Luna “Kailan ka aalis?” tanong ni Edison. Kasalukuyan kaming nasa library ngayon habang gumagawa ng assignment na ipapasa na mamayang hapon. As usual, magkakasama na naman kaming apat. “Ngayong katapusan ng buwan, Ed.” Sagot ko. Tumangu-tango siya. Si Mitch at Karen ay kasalukuyang nasa mga book shelves habang naghahanap ng mga librong pwede naming magamit sa pagre-research ng sagot sa assignment habang kami naman ni Edison ang kumukopya no’n sa papel. “Nga pala, Luna. Nilapitan ako ni Sir Migs kanina. May ipinapaabot siya sa akin. Ibigay ko raw sa’yo.” Sandali niyang kinalkal ang backpack niya bago niya inabot sa akin ang isang puting sobre. Nangungunot man ang noo ko ay dahan-dahan ko iyong tinanggap sa kanya. May nakasulat sa harap ng sobre na ‘To: Luna’. Mara

