JAVIER
“MARAMING salamat, Javier. Hindi mo talaga pinapabayaan ang orphanage na ito. Napakalaking pera na ang binigay mo sa amin, lalo't sa mga batang naulila,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Sister Marie.
Ngumiti naman ako. “Dito ako nanggaling, sister. Dito halos ako lumaki. Binalikan ko lang ang mga taong nag-alaga at nagmahal sa akin. Hangga’t may mga batang naulila at walang matitirhan, dito lang ako para tulungan sila.”
Napaiyak lalo si Sister Marie. “Napakabuti mo, anak. Pagpalain ka lalo ng nasa taas. Araw-araw ko ipinagdadasal ang kaligtasan mo. Mahal na mahal ka namin.”
Huminga naman ako ng malalim. Naalala ko ang mga batang kasamahan ko noon. Nasaan na kaya sila? Gusto ko man itanong kay sister, pero ayoko rin na nagmumukhang tsismoso ako.
“Sister Marie, alis na po ako. Pakisabi na lang kay Father Roy na dumaan lang ako rito. Maybe next time, mag-bonding din kami.”
“Salamat ulit, anak. Mag-ingat ka palagi. Huwag kalimutan magdasal.”
Tumikhim muna ako. “Ahmm..saulado ko pa rin po ang dasal,” napangibit naman ako.
Bago ako umalis, pinuntahan ko muna ang mga bata at nagpaalam. Napakagaan ng loob ko sa mga bata. Gusto ko masubaybayan ang paglaki nila. Halos buwan-buwan, pumupunta ako dito sa orphanage.
“Sorry, medyo natagalan ako,” saad ko naman kay Ziena na naghihintay sa sasakyan.
Pupunta kasi kami sa office ni Congressman Chan.
“It's okay. So, kamusta naman ang mga bata?” tanong ng abogada at ito na ang nagmamaneho.
Napangiti naman ako. “They are happy, as always.”
“Hmmmm…good. So, binilin ba ni sister na magdasal ka?” aniya na sumipol pa ito.
Napailing na lang ako. “Marunong ako magdasal kahit ganito ako Kasama, Cortez.”
Humalakhak naman ito. Minsan napipikon na lang ako rito.
“Then magdasal ka na!” malakas na sabi ni Ziena at binilisan ang takbo ng sasakyan.
“What the hell, Ziena!”
“Gago! May sumusunod sa atin!” Sigaw ng abogada at nakipag-gitgitan sa ibang sasakyan.
“s**t! Kumanan ka!” Sigaw ko naman. Kung maaari, wala dapat madamay na ibang sibilyan. Lumiko naman si Ziena at pumasok ang aming sasakyan sa kabilang daanan na malayo sa highway.
“f**k! I'm sure, kalaban mo ‘yan, Salvacion!” Turan ni Ziena.
Napabuga naman ako ng hangin. “Si Congressman. Or maybe, sa association.”
“Imposible kung si Congressman Chan ang tinutukoy mo. Alam niyang ako ang may hawak sa kaso mo. May ginawa ka ba?” Tanong ni Ziena.
“Umalis na ako sa CAPPO. I retired.
“Ohhhh..man! So kailangan mo talaga magdasal, motherfucker!” nakangising sabi ni Ziena.
“I'm not afraid of them. Gusto nila ako patayin, para hindi ko makuha sa association ang half investment ko sa kanila. Bilyones ang nilagay ko sa CAPPO ORGANIZATION.”
“They have rules, right? Kailangan 50 and above ang retirement as an assassin member. Wala ka pa singkwenta, nagretired ka na! Talagang dead on the spot ka! Kaya ayaw ko sa CAPPO ORGANIZATION na ‘yan eh!”
“Iba ako Ziena. Tauhan at business partner ang rule ko sa CAPPO. I invest my money in that f*****g organization, but still I'm also an assassin accepting a mission!”
“That's a problem, dickhead fucker! Hindi ka nila titigilan, hangga't hindi ka mamamatay! Aangkinin nila ang pera na in-invest mo. And worst, hahanapan ka nila ng kahinaan.”
“Kailangan ko maunahan ko ang mga gagong iyon,” diin na saad ko naman.
“Sa tatay mo. Humingi ka ng tulong, may connection pa naman siya sa mga organisasyon.”
Tiningnan ko naman si Ziena. “No. Matanda na si daddy. Ayoko na masangkot pa siya sa gulo na ginawa ko. And I can handle this.
“Okay. Kausapin mo na rin si Z, if you need our help. Ako na muna bahala kay Congressman. And kailangan mo i-secure ang safety sa orphanage. Alam nila doon ka lumaki. Puwede nila gamitin laban sa’yo bilang kahinaan mo. If you want, i-transfer muna sila sa safest place.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni Ziena. Hinatid muna ako ni Ziena sa bahay ko at umalis din agad ito. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kinontak ang kanang kamay ng leader sa CAPPO.
“SPEAK,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“It’s me, Silver,” paos ang boses na sagot ko naman. Saglit tumahimik ang kabilang linya.
“Silver, how are you? Glad you contact us.”
Mahina naman ako napatawa. “Yeah. I just want to remind all of you. See you in hell, motherfucker!” agad ko naman pinatay ang tawag.
Napasandal naman ako sa upuan at napapikit.
Damn! Kapag malaman ito ni dad, sermon na naman ang abot ko. Hindi naman ako natatakot sa mga putang-inang iyon. Mas takot pa nga ako kay daddy. Sobrang lalim naman ang iniisip ko nang may narinig akong kalampag sa baba. Agad ko naman kinuha ang aking baril at dahan-dahan lumabas. Alerto ang bawat kilos ko. Nakapasok na yata ang mga kalaban sa loob ng bahay. Pero wala ako nakitang kahina-hinala. May narinig akong maingay sa bandang kusina. Walang kaingay-ingay na naglalakad ako papunta sa kusina.
“Nagutom ako, kaya nakialam na ako sa kusina mo,” ngumunguyang sabi ni D.
“Paano ka nakapasok? At ano ang kailangan mo?” nairitang tanong ko sa dalagang pulis.
“Madali lang naman pasukin ang bahay mo, tarantado! At saka i-raid ko lang ang bahay mo.”
“Talaga ba, D? Raid ba talaga ang pakay mo?” nakangising saad ko rito.
Tumigil pa ito sa pagsubo ng tinapay. “Kapal mo naman, Javier. Gusto ko lang kumuha ng evidence laban sa'yo! At saka wala akong gusto sa'yo! Hindi kita type!”
Pasimple naman ako napatawa. She's so f*****g beautiful.
“I-raid mo na ang bahay ko. If wala ka makita, Ikaw ang kakasuhan ko,” turan ko sa sa dalaga.
“Malamang wala na akong makita dito sa bahay mo. Kapag malaman ko lang ang mga sekreto mo, humanda ka, Salvacion!”
Humalakhak naman ako. “Be my girlfriend. Malalaman mo ang lahat tungkol sa akin, D.”
“Malalaman ko naman kahit hindi kita boyfriend,”turan niya
“Okay, feel at home,’’ nakangising sabi ko naman sa dalaga.