Falling for my ex-suitor. Chapter 19 #bouquet? #Zain&friends. Zain. Ilang araw na kaming busy. Paano naman kasi itong kaibigan naming si Phaton may pasurprise-surprise wedding pa na nalalaman. Hay. Grabe nakakapagod. Pero kung darating man ang panahon na kailangan ko na ding pakasalan si Anya ok lang kung mapagod ako. Kasal? Handa na ba akong pakasalan siya? Ah bahala na. Saka ko na lang iisipin ang bagay na yan. "Zain. Bilis na! Humanda ka na. Palabas na si Eureka sa resto." Napatango na lang ako. Sabay-sabay na naming isinuot ang bonnet na binigay sa amin ni Phaton. Kikidnapin lang naman namin si Eureka yon ang plano. At sa totoo lang kinakabahan ako. Paano kung pumalpak kami. Haissst. Si Phaton talaga. Nakita na namin si Eureka na palabas sa Resto. Tamang-tama wa

