Nandito kami sa labas ng operating room ni grace at ni xander na kanina pa tawag ng tawag sa cellphone nya. Pero ganun parin ang mga sinasabi ng tinatawagan nito. Na wala rin silang stock na AB negative. Nawawala na ako ng lakas, feeling ko kaunti nalang bibigay na ang katawan ko. Maxine kumain ka lang ba bago tayo umalis kanina? tanong ni agent grace. No! hindi na ako nakakain kasi sa sobrang pag aalala kay alvin. Kung kumain muna kaya tayo sa canteen at mukhang bibigay kana eh.....saad pa nito. No! okay lang ako aantayin kong lumabas si alvin sa operating room. Lumapit naman si xander sa amin at mukhang narinig yata ang pinag uusapan namin ni grace. Maxine kumain ka muna at tumawag sa akin si nana rosie na umalis ka raw ng hindi kumakain at hindi karin nag paalam sakanya. Wala

