MARIA DIANE COLE
“D?”
NAPALINGON naman ako kay Bea. Iisang department lang kami. Bihira lang din kami magkasama at sobrang busy na rin niya. Ganito siguro kapag may pamilya na.
“Nasa probinsya pala sina Javi at Tres. And there's something there na may si Javi. By the way, nasa hacienda sila ni Bry.”
“Really? I don't have a time para magstalk sa tarantado na iyon,” sagot ko naman habang inaayos ang aking mga gamit.
“Come on, D. Ito na ang pagkakataon mo. Total may six months vacation leave ka. Gamitin mo na at manmanan ang lalaking iyon. Malay mo nandoon pala ang evidence na gusto mo makuha.”
“Kahit makuha ko man ang ebidensya na iyon, useless pa rin. Lalo si Ziena ang private attorney niya. Ayoko na rin na magulo pa ang buhay ko.”
Nakangisi naman sa akin si Bea at sabay abot ng maliit na papel.
“Here's the address. Tumatanda na tayo, D. Syempre gusto din namin na mag-asawa ka na rin and mas bagay kayo ni Salvacion. Ang I know it…na gusto mo rin siya,” sabi naman ni Bea na kumindat pa ito at tumalikod na ito.
Napabuga naman ako ng hangin. Nahalata na yata ng mga kaibigan kong babae ang kinikilos ko. I admit it. I like him so much. Pero walang kasiguraduhan si Javier. Marami akong naririnig na naging ka-link niya. Mapabata man, naging karelasyon ng gagong iyon. And mostly, halos mga modelo at business woman ang naging babae nito.
Huminga naman ako ng malalim at tiningnan ang address. Medyo may kalayuan pero kaya ko naman magdrive. I'm a little worried kasi nga nabaril ko ito. Sino ba naman hindi maiinis kung bulaklak ng patay ang ibinigay.
“Kumusta na kaya ang abnoy na iyon?” biglang sabi ko na lang at napailing.
“Hey, D. Bukas start na ba vacation leave mo?” tanong naman ni Jenny at pauwi na rin.
“Yeah. Kailangan ko muna ng pahinga.”
“Pahinga ba talaga? Baka mabalitaan namin, doctor na naman ang trabaho mo,” aniya at napatawa pa ito. Kahit ako mahina naman napatawa. I'm also a surgeon, the same with my sister, Mary.
“Nah. See you around,” nakangising kinindatan ko naman ito at umalis na. Dumiretso na ako sa aking condo at kumuha ng aking mga gamit. Nagdala na rin ako ng makakain at medyo malayo-layo ang biyahe.
Damn. Three hours ako nagmamaneho at may isang kilometro pa bago makarating. Nag-eenjoy naman ako at napakaganda ng mga lugar na dinaanan ko. Pagkatapos ng halos limang oras, nakarating na rin ako. Alas otso ng gabi ako nakarating sa hacienda ni Bry. Sobrang unique ng mansion at napakaganda. May mga lalaki na nakabantay sa malaking gate. Bumaba naman ako at nilapitan ang mga ito.
“Hi. Nandyan ba si Bry?” nakangiting tanong ko sa mga ito.
Nakakunot naman ang noo nila. “Walang Bry dito,” maangas na sagot naman ng isang napakatangkad na lalaki. Halata naman na mga retired soldier or mga police ito. Highly trained.
“Oh. Sorry. Ahmm..Zedock Coloner. Nandyan ba siya? Pakisabi naman na nandito ang kaibigan niyang si D.”
Agad naman umalis ang isa. Ilang minuto lang ang hinintay ko at bumungad naman sa akin ang puro pasa na mukha ni Bry.
“Hey, D. Himala na nakarating ka dito. Si Salvacion ba ang hinahanap mo?”
“I'm hungry. Puwede ba papasukin mo muna ako.”
Tumawa naman ito. Inakbayan naman ako ng gago. Kinuha niya ang susi ng sasakyan ko at binigay sa kanyang tauhan.
“Duda talaga ako sa pagsulpot mo dito,” aniya at dinala na niya ako sa kusina.
“Napakaganda ng hacienda mo. And ano pala nangyari dyan sa mukha mo!”
Hinawakan naman ni Bry ang kanyang mukha. “Binugbog ako ni Salvacion. Hindi naman masakit and okay na rin.”
Nilapitan ko naman ito at hinaplos ang makinis niyang mukha. “Sariwa pa ang mga pasa at ang mga sugat. May dahilan naman yata kung bakit ganyan ang ginawa sa’yo.”
Umiling naman ito. “Away magkaibigan lang. Just seat down and I'll prepare your food.”
“Thanks. Can I stay here for a while?” Tanong ko naman rito.
“Of course. Bakit naman hindi.”
Habang abala naman si Bry sa paghahanda ng pagkain, ako naman nakasunod lang mga mata ko sa bawat galaw ng binata. Hindi ko rin napansin na may dalawang lalaki na nakatayo sa pinto. Nakatingin ang mga ito sa akin. It's Javi and Tres.
“Anong masamang hangin na nakarating ka dito, Maria?” aniya naman ni Tres. Lumapit ang dalawa at umupo sa katapat ko.
“Masamang hangin na may kasamang bagyo, kaya nandito ako mismo sa harap niyo,” sagot ko naman at inirapan ang mga ito.
“I missed you, D,” biglang sabi naman ni Javier. Napanganga na lang ako. Nakatulala kasi ito sa akin.
Tumikhim naman si Tres. “Bro, effective pala ang pag-inom mo ng kape. Ang lakas ng heartbeat mo eh,” aniya ni Tres at sinandal pa ang ulo sa dibdib ni Salvacion.
“Kumain ka na, D,” sabay lapag naman ni Bry ng pagkain.
“Thanks, Bry,” wala naman akong pakialam sa paligid ko at nilantakan na nga ang niluto ni Bry.
“D? Pumunta ka ba dito para suyuin ako?” tanong ni Javier na napatigil pa sa ere ang kutsara ko.
“Kapal mo, Javier!” Inis naman na sagot ko rito.
Nakangisi naman ito. Kahit sina Tres at Bry hindi naman maitago ang kanilang pagngisi.
“So, why are you here? Alam ko ang lifestyle mo. Nagkataon na nandito ako, at pumunta ka rin dito. O baka naman, nagmamanman ka na naman.”
“Kakainom mo ‘yan ng kape, Salvacion. Kaya huwag kang assuming. I need a vacation and this is a perfect place for me.”
“Okay. Atleast magkasama tayo and walang extra room na dito and you don't have a choice. Matutulog na katabi ako o katabi ang dalawang tarantado na iyan,” aniya at tumayo na ito.
“What? Sobrang laki ng bahay na ito walang guest room?! Or extra room man lang!”
“Occupied na lahat. Sa basement puwede, pero you can't sleep there,” Saad naman ni Bry.
Bakit parang nakaplanado na ang lahat? Alam ba nila na darating ako?
“Babalik na lang ako sa Manila-.”
“You can't. It's already late. And delikado na sa daan. If you don't know, kung sa Manila may mga criminal, dito sa probinsya may mga aswang at engkanto,” hirit naman ni Javier. “Kumatok ka lang sa room ko kapag nagdecide ka doon matulog ng komportable,” aniya at umalis na ito.
“Trap ba ito?” nakakunot ang noo na tanong kay Bry at Tres.
“Oh course not,” sabay na sagot ng dalawa.
“Malilintikan talaga kayong tatlo sa akin!”
“