CHAPTER 1

3356 Words
Luna     Tatlong araw na akong walang raket. ‘yong naka-schedule na gig ko sana ngayong araw ay napurnada dahil pansamantalang nagsara ‘yung bar. Nagkaroon daw ng away kagabi at kailangang ayusin muna ang mga nasirang gamit.   Abala ako sa pagwawalis sa labas ng bahay namin nang biglang dumating si Jigo, isa sa mga nakakasama ko mga gigs. Drummer siya sa kanilang banda at kapag kailangan nila ng babaeng vocalist sa mga tugtugan nila, ako ang lagi nilang kinukuha.   Tumigil ako sa pagwawalis nang mapansin ko ang presenya niya. I looked at him and I can see him standing in front of our gate. He’s bad boy image look is very appealing to women. Nakaitim na round neck t-shirt, maong pants, at white sneakers na mamahalin ang tatak. Beanie na kulay gray at dog tag ang kanyang accesorries. Ang kanyang muscles ay humahakab sa kanyang katawan.   “Baka matunaw ako sa titig mo niyan, Luna. Pero hindi kita masisisi. ” He said while smirking. My upper lip rose and glared at him.   “Jigo, good news ba ‘yang dala mo? Nauna kasi ang hangin eh.” I rolled my eyes bago ko siya nilapitan at pagbuksan ng gate.   Niyaya ko siyang pumasok sa bahay pero tumanggi na siya. Aniya’y hindi naman daw siya magtatagal.   “May gig kami sa Sta. Ana, kailangan namin ng babaeng bokalista. Kaya lang…” nabitin ang sinasabi niya ng dumako ang mata niya sa pintuan ng bahay namin. Naroon pala si Mama.   “Good morning po, Aunty Melda!” Magiliw na bati ni Jigo. He even waved his right hand habang nakangiti. Mama just nodded and went back inside the house.   Nilingon niya akong muli. “Kaya lang ano?” Pagtatanong ko.   “Isang linggo ‘yon. Stay-in. Sa isang hotel-casino. Kakanta tayo sa bar nila.”   Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ibinalita. Isang linggo? Malaking kita na rin ‘yon!   “Game! Sama ako!” I said.   “Okay. Susunduin ka namin bukas ng madaling araw. Huwag kang mag-alala, hiwalay ang kwarto mo sa’min. Provided na iyon ng hotel. Pati yung mga susuotin. Magdala ka na lang ng damit mo pamalit.” Aniya.   Nang makaalis na siya, mabilis kong tinapos ang pagwawalis sa bakuran. Itinapon ko ang mga tuyong dahon sa basurahan na lata at dinala sa likod bahay. Tinungo ko ang kusina para magluto ng almusal nang lapitan ako ni Mama. Tumikhim siya na siyang ikinalingon ko. Nakita kong nakangiti siya sa akin.   “A-ano’ng sinabi sa’yo nung kasama mo?” pasimple niyang tanong. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang itlog na binatil ko at inihalo ko iyon gamit ang tinidor.   “Nag-alok ng trabaho, ‘ma.” Tamad ko siyang sinagot. Nilagyan ko ng kaunting asin ang itlog.   Kinuha ko ang kawali sa hanging cabinet at isinalang sa kalan. Tumikhim ulit si Mama. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Naglagay ako ng kaunting mantika sa kawali bago ko ibinuhos ang itlog.   “Eh ‘di may kita na naman.” Nakangiting tinuran niya sa akin.   Bumuntong hininga ako. I busied myself cooking the eggs. Alam ko na naman kung saan patungo ang usapan naming ito.   “Pagkatapos ng gig ‘ma. Makikita natin.” Ani ko.   Lalong lumuwang ang kanyang ngiti. Tila ba mas excited pa siya kesa sa akin. If I know…   “Isang linggo akong mawawala, Mama. Sa Sta. Ana ang raket ko. Iiwan muna kita rito.”   Unti-unting naglaho ang kanyang mga ngiti at napalitan ng pagkabusangot. Hanggang sa nagsalubong na ang kanyang dalawang kilay.   “Isang linggo?! Paano ako rito? Ano’ng gagastusin ko? Saan ako kukuha ng pambili ng pagkain?” she asked consecutively. I can sense her frustrations in her frantic voice.   Hinango ko ang itlog sa kawali at inilagay iyon sa mesa. Pinatay ko muna ang kalan. Kinuha ko ang kaning lamig sa ref at dinurog ko iyon gamit ang kutsara.   “Mama, namalengke ako noong isang araw. Sasapat na sa’yo ‘yon dahil ikaw na lang ang kakain. Kung kulangin ka man, manghiram ka muna kay Aunty Esther. Dati na kaming nag-usap tungkol diyan.” I tried to calm myself kahit medyo naiirita na ako sa mga ikinikilos at pananalita niya.   Umismid siya at humalukipkip. Hindi ko ulit iyon pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pag-sangag.   “Isa pa ‘yong matandang ‘yon! Nangutang ako sa kanya noon nakaraan pero halos ayaw akong bigyan. Aba! Inaway ko! Akala niya parang hindi mababayaran---“I cut her off.   “Hindi maganda ‘yon, ‘ma. Siya na lang ang nagpapautang na tindahan sa atin. Kung aawayin mo pa siya, baka umayaw na rin siyang magpautang sa atin katulad ng ibang tindahan dito.” Untag ko.   Marami pa siyang sinabi sa akin pero hindi na ako sumagot. Ayaw ko ng balitaktakan sa umaga. Nasisira ang araw ko. Saka, iba na rin ang tono ng pananalita niya. Baka kung mangatwiran pa ako’y mag-away ulit kami.   Tinapos ko ang magluto ng agahan. Nakahanda na ang pagkain sa mesa at ilang beses ko na rin tinawag si Mama para kumain pero hindi niya ako sinasagot. Alam kong nasa loob lang naman siya ng kwarto niya. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na kinulit pa. I ate my food, drank my coffee, at hinugasan ang mga pinagkainan at mga nagamit kanina sa pagluluto. Inubos ko ang oras ko sa paglilinis at pag-aayos ng bahay.   Nang sumapit ang hapon, lumabas ako sa bahay para pumunta kay Aunty Esther. Kakausapin ko siya dahil sigurado akong mangungutang na naman si Mama sa kanya kapag umalis ako.   “Huwag ka ng mag-alala, Luna. Ang anak ko na ang haharap sa kanya kapag siya ang mangungutang rito.” Nakangiti niyang sinabi sa akin.   “Salamat, ‘ty. Kung pagkain naman ang kukunin niya, pautangin niyo na muna po. Basta hindi po aabot ng three hundred pesos, ah? Baka wala na akong maipambayad sa’yo.” I chuckled. Idinaan ko na lamang sa biro ang hiyang nararamdaman ko sa kanya.   “Eh paano kung alak?” tanong niya.   Ngumuso ako. Hindi ako nakasagot agad.   “Bigyan niyo lang po ng isa para hindi na naman magalit.” Mahinang sabi ko.   Si Aunty Esther naman ang kinakitaan ko ng pagkadismaya.   “Ewan ko ba diyan kasi sa nanay mo. Imbes na siya ang kumakayod para mabuhay kayo, ikaw pa itong anak niya ang aasahan niya! Hindi naman regular ang trabaho mo at kakarampot lang din ang kinikita niya sa paglalaba, at hindi naman palagian ang pagtanggap niya dahil laging lasing! Dapat nga nag-aaral ka pa eh!” Mahabang litanya niya.   Hindi maiwasan ng loob ko ang makaramdam ng pagka-awa sa sarili. Ganoon din ang inisip ko noon pero kung hindi ako kikilos at mukhang wala naman yatang ka plano plano si Mama sa buhay namin, ano’ng mangyayari sa aming dalawa? Nganga kami panigurado.   “Hayaan mo na Aunty, ‘pag yumaman ako, babalatuhan kita!” I laughed at my own joke.   Natawa rin ito. “Hay naku, bata ka. Kaya bilib ako sa’yo eh.”   Nagpaalam ako sa kanya at bumalik sa bahay. Hindi ko nadatnan si Mama. Malamang ay nasa kapit-bahay na naman. Sana lamang ay hindi na naman nayaya ng mga kasamahan niyang tanggera sa kanto.   Nagluto ako ng hapunan. Sinobrahan ko ito ng kaunti para ang tira ay iinitin na lang bukas. Nang matapos ako magluto ay lumabas ako ng bahay. Nilinga-linga ko ang tingin ko para hanapin si Mama, only to find out na naroon na naman siya sa mga barkada niyang tanggera rin. Pero hindi katulad noon, may mga kasama na rin silang lalaki ngayon.   Nilapitan ko siya para yayain ng umuwi. Napansin ako ng isang kasama ni Mama kaya siniko niya ito at may ibinulong. Pagdating ko sa mesa nila ay siyang lingon ni Mama. At bago pa ako makapagsalita, inunahan na niya ako.   “Mamaya na ako uuwi.” She said coldly. Inabot sa kanya ng kasama niya ang shot glass at malugod niya itong tinanggap. Inisang lagok niya lamang iyon. Malakas na humiyaw ang mga kasama niyang nag-iinuman. Tuwang-tuwa naman si Mama sa naging reaksyon nila, tila nagpapasikat pa dahil inisang lagok niya ang maliit na baso na punung-puno ng gin.   “Ma, hindi ka pa kumakain.” Pamimilit ko. Kinuha ko ang kanyang kamay at marahan siyang hinila pero malakas niya iyong hinawi sa pagkakahawak ko.   “Ang sabi ko, mamaya na ako uuwi!” mataas ang boses na boses ang isinukli niya sa akin.   Narinig kong humagikhik ang isang ka-inuman ni Mama na babae.   “Kami na ang bahala sa nanay mo, Luna. Umuwi ka na! Oh baka gusto mo ring tumagay?” Inabot niya sa akin ang shot glass. Matalim ko siyang tinignan. Nang mapansin niya iyon ay nagkibit-balikat na lamang siya at patay malisyang tinungga ang baso.   Nagngingitngit ang loob kong umalis sa pwesto nila. Siguradong niyaya na naman nila si Mama. Natuwa nga ako ng bahagya dahil sa tatlong araw na namalagi ako sa bahay ay hindi siya uminom ng alak pero heto, nagpapakalunod na naman sa gin. At itinaon pa kung kailan may lakad ako kinabukasan. Akala mo ay nagpapadespedida.   Naghapunan akong mag-isa. Pero ang isip ko’y lumilipad kay Mama. Paano kaya siya nito bukas? Siguradong knockout na naman ‘yon pagkatapos mag-inom. Baka hindi na naman niya asikasuhin ang sarili niya bukas. I combed my hair using my fingers. Kung kailan wala pa naman ako at magtatagal ng isang linggo sa trabaho, saka pa niya naisipang magwalwal.   Hatinggabi na nang may kumatok ng malakas sa pintuan. Iniwan kong bukas ang gate para kung sakaling uuwi si Mama ay makakapasok siya agad. Mabilis akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pintuan. Isang babae at isang lalaki ang umalalay kay Mama papasok sa loob.   “Saan namin ilalapag ang nanay mo, Luna?” tanong ni Martha. Siya ‘yong nag-alok sa akin ng alak kanina. “Sa sofa na lang po. Salamat sa paghatid.” Ani ko.   Nang maisara ko ang gate at ang pinto ay agad kong dinaluhan si Mama. Kumuha ako ng unan sa kanyang kwarto at inilagay ko ito sa ilalim ng ulo niya. Kinumutan ko rin siya at nang masigurado kong komportable na siya roon ay bumalik na ako sa aking kwarto.   Alas kwatro ay bumangon na ako para magluto ng almusal. Alas-singko ang usapan namin nila Jigo. Sasakyan niya ang gagamitin ng grupo. Anak-mayaman si Jigo at ang pagbabanda ay side trip lang niya. Nagluto lang ako ng noodles para sa akin. Ininit ko ang adobong niluto ko kagabi para kainin ni Mama mamaya paggising niya. Nagsaing na rin ako ng bagong kanin. Mabilis akong kumilos dahil baka maya-maya’y may bumusina na.   Nang makagayak ako’y sinilip ko ang laman ng aking wallet. Three hundred pesos na lamang ang laman nito. May ilang barya pa sa coin purse ko kaya hinugot ko ang dalawang daan at idinikit sa ref at saka pinatungan ko ng palamuting may magnet.   Ilang sandali pa’y narinig ko na ang busina ng sasakyan sa labas. Sumilip ako sa bintana at nang mapagtanto kong sila Jigo na iyon ay mabilis kong dinampot ang travelling bag ko. Marahan kong niyugyog si Mama.   “Alis na ako, ‘ma. Tatawag na lang ako sa’yo para mangamusta.” I kissed her cheeks. She just stirred and went back to sleep again.   Habang nasa biyahe kami ay tahimik lamang akong nag-iisip. Isinama ng mga kasama ko sa banda ang mga girlfriends nila kaya hindi lang ako ang nag-iisang babae sa grupo. Buti na lamang, pero hindi ko rin naman sila makasundo dahil iba ang trip ng mga ito sa akin. Hindi ako interesado sa mga pinagu-usapan nila. O sabihin na nating wala akong alam dahil puro kaartehan lamang ang mga iyon para sa akin.   “Luna, okay ka lang ba diyan?” Si Jigo. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Katabi niya sa harapan ang girlfriend niyang maganda.   Nasa pinakalikod ako na parte ng sasakyan at sa tabi ng bintana. May kalakasan ang music galing sa stereo kaya nilakasan ko rin ang boses ko sa pagsagot.   “Oo! Okay lang.” tipid ko sagot.   Ilang oras din ang ginugol namin sa biyahe. Maga-alas diyes ng umaga na kami nakarating na sa hotel na sinasabi ni Jigo. Ang gara nga! At ang laki ng hotel! May beach front pa at iba pa ang private pools. May mga villas din kaming nadaanan.   “Saan ang casino rito? At saan ang bar?” tanong ko sa mga kasama ko.   “Nandyan lang ‘yan.” Jigo answered icily. Nakakapit na sa braso niya ang girlfriend niya habang ang kamay naman ng herodes ay nasa pang-upo ng babae. Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita ulit. Matapos namin mag – check in ay inabot sa akin ni Jigo ang key card ng magiging kwarto ko. Nagkanya-kanya pala sila ng kwarto. Hindi na nakapagtataka dahil lahat sila ay may dalang mga babae. Ako lang sa amin ang walang ka-partner.   “Ito ang magiging susi ng kwarto mo. Mamaya, may maghahatid sa’yo ng mga gagamitin mo para sa gig. May rehearsal tayo sandali after lunch. Magpahinga ka muna.” Marahan niyang sinabi sa akin. Tumango lamang ako at hindi na nagtanong pa.   Sumakay ako sa elevator at pinindot ko ang numero ng palapag ng magiging kwarto ko. Hindi ako nahirapang hanapin ‘yon. I swiped the key card at awtomatikong bumukas ang pintuan. Nang makapasok ako sa loob ay inilagay ko iyon sa key card holder para mag activate ang ilaw ng kwarto.   Nagpahinga ako sandali at nag-ayos ng ibang gamit. They called me for lunch. Pagkatapos kumain ay nagpahinga ulit saglit. 1:30 ng hapon ang rehearsal sa function hall. Naroon kasi ang ibang instrumento. Ililipat na lamang sa stage ng bar mamayang gabi.   “70’s songs? Pop? Rock?” takang tanong ko.   “Para sa ngayong gabi. Iyon ang request ng management. Araw-araw, iba-ibang genre.” Sagot ni Migs, ang male vocalist sa grupo.   “Ilang kanta ang ipe-perform ko?” I asked again.   “Apat na solo, 4 na duet. Tayong dalawa. Then were’re all good.” Sagot niya.   Binasa ko ang mga kakantahin ko. Hopelessly Devoted to You, Baby I’m-a Want You, Even the Nights Are Better, at If You Leave Me Now.   Nagkibit balikat ako. “Sige, subukan natin.” I said.   The rehearsal went smoothly. Ang sabi’y alas nuebe ng gabi kami magpe-perform dahil may mauunang banda na tutugtog. Hindi na ako nakakaramdam ng kaba sa mga ganitong shows dahil sanay na ako.   Nakasuot ako ng isang kulay pulang boobtube sequin bodycon dress. I partnered it with a black toe ankle stiletto. May white satin gloves din akong suot na hanggang siko ang haba. I accessorized my outfit using a fancy pearl necklace and earrings. I put my make-up on and a luscious red lipstick na babagay sa damit ko. Since my hair’s naturally wavy, I just curled it with high volumes and put a white clip on it.   Ala otso pa lamang ay nasa quarters na kami ng mga magpe-perform. It is located at the backstage. Kasalukuyan ng tumutugtog ang bandang kasama namin. I saw how dashing my band members are. They were using black tux with a white polo beneath on it. Ang iba ay naka all black. Ang kurbata ay itim at bagay na bagay sa kanilang tindig. “Wow, Luna! Bagay mo pala ang mga ganyang outfit-an, eh!” Chad said, ang gitarista sa amin. Ngumiti lang ako bago sumagot. “Nakakapanibago dahil ngayon lang din ako nagsuot ng ganito.” I accidentally looked at Jigo at mataman lang itong nakatingin sa akin bago ibinaling ang tingin sa kanyang drumsticks.   Migs said that I will sing the introductory song, ang Hopelessly Devoted To You. Salitan kaming dalawa. We will perform a total of eight songs. After that, ang ibang banda naman ang isasalang.   I observed that most of the customers were in the middle aged up to old age. Bihira ang mga customer na nasa early 20’s to late 20’s. Very formal ang kanilang mga suot. Coat and tie sa mga lalaki at formal dresses sa mga babae. No wonder na ganito ang pinasuot sa amin para sa event na ito.   Nang ipinakilala na kami ng emcee, we walked gracefully to the stage. Nauna ang mga kasama kong lalaki na umakyat sa stage. Huli akong umakyat at dumiretso na agad sa high chair na uupuan ko. We did a quick prep at nang magtanguan kami para mag-umpisa na sa tugtugan, Jigo started the drums.   “Guess mine is not the first heart broken My eyes are not the first to cry I’m not the first to know There’s just no getting over you…”   I sang like there’s not a pang nervousness in my voice. I saw that some of the customers turned their gazes on me when I started singing, like I catch their attention. I smiled while singing at dinama ko ang bawat liriko nito.   Dumapo rin ang tingin ko sa mga customers na naka upo sa mga sofa. Sa tingin ko ay mga high profile at big time ang mga ito.   “But now there’s nowhere to hide Since you pushed my love aside I’m out of my head Hopelessly devoted to you…”   Natapos ang kanta at si Migs naman ang nag-perform. We duet. Tapos ay ako ulit. Then duet again. I sang the third song and before Migs and I duet the song, I took a sip of water. Jigo handed me a bottled water at mabilis ko itong ininuman. I mouthed my thanks at bumalik ulit sa stage. Ang huling kanta na ipe-perform ay magkaduet kami ni Migs. Ang ibang customer ay nagpapalakpakan pa sa performance namin.   Nang matapos kami ay kanya-kanya ng lakad ang banda. Migs and Jigo talked to the manager. Ako naman ay dumako sa bar at tinawag ang bartender. Nakangiti siyang lumapit sa akin.   “What’s your order, Ma’am?” he said.   “Pwede bang makahingi ng tubig? ‘yong hindi malamig ah?” I smiled shyly. “Ayaw mo ba ng juice? Ang galing mong kumanta kanina. Napapalingon mo ang mga customer dito.” Aniya.   I cringed my nose and gave him a sweet smile. “Wala akong pambayad.” I chuckled.   “Nah, libre na ‘yon.” He smirked.   I politely declined his offer. “Malamig ‘yon, baka mamaos ako.” I smiled.   “Okay, sandali lang.” He said. He got a tall glass at nilagyan niya ito ng tap water galing sa pitsel na walang ice. Nilagyan niya pa ito ng straw. Inabot niya iyon sa akin at pinasalamatan ko siya.   Habang umiinom ako ay may lalaking sumulpot sa tabi ko. He was wearing a black coat, white button down polo shirt, a gray neck tie and a black slack paired with a black leather shoes. He’s tall and massive, hanggang balikat niya lamang ako sa aking tantiya. He’s stoic and serious face with a hint of Spanish descent screams with authority and power. His deep set brooding brown eyes are expressive. In a span of short time, I was able to give this man lots of damn compliment.   In short, gwapo.   “One shot of bourbon.” I heard him said that. Even his low baritone voice sends shiver down my spine.   Nang matunugan kong lilingon siya sa akin ay agad kong iniwas ang tingin ko. I concentrated drinking my water. I notice his stares at me at walang sabi-sabing tinignan ko siya ulit. I saw him smirked na ipinagtaka ko. He took his glass and sip on his liquor. Nang maubos ko ang tubig ay nagpasalamat ako sa bartender at mabilis na umalis doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD