JAVIER SOBRANG palaisipan sa akin ang mga nalalaman ko sa pagkatao nila Mary at Maria Diane. Alam kong hindi nagsisinungaling si Kuya Daryo. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Pagkagaling ko kanina sa bahay ni Kuya Daryo, dumiretso muna ako sa condo ko. Pero hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko makausap si Damon. Nagpalit lang ako ng damit at pinuntahan si Damon sa opisina niya. Pagdating ko sa opisina ni Coloner, nadatnan ko naman ito na kausap si Kier Harrison. “Hey, bro,” bati naman ni Harrison. “Hindi na rin ako magtatagal. Bonding din tayo sometimes.” Tinapik ko naman ito sa braso. “Sure. Pakisabi kay Sheena, single pa rin ako.” Tumawa naman ang gago at pabiro akong sinuntok. Muntik na rin kasi kami i-arrange marriage ni Sheena. Pero matinik din itong si Harrison, bi

