Papunta kami ngayon ni Mama sa plaza, unang araw kasi ngayon ng disyempre at may pailaw doon.
Nagpapapadyak-padyak ako habang naglalakad hawak ang kaliwang kamay ni Mama. Diretso lang siyang nakatingin sa daan at parang hindi nag kukurap.
Napanguso ako at tumigil na sa kakapadyak at diretso nalang nag lakad.
Baka kasi galit na si Mama.
Tanungin ko kaya hihi. Kaso natatakot ako. Paano kasi pag sininghalan ako? Hehe pero hindi naman kasi niya ako sinigawan noon pa man nung baby ako. Hindi ko lang alam pala nung baby ako kasi baby pa ako noon eh hehe.
Hindi ko kasi nakilala si Papa sayang masaya sana pag andito rin siya kasama namin papuntang plaza.
Nakakalungkot kaya at makikita mo yung iba ma kompleto yung pamilya sa pasko.
Pero ayos lang kaso sabi ni Mama masaya naman siya kapag kami lang dalawa, kaya masaya na rin ako. Masaya ako pag masaya si Mama. Kaya sana 'wag niya rin akong iwan gaya nung kay papa.
Ang sabi ni Mama patay na daw yung Papa ko. Ang sabi naman ni Aleng Pasing sumama daw sa babaeng mayaman. Ang sabi naman ni Lola isa daw siyang seaman at nalunod yung barko at kinain ng pating.
Grabe naman si Lola nandun ba siya kaya nalaman niya. Pero patay na ngayon si Lola kaya baka nagsasama na sila ni Papa doon at ni Lolo.
Nakarating kami ng plaza ng walang kibuan ni Mama.
"Phatima anak? Anong gusto mong kainin?" Nanliwanag ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Mama. Hindi dahil sa bibilhan niya ako ng pagkain kundi dahil kinausap na niya ako hehe.
Hindi kasi ako sanay na hindi kami nag-uusap o talagang madaldal lang ako?
"Ah mama? Yung kulay rosas po na kinakain niya." Tinuro ko yung isang batang babae na may hawak hawak na stick at nandoon ang parang ulap na kulay rosas na pagkain.
"Cotton candy iyon anak." Ngumiti sa akin si Mama at lumuhod sa harapan ko.
Bakit ba kailangan niyang lumuhod? Kasi syempre mababa ako ganun? Hayyy pwede naman siyang yumuko?
Ahhhh alam ko na kasi ayaw niya akong mahirapang tumingala, syempre nga naman ang sakit kaya sa batok. Ang talino mo talaga Phatima!! Grabe. Hehe.
"Ilan ba gusto mo ha?" Ano na Ma? Kanina kapa ha. Hindi pa ba tayo bibili?
Ngumiti siya sa akin at hinaplos-haplos ang pisngi ko pati ang buhok ko na hanggang balikat.
"Grabe naman yung pa haplos Ma." Tumawa siya akin. Pero yung pilit lang.
May problema ba?
Tumayo na siya at inakay ako palapit sa bilihan nung cotton candy.
"Dalawa nga Manong." Sabi nito sa tindero. Binarayan ni Mama ng dalawang limang-piso si Manong na tindero.
"Oh eto dalawa kasi 'Mahal Kita'." Binigay niya sa aken iyong dalawa.
"Salamat po Mama, mahal rin po kita." Ngumiti ako at inilahad ang isang cotton candy ngunit umayaw siya at ngumiti nalang pabalik.
Umupo kami ni Mama sa isang mahabang upuan. Habang kinakain ko ang kaniyang binili ay may kinukuha siya sa kaniyang bulsa.
" Isuot mo 'to Phatima." Ipinasuot niya sa daliri ko ang singsing.
Nagulat ako ng ipakita niya sa akin ang kaniya na parehas sa akin.
"Huwag mong itapon o walain iyan anak ha? Pangako mo sa aken. Iyan lang ang naiwan sa aken ng Papa mo." Ngi? Edi maliit pala daliri ni Papa? Hehehe.
"Iyan yung sa akin. Ang akin naman ang kay Papa mo." Nagulat ako. Ahhh kaya palaaaa. Medyo hindi kasya yung singsing ni Mama sa akin kaya nilagay ko sa hintuturo ko para hindi mawala.
"Salamat po Mama." Niyakap ko siya ng sobrang higpit na parang wala ng bukas.
Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang ulo ko.
"The best ka talaga, Mommy!" Rinig ko na hiyaw ng isang bata kasama ang Papa at Mama niya.
Tumingin ako kay Mama.
"The best ka talaga, Mommy."
Nasabi ko gaya ng sinabi ng bata kasi parang ang saya nila eh.
Ngunit bakit naiyak si Mama.
Masama ba yun? Hindi kasi ako nakakapag aral kaya hindi ko alam kung ano man yung sinabi nung bata.
"Huhu pasensya na Mama. " Nag alala kong sinasabi kay Mama. At niyakap ulit siya.
"The best ka rin anak." Hindi ko man alam ang kahulugan nun pero parang tumatak sa puso ko. Parang ang sarap sa tenga na marinig.
"Teka, may bibilhin ako para sayo. Dito kalang muna ha? Huwag kang umalis." Tumatango ako ng nakangiti ka Mama.
Nakita kong pinapahiran niya pa ang kaniyang mga luha.
....
Ang tagal na hindi bumalik ni Mama.
5
Asan na kaya yun?
4
Marami ba yung pila kaya hindi pa siya nakakabalik?
3
Kinakabahan ako.
2
Mama??
1!!!!
Sigaw ng mga tao. Habang ang mga tao ay masayang nag sisigawan dahil nag simula na ang pailaw ako naman itong ang nakatingin lang sa kawalan.
Bakit ganun?
Bakit parang may tumusok na karayom sa dibdib ko kahit wala naman akong ginagawa at alam kong wala akong sakit.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Si Mama??
Nakita ko si Mama na sumama sa isang lalaki na may sasakyan.
Napalunok ako at sabay2 tumulo ang mga luha ko. Kaya pala ibang-iba siya ngayon.
Bakit ganun? Wala na nga si Papa, pati ba naman ikaw? Pati ba naman yung iisang taong sandigan ko nawala na rin.
Hindi niya ba naiisip na ako nalang mag isa? Hindi niya ba naiisip na wala na akong kasama?
Bakit niya ako iniwan? Yung yakap ko ba na yun? Iyon na ba yung huli? Wala na bang bukas iyon?
Hindi kana po ba babalik, Mama?Iiwan mo na ako?
Iiwan mo ba ako ritong nakatingin sa mga batang kasama ang mga magulang at masaya dahil kompleto sila.
Iiwan mo ba akong umiiyak? Hindi mo pa ako pinapapaiyak? Diba sabi mo hindi mo kayang makita akong umiiyak?
Kung ito ang magiging pasko, hindi ko na ito gusto. Masaya dapat iyon.
Huwag mo akong iwan, Mama.
Diba ayaw mo sa mga nang-iiwan kasi ganun si Papa? Mahal kita...
Balik kana Ma....
"Ikaw parin ang The best na Mama...."