MULING bumalik sa trabaho si Artemeo sa Camp Villamor. Alam niyang mahihirapan siya dahil ang opisina ng mga military Captain ay sa kanilang magkakaibigan. Subalit sa kasalukuyan ay siya na lamang. 'Pareng Jonas, watch over us. Buhay si Abrasado ngunit nasa misyon pa siya. Kaya't tulungan mo kaming makausad,' bulong niya habang ipinagala ang paningin. Mauupo na nga sana siya upang damhin muli ang pagbabalik trabaho ngunit nagmistula siyang nasilihan sa puwet. 'Tang*na naman! Isang taon lang akong nawala ngunit mukhang nakalimutan ko na ang magreport kay Sir General,' aniya sa tinig na halos hindi marinig. Well, wala rin namang makarinig at mas lalo ng walang ibang tao roon kundi siya! Kaya't okay lang na careless whispers ang binitiwan niyang salita. At bago pa siya ma-court martial

