JAVIER “THEY are safe here. Ayusin mo muna ang problema mo at saka mo sila balikan.” “Salamat, dad. Alam ko na ligtas ang mga bata sa inyo.” Wala akong choice kundi iwanan Kay daddy muna ang mga bata. Alam ko na mas ligtas sila sa powder ni daddy kaysa sa akin. Wala pa akong nakuhang impormasyon sa mga armadong lumusob sa bahay ni Bry. “Mag-ingat ka. Hindi basta-basta ang mga taong lumusob sa inyo. At ni hindi niyo pa alam kung sino sa inyo ang pakay nila,” Saad naman ni dad. “Dad, may alam ba kayo tungkol kay D? Maria Diane Cole. Kapatid niya si Mary, asawa ni Damon.” “Anyways, they're not the same surname, right?” tanong ni Daddy. Tumango naman ako. “Yes. Fernando si Mary. At Cole naman si D. Pero magkapatid sila in real life. It's a long story. Both they're adopted daughters.”

