Falling for my ex-suitor. Chapter 20 #issue,issue. #Anya. Halos patapos na din ang program sa kasal nina Phaton at Eureka,sa whole duration ng kasal pati reception nila hindi talaga ako pinansin ni Zain. Ano kayang problema ng lalaking yon. Ilang ulit akong nagtry na lapitan siya pero halatang umiiwas siya. May issue ba kami? Sana sinabi na lang niya hindi yong para akong manghuhula na hula ng hula kung anong problema sa pagitan naming dalawa. Naiinis na ako kay Zain. Kaya ng may dumaan na nagsisilbi ng drinks ay kumuha ako. Ni hindi ko na alam kong anong klase ng maiinom ba yon. Basta gusto ko lang uminom. "s**t ang tapang pala." Unang shot ko pa lang parang nag-iinit na ang tiyan ko. Arrgh. Di ako sanay uminom,red wine nga nalalasing pa ako. Pero dahil sa pandededma sa

