MARIA DIANE COLE “LEAVE them alone!” nanginginig ang boses na turan ko sa matandang lalaki nasa kabilang linya. Humalakhak naman ito. “Oh, my daughter. I imagined your face now. Relax, okay. Walang masasaktan sa kanila kung susunod ka lang sa gusto ko.” Huminga naman ako ng malalim. “Okay. Paalisin mo na ang mga alipores mo! Ako mismo ang pupunta d’yan sa lungga mo,” hindi ko na ito hinintay sumagot at binalik ko ang telepono sa armadong lalaki. At sumenyas naman ito sa mga kasamahan niya. “Inaasahan ni bossing ang pangako mo,’ aniya sa akin at umalis na ang mga ito. Tumingin naman ako sa mga bata. Nakikita ko sa mga mata nila ang matinding takot. Nagsalubong naman ang tingin namin ni Javier. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. “I-I’m so s-sorry,” tanging sambit ko lamang at nil

