MATAGAL ding nagmuni-muni si Romeo matapos tumawag ang misteryosong k*ller este caller pala. Gabi na at sigurado siyang anumang oras ay lalakad na ang grupo. Sa loob ng halos isang taon niya sa pangkat ng kasalukuyan niyang amo ay masasabi niyang iyon na ang pinakamalaking entrapment. Kaso! At dahil sa lalim ng pag-iisip niya hindi niya namalayan na kanina pa pala kumakatok ang kaniyang amo. Kaso dahil dakila siyang sablay ay talaga namang sumemplang siya! "Romeo! Romeo, open the door!" sigaw nito nang marinig ang kalabog mula sa kuwarto nito. "What a f*ck! Kahit kailan talaga--- Tang●na eh!" Napamura tuloy siya. "Romeo! Ano ba?! Bubuksan mo ba ang pinto o gigibahin ko?!" muli ay sigaw ng nasa labas. "Gag*! Kahit gibain mo iyan ay wala akong pakialam! Pag-aari ko ba?!" mahina niyang

