CHAPTER 2

3700 Words
Luna     “Magaling ang banda ninyo. Lalo na ikaw saka ‘yong kasama mong babaeng bokalista.” Narinig kong sinabi ng Bar Manager kay Migs at Jigo. Nasa bar pa rin kami pero ang ilang kasama namin ay umalis na. Lumapit lang ako sa dalawang ito dahil hindi ako naging kumportable kanina sa lalaking tumabi sa akin.   “Thank you, po.” Magalang na pagkakasabi ni Migs.   “Kayo ang napili namin sa inyong tatlo. May exclusive events kasi kami dito sa resort. Kayo na ang napili naming magpe-perform for the whole duration ng event. So start na kayo tomorrow night at 8PM? Okay?” Aniya.   “Yes, Sir. No problem.” Si Jigo.   Nang umalis ang manager, binalingan ako ng dalawang kasama ko.   “Mag-rehearse ulit tayo bukas after lunch. Sa umaga tayo bumawi ng pahinga dahil hanggang hatinggabi tayo magpe-perform. Luna, alagaan mo ang boses mo. Wala kang substitute kung sakaling mamaos ka.” Migs said.   I shrugged my shoulders. “Walang problema sa akin.”   After we talked, nagkanya-kanya na kami. Pabalik na ako sa kabilang building kung nasaan ang kwarto ko nang may humawak sa palapulsuhan ko. When I turned to see who it was, I was horrified when I saw an old man who seems drunk based on his actuations.   “Hi there, beautiful. I saw you singing at the bar a while ago. Care to join me?” itinaas niya ang kanyang basong may lamag alak and he started dragging me back in the hallway.   “S-sir, babalik na po ako sa kwarto ko.” Natataranta kong tinuran. Luminga-linga ako pero wala akong makitang ibang tao na pwede kong hingan ng tulong.   “Oh, maybe your room’s better?” Ngising-demonyo ang nakita ko sa kanyang mukha.   Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang narinig. Naiiyak na ako sa takot pero hindi ko magawang sumigaw. Luminga-linga pa rin ako sa paligid. Hindi ako sumukong baka may makakita sa amin para makahingi ako ng tulong.   The old man is very persistent in bringing me somewhere isolated. Nang marating namin ang harap ng elevator, bigla itong bumukas at iniluwa nito ang isang lalaking matangkad. Siya iyong lumapit sa akin kanina sa bar counter.   I looked at him with my eyes pleading. Humakbang siya sa amin habang nakapamulsa at mariing tinignan ang kamay ng lalaking nakahawak sa akin. His jaw clenched. He looked at me and I gulped. I can see his fuming stares at ibinaling niya ang kanyang tingin sa lalaking namimilit sa akin.   “M-Mr. Villanueva. What a pleasant surprise!” bati nito sa lalaking dumating.   “Take your hands off her, Mr. Torres.” Pati ang boses niya’y may bahid ng galit at pagkairita.   Buong lakas kong hinila ang kamay ko sa lalaking nakahawak sa akin. At sa hindi ko maintindihang rason, lumapit at yumakap ako sa kanya. I felt him stiffened. He glanced at me and put his arms around my waist. Ako naman ngayon ang natigilan.   “Y-you know her? She was in the bar a while ago. She was---“   “She’s my girl, Mr. Torres. And I don’t like what I saw a while back.” He said dangerously. Nagulat ako sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakahapit niya sa akin pero hindi ako makapalag dahil kailangan kong makalayo sa matandang kausap niya.   Pero… paano kung pareho lang sila ng isang ito?   Natataranta na ang lalaki sa narinig niya. “I-I didn’t know that. I-I’m sorry. I hope this will not affect our business matters, Martin.”   He just smirked evilly at iginiya niya na ako palabas. “Let’s go, love.”   Tumangu-tango ako at nagpatianod na sa acting-an naming dalawa. Nakalabas na kaming dalawa sa lobby nang lumingon ako sa direksyong pinanggalingan namin. Wala na roon ang matanda.   “S-sandali…” sinubukan kong hawiin ang braso niya sa baywang ko.   “Let’s be like this until we reach the fountain. He might see you again. Iisipin niyang hindi totoo ang lahat kanina.” He said.   Hindi na ako nagsalita. Sabagay, tama naman siya. Oo nga’t wala na sa lugar na iyon ang lalaking namilit sa akin pero hindi ko nakita kung saan ito nagpunta.   When we reached the fountain, saka niya lamang ako binitawan.   “Why are you alone? And with a dress like that? Nasaan ang mga kasama mo?” Sunud-sunod na tanong niya sa akin. My lips parted in shock when I saw his reaction. Concern? Naramdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin. I unconsciously hugged myself. Maybe I should be going now. Tutal ay nailayo naman niya ako sa lalaking iyon kanina. Pero there’s something foreign I feel that urges me to not simply leave this man in front of me. It’s like a strong force on my mind that tells me to stay in this place.   Hinubad niya ang kanyang coat at ipinatong niya iyon sa balikat ko. Tutol man ako’y hindi ko na naisatinig iyon. I felt comfortable from the warmth of his coat. I simply nodded at him.   “Thank you. Sorry sa nangyari kanina. N-nadamay ka pa.” I apologetically said.   “Ihahatid na kita sa unit mo.” He firmly said.   I opposed on his idea. “Wag na! Kaya ko na.”   He raised his eyebrow. “Hindi ako patutulugin nang konsensya ko kapag nalaman kong may masamang nangyari sa’yo. Knowing that I’m the last person you’re with tonight.”   I gulped. This man is very persistent. But I can’t see any reason not to trust him. After all, he was the one who saved me from that maniac.   I pouted my lips and slowly nodded at him. “Sige.”   We entered on the hotel where my room’s located. Ako na ang pumindot sa elevator para makarating sa tamang palapag. Hindi katulad kanina, we were standing with a half meter apart. Okay na iyon. Atleast I’m relieved. Pareho kaming walang imik at tanging ang tunog ng elevator ang naririnig namin.   Nang bumukas ang elevator sa tamang palapag, nauna akong lumabas. He followed me. And when we reach my room, binalingan ko siya. He stood in front of me while his hands are both in his pockets.   “Thank you ulit.” I said. A small smile crept on my face. Ngumuso siya at pinasadahan ng kanyang kamay ang sariling buhok. I handed him his coat at malugod niya itong kinuha.   “Yeah. Good night, then.” He said.   Tumango ako pero hindi pa rin ako gumagalaw.   “Pumasok ka na. I’ll go kapag nakapasok ka na.”   “O-oo!” Agap kong sagot. Kinuha ko sa clutch bag ang aking key card. Pumasok na ako pero hindi ko agad iyon isinara ng mabuti. Just enough to make a peek and bid my last good bye.   I saw him waived at me. Nakakailang hakbang pa lang siya ng muli kong buksan ng maluwag ang pinto at tinawag ko siya.   “Mister!” tawag ko sa kanya.   Mabilis siyang lumingon sa akin.   “Ako si Luna.” I smiled widely and waived at him. I didn’t wait for his response and quickly close the door.   I leaned at the back of door and tried my best to calm my nerves from what I did earlier.   Luna, nakakahiya ka! Ikaw pa talaga ang nagpakilala. I said to myself.   After changing my clothes and removing my make-up, nahiga na ako sa kama. I glanced at the digital clock on the located at the bedside table. It’s already 1:30 in the morning. Kahit sinabi ni Migs na marami kaming oras sa umaga para magpahinga, nakakaapekto sa boses ang pagpupuyat. Ito na lang ang puhunan ko para makapagtrabaho.   Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. May tumatawag. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko at kahit nakapikit ako ay sinagot ko ang tawag.   “Hmmm…” tanging sagot ko.   “Bumaba ka na diyan. Breakfast na tayo.” I heard from the other line.   “Sino ‘to?” I asked. Gusto ko pang matulog.   “Si Jigo ‘to. Bumangon ka na nga diyan.”   “Hmm… Oo na, sungit.” Ibinababa ko na sa aking tainga ang cellphone.   Hindi ako bumangon kaagad dahil hindi mawala ang antok ko. I stayed in the bed for 15 minutes more before I decided to get up and fix myself. I did a quick shower. I wore a low cut round neck white t-shirt and a gray jogger pants. I just wear my flip-flops. I messed bun my hair after I blow dried it. Kinuha ko ang key card ng kwarto at ang aking cellphone bago nagmadaling lumabas sa kwarto. When I opened the door, I was halted when I saw Jigo standing at the door jamb.   “Ang tagal mo.” He said. Isinara ko ang pintuan at hinarap siya.   “Hindi ako bumangon agad. Tara.” I said. Nauna na akong naglakad sa kanya at tinungo ang elevator. Habang nakasakay kami roon ay panay ang lingon niya sa akin. Nakahalukipkip lang ako habang nakasandal sa gilid ng elevator.   “Luna…” aniya.   “Oh?” tipid kong sagot sa sinabi niya. “Sorry kung nasungitan kita kanina.”   My brows met and looked at him with confusion.   “Sinungitan mo ba ako?” takang tanong ko.   “K-kanina. Sabi mo sakin, masungit ako.” nauutal niyang sagot. Ni hindi makatingin sa akin ng diretso.   I rubbed my eyes dahil ramdam ko pa rin ang antok. “Hindi ko matandaang sinabihan kita ng ganoon. Sorry.” Paghingi ko ng dispensa. It’s true. Maybe it was just my initial reaction on what he said but I swear, I didn’t mean it. Kahit malamig minsan ang pakikitungo sa akin ni Jigo, hindi ko na iyon pinapansin dahil natutulungan naman niya akong magka-raket. And that’s fine for me. Atleast, he’s not rude nor bastos.   Nakarating kami sa buffet restaurant ng hotel. After we logged in, iginiya kami ng waitress sa pila at binigyan ng plato at kubyertos. Naglikot ang paningin ko sa paligid para hanapin ang ibang kasama namin. Medyo marami pa ang tao. Nilingon ko si Jigo para magtanong.   “Nasaan sila Chad?”   He gulped and avoided my gaze on him. “Tapos na silang kumain.”   Tumangu-tango ako. “With the girls?”   “Yes.” Tipid niyang sagot.   Umusad ng kaunti ang pila namin. Humarap ulit ako. I remembered his girlfriend. Bakit hindi namin kasama ngayon. Maybe she was eating her breakfast. Pero pumayag siyang hindi sila magkasabay kumain ng boyfriend niya?   I looked at him again. My mind is full of curiosity. “Nasaan ang girlfriend mo?”   Walang gana niya akong tiningnan. “Umuwi na…”   Nang marating namin ang mga pagkain, sandali akong nahinto sa pagtatanong sa kanya. Sumandok ako ng ilang putahe. I also get a macaroni soup. I limit myself to sweets dahil baka magka- sore throat ako. Nang marating namin ang sa drinks, tap water lang ang kinuha ko.   Naupo kami sa pabilog na mesa. We started eating when I attacked him again with my questions.   “Bakit umuwi na agad yung girlfriend mo?” I asked again.   “Tss…” tanging sagot niya.   “Nagtatanong lang naman eh.” I rolled my eyes.   “Pinasundo ko na. Pinauwi ko na. And stop saying that she’s my girlfriend, ‘coz she’s not.” Iyon na yata ang pinakamahabang sinabi niya ngayong araw.   Halos maibuga ko ang pagkain sa bibig ko dahil sa huli niyang sinabi. Tinignan ko siya ulit. Curiosity really crept on me.   “Hindi mo girlfriend ‘yon? Eh bakit kulang na lang mag-make out kayo sa harap namin kahapon?”   He furrowed his eyebrows at mabilis na lumingon sa akin. “Where did you learn your words, Luna? Alam mo ba ‘yang sinasabi mo?”   “Oo naman! I maybe young but…” I shrugged my shoulders. “I am fully aware of what I say. Nahinog ako sa murang edad. Parang hindi mo naman alam ang buhay ko.”   We continued eating. Patapos na kaming kumain when I saw someone familiar from the entrance. He was the man who helped me escaped from that pervert. Ano nga ba ulit ang pangalan nito?   Jigo caught my attention. “Finish your food so we can go now.”   Tumango lamang ako. I did a last quick glance to the man I met yesterday and my eyes widened when I saw him looking at me! He smiled at me. Sa gulat ko’y agad kong inalis ang tingin ko sa kanya at inubos ang natitirang pagkain ko.   Tapos na kaming kumain ni Jigo at sandaling nagpahinga. The waitress collected our used utensils. I uttered my thanks to her. Ilang sandali pa’y may lumapit sa akin. Nang tingalain ko kung sino iyon, walang iba kundi ang lalaki kahapon.   He greeted me. “Good morning, Luna.”   I smiled and answered him uncertainly. “Good morning din…po.”   Sorry, I said to myself. Hindi ko maalala ang mo pangalan, Mister…   He raised his eyebrow, a hint of shock is evident in his face. “Do you mind if I join you? Wala na kasing vacant table.” He asked.   “Okay lang, paalis na rin naman kami.” I answered him.   “Luna, tara na.” Pag-yayaya ni Jigo. Tumayo na kami at ambang aalis na. Nakita kong lumipat ang tingin niya kay Jigo bago niya ito ibinalik sa akin.   “A-alis na po kami.” Nilisan namin ang lugar na iyon. Bumalik ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pagpapahinga. Nang mabagot ako sa kakanood ng TV ay lumabas ako sa veranda ng kwartong ito. I saw people below on the other side of the building, showcasing their most casual attires and expensive tux. Mostly participated by men, at tingin ko’y may ibang lahi rin. Napadako ang tingin ko sa karagatan. Blue water and white sand is very attractive, it’s inviting me. Pero saka na lang, maganda siguro kung sa gabi ko ito pupuntahan dahil bihira na lamang ang tao. At saka, payapa ang kaisipan ko kung sakali.   After we took our lunch and rested for a bit, nagsimula na kami sa rehearsal.   “Reggae naman?” I asked.   “That’s what the management wants…” He shrugged his shoulders.   Nag-lista siya ng mga kanta na pwede namin pagpilian.   “Hindi naman limitado sa kung local reggae songs or international, ‘di ba?” I asked again.   “Nope, as long as it suits the venue.” We started to rehearse. Since ito ang isa sa mga genre na forte ng grupo nila, hindi kami nahirapan. Unlike yesterday dahil hindi namin masyadong tinutugtog iyon. We’re just thankful that the management liked our performance.   Sa sobrang excited ko, I asked Migs if it’s okay to accept song request from the customers. I was all smiles when I accidentally glanced at Jigo. Tumaas ang isang kilay ko. Bakit ba laging masungit ito?   “Yeah, that’s a good idea, Migs!” Sabat ni Chad. Zion agreed, too. Isa rin sa mga gitarista.   “Isn’t that tiring, Luna?” Ani Migs. “We’ll perform until 11 pm.”   Ngumuso ako. “What if we ended earlier? A song or two, hindi naman kalabisan, ‘di ba?”   Finally, Migs agreed. “Only if we ended earlier.”   Nang sumapit ang alas sais ng gabi, we prepared ourselves dahil alas otso ang oras ng performance. Since reggae ang genre, bohemian style ang suot namin. I was given a long brown boots and an all printed boho chic dress na lampas tuhod. I curled my hair again and I tied a hanky on my head that serves as my headband. I just did a more natural make up and put on a red lipstick.   I saw my reflection in the mirror. This is okay. I don’t look like my age kasi. Maraming nagsasabi na I look like older than the original digits. Ang pinakamatandang edad na hinulaan sa akin ay 21.   And I admit, may mga offers din na dumarating sa akin, be it wholesome or… dirty. Kaya kapag kumakanta ako sa mga bagong bars, I’d tell immediately to the manager that I’m only 17. Maaga pa lang ay nasa bar na kami. Marami nang mga customer. We started performing and Migs sang Buffalo Soldier by Bob Marley, ‘coz nothing goes wrong with Bob Marley ‘pag reggae ang usapan. I just backed him up.   The customers are busy. Some are chatting while drinking, ang iba ay para makipag-date, habang ang iba naman ay nanonood sa amin. May mga naging solo performances din kami.  Mostly ay international songs pero noong ako ang nag-perform, Migs gave me all the local songs. It’s fine with me, though. It’s not like I can’t hit it.   When Jigo hit the drums, na sinabayan ng dalawang guitarist at ng isang sax, halos mapatingin lahat ng mga tao sa stage. I sang Lintik by Brownman Revival. And when I saw the reaction of some customers na natigilan dahil may kumakanta sa harapan, I smirked.   Ito ang tunay na gig.   And when I reached the chorus, halos ‘di ko na marinig ang sarili kong boses dahil sumasabay na sila sa pagkanta. I glanced at my band mates at hindi lang pala ako ang nao-overwhelmed sa nakikita, kahit sila. Kaya ganadong-ganado sila tumugtog hanggang sa matapos namin i-perform ang nasa list namin.   I rested my voice for a while, drank a bottle of water, and went to Migs.   “Migs, 10:40 pa lang. Maybe I can still sing one song?” I asked excitedly.   Ibinaba niya ang bote ng tubig. “Sure. Ano’ng kakantahin mo?”   “In Lab by Blakdyak.” I smiled.   And then we hit again. Tuwang-tuwa ang mga tao sa amin, ang iba’y sumasabay pa sa kanta. I never enjoyed a gig like this. I felt like I freed myself in the stage. Si Migs na nag-enjoy din, humirit pa ng isang kanta! Bilog Na Naman Ang Buwan by Tropical Depression! I know this song! This is very relaxing and full of vibes!   “Join me, Luna!” Migs said.   I was all smiles habang tumatangu-tango sa kanya. We duet! Tumatayo na ang ibang tao sa bar, lumalapit na rin sila sa stage at sumasabay na sa amin!   At nang matapos ang performance namin, malakas na palakpakan ang natanggap namin. Hindi lang sa mga customer, I even saw the employees na napatigil and applauded us!   “Thank you very much! Have a good night!” Bati namin. Nang bumaba kami sa stage, sinalubong kami ng bar manager.   “Oh man, sa itinagal-tagal ko rito, I’ve never seen that crowd so… hype! Congratulations, guys!” bati niya sa akin.   “Forte namin iyon, Sir. We just enjoyed the night.” Sabi ng mga kasama ko.   Dumiretso ako sa bar counter para makahingi ulit ng tubig. I called the bartender at bago pa ako makapagsabi ng hihingin ko, nagbigay na siya sa akin ng tubig. No ice.   “Thank you!” I said while smiling.   “Ang galing mo kanina! Pati kami gusto na lang manood kesa mag-serve eh!” Aniya.   Ibinaba ko ang baso ko at humalakhak.   “Nag-enjoy din ako! Hindi pa ako nakakita ng ganoong reaksyon ng mga customer sa buong karera ng pagkanta ko.”   Nagpaalam na ako kila Chad na mauuna na sa kwarto. He said okay, pero gusto ni Jigo na ihatid ako hanggang sa unit ko. I insisted. Hindi naman na siguro mauulit ang nangyari kagabi.   Nang makalabas ako sa elevator at palabas na sa building na iyon, may naririnig akong tumatawag sa akin.   “Miss! Miss!” Aniya.   Lumingon ko at nakita ko ang isang middle-aged na lalaki. Tantiya ko’y nasa 40’s-50’s na siya. He’s not drunk and he looks formal kaya… Hindi ako nakaramdam agad ng takot at kaba.   “B-bakit po?” I said in a shaking voice.   “I just want to say congratulations! Ang galing mo.” Aniya.   “Thank you po!”   “By the way, I’m Arthur. And you are?” he offered his hand for a handshake. Nang tingnan ko siya, he’s smirking at me.   Matagal kong tinignan ang kamay niya bago ko iyon tinanggap. Kaso nanlamig ang buong katawan ko nang mapansin ko ang kakaibag pagpisil niya sa kamay ko. May halong pagkamanyakis. Agad kong binawi ang kamay ko. He chuckled.   “Can I have your number? You know, if ever I’ll avail your…services? I can call you for a private booking.”   Anak ng! Bakit ba ako nagiging lapitin ng mga ganitong offers lately? Hindi naman kabastos-bastos ang damit ko ngayon. Ano’ng problema?   “S-sir, wala po akong c-cellphone.” Iniwas ko ang aking tingin. Narinig kong bumukas ulit ang elevator. Nang mapadako ang tingin ko roon, nakita ko ulit iyong lalaking tumulong sa akin kagabi. Nakaisip na ako ng paraan para makatakas sa lalaking ito pero…kakayanin ko kaya?   Bahala na.   Nilingon ko ang lalaking kausap ko. “S-sige Sir, nandiyan na pala ang boyfriend ko. Alis na po ako.”   “What?” tanging nasabi niya.   Mabilis kong nilapitan si…hindi ko matandaan ang pangalan. Natigilan kaming pareho. Pero nang maramdaman kong sinundan ako ng lalaking manyakis, hinawakan ko agad ang kamay ng lalaking nasa harapan ko. I intertwined my fingers on him.   “Sige po, alis na kami ng boyfriend ko.” ngumiti ako para maitago ko ang kabang nararamdaman ko.   At tuluyan ko na siyang hinatak palabas sa building na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD