JAVI “Kuya Javi!!” sigaw ng mga bata nang makita ako. Maaga pa ang mga ito nagising at naabutan ko ang mga ito kumakain ng almusal sa garden. “Hey. Ang saya ninyo ah,” malapad ang ngiti na sabi ko at nilaitan sila. “Kuya Javi, na miss ka namin,” nakangusong saad naman ni Ketty. “Oh, I'm sorry. But I'm here already. Sige na, kumain kayo ng marami at may sorpresa ako sa inyo.” “Yeheeyyy!” masaya naman ang mga ito nang marinig ang sinabi kong sorpresa. Sumenyas naman ako sa isang katulong na dalhan ako ng kape. Si Tres, tulog pa ito at sobrang lasing ito kagabi. Pumunta muna ako sa likod kung saan nandoon ang napakalaking swimming pool. Napatigil naman ako dahil sa babaeng nakaupo at nakatulala. Si Gabrielle. “Gab?” mahinang tawag ko sa dalagita. Lumingon naman ito at napansin ko kaaga

