JAVI
”DAMN! Dahan-dahan lang!” saad ko kay Z, habang tinatanggal Ang bala sa aking balikat.
“Sino ba ang bumaril sa’yo?!” aniya sabay batok sa akin.
“Si Jayvee. May araw din yan sa akin.”
“Oh. Iyong kakambal mo pala ang tumira sa’yo. Ano ba ang ginawa mo?”
“Wala! Damn!” panay naman ang pagmumura ko.
“Tapos na. Pumunta ka na lang kay Gold para ipalinis ulit. Kumuha ka rin ng mga gamot para dyan sa sugat mo.”
“Thanks, Z. Alis na ako.”
“Take care. Ayusin mo nga ang sarili mo! Nakabukas ang zipper ng iyong pantalon! Putang-ina mo talaga, Javier! May tama ka na nga ng bala, tumatayo pa iyong mandirigma mo!”
“Ohhhh! Sorry,” nakangising tumalikod na lang ako. Paglabas ko naman sa bahay ni Z, tamang-tama na may dumating na sasakyan. Bumaba naman ang mga sakay nito.
“Kepyas disgracias, Javier,” nakangising bati naman ni Jenny sa akin.
Fuck! Brutal talaga ang bibig ng babaeng ito. Napatitig naman ako sa isang babae na kasama niya. Si D.
“Iyan napapala na mahilig sa talaga,” mahinang sabi naman ni D.
Tumikhim naman ako. “Hindi ako kumakain ng talaba, D. Pero kapag iyong talaba mo-.” napaatras naman ako bigla dahil tinutukan agad ako ni D ng baril.
“Virgin pa ang talaba ko, Javier. Sayang lang kung ikaw ang unang makakain nito,” aniya na ikinataas ng dalawang kilay ko.
Nakangisi naman si Jenny sa akin at tinapik ang balikat ko kung saan may tama ito ng bala. Napangibit na lang ako sa sobrang sakit.
“Well, good luck, Salvacion. Bon voyage,” nakangising sabi ni Jenny at umalis na ang mga ito.
Napabuga naman ako ng hangin. Bakit lagi kaming tiklop sa mga babaeng ito!
******************
“Sir, may mga pulis sa labas,” aniya ng aking sekretarya.
“Pulis? Bakit daw?” tanong ko naman. Kararating ko lang din sa office.
“May warrant of arrest daw para sa’yo.”
“Okay. Papasukin mo.” agad naman tumalima paalis ang sekretarya ko.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Ziena.
“Sampong milyon dahil nakakaistorbo ka ngayon!” bungad agad na sabi ni Ziena sa akin.
“I need you. May warrant arrest ako.”
“Buwan-buwan na lang may kaso ka, Javier!”
Huminga naman ako ng malalim. “Pumunta ka na dito sa office ko.”
“Twenty million, in five minutes, nandyan na ako,” aniya na napaismid naman ako.
“Okay! Bilisan mo!”
“Aba’t, gago ito ah-,” hindi ko na ito pinatapos magsalita at pinatayan ko na ito ng tawag.
Komportable naman ako nakaupo habang hinihintay pumasok ang mga pulis. Maya-maya lang pumasok ang mga ito kasama ang sekretarya ko. Sinenyasan ko naman ang aking sekretarya na iwan na kami.
“So, what can I do for you, officers?” pormal na tanong ko sa mga ito.
“Congressman Chan filed a case against you. You raped his eighteen years old daughter.”
“What? I don't know what are you talking about,” natatawang sagot ko naman.
Lumapit naman ang isang pulis para sa pusasan ako pero napatigil ito dahil sa boses ni Ziena.
“I will file a case against you, officers. Bago niyo hulihin ang lalaking ito, can I see first the warrant?” nakangising sabi ni Ziena.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang tuso ang abogadang ito.
“By the way, I'm Attorney Ziena Cortez. This warrant is not valid.Sino ang gumawa ng warrant na ito?”
“Attorney Cortez, galing yan sa district-,” aniya ng pulis na agad naman pinutol ni Ziena ang sasabihin pa nito.
“I don't care. Sabihin mo kay Congressman Chan, may pinasa ako sa email niya. Scandal niya at kan'yang kabit.”
Nakanganga naman ang mga pulis. Kahit ako napatigil at nakatingin sa abogada.
Tumikhim naman ako. “Pakisabi kay Congressman Chan, I'll talk to him.”
“Umalis na kayo,” maawtoridad na turan ni Ziena.
Wala naman nagawa ang mga kapulisan at umalis na ang mga ito.
“Akin na twenty million ko,” sabay lahad naman ng kamay ng abogadang ito sa akin.
“Twenty million?! Okay na ba? Gusto ko muna siguraduhin mo na hindi ako guguluhin ng matandang kongresista na iyon.”
“Hindi nga! Wala ka yata bilib sa akin. Kapag nalaman ni Congressman Chan na ako may hawak sa kaso mo, siya magdi-dismiss ng kaso laban sa'yo.”
“Ipasok ko na lang sa account mo ang pera,” sabi ko na lang rito. Mahirap kasi makipagtalo kay Ziena at Hindi ka rin mananalo.
“Maraming babae sa mundo, Javier. Bakit naman sa mga bata ka pa nakipag-jamming!”
“Malay ko ba naman na bata pa iyon. Sabi kasi niya twenty-five na siya. Siya ang pumunta sa condo ko!”
“Next time, sabihin mo sa mga babaeng gusto makipag-s*x sa'yo, magdala sila ng birth certificate!”
“Oo na! Umalis ka na!”
Napahilamos naman ako sa aking mukha.
“Puwede kaya resume na lang instead of birth certificate,” biglang sambit ko na lang.
“Abay ayos iyan! Napakagaling mo talaga, Salvacion!” Sabay palakpak naman ni Ziena sa akin at tumalikod ito.
Nagkibitbalikat na lang ako habang sinusundan ng tingin palabas ang abogada.