Umuwi kami ni alvin ng walang imikan. Nakikiramdam ako kay alvin dahil kanina pa syang walang imik kaya naman ayaw kong mag bukas ng topic na pwedeng pag usapan.
Dumeretsyo si alvin sa kwarto nya at ganun rin naman ako. Pero pag pasok ko palang napansin ko wala ang mga gamit kong nasa vanity table.
Chineck ko rin ang closet ko wala ang mga damit ko kaya naman pumunta ako sa kwarto ni alvin. At mag tatanong kung nasa ang gamit ko. Nang una nag aalanganin pa akong kumatok pero wala akong damit na pamalit na pantulog kaya naman no choice.
Kumatok ako ng dalawang beses pero wala paring nag bubukas kaya naman pumasok na ako. At nakita ko ang mga gamit kong nasa vanity table at ang mga damit ko naman maayos na naka salansan sa lagayan ng mga damit nya.
Lumabas si alvin ng c.r ng naka towel lang ang babang parte ng kanyang katawan kaya naman napaiwas ako ng tingin at nag iinit ka agad ang aking pisngi. Ano ba naman yan max parang hindi mo pa nakita ang natatakpan ng towel na yan ah!
Ah, alvin bakit nandito ang mga damit ko?.......
"Dito kana matutulog at magkatabi tayo" sabay daan sa aking harapan na parang hindi big deal ang sinasabi nya.
Pero alvin-
Walang pero pero anna pag sinabi kong dito ka matutulog dito kana matutulog! Sigaw nya sa akin na kinagulat ko dahil ngayon lang ako sinigawan ni alvin.
Pero hindi pa tayo kasal para magtabi sa isang kama alvin....
Ano naman?! Ilang beses na tayong natulog ng magkatabi anna kaya wala ng bago doon! At isa pa magpapakasal rin naman tayo kaya huwag ka nang umapila pa!
Ano bang nangyayari sayo? Kanina lang okay naman tayo ah?....
Napaka manhid mo! Yung anabutan kita sa mall na nakapatong sa kaibigan mo pinalampas ko kasi aksidente.
Diba mag di-dinner tayo, tayong dalawa lang pero bakit kailangan mo pang isama yang kaibigan mo!
Diba tumango ka kanina kung isasama ba natin sya tumango ka so ibigsabihin okay lang sayo... Mahinahon ko nang paliwanag at kung parehas kaming mainit ang ulo hindi kami magkakaintindihan.
Hindi mo ba napapansin na hindi maganda ang mood ko ng kasama natin yang kaibigan mo at nung kakain na nakikipag kwentuhan ka na akala mo hindi ako kasama! Ano yun date nyo mukhang nakaka istorbo pa ako sa inyo.....saad nya sa akin ng galit at sumisigaw.
Nakabihis na sya at handa ng humiga. Nag punta na ako ng c.r at mag linis nalang ng katawan at ayaw ko nang syang kausap dahil mainit pa ang ulo nya.
Feeling ko naging insensitive ako at hindi ko naisip ang feelings ni alvin na mukhang ayaw naman nya talagang kasama si travis pero hindi ko naman mahindian si travis lalo nat ngayon nalang ulit kami nagkita.
Hyst! Wala akong magagawa at mukhang dito na talaga ko mag kwakwarto at nandito na lahat ng gamit at damit ko.
Nakahiga na si alvin at nakatalikod sa akin. Hyst! Ayaw kong matulog na may pagkakaintidihan kami dahil sabi ni nana rosie pag mag hindi daw pagkakaintidihan ang mag asawa or magkarelasyon dapat ayusin daw bago matulog dahil hindi daw maganda sa isang relasyon ang pinag papabukas ang problema kung pwede namang ayusin bago matulog at pagka gising panibagong araw na naman at nalagpasan ang hamon ng buhay.
Yinakap ko si alvin patalikod.........
Babe sorry na, bati na tayo please...... Pag dating kay alvin kaya kong lunukin ang pride ko na hindi ko ginawa sa iba.
Sorry kung hindi ko naisip ang nararamdaman mo kanina at sorry rin kung pakiramdam mo na out of place ka kanina habang kasama mo ako at si travis..... Naluluha kong pag hingi ng pasensya.
Naramdaman ko naman ang pag hawak ni alvin saking kamay.
Sorry babe nagseselos lang talaga ako, feeling ko Kasi inaagaw ka nya sa akin at kinukuha nya ang atensyon mo na dapat sakin lang... Malungkot nyang saad sa akin.
Anna marami akong insecurities sa katawan ko lalo nat feeling ko aagawin ka nya sa akin.
Ikaw lang ang meron ako na masasabi kong akin talaga na hindi mabibili ng pera. Na ikaw lang ang taong hindi ako iiwan at hindi ako magagawang traydorin.
Ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin na may isang tao na nasa tabi ko lagi at handa akong pag silbihan at mahalin na walang hinihinging kapalit.... Usal nya na garalgal ang tinig.
Sorry babe kung nararamdaman mo yan. Sorry babe, at hindi naman ako kukuhain ni travis kaibigan ko lang sya.... Kaya huwag kang mag isip isip ng ganyan babe kasi ikaw lang mahal ko alvin smith...
Humarap sa akin si alvin na may butil ng luha sa kanyang mga mata. Itong taong ito na nakaharap sa akin na may pusong mamon. Ito ang tunay na alvin na may tinatagong insecurities sa katawan. Hindi mo maiisip na mabilis palang umiyak si alvin na akala mo bakla sya pero may mga tao talagang matapang, at malakas na walang kinakatakutan pero sila yung mga taong mabilis masaktan. Tinago lang nila sa loob loob nila.
Pinunasan ko ang kanyang luha at hinalikan sya na parang nag bibigay ng assurance sakanya na hinding hindi ako maaagaw sakanya ng sino man.
Sorry babe, mahal na mahal kita anna please huwag mo akong sasaktan kasi baka hindi kita mapatawad seryoso nyang wika sa akin na nagpakaba sa aking nararamdaman ngayon.
Mahal na mahal rin kita alvin, hindi kita iiwan at sasaktan ngiti kong sakanya.
Masasarap matulog at nagka ayos kami ni alvin. Tama nga si nana matutulog na matiwasay at magigising nang walang iniisip na gusot sa pagitan namin.
♣️
Nagising ako sa isang halik at ngiting nakakabusog. Iba pala talaga pag nagigising ka ng katabi ang mahal mo at mabubungaran mo isang ngiti at halik na bubuo ng araw mo.
Good morning babe ngiti nyang bati sa akin.
Morning rin babe balik kong bati sakanya.
Nag umagahan kami ka tulad dati parang walang away ang nangyari. Inaasikaso nya parin ako.
Pumasok kami sa trabaho nang nakangiti kaya naman nagtataka ang secretary ni alvin dahil nakangiti ang boss nya at tumingin rin sya sa magka hawak namin kamay ni alvin.
Good morning sir alvin.... Nakangiting bati ni allise kay alvin na nginitian rin naman nito. Si allise naman naka awang ang labi dahil mukhang ngayon lang nakitang nakangiti si alvin.
Sir may meeting po kayo mamayang 10 o'clock and 12 o'clock naman po sa japanese investor. Bigay paalala ni allise kay alvin.
Thanks, maikling pasalamat ni alvin.
Busy si alvin kaya naman nakatingin lang ako sakanya. Ang gwapo talaga ni alvin matangos ang ilong. Mapungay ang mga mata at mahabang mga pilik mata. At ang jaw line makalaglag panty. On in all mukhang syang anghel na bumaba sa langit.
Naalala ko una ko syang nakita sa bar akala ko talaga may angel na bumaba sa langit. Kaya naman tuwang tuwa ako nun akala ko kasi angel talaga sya kaya hinalikan ko ang halik na dapat halik lang napunta sa s*x.
Babe baka naman matunaw na ako nyan..... Pilyo nyang saad sa akin.
Kapal mo, mukha kang unggoy asar ko pa at binilatan.
Okay lang babe na mukhang unggoy basta ba kamukha ko lahat ng magiging anak natin,kung may mommy shark at daddy shark.
Ikaw naman ang mommy monkey at ako naman ang daddy monkey and ang baby monkey natin.....Natatawa nyang saad sa akin.
Tumigil ka alvin at baka mag mukhang unggol talaga ang magiging anak natin.
Sabi mo kasi babe mukha akong unggoy eh, naka pout pa sya.
Dumating na ang oras ng meeting ni alvin kaya ito ako nandito lang sa office nya at ayaw kong sumama mismo meeting nila at mabo-boring lang ako kaya pag may meeting na kailangan kong attendnan si xander ang pinapa punta ko at minsan nakakatulog ako. Kaya inis na inis sakin lagi si xander.
Tumunog ang cellphone ko at mukhang may nag chat. Si travis
Umalis lang ako tom may boyfriend kana ? nag eemote na naman itong si travis paano ng college kami nasanay sya na sila lang ni xander ang lalaki sa buhay ko. Kaya nagulat sya ngayon na may boyfriend na ako.
Hindi naman kasi inaasahan na darating sa buhay ko si alvin bansot unexpected lang ?
Pinag palit mo na ako? reply nya pa hyst! Ang drama talaga nitong ni bansot nato.
Tumigil ka travis may darating talaga sa buhay natin ng hindi natin inaasahan na mamahalin tayo kaya maging masaya kana lang para sa akin.
Paano naman yung inaantay mo lang yung isang tao na maging handa sya bago mo ipag tapat ang pag mamahal mo sakanya? Ang masakit pa ngayon may mahal na sya ngayon. Tanong nya pa.
Drama mo travis. Pero sagot ko jan sa sinabi mo dapat pinag tapat mo na agad ang nararamdaman mo kasi hindi naman masamang umamin ka. Hindi naman porket umamin ka meaning na nun na dapat kayo na. Umamin ka kasi gusto mo alam ng taong mahal mo na mahal mo sya at na handa kang hintayin sya.
Kung umamin ka malay mo naging kayo at masaya kayo ngayon pero dahil hindi ka umamin ngayon nakahanap tuloy yung mahal mo taong mamahalin nya.... Sagot ko sakanya.
Okay lang basta nasa tabi nya ako palagi na nandito lang ako pag kailangan nya ng taong makikinig sakanya at kailangan nya maging shoulder to cry on. Nasa tabi nya lang ako.
Ang swerte naman nyang travis sayang hindi naging kayo. Malay mo naman maging kayo pa..... Pag palubag loob ko sakanya.
Swerte talaga sya sa akin sana nga maging kami kung pwede pa.. HAHAHA
Ayos rin itong si travis eh no, taas ng confidence. Pero totoo swerte ng taong mamahalin nya. Matalino na mayaman pa at mabait si travis pero mukhang minalas nga lang sa pag ibig.
Naabutan ako ni alvin habang tumatawa kaya naman nagtataka nya akong tinignan.
Ahm, si travis babe nag chat. Sabay tago ng aking cellphone.
Anong pinag usapan nyo babe?.....wala babe nag drama lang, ganun talaga yun.
Tumingin pa sya na hindi kontento sa sinagot ko. Kaya naman umiwas na syan ng tingin.