THE PLAYER 4

1178 Words
JAVIER “WHAT happened?” nagtatakang tanong sa akin ni Bry. “Just help me. Kailangan muna natin ilipat ang mga bata sa ligtas na lugar.” “Oh. Okay. So, how about the others? Sila father and sisters?” Napabuntonghininga naman ako. Ayaw sumama nila sisters. Si Father naman, ganoon din. “Ayaw nila. Ayaw nila iwanan ang orphanage na ito. Pero pumayag sila na ilipat ko sa ligtas na lugar ang mga bata.” “Okay, bro. Doon muna sila sa hacienda ko. Hundred percent, they're safe. And mas okay ang surroundings doon. Fresh and nice ambiance.” “Okay, thanks bro. Hiniram ko na muna ang bus ni Dos. Iyon ang sasakyan ng mga bata.” Laking pasasalamat ka na may mga kaibigan ako at laging handa para tumulong. Dumating agad ang bus at si Dos mismo ang nagmamaneho. “Gabayan kayo ng ating mahal na panginoon. Mag-ingat kayo. At pakiusap, huwag niyo pabayaan ang mga bata,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Father. Kahit sila sisters ay nag-iyakan na rin. “I'm so sorry, Father, Sisters. Dahil sa akin, nilagay ko sa kapahamakan ang mga bata at pati na rin kayo. Pinapangako ko, iingatan ko sila. At syempre, aalagaan.” Bago kami umalis, nag-iyakan muna ang mga bata. Kahit ako, nakaramdam na rin ng lungkot. “Okay kids, just enjoy your vacation, okay? And behave to Kuya Javie,” aniya ni Father bago nagsi-akyatan ang mga ito sa bus. “Kailangan mo pala mag-hire ng maraming nanny, Salvacion,” nakangising turan ni Dos. “Yeah, already. Daan muna tayo sa grocery store, bro. Bili muna tayo ng makakain,” aniya ko naman kay Dos. “Kuya Javie, puwede po ba daan tayo sa simbahan? Kahit saglit lang po,” Saad naman ng batang si Ketty. May kapansanan ito. Hindi na makakita ang isang mata nito. “Sure, no problem,” nakangiting to sagot ko naman. Sobrang madasalin ang mga batang ito. “Marunong ka magsimba, bro?” tanong naman ni Bry sa akin. “f**k you, Coloner! Anong akala mo sa akin!” Humalakhak naman ang gago. Puro kalokohan talaga ito. Pero kahit ganito ugali ng mga kaibigan ko, maaasahan mo talaga sila sa oras ng kagipitan. “Okay na ba yan?” tanong ni Dos habang inakyat na namin sa bus ang aming mga pinamili. “Yeah. Bukas may magdedeliver ng stock na mga pagkain bukas.” “Okay, let's go!” aniya naman ni Bry at ito na ang nagmamaneho. Habang nasa biyahe, binigyan ko tig-iisa ang mga bata ng pagkain. Dumaan na rin kami sa simbahan. “Careful, kids. Huwag kayo maghihiwalay,” malambing naman na turan ni Dos. Napangiti na lang ako rito. Simula na nag-asawa ito, malaki ang pinagbago ng tarantadong ito. Tamang-tama din ang pasok namin sa simbahan at araw ito ng pagsisimba. Halos lahat ng mga tao sa loob sa amin tatlo nakatingin. Napatikhim na lang ako. Nagmumukhang higante kasi kami. Damn! Sobrang tangkad namin at mukhang dayuhan lang kami sa Pilipinas. “The name of father, to the son, to the holy spirit, Amen!” umalingawngaw naman ang boses ng pari. “Mothetfucker, mali ang sign of the cross mo!” diin na sabi ni Dos kay Bry. “Damn, Dos! We're here in the church! Puta, nagmumura ka, bro!” turan ko naman. Mahina naman napatawa si Bry. Napatigil kaming tatlo dahil nga nasa amin na ang atensyon. “S-Sorry. Ahmmm…it's our first time here,” sabi naman ni Bry. Shit! Pakiramdam ko nag-iinit ang buong mukha ko. “Ahhh…excuse me, may I go out?” nakangibit na tanong ni Dos. Nanlaki naman ang mga mata ko. “M-Me too,”biglang sabi ko naman. Nakayuko kaming tatlo na lumabas. “So embarrassing,” turan ko naman. “Yeah. s**t. He will get mad and punish us. I'm not yet ready,” sabi naman ni Bry. “Who?!” Sabay na tanong namin ni Dos. Nakangising itinuro naman ni Bry ang nasa kalawakan. Akmang susuntukin namin ito ni Dos, bigla naman dumating ang mga bata. “Kuya Javie, tapos na po kami magsimba. Nakapagsimba rin po ba kayong tatlo?” tanong ni Ketty. “Huh. Yeah. Yeah. Tapos na kami. I mean nauna na kami nagdasal at lumabas na kami. Okay, kids. Umakyat na kayo sa bus at aalis na tayo.” Habang nasa biyahe, panay naman ang kantahan ng mga bata. Napangiti na lang ako at kahit si Dos, alam rin kantahin ang song pambata. Malamang kinakanta ito ng anak niya. Halos limang oras rin kami bumiyahe. Nakatulog na rin ang mga bata. Ginising na lang namin ito nang nakarating na sa hacienda ni Bry. Pagdating namin may mga pagkain na nakahanda. Maayos na rin ang mga room na gagamitin. “Kumain ng marami. Bukas maaga tayo gigising at gagawa tayo ng palaruan niyo dito,” nakangiting sabi ni Bry. “Yeheeyyy!” masayang nagpalakpakan pa ang mga ito. “Ilan sila lahat?” tanong ni Dos sa akin. “Twenty three. Fifteen girls and seven boys.” “I'm so proud of you, bro. Kahit sobrang sama ang tingin ng ibang tao sa’yo, may napakabuting puso ka pa rin. Nandito lang kami to protect this innocent kids,” sabi ni Bry at tinapik naman ang balikat ko. Huminga naman ako ng malalim. Kahit buhay ko, ialay ko pa sa mga batang ito. Kung may kahinaan man ako, ang mga inosenteng batang ito. Simula sanggol pa sila, nasubaybayan ko na sila. Halos doon ko na inilaan ang bakanteng oras ko sa kanila. “So, babalik ka pa sa Manila? Tonight?” tanong ni Dos. “Yeah, sabay na ako sa'yo. Si Bry muna ang bahala dito.” “You need to pay me, bastard,” nakangising sabi naman ni Bry. Nginisihan ko naman ito. “You don't need that f*****g money, motherfucker. Kumikita ka ng bilyones monthly.” Tumawa naman ito. He's a f*****g trillionaire! A mysterious businessman in the world. Bago kami umalis ni Dos, nagpaalam muna ako sa mga bata. “Babalikan mo po kami, di ba?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ketty. Hinaplos ko naman ang mukha niya. “You're so pretty, baby. I'll make sure na makakahanap na ako ng eye donor mo. Babalikan ko kayo dito, okay? I love you. All of you. Behave muna kayo kay Kuya Bry.” Nagsitango naman ang mga ito. “Bro, may ipapadala akong mga tauhan ko. Gusto ko pa rin masigurado ang safety ng mga bata,” Saad ko naman kay Bry. “Sure, bro. No problem. May mga tauhan din naman ako dito.” “Thanks. I owe you!” Nag-uumpisa pa lang. Baka on the next day, sabay-sabay na ang huma-hunting sa akin. Hindi sila titigil hanggat buhay ako. “Wait, paano kung nakasalubong nila ang kakambal mo. At mapagkamalan na ikaw iyon,” biglang tanong ni Dos. “s**t! Si Jayvee!” usal ko naman. “Damn. Sa Crimson University nagtuturo si Jayvee, right?” tanong naman ni Bry. Tumango naman ako. “Bukas, pupuntahan ko ang gagong iyon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD