ICE'S POV Pinaningkitan ko ng mata ang dalawang taong nahagip ng mata ko. Ka-ano-ano niya ba ang pangit na 'yan? "Hinay-hinay lang Ice baka matosta mo sa titig si Thunder," bulong ni Fire na nasa tabi ko sinamaan ko siya ng tingin saka binalik ang tingin ko kay Immanuela at 'yong pangit na 'yon. "Thunder ba ang pangalan ng pangit na 'yan?" tanong ko "Oo" sagot niya nagulat ako ng biglang may humawak sa ulo ko tapos ay medyo pinayuko napatingin naman ako may madaming lalaki at babae na sa tantya ko kaedad lang ni ate at mukang hindi mga taga-dito. "Oii ang prinsipe 'yan ng Central kingdom diba?" tanong ni Sky yeah si Sky ang may hawak sa ulo ko at mukhang di lang ako pati din si Fire. Binitawan naman ni Sky ang ulo namin at bumalik sa tabi ni Fire Napatitig ako sa grupo na naka

