THE PLAYER 5

1180 Words
JAVIE “WHAT ARE YOU DOING HERE?!” nandidilat naman ang mga mata ni Jayvee pagkakita sa akin. “I missed you, bro,” malapad ang ngiting sabi ko rito. “Oh f**k! You're so disgusting, Javier!” Humalakhak naman ako. Tiningnan ko naman ito. Kung sa pormahan, hindi naman kami magkalayo. Magkapareho na rin ang tangkad namin. Magkamukha din kaming dalawa. Nakasuot ng eyeglasses si Jayvee at wala itong tattoo. Hindi katulad ko na kitang-kita ang mga tattoo sa aking katawan. “Come on, bro. Let's have fun sometimes. Nararamdaman ko na lumalayo ka sa akin.” “I'm not belong to your family. Hayaan mo na ako.” “Hey, halos nagmamakaawa si daddy sa'yo. Please give him a chance.” Tiningnan lang niya ako at tumalikod na ito. “Puta! Jayvee! Magwawala ako dito!” Sigaw ko naman at may mga estudyante na nakatingin sa akin. Nakilala ko rin ang isang babaeng estudyante. Kapatid nila Geo at Gold. Si Gabrielle, ang kinababaliwan ng gagong si Bry. Humarap naman ang kakambal ko. “Respect me, Javier! Huwag mo dalhin dito ang pagiging basagulero mo!” Napangisi naman ako. “Let's have a coffee.” “Tanghaling tapat para magkape,” aniya na halos nagsalpukan na ang kilay ko. “Punyeta, Jayvee. Tara, maghalo-halo tayo! Kapag hindi ka sumama sa akin, papaulanan ko ng bala ang university na ito! You knew me, bro. Hindi ako nagbibiro. Kahit magkabanggaan pa kami ng mga Alcantara,” saad ko naman at kinindatan ito. Si Kenjie Crimson Alcantara ang may-ari ng CRIMSON UNIVERSITY. But I don't f*****g care. “Let's go! May araw ka rin sa akin, you son of the b***h!” sagot naman ni Jayvee na ikinangiti ko naman. Sa kotse ko na ito sumakay. Dinala ko ito sa restau-bar na pag-aari ni Geo. “Orange juice lang sa akin. May klase pa ako. And please, sabihin mo na agad kung ano man ang sasabihin mo.” Napailing na lang ako. Napaka-ginto talaga ang oras ng kakambal ko. “Gusto ko lang sabihin sa'yo na….mag-ingat ka. Baka bukas, mabalitaan ka na lang na patay ka na.” “What do you mean? Wala akong kaaway, Javie. Tahimik ang buhay ko. Puwede ba, huwag mo na ako idamay sa mga kalokohan mo!” “Nadamay ka na nga! See, kahit anong anggulo, magkamukha tayo. Hina-hunting na ako ng CAPPO ASSOCIATION. May death note na ako sa organization na iyon. Ayoko syempre na mamatay ka na virgin pa.” “Motherfucker! I'm not a virgin!” Mahina naman ako napatawa. “I'm serious, Jayvee. Baka makita ka nila at mapagkamalan na ako.” Napabuntonghininga naman ito. “I can handle myself,” sagot niya at tumango na lang ako. “Here,” Sabay abot ko rito ng susi ng isa ko pang bahay. “Puwede ka doon tumira. It's an automatic house. What I mean is, there's a lot of weapons that I have set up already. Once na pumasok ang kalaban, they're dead. I want you to stay there. Dahil ako lang ang kailangan nila, at nagkataon na may kakambal ako at dehado ka na.” Kinuha naman niya ang susi. “Okay. Ibalik mo na ako sa University. At huwag ka na magpakita sa akin!” “Magkikita pa rin tayo,” sagot ko naman at nauna nang tumayo. Hindi naman kalayuan ang restau-bar ni Geo sa University kaya naihatid ko naman ng mabilis si Jayvee. Bago ito bumaba sa sasakyan ko, inabot ko rito ang isang mamahaling baril na binili ko pa sa London. “Kailangan mo ito. For your protection,” Saad ko naman. “No. Hindi ako gumagamit ng deadly weapon.” Napairap naman ako. “Come on, bro. You need to kill or be killed.” Wala itong magagawa kundi kinuha ang baril. Wala salita na tumalikod ito. Sinundan ko lang ito ng tingin papasok sa university. Napabuga naman ako ng hangin at pinaharurot na ang kotse ko palayo. Hindi muna ako umuwi sa bahay, sa halip pumunta muna ako sa opisina ni Damon. May pipirmahan pa akong documents, dahil nga magkasosyo pa rin kami sa ibang negosyo. Pagdating ko sa company, bumati naman ang mga empleyado. Halos lahat ng mga empleyado ni Damon kilala na ako. “Pasok na kayo, Sir Salvacion,” saad naman ng sekretarya ni Damon. “Thanks,” kinindatan ko naman ito at napansin ko naman ang pamumula niya. Yeah, women! Parang si D lang ang hindi nagkakaganyan kapag nakita ako. “Hey, bro. What's up!” nakangiti naman si Damon pagkakita sa akin. Nandito rin si Tres. “Asshole!” bati naman ni Tres. I missed them. Sobrang busy rin namin kaya bihira lang kami nagsama-sama. Tinapik ko naman ang balikat ni Tres at sabay suntok ito sa panga. “That's my greetings!” “Really, damn you!” sabay hawak nito sa kanyang mukha. Umupo naman ako sa tabi ni Tres. Inabot agad sa akin ni Damon ang makapal na folder. “Nakaayos na ‘yan, bro. Just sign it,” saad ni Damon. Pumasok naman ang sekretarya ni Damon at may dala-dalang kape. “Pakilagay na lang dyan sa center table, Miss Camille,” aniya ni Damon. Nakasunod naman ang mga mata namin ni Tres sa sekretarya ng kaibigan namin. “Hey, she's my niece! Huwag ang pamangkin ko, mga tarantado!” Napatawa naman kami ni Tres. “Nagbago na ako,” nakangising sabi ko na lang. “Nagbago? O baka nagbago ng target,” sagot ni Tres. Humarap naman ako kay Tres. “So, ikaw? I've heard na, iniwan mo si Luz,” nakangising sabi ko naman. “Oh, come on. Wala kaming relasyon, okay.” “Really, Smith? You guys are engaged already. Tapos wala kayong relasyon? Motherfucker!” Usal ko na lang. “She was assuming-,” agad ko naman ito sinuntok ulit. “Hey, ano ba kayong dalawa!” Bigla naman umawat si Damon. “Nakadalawa ka na, Salvacion!” Sabay punas nito ng kanyang bibig na may dugo. “Gago ako, Tres. Babaero! Inaamin ko iyon! Pero hindi dumating sa point na mang-alok ako ng kasal tapos iiwanan!? Kilala ko ang babaeng iniwan mo. Napakabuti niyang babae! Bro, kung hinayaan mo ako noon na ligawan si Luz, baka masaya na siya sa akin. Pero binigay ko sa'yo, dahil sa'yo siya nagkakagusto!” “Stop it. Dahil sa babae, masisira ang pagkakaibigan niyo! s**t! Matanda na tayo para mag-away ng ganito,” sermon naman ni Damon. “Wala kang alam, Salvacion! At kung sakali man na ligawan mo ngayon si Luz dahil wala na kami, baka ikaw pa lang na kaibigan na papatayin ko!” Nginisihan ko naman ito. “Wow. You're acting like you own her. What's the real score, bro?” Inirapan lang ako nito at umupo na parang walang nangyari. Umupo na rin ako at inakbayan ito. “Kailangan niyong dalawa ng psychiatrist. Pareho may sira ng ulo,” sabi ni Damon at tumawa naman kami ni Tres. Yeah. Kaya lalo pinagtibay ang pagkakaibigan namin dahil walang personalan kahit nagsusuntukan na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD