NANG dahil sa pagkadulas ni Romeo ay ilang araw din siyang naiiwan sa bahay ng boss nila. Ganoon pa man ay laking pasasalamat niya dahil sa wakas ay makakilos siya ng maayos at malaya. Masakit man ang buo niyang katawan dahil sa pagsemplang niya ngunit hindi niya iyon ininda. Isa siyang military Captain at bugbog sarado ang katawan sa training. Kaya't inisip niyang walang-wala ang pagbagsak sa mga pinagdanang pagsasanay. Kaso! Napangiwi siya nang maalala ang ginamit niyang pangalan upang makapasok sa teritoryo ng balimbing na heneral Ahem! Hindi man siya ang pinaka-guwapong nilalang sa earth ngunit may hitsura siyang tao. Hindi lang iyon! Isa siya sa assets ng buong Camp Villamor! Well, maaring literally Sablay siya ngunit pagdating sa trabaho ay masasabi niyang successful! Dahil na

