PANIMULA

213 Words
Tuluyan na akong lilisan Para hindi na masaktan Naghintay na ako ng matagal sayo, Ang amoy mo ang magiging baon ko. Ako ang naging saksi at bunga ng inyong pag ibig, Nangungulila sa iyong mga bisig, Samyu ng hangin sa balat ko'y dumaplis, Parang bala na tumama sa katawan at 'di na ma alis. Pag-ibig na nabaon sa hukay, Tila ba bahaghari na nawalan ng kulay, Pwede bang pabagalin muna ang ikot ng mundo? Gusto ko pa mahawakan ang kamay mo. Gusto ko pang marinig ang tinig mo, Na nagpapapungay sa mata ko, Gusto ko pang madama ang bisig mo, Na nagpapagaan sa pagtulog ko. Isang kanta nalang, Bago ka lumisan Bago ako iwan, Isang tula nalang. Kung hihiling man ako ng tatlong beses, Tatlong beses kita hihilingin Ikaw yung lalaking pang habang buhay Ngunit hindi ako yung babaeng sayo'y inaalalay... Kayo ay tugma, Ngunit hindi naging malaya, Ikaw ang tinta sa aking pluma, Kulang ako kung wala ka Paano na ako na nahulog sayo? Ano'ng gagawin ko? Basta tingnan mo lang yung buwan pag ako'y na alala mo Para kung papaano magkakatitigan tayo. Nakakatawa lang na hindi pa nga nag uumpisa Tinapos na ng tadhana. Magbabakasakaling sa susunod na pagkikita Ang tula naten ay magiging tugma. Ikaw parin hanggang sa susunod, Carlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD