“Ayiiiiiiiieeee! Sana ol!,” masayang sigawan ng mga kaibigan ko nang hinalikan ako sa labi ng aking boyfriend. Tonight is our third anniversary as a couple. Naalala ko pa dati noong unang gabing narito kami ni Denver. Puerto Prinsesa is such a dream come true talaga dahil dito ko din kase sinagot ang aking boyfriend.
“Congrats sa inyong dalawa, Celeste!” masayang salubong ng akin ng high school best friend kong si Alexandria. Kagaya ko ay naka white bikini rin ito at agaw pansin ang curly hair niyang nakatali. Katulad ng mga kaibigan ko ay mayroon rin itong hawak na red balloon na hugis puso at nakasulat roon ang salitang “Congrats!”. Kanina ay may hinanda silang sorpresa amin ni Denver kaya sobrang nakakataba ng puso. I can’t help but to cry in happiness. Masaya ko siyang niyakap at bineso at pagkatapos ay parehas kaming nagngitian. Nagulat pa ako nang batiin rin niya sa pamamagitan ng paghalik sa pisngi ang aking boyfriend s***h fiancee. Medyo naging awkward ang naging reaksyon ko roon ngunit nginitian lamang ako ni Alexandria. Ngumiti rin sa kaniya ang aking boyfriend na di lingid sa kaalaman ko ay close na rin sila. Oo close sila, kaya ayos lang siguro iyon.
The night is shouting peace and modest happiness habang kaming magkakaibigan ay narito sa gitna ng isla para magcelebrate. Pinili naming dito magcelebrate sa Puerto Prinsesa sa kadahilanang paborito ko ang lugar na ito at majority sa mga friends ko ay di pa nakakapunta rito. Mga Western lovers kasi!
Tahimik ang buong isla na tanging ang masasayang sayawan at tugtugan namin ang siyang nagsisilbing ingay. I invited my high school friends including my real time besties na sina Luke, Christine at Sharmaine na ngayon ay tanaw na tanaw kong umiinom ng tequila habang nakaupo sa buhanginan.
“Happy 3rd Anniversary, baby!,” Abot langit na ngiti ko saka sinalubong ng mabilis na halik ang boyfriend ko. Balak ko sanang lapitan sila Luke ngunit mamaya na lang siguro.
Naririto rin ang mga kaibigan at katrabaho ni Denver sa field at masayang binati kami. Lahat sila ay nagtungo na sa bonfire na nakahain sa harapan habang ang ilan ay nagkanya kanyang pwesto upang panoorin ang inihandang magandang tugtugin ng iba kong kaibigang mang-aawit. Iniwan ba naman kami ritong dalawa. Magsisimula na raw ang pangalawang banda.
“Happy Anniversary!,” tinawag nito ang aking pansin nang halikan ulit ako sa pisngi saka lumabas ang mapuputi niyang ngipin. Sabi nga nila, a smile is the key to a woman’s heart. Kumbaga, isang ngiti lang ay inlababo kana!
He guided me papasok sa isang candle light garden habang ang mga kaibigan at kakilala namin ay naiwang nagkakasayahan sa tabi ng dagat. It is a bonfire event actually! Di nakakaumay ang dami ng seafoods and fruits especially itong hawak ko ngayon, ang favorite kong desert na crocodile ice cream!
Hawak hawak ko pa ang bouquet of red roses na bigay nito sa akin. Masaya akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. Itinaas ko pa ang aking daliri at pinakita sa kaniya ang aking palasingsingan. Masaya kong pinakita sa kaniyang excited na akong maging asawa niya.
“Woaahh! Babyyy!!! Ano to?,” tawag ko sa naiiyak at di maipaliwanag na kilig at excitement. Kusang bumubukas ang mga nakatagong small candle lamp sa bawat gilid ng daanan habang papalapit kami sa mismong pintuang nakaabang. Madilim pa rin ang paligid na siyang nagpapaexcite pa lalo sa akin.
Nilingon ko pa siyang muli para makakuha ng sagot ngunit ngumiti lamang ito sa likod ng camerang hawak.
“You look beautiful tonight, baby! I love you!,” aniya na sumisilip pa ang mapuputing ngipin niya. Iniabot pa ng isang kamay nito ang isang maliit na bulaklak sa akin. Nilagay ko naman iyon sa aking tenga at saka nagngingiti sa sobrang kalamigan at kakiligan. Nalimutan ko ang knitted wardrobe ko.
Nang wala na talaga akong makuhang sagot o clue sa kaniya ay pinili ko na lamang na ipagpatuloy ang paglalakad habang nasa likod ko siya. Kilig na kilig pa naman ako noon dahil sa surpresang ito.
Nang makalapit na kami sa pintuan ay saka ko na ito pinihit at binuksan. Lumabas pa mula roon ang amoy ng isang libong bulaklak na tila naipon ang mga iyon sa iisang lugar. Kaya naman pala ay dahil sa bawat paligid ay may mga naggagandahang rosas na sobrang nakakainlove sa sobrang pagkakapula nila.
Ramdam ko agad ang mga kamay nito sa aking beywang na tila yayakapin na ata ako mula sa likuran.
Muli ko pang inilibot ang aking paningin sa paligid, madilim man ngunit masasabi kong napakaromantic! Nakakakilig sobra!
Kapwa naagaw ang aming atensyon nang sabay na tumunog ang dalawang violin sa may bandang harapan. Katabi niyon ang isang maliit na mesa na may dalawang upuan din itong kasama. Kitang kita ko pang naroroon na rin ang mga pagkaing nag-aantay na sa amin.
Hindi maalis ang mga mata ko sa paligid kaya muli ko na namang inilibot ang mga mata ko sa iba pang parte. Malawak ang lugar at punong puno ito ng balloons ngunit dahil nakapatay ang ilang mga ilaw ay nagmimistulang maliit lamang ito.
“Lets go, baby!,” aniya sa nakangiting itsura. Inilagay ko naman ang aking kamay sa nakalahad nitong palad at magkasabay naming nilakad ang natitirang espasyo papunta sa lamesang iyon.
Noong gabing iyon ang gabing masasabi kong katuparan na nang mga pangarap ko. Pangarap na sa wakas ay siguradong tuloy na ang kasal ko sa taong pinakamamahal ko.
Ngunit nagkamali yata ako.
“Celeste! Anong nangyayare sa iyo? Bat may dugo ang bibig mo?”, aniya sa natatakot na boses. Di pa kase kami nagsisimulang kumain pero inaatake na ako ng pag-ubo. Sa di ko na mapigilang maubo ay tila alon na ang pag-ubo ko habang parang agos na ng dagat ang dugong lumalabas.
I looked at him nervously, he didn’t know that I am sick. Sa tagal naming magkasintahan ay hindi ko kailanman sinabing maysakit ako. Natatakot akong iwanan niya ako.
Tumayo agad ito at pinagmasdan akong maigi. Tila ibang Denver ang nasa harap ko. Malayong malayo sa lalaking una kong nakilala. Kumpara sa inaasahan kong pag-aalala at pag-intindi niya sa kalagayan ko ay ibang – iba sa nakikita ko ngayon.
Nanlilisik at nandidiri itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kusang naglandas ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang nangyari na nga ang kinakatakutan ko.
“Matt, b-baby. I- I have tuberculosis. Just found out last week. I-I’m sorry,” nanlulumo kong sabi. Tumayo pa ako at nilapitan ito. Ngunit lumayo lamang siya lalo habang ang mga mata nito ay nasa puting telang hawak ko. Punong – puno iyon ng dugo. Halos magmakaawa pa ako at nag-iiyak sa sakit na meron ko ngunit lalo lamang itong umatras at pilit na inilalayo ang sarili sa akin.
“Wag ka lumapit sa akin.”
Nakaharang na ngayon ang kamay niya sa aking harapan. Tila nakahalata na rin ang mga tao sa paligid at pati na ang tumutugtog ay ibinaba na rin ang mga hawak nila. Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa amin. Lalo na sa akin, ang iba ay naaawa at ang iba ay nandidiri.
Lahat sila ay di na naalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano bang nagawa ko? Masyado bang nakakadiri ang sakit ko? Yes, nakakahawa ito pero hindi pa naman malala ah!
I was diagnosed three years ago ngunit humaling na ako.
“Punusan mo ang iyong sarili,” kaagad akong napatingin sa hawak nitong tissue at sa kanya. Sa haba ng braso nito ay ganoon na rin kalayo ang agwat namin sa isa’t – isa. Hindi ko alam kung tatanggapin ko pa ba iyon ngunit nang tinignan ko siyang muli ay nakatakip na ito ng bibig at wala sa akin ang tingin.
“Bilisan mo, nakakahiya.”
Nagparte agad ang mga labi ko sa gulat at namumuong sakit. Halos tumakas na ang mga luha sa aking mga mata sa aking narinig.
“Kinakahiya mo ako?,” mabilis na tanong ko. Nanatiling nakatingin ito sa malayo at di pa din nagbabago ang reaksyon sa mukha nito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Pati pala ang sakit ko ay hindi niya matanggap.
“Seriously Celeste? Ano ba sa tingin mo? Dati mo na to sakit no? Nilihim mo pa sa akin? Sa tingin mo ano magiging reaksyon ko ha? Nakakadiri ka.”
Sapat na ang kamay nitong pumasa ere para sabihin kong nandidiri siya, galit siya. Tuluyan nang lumabas ang mga luha pinipigilan ko pa kanina. Alam kong may kasalanan ako ngunit bakit parang ramdam kong ibang tao ako sa kanya?
“Ma-matutulog na ako.”
Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo papalabas ng lugar na iyon. Kung gaano kabilis ang takbo ko ay ganoon din kabilis ang pagpatak ng mga dugong galing sa bibig ko. Sandaling tumigil ako at pinasadahan ng tingin ang aking sarili. Ang white bikini ko pala ay naging pula na dahil sa nagkalat na dugo mula sa aking pagkakaubo kanina.
“Celeste, I’m sorry but you have tuberculosis. Stage 2.”
“Celeste! Omygosh!!!!! Paano mo nakuha iyan? “
“Nakakahawa ka!”
Sandaling sinampal ako ng katotohanan. The moment na sinabi iyon ng aming doctor sa harapan namin ng mga magulang ko ay nagbago na ang lahat. I have a disease at ni pamilya ko ay kinakahiya rin ako. Pano pa kaya pag ibang tao na? Gaya ng boyfriend ko? Lahat pala sila pandidirihan ako.
Mabilis akong bumalik sa aming tinutuluyang hotel. Bawat madaanan ko ay tanging tingin lang ng mga tao ang nakukuha ko. Iyong iba ay nagtataka kung bakit ako duguan at umiiyak pa habang nakatungong naglalakad. Someone came in my room at tinulungan pa akong dalhin sa room ang mga nurse ng mismong hotel. They gave me medicine at inabisuhang magpatingin na sa doctor. I immediately obeyed at nag-impake na papaalis.
This is the night. The night, where my heart is broken into pieces na tila ba isa itong malagim na panaginip. Isang panaginip na punong – puno na ng kadiliman at kalungkutan