MARIA DIANE COLE “GOOD MORNING, MA'AM,” bati ng may edad na lalaking katulong dito sa mansion. Lahat na katulong ay mga lalaki. Walang kahit ni isa mang babae na kinuha si daddy. “Morning. As usual, Mang Daryo, black coffee lang ako,” nakangiting turan ko sa matanda. Ngumiti ito sa akin at tumango. “Sa garden ko ba dalhin ang kape mo?” “Sige po. Nasaan si daddy?” “Maagang umalis. Nagkape lang din iyon.” Tinapik ko naman ang braso nito. “Salamat po. Pakihatid na lang po sa garden ang kape ko.” Pag-alis ni Mang Daryo, napansin ko naman ang ibang mga tauhan ni daddy nasa akin ang mga mata. I know that they are watching me. Nilapitan ko naman ang isang guwardiya. “New?” tanong ko naman. Matagal na rin akong umalis dito at maraming bagong mukha ang napansin ko na nagbabantay. Tumango

