Luna Hindi ako nakatulog buong gabi sa kakaisip kung paanong nangyari ‘yon. Maayos pa kaming nagsama noong huling punta ko sa Maynila. At kahit hindi kami madalas mag-usap na dalawa ay alam ko, alam kong ako ang gusto niya. O dala na rin ba ng layo ng distansya at kakulangan sa oras kaya kumupas na rin ang nararamdaman niya sa akin? Eh, ano’ng ibig sabihin nang lahat ng mga ginawa niya sa akin? Sa pagtulong niya sa paghahanap kay Papa? Dumating na ba ang pinakakatakutan ko? Ang pinakapinagkakatiwalaan ko ay sa lahat ay mawawala na sa akin? Mawawalan na naman ba ako? Naguguluhan na ako. Unti-unti nang sumasakit ang ulo ko dahil sa dami nang naiisip. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa eskwela ngayong araw. Alas sais na ng umaga. Mugto ang mga mata ko dah

