THE PLAYER 6

1108 Words
JAVIE SILVER WELSON. I'm using this code name under the CAPPO ASSOCIATION. Bata pa lang ako, ang orphanage na ang kinagisnan kong tirahan. At hindi ko rin makalimutan ang dalawang batang lalaki na kasa-kasama ko sa orphanage. Magkapatid ang turingan naming tatlo. Magkakampi sa lahat ng bagay. At higit sa lahat, bago kami naghiwalay, nagsumpaan kami na hanapin namin ang isa’t isa. Gan at Tiago. Nasaan na kaya kayo? Mahigit dalawang dekada na. Palihim naman ako nag-imbestiga, kung sino ang kumupkop da dalawang kaibigan ko, pero wala pa rin ako nakuhang resulta. “Javier, may nangyari ba?” nag-alalang tanong ni sister sa akin. Bumalik ako sa orphanage, gusto ko lang talaga malaman ang nangyari noong kinuha na ako dito ni tatay. “Wala po sister. Nasa maayos na kalagayan ang mga bata. Pumunta lang ako rito dahil may gusto lang ako malaman.” “Ano iyon, iho?” “Nasaan at sino ang kumupkop sa dalawang batang kasa-kasama ko noon, sina Gan at Tiago?” Matagal bago nakasagot si sister. “Nasa mayaman na pamilya sila napapunta. Ang huling nabalitaan ko, pareho silang dinala sa ibang bansa. At wala na akong alam o nabalitaan sa naging buhay nila. Umaasa ako na sana balang araw, maalala nila kami, dito sa orphanage. Na minsan na naging tahanan din nila,” malungkot na saad ni sister. Napabuntonghininga naman ako. “Malay niyo sister, bigla lang sumulpot ang dalawang ito. Umaasa rin ako na makita ko sila. Naging bahagi na rin sila sa buhay ko.” “Sana nga, Javier.” “By the way, sister. Aalis na rin po ako. Huwag na kayo mag-alala, iingatan ko ang mga bata.” ******** “Nakidnap ang bunsong kapatid nila Nixus at Drey,” biglang sabi ni Dos. Nagtipon-tipon muna kaming magkakaibigan dito sa rest house na pag-aari ni Tres. Medyo malayo ito siyudad. Tahimik at presko ang kapaligiran. Sa bandang Bulacan pa ito. “Really? So, may kinalaman ba ito sa business?” tanong ni Drake. “No,” mabilis na sagot ni Dos. “Sa babae.” Nakakunot naman ang noo ko. “Damn you, Geller! Diretsuhin mo na kasi!” yamot na sabi naman ni Geo. Patuloy naman ang lagok ko ng beer. Napansin ko naman si Wolf. Kapatid ito ni Drake. Bihira ko lang makita si Wolf sa grupo. Sa US kasi ito nakatira at bihira lang umuuwi dito sa Pilipinas. “Bakit ako na lang lagi nagbibigay ng impormasyon sa inyo! Pambihira naman kayo!” reklamo naman ni Geller. Nagtatawanan naman kaming lahat. “tsismosa naman si Kath eh. Sa kanya na naman siguro nanggaling ang kinukuwento mo ngayon,” nakangising sagot naman ni Gold. Himala na nandito ito at hindi busy. “f**k! Hindi tsismosa ang asawa ko! Nagsasabi lang siya akin sa nalaman niya. Kay Z niya daw nalaman.” Kung Kay Z galing ang kuwento, malamang totoo talaga ito. Parang cctv kasi ang mga mata ni Ziandra. “So, what happened?” tanong naman ni Drake. “She was kidnapped by Evo. Yeah, Evo Kingston.” “Oh, pinsan nina King at Lewis?” aniya ni Gold. Parehong malakas ang impluwensya bawat ng pamilya. The Monteverde and Kingston. “Hindi naman tayo puwede makialam. Gulo nila iyan,” biglang imik ko naman. “Okay, let's drink! Bukas busy na naman tayo. Bihira lang tayo magkita!” Aniya ni Damon. Ito kasi nagluto ng pagkain namin. Kulang pa kaming magkakaibigan. Si Bry, wala siya at ito ang kasa-kasama ng mga bata. Si Kier, bagong anak na naman ang asawa. Kaya hindi makaalis. Hindi rin ako nagtagal at nauna akong umuwi. Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa isa ko pang bahay kung saan nandoon na nakatira si Jayvee. “What are you doing here?” agad na bungad ng kakambal ko sa akin. “Bahay ko ito,” Tamad na sagot ko naman at diretso na pumasok. “Oo bahay mo! Pero ikaw may kasalanan kung bakit napalipat ako rito!” Sa halip na makipagbangayan ako rito, dumiretso na lang ako sa kusina at tumingin-tingin ng makakain. “I'm hungry,” sabi ko na lang. Nakatingin lang sa akin si Jayvee at maya-maya lang kumuha ito ng pagkain sa ref at niluto niya ito. “Nakapagtataka naman ang isang katulad mong bilyonaryo, nagugutuman,” aniya na ikinangisi ko. “Thanks bro,” kinindatan ko naman ito. “After mo kumain, pakihugas ng pinagkainan mo,” aniya sa akin ni Jayvee at nilapag sa harap ko ang mainit-init pang pasta. Agad ko naman ito nilantakan. Halos 2 minuto lang ako kumain at naubos ko rin ito. Hindi na ako nagpaalam sa kakambal ko at umalis na ako. Hindi ko alam bakit ako napapunta sa direksyon ng bahay ni D. Madadaanan ko rin kasi ito. Tamang-tama naman pagtigil ng sasakyan ko, saka naman dumating ang Ducati na sinasakyan ng dalaga. Nakasimangot agad ito pagkakita sa kotse ko. Nakangiti naman ako bumaba. “Hi,” bati ko sa dalaga. “Oh, may kailangan ka?” nakataas naman ang kilay na tanong niya sa akin. “Hmmm..susuko lang ako sa’yo,” sagot ko naman na lalo pa sumama ang timpla ng kanyang mukha. “Susuko ka? Ano namang kalokohan ito, Salvacion?!” “Well, gusto ko lang magpakulong. Sa’yo lang ako magsusurender.” “Tigilan mo ako, Javier! Umuwi ka na!” “D naman. Puwede ba kitang maging jowa?” Nakanganga naman na nakatingin ito sa akin. “Sana hindi kita binigla. Ahm…nabigla ba kita?” “Ahhh! Gago! Ganoon ka ba manligaw?! Umuwi ka na, tarantado ka!” “Nakakasakit na ang pananalita mo, Maria Diane Cole,” Saad ko naman sabay lapit ko rito. “D.” “Damn you! Ayusin mo ang pagmumukha mo, Javier!” Aniya at tumalikod na ito. Agad ko naman ito sinundan. “D. I like you, babe.” Humarap naman ito sa akin. “Babe?” “Ayaw mo ng babe? Love or honey? Sweetheart or darling-.” “Leave!” Sigaw naman ng dalaga sabay tutok ng baril sa akin. “Whoah! Whoah! Baka matamaan ako. Okay, balik ulit ako bukas. Liligawan kita,” saad ko naman at kumaparipas lumabas ng gate. Shit! I don't know how to court. Agad ko naman tinawagan si Geller. “It's already a late night, Salvacion!” bungad na sagot ni Dos na parang galing ito sa napakahimbing na tulog. “Bro, can you help me?” “What is that, motherfucker?!” “Tulungan mo ako. Liligawan ko si D,” seryosong sabi ko naman rito. Pero bigla na lang naputol ang linya. Damn! Pinatayan naman ako ng tawag ni Geller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD