Chapter 1

1585 Words
CHAPTER 1 FIERCE'S POV   Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa bulkang taal. Nandito ako sa veranda ng 'Craige'. Kanina pa ako tapos kumain kaya nakatunganga na lang ako.   Ang tagal na pala. Almost a year narin mula nang mawala si Harvey. I missed him.   Nasasaktan parin ako kapag naiisip ko siya. Hindi parin nawawala ang katanungan sa isip ko na kung bakit ang isang mabait at matino na taong katulad niya ay pinatay sa isang walang-awa na paraan.   Kapag nandito ako sa The Camp kahit paano nawawala ang lungkot ko. Lagi kasing masaya ang mga tao dito. Nakakahawa. Umalis na ako sa trabaho ko dati. Iyong company kasi ng parents ko nabenta na ng mamatay sila. Lahat ng pera na iyon ay nasa bangko ko. Wala pa akong planong magtatag ulit ng company pero sa dami ng pera na iyon hindi ko na kailangan pang magtrabaho.   Malayo sa trabaho ko dati ang trabaho ko ngayon dito. Nagta-trabaho ako dito sa The Camp bilang agent. Iyon nga lang wala pa akong natatanggap na mission. Kailangan ko pa kasing mag training.   Naalala ko na naman ang napakatamad kong 'master'. Si Cloak the pipe agent. Minsan parang ang sarap hilahin ng dila niya at baka sakaling magawa niyang makapagsalita.   Tumayo na ako at pumunta sa women's comfort room pero napatigil ako ng may marinig ako sa men's cr. Parang may maingay. Umuungol? Wait. Babae iyong naririnig ko at wala akong naririnig na boses ng lalaki—   Naningkit ang mga mata ko. Cloak.   Sinipa ko pabukas ang pinto. Naninigkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Cloak na ngayon ay balewalang itinaas ang zipper ng pantalon niya. Iyong babae naman ay ngumiti lang at lumabas. Slut. Sinong matinong babae ang mag-aaya sa lalaki na gumawa ng karumal dumal na gawain sa comfort room? Yup. Nag-aya. Dahil kung may pambansang malanding lalaki si Cloak iyon na laging inaaya ng mga flings niya na nagkalat sa The Camp. Buti na lang hindi mga agent ang mga babaeng iyon at puro guests lang.   ".........."   "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko.   "........"   "Nakakaasar ka talagang pipe ka!"   "Bakit ka nandito?" tanong niya. Nagsalita din.   "FYI Mr. Pipe, rinig na rinig po kayo sa labas. Isa akong mabuting mamayan kaya sinaway ko kayo. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng mga babaeng iiyon sayo."   "You'll know when you fail the test."   Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nagdadabog na lumabas ako at iniwan ko na siya doon. Tuloy-tuloy ako hanggang makarating ako sa dati kong pwesto at padabog na umupo.   "Kaasar!"   Naalala ko na naman ang agreement namin. Kapag daw na perfect ko ang test ko sa pagiging agent kahit tamad si Cloak magturo, ituturo niya daw ang lahat ng alam niya sakin ng maayos at kahit kailan pwede ko siyang istorbuhin.. The things is, If I fail the test,  I'll be his freaking apprentice in bed. Hindi ko din alam kung bakit iyon ang inalok niya sakin at hindi ko din alam kung anong klase ng multo ang sumapi sakin at pumayag sa kalokohan niya.   Ayokong ibigay sa kaniya ang hindi ko nga binigay kay Harvey non. Ano siya sinuswerte?   Napatingin ako sa likod ko ng biglang sumulpot si cloak. "At anong ginagawa mo dito? Doon ka nga at mahahaluan ng hazardous air ang hanging nilalanghap ko."   He look at me innocently pagkatapos ay umupo siya sa kabilang lamesa na nandito din sa veranda. Mamaya may sumulpot na waiter at may binaba na pagkain sa harap niya. Inirapan ko lang siya.   Napabuntong-hininga ako. Harvey, dear. Kung hindi mo ako iniwan hindi ko makikilala tong lalaking to na nagpapasakit araw-araw ng ulo ko. At hindi ko din pagaaksayahan ng laway tong pipe na to.   Tinignan ko si cloak na ngayon ay kumakain. "Hoy! bakit Jolibee yan? Hindi kaya magagalit si Craige sayo niyan?"   "No."   "Weh di nga?"   "Kumain ka na?"   Woah. that's new. "Oo."   Tumingin na lang ulit ako sa bulkan. Sa gilid ng mata ko nakita ko siya na tumawag ng waiter at kinausap. Maya-maya nagulat ako ng bigla siyang tumayo at umupo sa harap ko.   "Hey! Taken na yang upuan na yan—"   "Wala namang naka-upo."   "Naka-upo diyan ang imaginary friend ko."   "Wala. Pinalis ko na."   Nakataas ang kilay na tinignan ko siya. Napalingon ako sa likod ko ng dumating ang waiter na may dalang fried rice na may tocino at orange juice. Mukhang masarap. Mamaya nga kakain ako niyan—   "Eat" sabi ni Cloak.   "Sa akin to?"   "..........."   "Tamad. Kasing liit talaga niyang dila mo ang—"   "If you're gonna talk about my buddy again sabihin mo lang. Ipapakita ko na lang sayo—Aw!" tinusok ko siya ng tinidor sa kamay. Pagkatapos ay sinimulan ko ng kainin ang ibiniga niya—wait.   "YUCK!" sigaw ko.   "........"   "Ew! ew! Palitan mo tong tinidor ko! Mamaya hinawak mo pa ‘to don sa babaeng yon. Yuck!" reklamo ko. Walang reaction na kinuha niya sa akin ang tinidor at ipinalit sa tinidor niya na hindi niya pa nagagamit. Kinuha ko yon at nakasimangot na nagpatuloy sa pagkain.   "May training tayo mamaya?"   ".........."   "Is that a yes?"   "............"   "CLOAK JASE SCOTT-"   "Ugh! Damn it. You're too loud, woman. Yes we have a training later, and yes it will be at four o’ clock again and yes it will end in seven in the evening. And no you can't be late. And yes bring some food and drinks. Any more question?" mahaba niyang sabi.   Naka nguso na umiling ako. Napansin ko na bahagya siyang natigilan bago niya pinagpatuloy ang pagkain. Tinitigan ko siya habang kinakain niya ang chicken joy ng Jolibee. Nang maubos niya iyon kinain niya iyong gravy na natira hanggang maubos.   "Para kang si Harvey kumain." Napatigil siya. Maski ako ay nagulat sa sinabi ko.   "Dont' ever compare me with anyone." Balewala niyang sabi.   "Naisip ko lang naman."   "Do you..."   "What?"   "Do you miss him?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya bago ako nag-iwas ng tingin.   "Yes” sagot ko.   "Do you still love him?"   "Yes."   Tumahimik na siya. Ang labo talagang kausap. Biglang magbubukas ng topic tapos bigla ding isasara. Hindi kaya naibagsak si Cloak noong baby siya kaya ganiyan yan?   "Uuy! May nag de-date." nilingon namin iyong nag salita. Si Paige kasama ang asawa niya na si Aries.   Hindi nila kasama ang twins nila kaya baka nasa parents niya ang mga iyon. Napansin ko na bahagyang ngumiti si Cloak ng makita si paige. See that? Hindi lang ako ang hindi maka move on dito. Pati tong pipe na to.   "Date ka diyan." sabi ko.   "Hindi ba?"   "Never. Hindi ako papatol diyan."   "Asus. Ano ba naman ang hindi mo magugustuhan kay Cloak? Tingnan mo ang face, ang mysteriousness ma-ala Edward Cullen at Damon Salavatore."   "Hindi pipe si Edward at Damon." sambit ko. Binigyan ako ng matalim na tingin ni Cloak. Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.   "Hindi din ako pumapatol sa loudspeaker."   "You—"   "And I don't want to have a relationship sa isang mother hen." Napasinghap siya ng sinipa ko siya sa ilalim ng table. Mother hen? Loudspeaker?   "Wait lang ah. Aalis muna kami. Mukhang nakakaistorbo na kami sa pag-iibigan niyo." sabi ni Paige. Bago pa ako makatutol sa sinabi niya ay umalis na sila ni Aries.   Ang sarap talagang lunurin ng Cloak na ‘to! O kaya ihulog ko na lang siya sa bangin? Good idea right?   "What the— anong ginagawa mo!?" sabi ni Cloak. Tumayo at tinalunan ko kasi siya. Pagkatapos ay sinabunutan ko. Hinila ko siya patayo at balak ko na talaga siyang ihulog sa unang bangin na makikita ko.   "Stop it or I'll kiss you."   "Subukan mo at puputulin ko yang dila mo."   "Oh, come on. This tongue have better use than talking."   Nanlaki ang mga mata ko. "Manyak ka talaga!" inis na sabi ko.   "Just saying the truth."   "Manyak ka lang talaga kamo. Maraming magdidiwang na babae kapag ginupit ko yang dila mo na kasing laki ng junior mo. Or rather. Pareho ko na lang silang puputulin."   "You know. I really hate it when you're talking about my buddy." nanlaki ang mga mata ko ng kinalas niya ang belt niya. Hala! Anong gagawin niya?   "C-Cloak."   "My punishment sa ginawa mong pang-iinsulto sa buddy ko."   "E-eh? A-ano?" Napatili ako at tinakpan ko yung mga mata ko ng tinanggal niya ang belt niya.   Bigla akong napasinghap ng naramdaman kong tumama sa butt ko ang belt. "Aray!" sigaw ko. Pinagsisipa ko siya. Akala ko pa naman. Grrr!   Pinaulanan ko siya ng suntok na iniwasan lang naman niya. Pati mga sipa ko hindi siya tinatamaan. Kung gaano kabilis ang mga atake ko ganon din ang pag-iwas niya. Palabas na kami ng 'Craige' at nakatingin na samin ang mga tao habang nagsusuntukan kami or tamang sabihin ako lang ang sumusuntok. Mukhang nag e-enjoy pa nga si Cloak na pagurin ako at dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko nadulas ako.   May mga kamay na sumalo sakin pero mali yung nahawakan niya. Tinginan ko ang salarin.   "You. Didn't. Just .T-Touch. My." halos i-syllables ko lahat ng sinasabi ko para ma-emphasize. Si Cloak na siyang sumalo sakin ay nakataas ang kamay na mukhang guilty.   "Hindi ko sinasadya. Sinalo lang naman kita—"   "I hate you!" sigaw ko.   "Wala din naman akong naramdaman—" bago niya ipagpatuloy ang sasabihin niya ay bumagsak siya sa sahig.   Nahawakan niya kasi iyong dibdib ko! Damn it! And what did he just say? Wala daw siyang naramdaman?   "I REALLY HATE YOU CLOAK!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD