Cloak. Ilang beses na akong sumubsob sa mat at kahit isa hindi ko man siya natamaan.
Naniningkit ang mga mata ko na sinugod ko siya ulit. Ang kaso umiwas lang siya dahilan para padapa akong sumubsob sa mat.
"Hmmm" narinig kong sabi ni Cloak. Nilingon ko siya habang nakadapa parin ako. Hindi siya nakatingin sakin. He's looking at my butt.
Tumayo ako at binigyan siya ng matalim na tingin. Tumikhim lang siya at sumeryoso. But I know better, manyak talaga ‘tong lalaking to.
Sinipa ko siya pagkatapos ay suntok naman ang pinakawalan ko. Umakto ako na sisipain yung kabila niyang paa pagkatapos ay yung kabila ang sinipa ko. Napangisi ako ng bumakas sa mukha niya ang sakit.
"Buti nga." pang-a-alaska ko sa kaniya.
"Isa pa lang yon."
"Ikaw ang inspirasyon ko."
Tumaas yung kilay niya. Ngumiti ako sa kaniya ng pekeng pekeng ngiti at pinagsisipa ko siya while thinking about that 'accident' na nangyari kahapon dahilan para mahawakan niya ang—
"Aw!"
Napatingin ako kay cloak na nakalugmok na ngayon sa sahig. "Anong ginagawa mo diyan?”
"Ano sa tingin mo?"
"Natamaan kita sa 'diyan'?"
"..........."
Napahagalpak ako ng tawa. Buti nga sa kaniya. Sana pala nilakasan ko pa baka sakaling naputol ang junior niya at ng hindi na kung kani-kanino dumadapo. "Tsk tsk. Yan talaga ang kahinaan mo."
".........."
"To make it clear, ikaw ang inspirasyon ko dahil ikaw lang naman ang nag-iisang taong nagbibigay sakin ng sobra sobrang galit na pakiramdam ko sa loob ng apat na buwan puti na lahat ang buhok ko."
".........."
"Hello? Magsalita ka po kaya."
".........."
"Alam mo hindi ko talaga maiwasang hindi magtaka kung pa’no may pumapatol sayo. Mapapanis ang laway ng mga babae sayo eh. Ang boring a wala kang ka-emosyon-emosyon."
"It's simple. I use my tongue for a much better use."
Sinimangutan ko siya. Maniac with a capital M "Ginagamit ko din ang dila ko sa mabuting bagay." sabi ko.
"Yeah right."
"Hindi ka naniniwala?"
"No."
Sinipa ko siya. Seryosong tumayo siya at hinarap ako. Kapag gantong magkalapit kami hindi ko maiwasang makita kung gaano siya kalaki compare sa akin. Kumbaga siya leon ako daga lang. At saka tignan mo naman ang katawan. Ang macho, ang daming muscle. And look at that face, kahit hindi ngumingiti may dimples.
"Tama na ang pagnanasa sakin." putol ni Cloak sa iniisip ko.
"As if!"
"I have a lot of women. I know it if someone look to me with desire."
"Pa-check ka na sa optometrist, mukang hindi mo na alam kung anong pagkakaiba ng tingin na may pagnanasa sa tingin na gusto kang patayin." aabi ko at umatake ako ulit. Sinuntok ko siya.
Napasinghap ako ng saluhin niya ang braso ko at hinila niya ako palapit sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang nag-angat ako ng tingin dahilan para magkasalubong ang aming mga mata.
"You know we can also put that beautiful mouth of yours on a better use." bulong niya.
"Subukan mo lang at I swear sa puntod ng aso ko na papatayin kita at tatadtarin pagkatapos ipapadala kita sa mga babae mo na walang ginawa kundi landiin ka."
"You sound like a jealous wife."
"And you sound like a freaking maniac."
"..........."
"Stop looking at me and let me go."
"Paano kung ayaw ko?"
"Eh di puputulin ko ang kamay mo—" Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang isa ko pang kamay at hinila din palapit sa kaniya na kung titingnan para na kaming magkayakap ngayon.
"Alam mo meron pa akong paa." sabi ko.
"..........." Hinapit niya ang paa ko gamit ng mga binti niya kaya nakakulong ako ngayon sa pagitan ng hita niya. Napatingin ako kay cloak ng may maramdaman ako.
"Manyak!"
".........."
"Y-You. I can feel t-that ano—"
"My buddy."
"Well tell that 'buddy' of yours to be 'smart' dahil kapag hindi siya umayos gagawin ko siyang key chain!"
"My buddy really don't like to be threatened. Mas lalo siyang nagagalit."
Nagpapasag ako ng maramdaman kong kumilos ang buddy niyang kasing manyak niya. Tinitigan ko siya ng masama pero mukhang trip niya ngayon na asarin ako. "Let me go."
"..........."
"Let me go or I'll—"
"What?"
"This."
"What— aw! Aray! Fierce Jordan!" sigaw niya.
Napangiti ako ng makakawala ako sa kaniya. Kinagat ko siya sa balikat. Pakiramdam ko bumaon yung ngipin ko sa balat niya sa sobrang pagkakakagat ko.
"Cloak."
"What—" tinalunan ko siya. Ang refelex reaction niya ay ang saluhin ako. Nang nasalo na niya ako ay sinabunutan ko siya.
"What the hell!"
Tumumba kami sa mat pero hindi ako tumigil sa pagsabunot sa kaniya. Nang magsawa ako pinagsusuntok ko siya ang kaso para lang akong sumusuntok sa bato. Saglit na nag-isip ako ng maipangtotorture ko sa kaniya at ng may maisip ay ngiting-aso na ginawa ko iyon.
"Hey. No!"
Natagpuan ko ang kiliti niya.
Humahagalpak siya ng tawa habang nagmamakaawa na tumigil na ako habang kinikiliti ko siya ng walang tigil. Nagpapasag siya pero hindi ko siya tinigilan.
"Wag diyan, aw!"
"May kiliti ako diyan! Wag diyan!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Ang magkapatid na sina Andreige at si Marveige. Nakangisi sila habang nakatingin sa amin.
"Alam niyo bawal yan dito. Doon kayo sa kwarto niyo." nang-aasar na sabi ni Andreige.
Tinignan ko aang ayos namin ni Cloak. Nakahawak siya ngayon sa bewang ko dahil sa kanina niyang pagpigil sa pangingiliti ko sa kaniya habang ako naman ay nakaupo sa ibabaw niya. Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ako mula sa pagkakadaganan sa kaniya.
"Green minded." sabi ko.
"Halika na nga Marv. May mga gumagawa pa ng love life dito." pag-aaya ni Andreige sa kapatid.
"Oo nga eh. Eh ikaw hindi mo na babalikan ang—"
"Halika na!” pagpuputol ni Andreige sa sasabihin ni Marveige. Mukang hindi lang naman ako ang may problema sa mundo. And anyway, love life? wala pa sa isip ko yan sa ngayon. Sa tingin ko masyado pang maaga. Harvey.
"You're thinking about him again."
"Whatever."
"........."
"Pipe."
"Speaker."
"I hate you!" singhal ko.
"Too bad, mahal pa naman kita."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" di makapaniwala kong tanong.
"Kidding."
"Wag na wag kang mag jo-joke ng ganiyan Cloak kung hindi gagawin kitang damit!"
"Fine."
"Si Paige lang naman ang nag-iisang mahal—"
Lumapit siya sakin at tinakpan ang bibig ko. "You...h-how?"
"Secret."
"Fierce—"
"Basta. Secret walang clue. Magaling kasi ako kaya alam ko. Eh ikaw magaling ka ba?" pagpuputol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na kailangan dahil mahirap din namang ipaliwanag. Malakas lang talaga ang pakiramdam ng mga babae sa mga ganoong bagay.
"Yes. Specially on bed—"
"Cloak Jase Scott!" sigaw ko.
"........." Pinigilan ko ang sarili ko na sabunutan siya ulit. Pinasadahan ko siya ng tingin. Lukot lukot ang damit niya at gulo-gulo ang buhok niya. Mukha siyang pinagsamantalahan.
"You know you need to stop staring at me." sabi ni Cloak.
"I'm not staring."
"Fine. Stop 'drooling' over me. Kapag bumagsak ka sa test alam mo kung anong mangyayari."
Damn it. Kailangan ipaalala talaga? "That won't happen ever."
"We'll see."
"I'll make sure that it won't happen."
"I can’t wait."
"Manyak."
"Sa susunod na banggitin mo ulit ang salita na iyan hahalikan na kita."
Tinikom ko ang bibig ko at binigyan siya ng matalim na tingin. Damn this man. Wala na lang ata tong ginawa kundi bwisitin ang araw ko.
Wala na akong matinong araw na lumipas dahil tuwing makikita ko si Cloak kung ano-anong kabalbalan ang pinapauso niya. Especially that agreement. That freaking agreement na baliw lang ang makakaisip at baliw din ang papayag. At ako yon. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag eh!
"Parang gusto ko ng umatras." bulong ko.
"You can't."
"Whatever. I’m sure hindi ako babagsak."
"..........."
"Kung bakit kasi ikaw pa ang naging master ko. Ang dami namang iba dito bakit sa pipe pa ako ibinigay."
Pinahihirapan ata talaga ako ng tadhana. Ibigay ba naman ako sa taong to na wala atang alam gawin ay tumahimik ng tumahimik ng tumahimik. Sayang sa space.
"Bakit kaya pinanganak ka na pipe no?" tanong ko.
"Silent type of guy."
"Oh come on, sayang lang ang space sa mundo sayo."
".........."
"Wala ka pang ginawa kundi mag paakit sa mga babaeng sooner or later eh hahawaan ka ng HIV Virus. Manyak ka kasi—" nanlaki ang mga mata ko at napatigil ng may maalala ako. Napatingin ako sa kaniya.
"There's something that you should know about me, Fierce. I'm a man of few words, silent type of guy, and a man of his words."
He kissed me.