Nagising ako nang may tumatawag sa cellphone ko. Kinakapa kapa ko ito at hindi kuna tinignan kung sino ang tumatawag dahil inaantok pa talaga ako.
Hello! anna sorry sa istorbo. Tanong ko lang kung nanjan paba si alvin kasi anong oras na wala parin sya. May meeting kasi kami ngayong alas diyes ng umaga pero wala pa sya kaya baka nanjan pa sya at pakitanong kung icacancell nalang at may meeting rin kami ni angelo.... Sagot nang nasa kabilang linya kaya napatingin ako sa cellphone ko at nakita ko si xandro pala itong tumatawag.
Sorry xandro wala kasi ako sa mansion nya kaya hindi ko alam.
Ganun ba? Hindi parin ba kayo magka-ayos? Tanong nito.
Hindi parin eh. Pero huwag kang mag alala aayusin ko itong problema namin ni alvin... Pagbibigay assurance ko. Dahil kahit hindi nya sabihin nag aalala sya kay alvin.
Sige anna may tiwala naman ako sayo na aayusin nyo ang relasyon nyo. Sige tatawag nalang ako kay Mr. Garry at ipapatanon ko kung nasa bahay pa si alvin. Pinatay narin nito ang tawag.
Tumayo na rin ako at nag asikaso. Naligo na ako at bumaba para kumain. Morning nana... Apo bakit na late ka nang nagising alas diyes na? Nagtatakang tanong ni nana. Kahit ako rin nagtataka sa sarili ko kasi morning person ako pero ngayon late na ako nagising.
Hindi nalang ako sumagot. Umalis si nana sa harapan ko at mukhang ipag hahanda ako ng almusal. Ganyan si nana pag nasa bahay ako lagi nya akong pinag hahanda lagi kong sinasabi na huwag na at ako nalang pero ang dahilan nya minsan lang ako nasa bahay kaya gusto nya sya ang nag aasikaso sa akin.
Bumalik si nana at kasama si jenny na may dala dalang breakfast. Inihanda ni nana lahat ng pagkain sa lamesa. Nagpasalamat naman ako sakanila ni jenny.
Bumalik si jenny na dala dala na ang gatas ko kaya naman bigla akong nasuka sa amoy ng gatas. Mabilis akong tumakbo sa lalabo sa kusina at sumuka. Pero wala naman akong nilabas kundi tubig lang. Naiiyak pa ako dahil sa pagsusuka ko. Lumapit si nana sa akin at hinimas himas ang likod ko.
Apo may masakit ba sayo? Gusto mo dalhin ka namin sa hospital? Nag aalalang tanong ni nana habang hinihimas parin ang likod ko. Nag mumog na ako at nag hilamos narin.
No nana. Okay lang po ako at wala po akong sakit.....ngiti kong saad dahil mukhang mag hehesterikal na si nana. Hindi ko lang po nagustuhan yung amoy ng gatas....sagot ko pa na nagpakunot sa noo nito.
Hindi naman mabaho ang gatas apo at bago yan. Pati yan ang favorite mong gatas hindi naman ako nagpapabili ng bagong brand.... Nagtatakang sagot nito.
Baka may problema ang ilong ko nana... Natatawa kong sagot sakanya. Napailing nalang ito. Ano okay naba ang pakiramdam mo?
Okay na po nana medyo nahilo lang po ako... Sagot ko sabay hilot sa sentido ko.
Sige kumain kana at huwag mo nalang inumin ang gatas. Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Wait wala kabang gagawin ngayon? Tanong pa nito. Speaking of gagawin marami akong gagawin una pupunta ako sa headquarters at pangalawa magplaplano na ako kung paano huhulihin si emelda. Pangatlo kakausapin ko si alvin.
Meron po nana pero magpapahinga po muna ako. Tumango naman ito. Pagbalik namin sa lamesa wala na ang gatas. Grabe ang dami kong nakain. Bakit ganun ang lakas ko kumain in the past few days. Nailing nalang ako at mukhang lagi akong gutom.
Pagtapos kung kumain, nagpababa lang ako sandali ng kinain at nakaramdam na ako ng antok. Baboy lang ang peg ko ah!
Nagising ako sa isang tawag. Sinagot ko ito nang hindi tinitignan. Grabe inaantok pa talaga ako.
Hmmm... Sagot ko. Hello anna si xandro ito....sagot sa kabilang linya. Napaupo naman ako bigla.
Hello xandro bakit napatawag ka? Tanong ko pa.
Sasabihin ko lang sana na wala si alvin sa mansion nya. Tumawag ako kay mr. Garry ang sabi nya hindi pa daw umuuwi si alvin simula kagabi. Pumunta naman ako sa the alvin bar at chineck kung nagpunta ba si alvin doon at hindi naman daw kaya naman chineck ko ang cctv sa third floor at tama nga hindi rin tumuloy si alvin sa condo nya. Sunod sunod nitong sabi kaya naman napatayo ako bigla. Tumingin ako relo kung suot lintek alas singko na ng hapon.
Lintekkkkkkkkk! Ang tagal ko namang natulog sabi ko idlip lang!
XANDRO BAKIT NGAYON MO LANG SINABI! Galit kong sigaw sa kabilang linya.
Akala ko kasi nag papalamig lang sya ng ulo kasi nga diba magkaaway kayo. Pero hindi sya talaga pumasok sa office akala ko kanina malelate lang sya kaya hinayaan ko nalang at nag bilin ako sa secretary nya na tawagan ako pag dumating na sya pero ngayon lang rin tumawag ang secretary nya at sinabi na hindi parin dumadating or tumatawag si alvin. Mag sasabi si alvin kung hindi ba sya papasok kasi ganun ang ugali nun pero ngayon wala kahit isa. Kaya naman tinatawagan na kita kasi nag aalala na kami sakanya.....sagot ni xandro.
Sorry xandro Kung nasigawan kita.... Panghihingi ko ng tawad. Ako nang bahala xandro tatawagan kita pag nakita ko na si alvin. At pinatay ko narin ang tawag. Mabilis akong nag bihis at lumabas na. Hindi na ako nagpaalam kay nana.
Natatakot ako hindi ko alam pakiramdam ko nasa masamang kamay si alvin. Naluluha ako habang nag mamaneho. Pinahiran ko rin ito at baka ma-aksidente ako. Hindi ko makakaya pag may masamang nangyari sa kanya.
Nagpatakbo ako ng mabilis pa punta sa headquarters. Nakarating ako at mabilis nang tumakbo sa pwesto ni agent grace.
Grace nawawala si alvin pwede bang pakitignan naman ang cctv sa company building ng smith corporation. Nagmamadali kong saad kay grace na mukhang nagulat sa biglang pagsulpot ko.
Kumalma ka agent martinez....mahinahong nyang saad sa akin pero hindi ko sya pinansin at nakatingin ako sa laptop nya.
Marami syang pinipindot at hindi nagtagal lumabas rin ang footage kagabi sa parking lot. Kinakabahan ako at namamawis narin ang kamay ko sa sobrang kaba. Ngayon lang ako kinabahan ng ganto sa buhay ko.
Nakatingin kami ni agent grace sa laptop nya at pinapanuod ang whole cctv footage.
Lumabas si alvin sa elevator at mukhang pauwi na ito. Naglalakad si alvin papunta sa kotse nya nang may tumigil na van sa harap nya at sapilitan syang sinasakay pero ayaw nya at nanglalaban pa ito. Sinuntok sya sa tiyan at natumba ito sa lupa. Nang gagalaiti ako sa galit ngayon at hindi ko alam parang gusto ko silang patayin lahat. Lumapit ang isang kidnapper kay alvin at sinapa si alvin sa mukha.
Humanda ka sakin animal ka! Lintek lang ang walang ganti! Galit na galit kong saad at pinapatunog ang ngipin na para bang mangangain ng buhay.
Kinuha namang tiyempo ng isang kidnapper yun at itinapat ang isang bimpo na may pampatulog. Binuhat nila si alvin at sinakay sa van at mabilis na umalis.
Galit na galit ako ngayon para akong sasabog sa sobrang galit. Hindi ako makapag isip ng maayos.
Agent grace nakuha mo ba yung plate number? Tanong ko dito na mukhang chine-check kung may plate number ba yung van. Pero ang mga gago walang plaka! PUNYETA! PUNYETA! galit na galit kung sigaw.
Napatingin ang mga kapwa ko agent sa pwesto namin ni agent grace. At mukhang alam yata nila na hindi maganda ang mood ko at kapwa silang umiwas ng tingin.
Maya maya lumabas si xander at dumeretsyo kung nasaan ako at si grace. Tumingin sya sa laptop ni grace at nakita nya ang tagpo na sinasakay si alvin na naka pause sa laptop ni grace. At mukhang alam nya kung bakit nagsisisigaw ako.
Ageng martinez pwedeng huminahon ka? Tanong nya pa pero hindi mapigilan ang sarili ko na hindi umakto ng ganto.
PAANO AKO HIHINAHON XANDER KUNG NAWAWALA SI ALVIN! MGA ANIMAL SILA PAPATAYIN KO SILANG LAHAT! Sigaw ko pa.
ANO BA AGENT MARTINEZ! NA INLOVE KALANG NAWALA NA SA ISIP MO NA ISA KANG AGENT! HINDI KA GANYAN PAG MAY MISSION KA! MAHINAHON KA LANG AT HINDI MO SINASAMA ANG EMOSYON MO! Balik nyang sigaw sa akin.
ALAM KUNG IBANG USAPAN NATO HINDI NA ITO ISANG MISSION SAYO! PERO SANA HUWAG MUNG IDAMAY ANG EMOSYON MO NANG MAKAPAG ISIP KA NG MAAYOS! galit nyang sermon sa akin. Napaluha na ako hindi ako makapag isip ng maayos walang mabuting tumatakbo sa utak ko ngayon.
Alam kung mahal mo yun maxine pero pwede ba bumalik ka sa katinuan mo at nang mahanap mo sya... Mahinahon nyang sabi sa akin.
Naiyak na ako lalo. Alam kung hindi gusto ni xander na sigawan ako pero yun lang yata ang alam nya na paraan para makapag isip ako ng plano.
Lumapit sya sa akin at yinakap ako. Alam mo hindi kalang basta basta agent sa akin diba? Tumango naman ako. Kapatid at Bestfriend ang turing ko sayo kaya sana maxine gamitin mo ang utak mo para mag isip ng maganda pwede ba yun? Tanong nyang muli kaya naman tumango akong muli.
Iniharap nya ako sakanya at ngumiti ng maliit at pinahiran ang mga luha ko. Ngumiti rin ako.
Ayusin mo ang sarili mo at tutulungan kitang hanapin yang tao na yan.... Wika pa nito.
Tumingin ito kay grace na tahimik lang. Agent grace hanapin mo ang location ni mr.smith tumango naman ito. Lumapit ako kay agent grace at binigay ang cellphone number ni alvin. Alam kung laging nakabukas ang gps ng cellphone ni alvin kaya alam kung makikita rin namin sya.
Bumalik si xander sa opisina nya at ako nag iisip na nang plano. Lintek mga animal kayo! Humanda kayo sa akin at hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa inyo.
Kinagabihan....
Nalaman ni agent grace kung saan dinala si alvin. At sa parteng Quezon ito at malayo na sa sibilasyasyon. At nalaman ni grace nasa lumang pagawaan sila ng ng mga gulong.
Naghanda na kami kasama ang mga ibang agent at kasama si xander. Ang plano is ako muna ang papasok. At susunod ang mga ibang agent. Papalibutan nila ang factory ng walang makatakas. Pangatlo magtatago muna ako at aantayin ko kung lalabas ang mastermind at doon na ako magpapahuli.
Nakahanda na ang lahat at mukhang inaatay nalang ako. Kumuha ako nang mga armas na kakailanganin ko. Nilagay ko ang dalawang baril sa tagiliran ko at sinuksuk ang dalawang katana na maliit. Nagsuot ako ng leather jacket at black na v-neck t shirt at combat boots.
Nakasakay na silang lahat sa van at ako sumakay sa motor ko. Bago ako umalis nagdasal muna ako at humingi ng gabay sa gagawin namin nawa walang masaktan ang isa sa aming lahat.
Medyo malayo ang byahe namin dahil napaka layo ng pinag dalhan kay alvin. Nauna akong nakarating sa lugar at ang iba pumwesto na sa lugar kung nasan sila dapat. Naka pwesto narin ang may hawak ng sniper.
Madilim sa lugar na ito at napapalibutan ng mga matataas na damo at talahib ang factory. Pero hindi yun dahilan para hindi iligtas si alvin. Gagawin ko ang lahat ng mailigtas ko lang sya kahit buhay ko pa ang nakataya ganun ko sya kamahal.
Madilim na ang lugar pero nakikita parin namin dahil may salamin kaming ginagamit para makita parin ang mga kalaban. Nakikita rin namin kung malapit ba sila sa amin at kung nasan sila banda.
Pumasok na ako at nakita ko ang mga animal na nagsusugal at yung iba nag iinom pa. Nagtago ako sa matataas na gulong kaya hindi nila napapansin nasa likod lang ako nila. Maya maya nagsalita ang kalbo na may hawak pang beer sa kamay at ang kabila naman may hawak na baraha.
Ang bigatin ni madam at 200 thousands ang binayad sa atin paunang bayad. Tiba tiba tayo nito sa lalaking iyon. At mukhang ang tinutukoy si alvin na hindi ko pa nakikita. Nagtawanan pa silang sampo.
Ano daw bang gagawin ni madam sa lalaking iyun? Tanong pa ng isa na long hair at maraming tattoo sa katawan. Tinignan ko silang lahat at makikita mo sakanila na walang magagawang matino sa buhay.
Ang sabi ni madam sya daw ang papatay sa taong iyan at mukhang malaki ang atraso nito sakanya. Ang sabi ko nga tayo nalang ang papatay para mas malaki ang bayad sa atin pero sya daw ang tatapos sa buhay nito. Nagtawanan silang lahat. Nagpantig naman ang tenga ko sa lahat ng sinabi nila gusto ko silang pagbabarilin pero kailangan kong kontrolin ang galit ko at baka masira ang plano namin.
Maya maya may narinig akong paghinto ng kotse. Ang galing nga naman at sumasang ayon ang plano namin. Pumasok si emelda smith at mukhang tuwang tuwa pa. Binuksan ko ang camera ko at record device na gamit gamit ko.
Nagsitayo naman ang mga galamay nya at mukhang nawala ang mga lasing nito dahil dumating ang boss nilang nakasanla na ang kaluluwa kay santanas.
Kumusta ang alaga ko.... Natatawa nya pang tanong sa mga animal nato na nagsitawa rin. Okay lang naman madam buhay pa naman kahit paano. Sinunod namin ang sinabi nyong huwag syang pakainin at painumin. Kinuyom ko ang dalawang kamay ko dahil sa sobrang galit. Mga animal nato kahapon pang walang kain si alvin tapos ngayon gabing gabi na wala parin syang kinakain or ininom manlang.
Verry good! Tuwang tuwang saad nito sa mga galamay nya at pumalakpak pa si bruha. Dahil jan bibigyan ko kayo ng bonus.... Natatawa nyang wika at nagsipalakpakan rin ang mga animal.
Dalhin nyo sya sa harap ko ngayon.....mabilis namang sinunod ng mga kulokoy at dinala sa harap si alvin. Nakaupo ito sa isang silya na nakatali ang mga paa at ang mga kamay.
Naiiyak ako sa itsura ni alvin. Nakaupo ito na mukhang walang kalakas lakas. Ang dami nya ring sugat sa mukha at sa iba pang parte ng katawan nya. Mas naiiyak pa ako dahil mukhang tinorture ito at ang mukha nito namamaga narin. May mga dugo ito sa ibat ibang parte ng katawan na mukhang natuyo na.
Lumapit si emelda smith kay alvin at mukhang pinag aaralan ang itsura ni alvin na hindi na makilala. Kinuha naman nito ang isang balde sa gilid at binuhos ito kay alvin kaya naman nagising si alvin at hinahabol ang hininga.
Good evening my dear son..... Pang uuyam nitong saad kay alvin na ngayon masama na ang tingin kay emelda.
Tumawa si emelda ng malakas. Huwag ka munang magalit kasi may ishe-share akong secret sayo bago kaman lang mamatay.
Umiwas ng tingin si alvin at mukhang walang balak makinig sa sasabihin ni emelda.
Listen my dear son.... Patuloy nya paring kausap kay alvin na mukhang wala paring balak na pakinggan ang sasabihin ng baliw na bruha nato.
You wanna know a secret? Tanong nya paka alvin. Sige kwe-kwento ko nalang.
Alam mo bang pinatay ko ang daddy mo.... Natatawa nya pang simula.
Tumingin naman nasi alvin kay emelda na ngayon galit na galit na.
PAPATAYIN KITA PAG NAKA ALIS AKO DITO! sigaw nya kay emelda na tuwang tuwa na dahil nakuha na nya ang atensyon ni alvin.
Kung makakaalis kapa? Pang aasar nya pa. Alam mo ba kung bakit ko pinatay ang daddy mo? Tumingin naman ako kay alvin na mas lalong nagalit at pinipilit na nyang tinatanggal ang lubid sa kamay nya.
Una, dahil pinatay ko ang daddy mo kasi hindi nya pinangalan kay luke ang smith corporation.
Pangalawa naman, sabay pakita pa nito ang kamay na nakataas ang dalawang daliri.... Lalo nyang inaasar si alvin na mas lalong nagpupumiglas na tanggalin ang lupid na nakatali sa kamay nya.
Pangalawa, kasi wala syang iniwan sa amin ni luke kahit isang property kundi maliit lang na pera ang iniwan sa amin.
Dapat lang sa inyo yan dahil hindi naman nyo pinag hirapan ang company ni daddy at isa pa dapat magpasalamat kayo kasi iniwanan pa kayo ng pera!! Galit na galit na sigaw ni alvin.
Kaya nga tayo nandito eh, kasi kung mamatay ka edi wala nang tagapag mana kasi patay kana! Edi kung ganun sa akin na mapupunta ang lahat lahat! Tuwang tuwa na wika ni emelda kay alvin.
Hindi mangyayari yun kahit mamatay man ako! Dahil nanjan pa ang kapatid ko!! Balik nyang sigaw kay emelda na mukhang ngayon lang naalala na may kapatid pa si alvin.
Kung ganun papatayin ko rin sya ganun kadali! Pang aasar nya pa.
MAMATAY KANA EMELDA! WALA KANG KASING SAMA! SINUSUNOG NA ANG KALULUWA MO SA EMPYERNO!
Wait bago mo ako isumpa may sasabihin pa ako. Alam mo ba kung paano ko pinatay ang daddy mo? Pagtatanong nya pa kay alvin na ngayon parang wala nang lakas. Hindi ko na kaya ang nakikita ko.
Pinatay ko ang daddy mo sa pamamagitan ng unan.... Saad nito na parang wala lang sakanya ang sinabi nito.
Tinakpan ko lang naman ng unan ang mukha ng daddy mo hanggang sa nagpupumiglas ito at nawalan na nang hininga.... Natatawa nyang kwento. Ang galing ko no? Kasi hindi manlang nalaman na suffocation ang dahilan ng pagkamatay nito. Kasi nga binayaran ko lahat ng pwedeng makaalam na hindi talaga sa sakit sa puso ang dahilan ng pagkamatay nito. Pagtatapos nyang kwento.
DEMONYA KA! PINATAY MO ANG DADDY KO! PAPATAYIN KITA! PATI ANAK MO PAPATAYIN KO RIN! sigaw ni alvin kaya naman parang nag pantig ang tenga ni emelda at sinampal si alvin. Tinumba ko yung mga gulong kaya naman napunta lahat ng tingin nila sa akin.
Hindi ako lumaban at mabilis akong hinawakan ng dalawa nyang alagad. Tumingin ako kay alvin parang nagulat ito na makita ako dito.
So nandito pala ang girlfriend mo! Tuwang tuwa na sabi ni emelda.
HUWAG MO SYANG IDAMAY DITO! AKO LANG ANG KAILANGAN MO AT PAKAWALAN MO SYA EMELDA! sigaw ni alvin kay emelda na hindi manlang nito pinansin ang sinabi ni alvin.
ALAM MO BANG GALIT NA GALIT AKO SAYO! sabay sampal nito sa akin. UNA, SINAKTAN MO ANG MAHAL KUNG ANAK AT PANGALAWA, PINAKULONG MO SYA!! Galit na galit nyang sigaw at sinampal akong muli at sinabunutan pa ako kaya naman nabitawan ako ng dalawa nyang alagad.
Sigaw naman ng sigaw si alvin. BITAWAN MO SYA EMELDA! PAPATAYIN TALAGA KITA! sigaw ni alvin at nagpupumiglas na ito lalo kaya naman natumba ang silyang inuupuan nya.
Hindi ko na kaya ang pagsampal sampal ni emelda kaya naman tumayo ako at mabilis na sinuntok ang lalakeng nasa tabi ko. At yun ang hudyat na umpisa na ang laban sunod sunod ang putok ng baril kaya naman kinuha ko ang tyempo nayun para lapitan si alvin at tulungang tumayo. Mabilis kung tinanggal ang tali nito. Pinagbabaril ko ang mga nagtatakang lumapit sa amin.
Babe okay ka lang ba? Tanong ko dito at mukhang iniinda ang sakit ng pinagtalian ng lubid sa kamay at paa. Kaliwa kaliwa ang patukan at nagsipasok ang ibang agent na ngayon nakikipag patintero sa bala. Nakita ko ang isang lalake na balak sanang barili si alvin pero mabilis ko itong binaril at tumama ito sa ulo mismo.
Inaakay ko si alvin patayo para makaalis kami sa pwestong iyon pero natumba si alvin at nadamay ako. Umaray ito at nakita kong may tama sya ng baril sa binti. s**t! Alvin...inakay ko si alvin at dinala sa lugar na hindi syang muli tatamaan.
Nakita ko si emelda at hawak hawak ang baril na umuusok pa. Galit na galit ko itong tinignan at mabilis na itinutok ang baril. Pero ang bruha ang bilis akala mo hindi matanda.
Galingan mung magtago at paniguradong ito na ang katapusan mo! Sigaw kong saad at mukhang narinig ni bruha ang mga sinabi ko at tumawa pa talaga.
Mabilis akong nagtago dahil ang bruha at magaling rin palang humawak ng baril hindi ko alam na may alam pala si bruha kung paano humawak ng baril.
Nagtago ako sa loob ng gulong at nakikita ko ang bruha na mukhang hindi yata ako nakikita. Dahan dahan akong lumabas at inambahan sya. Mabilis ko syang sinabunutan at ang gaga nakasubsub ang mukha sa gulong na tumumba kaya naman parehas kaming natumbahan.
Nakatayo ako agad at ganun rin sya. Nakatutok ang baril nya sa akin at ganun rin ako. Mabilis ko syang binaril pero ang bruha nakaikot agad. Nagtago ako muli.
Ang lintek walang bala na yung isang baril ko at itong hawak ko ilan nalang ang bala. Nakita kong mabilis na tumakbo si emelda sa labas kaya naman hinabol ko sya at pinaputukan sa binti at patuloy paring tumakbo at nagtago sa mga talahib. Sinuot kong muli ang salamin ko at nakita ko itong gumagapang kaya naman pinaputukan ko itong muli at tinamaan sa kabilang binti.
Tumayo ito at binaril ako sa braso kaya naman nabitawan ko ang baril ko.
Oh! Ano? Ilabas mo ang tapang mo! Kung hindi ko man mapatay si alvin ikaw nalang ang papatayin ko! Mayabang nya pang saad sa akin.
Pinaputukan nya ako at mabilis akong yumuko at kinuha ang baril ko na nasa damuhan at binaril sya. Tumama ang bala ng baril ko malapit sa dibdib napahiga ito at iniinda ang tama ng baril.
Mabilis namang dumating si xandro at ang ambulansyang naka istambay. Mabilis na kinuha si emelda Smith na humihinga pa! Dumating naman ang mga pulis ng quezon at hinuli ang mga walang tama at yung mga hindi naman malala ang natamo pinagsasakay sa police mobile.
Nakita ko si alvin nakahiga sa ambulance bed kaya naman mabilis akong lumapit dito at nakita ko itong walang malay. BAKIT WALA SYANG MALAY?! nagwawala kong sigaw sigaw sa nurse na nag aasikaso kay alvin.
Ma'am kailangan po syang dalhin agad sa hospital at nauubusan na po sya ng dugo. Para naman akong nawala sa katinuaan kaya sumakay ako agad sa ambulance at hawak hawak ang kamay ni alvin.
Babe please huwag mo akong iwan! Umiiyak kong kausap dito. Mas naiyak pa ako lalo dahil kaawa awa ang dinanas ni alvin sa kamay ni emelda. Ang dami nyang sugat at punong puno ng natuyong dugo ang katawan nya pero yung sa binti nya bago lang at pinipigilan ng nurse sa pagdurugo.
Mabilis kaming nakarating sa hospital at inasikaso naman sya ng mga doctor. Nasa labas lang ako ng operating room at nagdadasal na sana maging okay na si alvin.Lumabas ang doctor at nilapitan ako kaagad nito.
Sorry ms. Wala po kaming stock ng dugo na AB negative dahil napaka rear po ng Dugo ng pasyente.
Nawalan ako ng lakas dahil hindi ko alam napaka rear pala ng dugo ni alvin. Saan ako hahanap noon.
Please doc! Gawan nyo po ng paraan... Nag mamakaawa kong saad dito. Magbabayad ako kahit magkano please! Mabuhay lang yung boyfriend ko... Umiiyak ko pang saad.
Sorry po ma'am tumawag na po ako sa blood bank pero ang sabi po nila wala raw po silang stock ng dugo. Saad naman ng doctor na mukhang walang magagawa.
Ma'am pakibilisan po ang paghahanap ng dugo.... Saad nito at nagpaalam na.
Palabas na ako ng hospital ng makita ko si xander at grace na tumatakbong palapit sa akin. Umiiyak akong yinakap ni grace at xander..
Xander kailangan ko nang dugo please... Nagmamakaawa kong saad dito.
Sige magdodonate ako mabilis nitong saad. At ganun rin si grace.
Pero AB negative ang kailangan xander mas naiiyak kong saad at napaupo na sa sahig. Yinakap muli ako ni xander. Sorry max O+ ako tumingin naman si grace at AB-positve ako saad naman nito.
Pinatayo ako ni xander at muli akong natumba at nabangga ko naman ang isang babae na nakasalamin at hindi ko makita masyado ang mukha nya dahil nakabalabal ito.
Sorry miss hindi paumanhin nito at humingi rin naman ako ng tawad. Umalis na ito sa harapan namin. Yakap yakap na ako ni grace at si xander naman mabilis na kinuha ang cellphone at mukhang maghahanap sya ng hospital na pwedeng kuhaan ng dugo.