FIRE'S POV Sinalo ko mansanas na kanina pa hinagis-hagis ni Ice sa kaliwa niyang kamay habang kagat ang mansanas sa kanan. "Salamat Ice," saka ko kinagat ang mansanas "Oi Ice di pa ba tayo pupunta sa plaza?" nababagot na tanong ni Sky sa likoran namin. "Maya na Sky hindi pa naman nagsisimula ang laro eh wag ka atat," masungit na pag-kakasabi ni Ice "Anga, nag-palista ka na ba?" sabay kaming napatigil ni Ice sa paglalakad. Patay! Nagtinginan kami ni Ice napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumisi at pinagkurus ang braso. "Miguel" tawag niya sa Knight na kasama namin. "Tapos na po young lord Sky," sagot ni Miguel napatango ako. Hindi naman halatang naghanda siya para sa paglakwatsa niya ngayon, tss hindi kami nakapagpaalam kay ate kay kuya Lucius lang kaya pinadala niya si

