Nandito ako sa bahay ngayon at kinumusta si nana rosie. Lagnat lang at sipon lang ang nararamdaman nito. Maulan na kasi ngayon kaya naman uso ang sakit ngayon.
Nang una hindi ako pinayagan ni alvin na mag day off dahil ma mi-miss nya raw ako ang sabi ko sandali lang naman ako.
Dadaan ako ngayon sa opisina at kakausapin narin si agent grace.
Wow! Naligaw ka yata agent martinez....bungad sa akin ng ibang kasamahan ko dito. Mas aasikasuhin lang.
Sakto ang dating mo agent martinez nakita ko sa cctv na pinapa check mo sa akin. At pinakita nya sa akin ang litrato ng kuha ng cctv. Fernando Diaz. 26 years old at may anak na may sakit sa puso.
Maaaring sya rin ang unang tao na inutusan para mag lagay ng death threats na nakukuha ni mr. Smith.
Salamat dito agent grace....
Walang anuman agent martinez.
Pumunta naman ako sa opisina ni boss xander. Kumatok muna ako bago pumasok.
Pasok, oh! Agent martinez may dala kana bang magandang balita? tanong nya sa akin at hindi parin tumitingin.
Boss wala pa po pero nag hahanap na ako ng ebidensya.....
ito ang pinakamatagal mong mission agent Martinez inabot ka na ng isang buwan, halos mag dadalawang buwan na nga wala paring improvement? Seryoso nyang saad sa akin.
Alam ko naman boss xander pero nahihirapan akong humanap ng ebidensya mahinahong kong saad sakanya.
Nahihirapan ba talaga or baka naman sinasadya mong tagalan kumilos? Agent martinez gusto nang malaman ng client natin ang gusto nyang malaman.
Bilisan mo maxine kaibigan mo ako at alam ko habang tumatagal ka jan sa mission mo na yan mas masasaktan ka. Maniwala ka sakin! Ayaw kong mag iba ka dahil lang sa pag ibig na yan na mas inuuna mo kaysa sa mission mo.
Pagtapos ng diskusyon namin ni xander ay lumabas na ako. Alam kong kaya lang nagkaka ganun si xander dahil kaibigan nya ako at concern lang sya sa akin.
Whats zuppp! Agent martinez mukhang nagka sagutan kayo ni boss ah, pang aasar pa nitong si agent alyssa. Hindi ko pinansin ang sinabi nya.
About nga pala sa bank number na pinapa trace mo nalaman ko na... Nag diwang naman ang tenga ko sa balitang sinaad ni agent alyssa dahil may improvement na sa mission ko.
Ayun sa pinakita mo sakin na history of transactions walang pangalan kong kanino napasok ang pera pero nakalagay naman ang back number nalaman ko na kinukuha ang pera sa branch ng bangko sa pasay branch kaya naman hinack ko yung syemtem nila doon at nakita ko ang nag withdraw ay nag ngangalang Fernando Diaz.
Thank you agent alyssa.... Welcome bruha! Natatawa nya pang wika.
Ang kailangan kong matyempuhan or makuha ang taong ito Fernando diaz galingan mong magtago.
Maaga pa naman kaya naman naisipan kong kumustahin ang MMM Mall kong nakita pa ba or malugi na ang mall ko.
♣️
Nandito ako sa Mall at papunta na sana sa aking opisina ng makita ko si dalliane mukhag clown sa isang store ng mga pam baby. Ano naman kayang naisip ng dalliane nato at bumibili ng pambaby.. Baka sa pamangkin.
Leriza kumusta dito? May mga dapat ba akong pirmahan? Tanong ko sakanya.
Okay naman po ma'am ang mall at wala pong problema. Nanjan napo lahat sa table nyo ang kailangan nyong pirmahan.
Kumusta ang kita ng mall? Tanong ko sakanya habang chine-check ang mga dapat pirmahan.
Okay naman po ma'am at nanjan narin po ang sales of this month ma'am.
Kung may mga kailangan kayo regarding sa dito sa mall lumapit kayo kay boss xander nyo at busy ako ngayon.
Noted po ma'am.... Good paki timpla ako ng coffee leriza.
Business partner ko si xander kaya naman sya ang mas laging nakikipag meeting sa mga investor at sa mga head ng mall.
Noon palang high school magkaibigan na kami ni xander kaya naman may tiwala ako sakanya kahit hindi ako madalas pumunta dito at alam kong nasa maayos na kamay ang mall ko.
Napatingin ako sa phone ko na nag ri-ring. Si alvin....
Hello babe, nasan kana? Hindi kapa ba uuwi sa akin? Miss na kita... Napatawa ako sa boses ni alvin alam kong nakasimangot sya kahit hindi ko sya nakikita. Naglalambing ang babe ko.
Babe wala pa akong isang araw nawawala kung makatanong ka naman akala ko isang linggo na akong umalis..... Natatawa kong saad.
Babe nasan kaba at ang tagal mong bumalik nakatunganga lang ako dito sa office wala akong magawa kasi na mi-miss na kita. Wika nya na mas lalong pinalunggot ang boses.
Ang sweet naman ng babe ko... Lambing ko sakanya. Nandito ako sa mall at may binibili lang ako. Pagsisinungaling ko.
I'll go there and let's have dinner. Alvin said.
Okay babe, i will wait for you. Alam ko sandali lang nandito nasi alvin at malapit lang ang mall nato sa opisina nya.
Tinapos ko lahat ng dapat pirmahan at nagpa alam narin sa secretary kong si leriza.
Maglilibot muna ako habang wala si alvin. Bigla tuloy ako nag crave sa ice cream. Sakto naman at nandito ako malapit sa ice-cream parlor.
I order a rocky road ice-cream with lots of almond toppings. Hmmm, ang sarap talaga ng ice-cream nato. Tumatawag si alvin kaya naman no choice ako kundi sagutin kahit gusto gusto ko nang ubusin ang ice cream na hawak ko.
Hello babe, saan ka banda?
Nandito ako sa second floor sa labas ng ice cream parlor sagot ko sakanya.
Okay babe malapit na ako. I love you.....i love you too babe.
Sarap na sarap ako sa dila ng aking ice cream ng hindi ko mapansin at may nabangga na pala ako at ang masaklap tumapon pa ang ice cream.
Shit! Sorry hindi ko sinasadya hinging paumanhin ko sa taong natapunan ko habang pinupunasan ang polo nyang natapunan.
Sorry talaga hindi ko sinasadya.....
Its okay tom.... saad sa akin ng taong kaharap ko. Tumingin ako sakanya na parang naguguluhan bakit tom? Sinuri ko ang kabuan nya hindi ko naman sya kilala.
Ahm, sorry talaga hindi ko sinasadya may kausap kasi ako sa cellphone alanganin kong usal sakanya.
Mukhang hindi mo yata ako nakilala. I'm Travis Montegro in short bansot. Isa lang ang tinatawag kong bansot.
Omgashhh! Si bansot naba to? Bakit ang laki ng katawan nya at bakit ang gwapo na nya.
Fuckshit! Ikaw ba yan bansot na kaibigan ko ng college?! Sigaw ko sakanya.
Ngayon naaalala mo na natatawang nya pang saad sa akin.
Fuckshit ka! Bansot ang gwapo na ang laki ng muscles mo hindi kana patpatin natatawa ko pang saad sakanya na mukhang naiinis na.
Wala ka paring pinag bago alaskador ka parin at tomboy ka parin HAHAHAHAHAH
Si travis lang ang tumatawag sa akin ng tomboy in short tom dati pa man ganto na akong manamit kaya naman tom ang tawag nya sa akin dahil mukha daw akong tomboy.
Punyeta ka! Anong tomboy hindi ako tomboy! Inis kong saad sakanya at kinurot ang tagiliran nya.
Tomboy! tomboy! Asar nya pa kaya naman sinabunutan ko ang buhok nya at kamalas malasan natumba pa kami at ako nasa ibabaw nya.
Babe! Napatayo ako sa galit na boses ni alvin at mukhang papatay na sya sa itsura nya. Natakot ako bigla kaya naman lumapit ako sakanya.
A-ahm, babe si travis kaibigan ko ng college..... pakilala ko kay travis na nakatayo narin at matalim rin ang tingin kay alvin.
Alvin Smith, Anna's boyfriend...... pagpapakilala nya kay travis na mukhang naguguluhan dahil bakit anna dapat maxine kaya naman tumingin ako kay alvin na parang nakikipag usap na makisama nalang.
Travis Montegro Anna's Bestfriend at nakipag kamay kay alvin na matalas rin ang tingin.
Ah, babe nabangga ko kasi si travis ng tumatawag ka kaya yan nangyari sa damit nya. Bumili kasi ako ng ice cream.
It's okay babe bibilhan ko nalang sya ng damit na pamalit saad nya sa akin habang hindi tumitingin kay travis at sa akin lang sya naka tutok ng tingin.
No thanks bro i can buy a new polo, saad turan naman ni travis naka ngising saad kay alvin na hindi naman sakanya nakatingin.
No! Bro ayaw ko na magka utang na loob ang girlfriend ko, kaya naman bibilhan na kita ng pamalit mo at panget naman kung uuwi ka ng ganyan maangas na sagot ni alvin kay travis.
Okay fine, its that what you want..... Pagsang ayon ni alvin kay alvin na mukhang lalong nagalit ang itsura.
Nandito kami sa Calvin klein store at pumipili si travis ng polong isusuot nya.
Tom come here ikaw na nga ang pumili at wala akong mapili total ikaw naman lagi ang bumibili ng damit ko dati.
Ano ba yan bansot hanggang ngayon hindi ka parin marunong tumingin ng bagay sayo..... Saad ko sakanya na natatawang nakatingin kay alvin. Ano bang gusto nitong palabasin ni travis at mukhang gustong gusto asarin si alvin.
Lumapit si alvin sa akin at hinawakan ang aking baywang at hinimas himas ito kaya naman nailang ako at pumili nalang ng damit na makita ko at binigay kay travis na wala ang ngisi sa labi.
Oh ayan, okay na yan at bagay yan sayo tipid kong sabi nya at nakikiliti ako sa pahimas himas ni alvin sa aking baywang.
Sinuot na ni travis ang polo nya at binayaran naman ni alvin. Nasa labas na kami at magpapa alam na kay travis, gusto ko man syang yayain pero mukhang wala sa mood si alvin kaya next time nalang.
Ahh... Travis una na kami mag di-dinner pa kasi kami... Nahihiya kong saad sakanya ang panget kasi ng dating parang ipinapaalis ko na sya.
Oh! Its already 8 o'clock dinner na nga. Pwede ba akong sumabay sa inyo? Alam mo na malungkot kumain mag isa hindi kasi ako uuwi sa bahay ng parents ko kaya wala akong kasabay.... Saad nya sa akin. Lintek naman oh, kung kailan gusto ko na syang pauwiin.
Tumingin naman ako kay alvin na parang nagtatanong kung okay lang. Wala naman syang sinabi tumango lang at humingang malalim. Alam kong napipilitan si alvin pero pumayag nalang sya.
Babe saan mo gustong kumain.... Malabing kong tanong kay alvin na tahimik lang at si travis naman nasa likod naka sunod sa amin.
Ikaw bahala kung saad mo gusto... Maikli nyang sagot sa akin.
Diba tom favorite mo yung Jollibee? Bakit hindi nalang tayo doon at total hindi na ako nakaka kain ng ganun at alam mo naman sa ibang bansa puro ang karaniwang kinakain pasta.... Masayang saad sa akin ni travis kaya naman natuwa ako dahil minsan na nga lang ako makakain sa Jollibee.
Galing kasi sa Italy si Travis. 3rd year college kami pumunta sya doon para doon ituloy ang pag aaral nya at ngayon bumalik at mukhang nag sawa na yata sa ibang bansa at naisipang bumalik na dito sa pilipinas.
Babe sa Jollibee nalang tayo at na mi-miss ko narin kumain ng chicken ng Jollibee nakangiti kong sabi kay alvin at tumango naman.
Ako nalang oorder ng pagkain babe saad ko kay alvin. No babe sasama nalang ako pilit nya kaya nandito kami sa counter omorder at si travis naman naghahanap ng upuan namin.
1 bucket chicken, 3 sundae, 2 large price and 3 large coke and 2 spaghetti nakangiti kong order.
Binigay narin sa amin ang order namin at hinahanap si travis. Nakita ko sya at mukhang baliw na kumakaway sa amin ni alvin. Tsk! Parang baliw talaga itong si travis hindi parin nag babago.
Wow! isang bucket dati lang isang burger lang ang ino-order mo sakin masama pa sa loob mo..... Pang aasar nya sa akin.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Tumahimik ka nga! Tahimik lang si alvin na nakatingin sa akin kaya naman hinanda ko na ang pagkain nya at ngumiti. Let's eat babe and you travis kumain kana.
Pumipili na ako ng chicken ng biglang ilagay ni travis ang legs part sa plato ko... Yan nilagay ko na alam kong favorite mo yan nakangiti nyang saad sa akin at ngumiti lamang ako.
Kumain kami ng medyo maingay dahil panay ang kwento ni travis kaya naman tawang ako.
Naaalala mo ba yung kakain sana tayo sa Jollibee pero wala pala tayong perang dala. Tapos ang haba haba ng pila ng ikaw na yung oorder tapos hinihingi ng yung bayad wala hindi mo pala dala yung wallet mo.
HAHAHAHAHH tapos sabi mo libre mo kaya hindi ko dinala yung wallet ko iniwan ko sa locker ko tapos nagalit yung nasa likuran mo kasi wala ka palang pambayd..... Tawa kami ng tawa ni travis dahil sa epic na pangyayaring yun.
Tapos umalis tayong dalawa sa Jollibee ng hiyang hiya dahil pinag uusapan na tayo ng mga tao. Tapos pag labas natin tawang tawa tayo...... HAHAHAHAH
Ang epic talaga nun..... Tawang tawa nyang saad sa amin ni alvin. Napapailing nalang ako sa kabaliwan namin ni travis, hindi ko alam kung saan napunta ang wallet ko ng araw na yun kaya naman hindi tuloy kami nakakain.
Salamat sa late dinner tom and alvin pagpapasamat nya sa amin ni alvin at tinanguan lamang sya.
Sige travis bye and thank you.....balik kong sagot sakanya.
Good night tom and alvin. By the way chat nalang tom. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon.