MARIA DIANE COLE “WHAT? WHY?!” gulat at naguguluhan na tanong ni hepe sa akin. Hawak-hawak nito ang puting envelope na kung nakalagay ang resignation letter ko. Huminga naman ako ng malalim. “Napagdesisyonan ko na lumipat sa ibang bansa, chief. At kayo na po bahala magsabi kay General.” “Sergeant Cole, isa ka sa napakagaling na pulis sa departamento na ito. Sayang rin dahil balak na taasan ang ranggo mo.” Pilit naman ako ngumiti. “Chief, mas mahalaga pa rin sa akin ang nais at gusto kong gawin sa buhay ko. Simula kasi na pumasok ako sa pagpupulis, nakalimutan ko na ang personal life ko.” Malungkot naman na tumango si Hepe. “Good luck, Sergeant.” Ngumiti naman ako at sumaludo rito. “Thank you, sir!” Paglabas ko sa opisina, malungkot naman nakatingin ang mga kasamahan kong pulis. “S

