PAGKALABAS ni Surene sa paliparan ay kaagad siyang nagtungo sa parking area ng mga metered taxis. Dahil ang unang gusto niyang gawin ay ang makita ang kaniyang labidabs. Subalit ng maalala ang lalaking sinupalpal sa loob mismo ng eroplano ay natigilan siya. 'Huwag kang makasarili, Surene. Hindi lang ang labidabs mo ang dahilan kung bakit bumalik ka ng bansa.' Pangaral niya sa sarili. "Hmmm... Since that I disturbed you and now that you are put of lane, can you take me to the nearest jeepney parking area?" magalang niyang sabi sa hindi katandaang taxi driver. "Sige lang, Hija. Walang problema. Babalik na lang ulit ako sa linya. Kung sakayan ng jeep ang hanap mo ay huwag ka ng mag-taxi. Diyan lang sa kabilang banda samantalang kung ihahatid kita ay baka abutin tayo ng traffic," anito. 'M

