PANGALAWA

1025 Words
"Ineng! Ineng!" Dahan-dahan kong minuklat ang mata ko. Ang sakit ng pag tama ng araw sa mata ko. "Bakit ka nakatulog rito? Tsk tsk." Umupo ako, medjo hindi ko pa naririnig ng klaro sinasabi ng babae kasi kinakamot ko pa ang mata ko. "Si Mama po?" Nagtaka siya sa tinanong ko? "Wala pa rin po ba siya?" Parang gusto ko ulit na umiyak. Nagtitingin-tingin siya sa palagid. Kaya pati ako napatingin na rin. Kami nalang pala dalawa rito... "Iniwan ka ng Mama mo?" Umupo siya sa tabi ko. Tumango ako sakaniya. "Sumakay po sa isang sasakyan." Pinigilan kong huwag maiyak kasi nakakahiya sa Ale na ito. Ngayon ko lang naaanigan ng insakto ang kaniyang mukha. Naka polo siya at pantalon, Mataba, at may dala-dalang walis ting-ting. "Kapag ganun hindi na iyon babalik, hija-" Hindi ko na siya pinatapos at umalis na ako. "Saan ka pupunta?" Sigaw niya sa akin. "Hahanapin ko po si Mama ko!!" Sigaw ko pabalik ng hindi lumilingon Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya tumakbo nalang ako palayo. Gutom na gutom na ako. Alam ko kung paano umuwi sa amin dahil iisang daan lang naman ang lalakarin kaya tumakbo ako pauwi. Hapo-hapong dumating ako sa bahay namin. Ang bilis ng t***k ng puso ko nagbabakasakaling nandoon si Mama sa kusina at hinahanda na ang pagkain namin. "Mama?" Tawag ko. Ngunit ayun nga... Walang Mama ang bumungad sa akin sa kusina na nagluluto. Walang Mama na natutulog sa sala kasi pagod na pagod kaka-lako ng kamote chips. Walang Mama na nag sasampay ng labahan sa labas. Walang Mama na masaya akong sasalubungin sa kwarto. Iniwan na nga ba niya ako? "Ano tinutunganga mo diyan!?" Muntik na akong mapatalon nang makarinig ako ng bulyaw. "Aleng Pasing! Nakita mo ba si Ma-" "Wala na yun malamang sumama na sa lalaki niya. Hindi mo ba alam yun? Naku! Lumayas kana rito hindi mo mababayaran mag isa ang upa!" Hindi ko alam ang sasabihin at naiyak na lang ako. "Aba Phatima!! Huwag mo kong maiyakan siya. Hindi ako santo. Bakit ka ba iniwan ng Mama mong haliparot!" "Hindi po siya halipar-" "Haliparot siya 'di mo lang alam! Kawawa ka naman wala ka na ngang ama wala kapang ina." Tumawa siya na parang yung mga kontrabida sa telebisyon. "Parang yung anak niyo po?" Sumama ang tingin niya sa akin. At inalis lahat ng damit ko sa kabinet. "Lumayas kana!" Naiiyak man ay pinulot ko isa-isa ang mga gamit ko. Nilagay ko iyon sa basket na ginagamit ni Mama. Nakita ko ang isang litrato namin ni Mama. Kinuha ko iyon at nilagay. Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi ni Aleng Pasing dire-diretso akong lumabas sa bahay. Bumalik ako sa kung saan ako iniwan ni Mama. Bakit ba umaasa ako na bumalik siya kahit sabi nila na hindi na siya babalik? Natutuwa kong tinitingnan ang isang batang babae na kumakain ng sorbetes. Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Kinagat ko ang labi ko. Hay. Ilang oras pa ang lumipas at hindi ko na napigilang umalis sa kinauupuan ko. Naglakad-lakad ako hawak parin ang basket na may mga lamang gamit ko. Paano na ako ngayon? Hapon na ang ang saket ng tirik ng araw na tumatama sa aking katawan. Ramdam ko ang malapot na pawis na tumatagaktak sa akin. Ang tiyan ko ay kanina pa sumisigaw ng kagutuman. Nag libot-libot ako dito hanggang sa mapadpad ako sa isang simbahan kung saan maraming nag titinda sa gilid nito. Mayroon ring nanlilimos. Kaya umupo ako sa tabi nila kahit limang piso lang ang mabibigay sa akin para lamang makakain ako kahit tinapay man lang o hindi kaya makainom ng tubig. "Ang ganda mo namang bata ka..." Nasabi ng ale nang makalapit siya sa akin. Lumingon-lingon ako baka kasi yung iba yung sinasabihan niya. "Oh eto para sayo." Nanlalaki ang mata ko ng bigyan niya ako ng bente. Napasulyap ako sa mga babae sa gilid ko na masakit na ang mga tingin sa akin. Napalunok ako. "Salamat po Ale." Nanginginig na kinuha ko ang pera sa kamay niya. Dala na rin iyon ng gutom ko. "Ibili mo iyan ng pagkain mo ha? Namumutla na ikaw." Nag alalang sinabi niya. "Gusto mo ba ng tubig?" Hindi ko na magawang sumagot umilinh lng ako ng umiling. "S-salamat p-po a-ayos na po i-ito." Sinisikap ko namang mag salita at magpasalamat muli sakanya bago niya ako nilisan. Tumayo na ako at magtutungo sana sa bilihan ng harangin ako ng tatlong babae na kanina sa gilid ko lamang. Yung isa matangkad na naka-sando at shorts, mas matanda ito sa akin. Yung isa naman bata na mataba na sa tingin ko ka-edad ko lamang. Ang isa naman ay katamtaman lang ang tangkad at naka pusod ang kulot na buhok. Nakapamewang silang tatlo sa akin. Medyo hindi ko na sila na aaninagan. "Bakit ka andito sa teritoryo namin?" Bulyaw sa akin ng matangkad na babae. "P-pasensya na hindi ko alam kung saan ako pupunta eh-" Hindi ko na natapos at pilit nilang hablutin ang pera sa kamay ko. "Wala kaming pakealam amin na yan. Sa amin yan!" "Papansin ka kasi! Hindi ka naman maganda!" "Ang panget-panget mo!" Bulyaw nila sa akin. Wala man akong lakas para labanan sila hindi ko hinahayaang makuha nila ang pera ko. "Hoy tama na yan!!" Hindi ko na kita ang sumigaw kasi tinulak ako ng tatlong babaeng ito. Nasubsob ang mukha ko sa semento. Nakita ko pang dumugo ang ilong ko. Wala na rin akong lakas para tumayo pa. Nanginginig ang tuhod at siko ko. "Tulungan niyo!" Narinig kong sabi ng mga tao. "Ano yan!" Kumaripas ng takbo ang mga babae ng makalapit sa akin ang isang matandang lalaki. "Tiyong! Kamusta po siya?" Lumapit na rin yung sumigaw kanina. Isa siyang lalaki---batang lalaki. "Ineng tulungan na kitang tumayo!" Napaungol ako habang tumayo kaso hindi na kinaya ng tuhod ko bumagsak ako. "Sino ka?" Nasabi ko sa lalaking ito. "Huwag kang mag alala nasalo kita." Ang alam ko lang ay nandito pa sa palad ko ang pera. At sino ito? Sino itong anghel sa harap ko? Nakita ko pa siyang ngumiti hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid. At nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD