HL2: THE MEET UP

1978 Words
“Besh, sabi ko naman diba wag mo isama? Ang tanga mo kasi!” Mabagal ang paghinga ko ngunit rinig na rinig ko ang malalakas na sagutan na para bang nagsasabong na manok sa harapan ko. I sighed. Pati ba naman sa pagtulog ko ay napapanaginipan ko lahat ng nangyari noong gabing iyon? “Ako pa Luke? Sino ba sa atin ang kasama sa apartment ha? Diba ikaw? Edi ikaw ang tanga!” Iminulat ko agad ang aking mga mata at ngayon ko lang napagtantong nasa ospital ako. Itinaas ko agad ang aking kamay para punasan ang mga luhang tumakas. Ganito na ba ako sobrang bigo sa pag-ibig? Tulog na nga ko, umiiyak pa din ako. Muli kong tinignan ang mga taong nasa harap ko. Nasa harapan kong nagtatalo sina Luke at Christine habang inaawat naman silang dalawa ni Sharmaine. Pare parehas silang nakapambahay at halata pa sa mukha ni Christine na kakagising lamang niya. Nasa mesa ang mga bags at almusal na dala nila. Naamoy ko ang masarap na sopas ngunit parang wala akong gana. Eversince in college, ganito na talaga sina Luke at Christine laging nagbabangayan habang laging referree si Sharmaine. At ako? Ako ang laging dahilan ng pag-aaway nila. Ngunit masaya ako at thankful dahil nariyan pa din sila. Hindi nagsasawa. “Wag na kayo mag-away. Kasalanan ko. Tinakasan kita Luke at nagsinungaling naman ako kay Christine, Luke. I’m sorry.” Bumagsak agad ang ulo ko kahit pa kakaupo ko lang. Dali – dali naman silang lumapit sa aking tabi at yinakap nila akong tatlo. Plinano ko ang lahat. Gusto ko kasing maranasan nila ang sakit na nararamdaman ko kaya binalak kong pumunta sa kasal nila. Ngunit nabigo ako. Simula noong gabing nalaman kong ganoon pala ang ugali ni Denver ay nilisan ko na agad ang hotel at umuwi nang Maynila. Ngunit pagdating ko ay nakadating agad sa akin ang balitang engage na sa Puerto Prinsesa ang boyfriend kong si Denver at ang best friend kong si Alexandria. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nalaman at gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Wala naman akong ginawang masama para gawin nila iyon sa akin. Naging mabait ako sa kanila at pinagkatiwalaan ko pa. Lalo na si Denver. “Bakla! Ikaw kasi! Sinabi na nga namin noon na niloloko ka lang ni Denver at ang impokrita mong bestie as in iwww ang plastik mong kaibigan since high school ang nang-aahas sa boyfie mo! Ayaw mo pa din maniwala! Kalerky!,” disappointed na sabi ni Luke at saka pa hinila ng malakas ang ilang hibla ng buhok ko. Kumawala agad ito sa yakap at saka nakapameywang sa aming harapan. “Aray!,” pagrereklamo ko habang naiiyak pa din. “Wag mong hilahin! Eto naman umiiyak na nga ih!,”pagdedepensa sa akin ni Sharmaine. Agad ko siyang niyakap at ganoon rin ang ginawa niya sa akin. Sumunod na rin si Christine ngunit ramdam ko pa din ang inis nito sa akin. “Kagigil kasi! Sarap mo talagang sabunutan gurl! Alam mo yon? Hay naku! Ilayo niyo nga yang babaeng iyan sa akin at baka mapukpok ko ang puso niya sa sobrang tanga! Lalabas nga muna ako. Nagugutom na ko! Wala man lang pagkain rito!,” aniya sa nagrereklamong tono ngunit ramdam ko pa din ang pag-ikot ng mga mata nito sa akin. Ang maingay nitong takong ang hudyat na papalabas na ito ng room at naiwan naman kaming tatlo rito. Hindi ko naman kase siya masisisi. Siya kase ang kauna- unahang nagbalita sa akin patungkol sa proposal na ginawa ni Denver kay Alexandria sa mismong gabing umalis ako ng Puerto Prinsesa. Diba ang sakit? Mas masakit pa sa isang daang karayom. Siya din ang kauna – unahang nagpaalala na sa akin noong bago pa lang kami ni Denver na hindi daw niya ito gusto para sa akin. Pero hindi ako nakinig. “Besh, bakit mo naman ginawa iyon? Kalimutan mo na kase si Denver. Madami pa diyang iba. Tsaka manloloko iyon. Di pa nga kami nakakaganti roon ih. Ang sarap sapakin kasama ng bruhang Alexandria na iyon! Haysss!,” aniya ni Sharmaine sa naiinis na itsura. Kinurot pa ako nito sa pisngi at nagreklamo na naman ako sa sakit. Tama lang iyon sa akin. Ang tanga tanga ko talaga. Napaharap agad ako nang maramdaman ang malamig na kamay na nasa braso ko. “Celest, alam mong mahal kita kaya bilang kaibigan mo, hindi kita kakampihan. Sa tingin mo ba babalikan ka pa niya kung sakaling napigilan mo ang kasal nila? Hindi Celest, mas lalo ka lang magiging kaawa awa sa paningin nila. Tama si Luke, dapat ay di mo na kami tinakasan ayan tuloy, muntik na. Buti na lang at mabait ang nagdala sa iyo rito,” seryosong sabi ni Christine habang nakatupi pa ang mga braso sa aking harapan. Sumilay roon ang kakaibang ngiti na ngayon ko lang nakita ngunit agad ding nawala. Parehas ko silang binalingan ng tingin ngunit agad din nilang iniwas ang kanilang mga mata sa akin. Ramdam ko ang pagtatampo nila sa akin at hindi iyon maitatago ng kanilang mga kilos. “Sorry na please. Di ko na uulitin. Sorry na.” Buti na lang at di nila ako matiis at pinatawad agad nila ako. Ngunit kinuha nila ang cellphone ko at pinakealaman ang f*******: ko especially sa mga pictures namin ni Denver. Ngunit wala naman akong magagawa kahit pa pigilan ko sila. Sila na lang meron ako. Sobrang saya ko dahil naririto pa din sila sa tabi ko. Sabay sabay kaming napatingin sa taong kumatok ng pintuan. Bumukas iyon at nakangiting bulto agad ni Luke ang pumasok. Sumunod sa kaniya ang doctor na siyang pamilyar sa akin at may kasama itong babaeng nurse sa tabi. Sa mukha pa lamang ni Luke ay alam ko nang good news iyon. Ibig sabihin ba nito, makakalabas at gagaling ako agad? Makakaganti na ako sa dalawang iyon? “Sisteret! Andyan na Doctor mo!,” para itong uuod na kung makalakad ay parang nasa pageant. Di gaya kaninang naiinis ito. Kapansin pansin ang kakaiba nitong ngiti nang lumapit sa amin. Umupo agad ito sa aming tabi at saka tinignan ang mga dumating na kasama. “Ms. Celeste Avh, upon taking a TB blood test, you are AGAIN positive for TB disease. You need to take meds for 6 to 12 months. Kailangan mong inumin ang mga gamot sa prescribed na oras. Or else, mas lalong mabubuhay at magiging malakas ang mga germs at wag naman sana na di na makuha sa gamot. Inexplain ko na rin sa iyong nurse,” pagpapaliwanag ni Doc Austin saka tumingin ito sa babaeng nurse na katabi at saka nilingon pa ang sa likod niya na para bang mayroon siyang hinahanap. “Ms. Tacderas, where is.. Mr. Arguente?,” tanong ni Doc Austin sa kasama niyang nurse kaya lumabas naman ang nurse para hanapjn ang tinutukoy ng doctor. “By the way, Celeste. I assumed alam na ito ng iyong magulang?,” tumaas ang kilay ni Doc Austin sa akin bilang pagkumpirma sa isang bagay ngunit nanatiling kalmado ang aking reaksyon. Nang nakumpirma na nitong wala akong maisasagot ay nagkibit balikat na lamang ito. Tinanong pa akong muli kung gusto kong siya na ang magpa-alam sa mga magulang ko ngunit tumanggi na lamang ako kaya wala itong nagawa kundi ang hayaan ako sa aking gusto. Doctor Austin is our family doctor. Actually, ang kaniyang Ama ang aming personal doctor ngunit nang nagdesisyong tumira sa ibang bansa ang aking mga magulang ay isinama nila ito. Ibinilin naman nila ako sa kaniyang anak na si Doctor Austin na ngayon ay siyang nasa harapan ko. “Sorry Doc, nakasalubong ko kase iyong dati kong pasyente,” hinihingal na sabi ng isang pamilyar na lalaki saka pa ito ngumiti. Lahat kami ay napatingin sa kaniya nang tanguhan lamang siya ni Doc Austin saka iniharap sa amin. Doon ko lang napagtantong kamukha ng lalaking iyon ang driver ng sinakyan kong taxi! “Mamsh! Ang pogi!!!,” kinikilig na bulong ni Luke sa aming tatlo. Maging ang dalawa kong kaibigan ay umayon kay Luke na siyang nagpyepyesta na ang mga mata sa nakikita. “Ms. Celeste, I want you to meet Mr. Matthew Arguente ang siyang nagdala sayo rito sa ospital. Matt this is Celeste Avh. Siya nga pala ang pinakarequested na nurse rito sa ospital kaya madaming may gustong maging personal nurse siya. Baka maging personal nurse mo siya Celeste ” Masayang pagpapakilala ni Doctor Austin sa amin ngunut hindi ako natutuwa. Kinilig pa lalo ang tatlong kaibigan ko at di na nila napigilan lalo nang lumakad ito papalapit at nakipagkamayan sa akin. “Whoaaahhh!!! Knight in shinning armour!,” sigaw ni Luke at may kasama pang kilig at pang-aasar. Amoy na amoy ko pa ang panlalake nitong pabango na sa tingin ko ay pati ang kamay nito ay nilagyan rin niya. Hindi ko na sana tatanggapin ang kaniyang kamay ngunit wala naman ako sa wisyong magtaray dahil kakagising ko lamang at galing pa akong iyak. “Nice to meet you. See you around.” Nakangiti nitong bati at saka ako nginitian at pabirong tinaasan ng kilay. Mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa aking kamay nang plastik ko itong ngitian. Kumpirmado, siya nga ang lalaking may kasalanan ng lahat ng ito. Sa ginawa ko ay lalong lumabas pa ang dimples nito sa kaliwang pisngi at mas lalong nadefine ang matangos nitong ilong. Inaamin kong gwapo nga ito ngunit mas lamang ang salitang “playboy”, mukha kase siyang magaling mambola ng mga pasyente. No wonder madaming nagrerequest sa kaniya. “Ahy hello po Sir. Kamusta ka po!” Napatingin ako sa aking tabi. Agaran ang pagbati ni Luke sa nurse na ito at ganoon din kabilis ang pagbitaw ko sa kamay nito. “I’m good. Kayo po ba, okay po ba kayo rito?” I rolled my eyes. Kaya naman pala madaming may gustong pasyente rito ay magaling naman pala talagang mambola. “Okay na okay Sir Matt, hehe,” aniya ng tatlo kong kaibigan. Sa gulat ko ay napatingin pa ako sa kanilang tatlo at pare parehas silang nagpupuso ang mga mata. Tsk. Hay naku! “Sige maiwan na namin kayo at may pupuntahan pa kaming room. Celeste yung gamot mo ah?,” paalala ni Doc Austin. Tumango naman ako at saka na sila tuluyang lumabas ng room. Pagkasarado pa lamang ng pintuan ay nagtilian na agad ang mga kaibigan ko. Para silang nakakita ng artista na pati pagtatalon ay nagawa pa nila. “Seriously? Pogi na iyon?,” pambabasag ko. Kaagad naman nila ako sinimangutan ngunit kalaunan ay lumapit agad sila sa tabi ko. “Kunwari ka pa diyan e! If I know kinikilig ka na riyan. Hahaha”, aniya ni Luke saka ako kiniliti at sabay sabay na silang tumawa. “Pero di mo man lang pinasalamatan iyong tao. Siya na nga itong nagdala sa iyo rito tapos ngingitian mo lang ng peke? Hay naku! Ewan ko na lang kung hindi iyon ang maging personal nurse mo!,” aniya ni Christine at pare parehas pa sila nanlalaki ang mga mata. “O M G ! Paano na lang kung siya nga ang maging nurse mo?”, aniya ni Sharmaine sa nanghahamong mukha. Nakataas pa ang kilay nito at halata roon ang matinding pang-aasar at sa huli ay magtatakip na ng bibig sa sobrang kakiligan. What? Malabo naman iyong mangyari. “Waaaaaahhhhh!!!! Nakakainis ka!!!, aniya nilang tatlo at pinagpapalo pa ako. Patuloy lang sila sa pagtitili habang plinaplano na ang palagian na nilang pagpunta rito. Si Luke pa ay nagbabalak nang matulog rito. Ang OA ah! No way! Paano na lang kung siya? At paanong nurse siya e driver siya e ng taxi? Ayoko sa kaniya! May atraso pa iyon sa akin. Baka mas lalo pang di ako makalabas agad dito. Nooo!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD