CHAPTER 10

3364 Words
Luna     “Hey, I’m sorry. I won’t do that again.” Martin said while hiding a ghost of smile in his face. Kasalukuyan naming hinihintay ang in-order naming pancit dito sa maliit na kubo ng panciteria. Ililibre ko siya ngayon dahil nalaman kong siya ang nagbayad sa laboratory fees ko! Kahit malaking katipiran iyon para sa budget ko, hindi ko ipapabayad kahit kanino ang gastusin na iyon dahil may itinabi akong pera para roon.   I glared at him. “Hindi ako nagpapalibre sa’yo, Martin. May pambayad ako.”   He pouted. I shook my head in dismay. “Sorry na. Hmm?” pang-aalu niya pero dahil hindi pa maalis sa sistema ko ang inis ay hindi ko siya pinansin.   He reached my hand and gently caressed my fingers. I closed my eyes. Bakit ganito? Sa konting haplos niya sa kamay ko’y unti-unti niyang nilulusaw ang iritasyong nararamdaman ko.   I cleared my throat. “S-sa susunod, KKB na tayo!” pinanindigan ko ang pagsusungit ko dahil ayokong mahalata niyang sumusuko ang loob ko sa pang-aamo niya sa akin.   He gave me a lazy look. Hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin kaya nagsalita akong muli.   “Kanya-kanyang bayad, kung hindi mo alam ang ibig sabihin no’n.”   He sighed. He’s still holding my hand. “Pero kung ako ang nagyaya sa’yo, it’s on me.” he said then winked on me.   Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. “Pwes, hindi ako sasama sa’yo kapag wala akong pang-date!”   Just when I realized that I used the wrong term, he gave me a mischievous smile. Binitawan niya ang aking kamay at saka humalukipkip. Hindi naputol ang tingin niya sa akin. And me being naturally defensive and hardheaded, I gave him a blank expression kahit na sa kaloob-looban ko, gusto kong umalis sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya.   “I won’t allow my lady to spend a dime with our dates.” He said.   “I’m not your lady, Mr. Villanueva. I’m your friend.”   He sighed. “Fine. We’ll settle to less…expensive dates?” patuya niyang tanong sa akin.   Nag-init ang mukha ko sa mga salitang binitawan niya sa akin. Ngayon ay ‘date’ na rin ang tawag nya sa mga paglabas-labas naming dalawa. I heard him chuckled and pinched my cheeks gently na agad ko ring pinalis.   “You’re blushing, Luna. Ano ba’ng iniisip mo?” he asked.   “Stop teasing me!” masungit kong sinabi sa kanya pero nangingiti na rin. I can’t stand getting irritated at him that long. Agad iyong nawawala, nalulusaw, at naglalahong parang bula.   Dumating ang pagkaing in-order namin. I was surprised that he ate it all. Ang sabi niya’y nasarapan siya sa luto nila roon. I can’t help but smile at him. I can see that his trying his best to fit in my world kahit malayo iyon sa nakagisnan niyang mundo. He was born with a silver spoon pero he gets along with me well.   Oh baka dahil gusto niya lang magpa-good shot?   I shook my head. Stop being pessimistic, Luna! I said to myself. Hindi makakatulong ang insecurities ko kung ganitong may mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin ngunit pinapangunahan ko sila ng maling pagi-isip.   Natapos ko lahat ang kailangan para sa enrollment. Nang maipasa ko na iyon sa registrar ay nagbayad na ako ng tuition fee sa cashier.   “Punta ka sa shop, anak, para makapagpa-ID ka na. Ipakita mo lang itong resibo. Kasama na iyan sa binayaran mo.” Sabi ng matandang cashier sa akin.   “Sige po, Ma’am. Salamat po!” Magiliw kong sagot sa kanya.   Martin patiently follows me anywhere I go. Kahit kaninang nagpa-alam ako sa kanya para mag-CR, siya pa ang nagtanong sa mga tao rito kung saan iyon matatagpuan. Kahit ang pagpunta sa shop ay sumunod siya sa akin.   “Sige, maupo ka na roon, Miss.” Sabi sa akin ng lalaki. He’s holding a DSLR camera. I glanced at Martin at nakatayo lamang siya habang nakalakukipkip. He smiled at me.   “1... 2…3…” I smiled when I heard the flashing of the camera.   Naghintay kami ng ilang sandali habang pini-print ang ID ko. Nang maibigay na iyon sa akin, niyaya ko si Martin na kumain ng ice cream sa mall ‘di kalayuan sa bago kong eskwelahan.   We lined up sa isang ice cream booth sa loob ng mall. Agad kong ibinigay sa tindera ang bayad dahil baka unahan na naman ako ni Martin. I glared at him and I heard his cute chuckles.   “What?” he asked. He gave me a flashing smile.   Ang ganda ng ngiti niya. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Lumabi ako sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman ko. Nang iabot sa akin ng tindera ang dalawang baso na may lamang ice cream, nagpasalamat ako at naghanap kami ng bakanteng bench.   “Pasensya ka na, Mart. Hindi kita mailibre katulad ng ginagawa mo. Iyan lang ang afford ng budget ko.” I said habang kumakain ng ice cream.   He shrugged his shoulders. “Don’t be. I think, this is actually better. I’m enjoying your company.”   I smiled at him. Na-realize kong may isasaya pa pala ako. Masaya pala ang magkaroon ng kaibigan. Masaya pala ang magtiwala sa isang taong alam mong hindi ka iiwan.   “I will be busy these coming days, Luna. May mga aasikasuhin ako sa trabaho.” Aniya.   I looked at him and nodded. “Okay lang… trabaho mo naman ‘yon eh.” I said.   He pouted. Pinaglaruan niya ang lusaw na ice cream sa cup. “I’m gonna…miss you.”   Natigilan ako sa huling sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Ako rin, Mart. Mami-miss rin kita.   “Hindi ba tayo pwedeng magkita pagkatapos ng trabaho mo?”   He pursed his lips. “I’m afraid not, Luna.” He sighed. “But can I visit you tomorrow night?”   “Sa bahay?” I asked.   “Yes. Basta meron ang Mama mo.”   “I’ll tell her! Para hindi siya aalis.” I said.   “And… after your birthday, I’ll bring a friend here. Tungkol ito sa regalong sinasabi ko sa’yo.” Aniya.   Maluwang akong nangiti sa kanya. “Meron ka naman sa birthday ko, ‘di ba?” I asked. Hope filled my eyes as I waited for his answer.   “Of course. I won’t miss that.” he assured me.   Silence consumed our time. Magkaganon pa man, I didn’t feel awkward. It was actually peaceful. Knowing that someone is there listening to you and at the same time can be with you during your silent moments, pakiramdam ko, hindi na ako nagi-isa. For the first time, hindi ako nangambang maiwanan sa ere. Kay Martin ko lamang iyon naramdaman.   Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos naming mamasyal sa mall. On our way home, panay pa rin ang kulitan naming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Sinulit namin ang mga oras na magkasama kami ngayon dahil magiging abala siya sa mga susunod na araw.   Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang papasok ako sa bahay. Hindi pa ako naging ganito kasaya. Kanina nga ay nasabi ko sa kanya na baka may kapalit itong pagiging masaya ko pero hindi niya iyon sinang-ayunan.   “Kung iniisip mong may kapalit ang pagiging masaya natin ngayon at may mangyayaring hindi natin magugustuhan, gagawa tayo ulit ng masasayang alala. We will never stop creating happy memories, Luna. I’ll make sure of that.”   Saktong alas singko ng hapon ay nasa bahay na ako. Nadatnan ko si Mama na gumagayak na naman at mukhang may lakad.   “Saan ang punta mo, ‘ma?” I asked. Nakangiti akong bumati sa kanya.   Nangunot ang noo niya. “Sa kanto.” She trailed off. “Saan ka ba galing at mukhang…masaya ka?” she asked.   Nangiti ako sa tanong niya. “Nag-enroll ako ‘ma.” I said. Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit dahil magsasaing na ako. Before I went outside my room, I checked my phone and I received a text message from Martin.   Martin:   Thank you for this day. I enjoyed it. J   Para akong timang na nginitian ng pagkatami-tamis ang cellphone ko. I can imagine Martin’s handsome face while saying it. Nagtipa ako ng reply para sa kanya.   Ako:   Ako rin, nag-enjoy. Salamat din sa araw na ‘to. Magsasaing lang ako, ah?   I tapped the ‘send’ button at ibinulsa ang cellphone ko. Paglabas ko’y naroon pa rin si Mama, nakatayo, habang nakahalukipkip. Ngumiti ako sa kanya at dumukot ng singkwenta pesos sa bulsa ko.   “Sensya ka na Mama. Konti na lang kasi ang natira sa pera ko eh. ‘di bale, ‘pag nakaraket---“   Mabilis niyang hinablot ang pera sa kamay ko. Hindi ko na iyon pinansin, bagkus, ay nginitian ko pa siya lalo. Tinungo ko na ang kusina at kinuha mula sa built-in cabinet ang kaldero.   “Luna, may boyfriend ka na ba?” she asked. Her piercing stares at me were so sharp like she’s digging an answer inside of me.   Hinarap ko siya habang hawak ang kaldero. “Hindi ‘ma. Pero may bago akong kaibigan. Bukas po ng gabi! Papasyal siya rito. Gusto ka niyang makilala.” I said excitedly.   Tinaasan lang niya ako ng kilay at walang pasabing lumabas na ng bahay namin. I pouted and continued what I am doing.   Pagkatapos kong isalang ang kaldero sa kalan ay siyang tunog ng cellphone ko. Si Migs!   “Uy Migs!” bungad ko sa kanya.   I heard his giggles. “Nakita kita sa school pero hindi ka namamansin.” Aniya.   Kumunot ang noo ko. Hindi ba’t graduate na siya? “Ano’ng ginagawa mo roon?” I asked.   “Doon na ako nagta-trabaho. Sa Cashier’s Office.”   Namilog ang mga mata ko. I can’t believe it! Nagta-trabaho na pala siya.   “Wow! Kailan pa?”   “First day of work ko ngayon. Kailan ang next na balik mo sa campus? Sa pasukan na lang ba?”   Nag-isip ako. Ang sabi sa akin sa guidance office, ite-text daw sa amin kung kailan ang orientation bago magpasukan.   “Sa orientation na siguro.” I said.   “Mmm…malayo pa ‘yon! 3 weeks from now.” Sabi niya.   Natigilan ako. Oo nga pala. Katapusan na ng April ngayon.   “Oh, eh… bakit ka nga pala napatawag? May bagong raket ba?”   I heard him sighed. “Wala, nangangamusta lang.”   Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya.   “May next gig ba? Baka nakahanap na kayo ng bagong female vocalist, ah?” may pagtatampong sinabi ko sa kanya.   “Tsk. Wala. Ikaw lang ang pwede sa banda.” Aniya.   “Sabihan mo ako kapag meron ulit ah? Kailangan kong dumoble ng kayod dahil naga-aral na ako.” ani ko.   “Sige. Ako’ng bahala sa’yo. Bye!”   “Ingat!” I said. Hininaan ko ang apoy sa kalan dahil kumukulo na ang sinaing. Naghanap ako ng de lata sa tokador. Kinuha ko ang isang lata ng sardinas at isang pakete ng miswa. ‘yon na lang ang uulamin namin ni Mama.   Habang nakaupo ako’t naghihiwa ng sibuyas, muling nag-ring ang cellphone ko. Si Jigo naman ang tumatawag ngayon. I smirked before I answered his call. Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga ko. Hindi ako nagsalita.   “Hello? Hello, Luna?” he said.   Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang matawa sa kanya.   “Huy, Luna! Panget!” he said.   I laughed hard. Hindi siya nagsalita.   “Bakit?” I asked.   “Gala tayo bukas?” yakag niya.   “Ayoko, wala akong pera!” I said. Tumayo ako para silipin kung may tubig pa ang sinaing. Nang makita kong wala na, lalo kong hininaan ang apoy.   “Libre kita! Ako’ng bahala sa’yo.”   Bumalik ako sa kinauupuan ko para buksan ang sardinas gamit ang abrelata. “Huwag na.” Ibinuhos ko sa mangkok ang sardinas.   “Sus. ‘pag kay Migs, mabait? ‘pag ako hindi? Tapos do’n sa kaibigan mong taga Maynila, mabait ka rin. Ang dami ko namang karibal sa’yo, baby cakes!”   I snorted in irritation. “Paano ako magiging mabait sa’yo kung lagi mo akong binu-bwisit?”   “Hmmm… so gusto mong nilalambing kita? ‘yon ba ang gusto mo?” he said.   Natawa ako sa sinabi niya. Bahala ka sa buhay mong lalaki ka. “Magluluto pa ako, Jigs. Bukas na lang tayo mag-usap, ah?”   “Hindi ba pwedeng mamaya?”   Kinamot ko ang ulo ko. Ang kulit talaga. “Oh sige, sige. Pagkatapos ng isang oras ah? Magluluto pa ako ng ulam tapos maghuhugas ng pinggan, tapos maliligo pa.”   “Okay. Bye!”   Pero hindi na iyon nasunod dahil matapos kong makapagluto ng ulam at makakain, nag-ayos na ako ulit sa kusina bago humiga sa kama at nakatulog na.   Hatinggabi na nang may malalakas na boses akong naulinigan sa labas ng bahay. Mga kaibigan ni Mama. Pinagbuksan ko sila ng pintuan. Hinatid na naman siyang lasing na lasing. Pero hindi katulad ng dati, may lalaki silang kasama na hindi pamilyar sa akin. Titig na titig siya sa akin ng tuluyan kong lapitan si Mama. Nagsalubong ang mga kilay ko’t ipinakita ko sa mga kilos ko na hindi ko gusto ang malagkit niyang tingin sa akin.   “Hinatid lang namin ang nanay mo, Luna---“   “Pwede po bang sa susunod, huwag niyo nang inaaya ang nanay ko sa mga inuman niyo dahil wala naman siyang napapalang maganda sa pagsama-sama sa inyo?” masungit kong sabad sa kanila.   Humalakhak ang babaeng naghatid sa kanya. “Ikaw naman, Luna! Tinutulungan lang namin ang nanay mong makalimot. Ang KJ mo naman! ‘di ba, Peter?” baling niya sa kasama nito.   Ngumisi lang siya sa sinabi ng kasama. Ngising may halong…ka-manyakan.   “Hindi ho kayo nakakatulong sa kanya! Mas lalo niyo siyang inilulugmok sa alak!” Tumaas na ang boses ko sa kausap. Parang may nagbara sa lalamunan ko’t gusto kong umiyak. Pinatatag ko lang ang sarili ko dahil ayokong makita ako ng dalawang ‘to na mahina ako. Inayos ko ang pagkakahiga ni Mama bago ko sila binalingan ulit.   “Makakaalis na ho kayo.” I said in a low voice with a hint of anger.   Nang makalabas sila ay sinulyapan ko ulit si Mama at saka umiiling na bumalik sa kwarto ko. I checked my phone and it’s already one in the morning. Ang daming texts at missed calls galing kay Jigo, ang ilan ay kay Martin din. Suddenly, I remembered my promise to Jigo that we’ll talk over the phone.   I tried to call him pero hindi ko na ine-expect na sasagutin niya pa iyon. Baka natutulog na siya. Pero laking gulat ko nang nakakadalawang ring pa lang ay sinagot niya iyon.   “Luna…” his voice is low. May lungkot at pagod akong naramdaman sa boses niya.   “Jigs…” sagot ko. I gave all my frustrations on my tone. Parang naghahanap ng taong makakausap, ng mapagsusumbungan.   “May problema ba? May nangyari?”   I sighed. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. “Sorry, hindi na kita nasagot kanina.”   “At least you called?”   Suminghot ako.   “Umiiyak ka ba?” he asked. He’s worried now.   “Si Mama kasi eh.”   Hindi siya umimik. Pero alam kong naghihintay lang siya ng sasabihin ko ulit.   “Matulog ka na, Jigs. Ibababa ko na ito.”   “Gusto mo bang kausapin ko siya?” he offered me.   I scoffed. “Paano naman? Eh hindi nga nakikinig sa akin ‘yon. Sa’yo pa kaya?”   “I’ll try.” He said.   “Ikaw ang bahala. Matutulog na ako. Matulog ka na rin hah?” I said.   He laughed a little. “Matutulog na rin ako sa wakas.”   Humikab ako at nahiga na sa kama. Inaantok na talaga. “Good night, Jigs.”   Natigilan siya. Akma ko nang ibababa ang tawag ng marinig kong nagsalita siya.   “Good night, babe.” I heard it right. Pero hindi ko na iyon inalmahan dahil unti-unti na akong nakatulog. Siya na rin yata ang nagbaba sa tawa ko.   Kinabukasan, nagising ako sa ingay na galing sa labas ng kwarto. Gising na ang diwa ko pero ayaw ko pang bumangon. Wala naman akong gagawin dahil nakapaglinis na ako noong nakaraan. Kung meron man, baka konti lang.   Hinanap ako ang cellphone ko at nakita kong nasa bandang balikat ko ito. I replied to Martin’s text na na-receive ko kagabi.   Ako:   Good morning! Sorry, hindi na ako nakasagot sa mga tawag at text mo. Nakatulog na kasi ako agad. Ingat sa trabaho!   I immediately send it. I smiled again.   Mga halakhak ang narinig ko sa labas. May bisita ba kami? Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang kama ko. Kinuha ko ang tuwalya kong nakasabit sa likod ng pintuan ko at nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto. Magulo pa ang buhok ko’t gusto ko nang maligo.   Nadatnan kong nagtatawanan sila Mama at Jigo sa mesa. May isang supot pa ng tinapay at palaman doon habang sila ay nagkakape. Awtomatiko kong tinakpan ang kalahati ng mukha ko dahil ayokong makita niya ako na bagong gising. Maghihilamos na lang muna siguro ako.   “Good morning, Luna!” magiliw na bati sa akin ni Jigo. Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata ko at patakbo kong tinungo ang banyo.   Naghilamos ako ng mabilisan, nag-mumog na rin. At nang makuntento ay lumabas na rin ako agad.   “Uy, sungit, samahan mo kami rito!” Jigo said.   “Mamaya. Maga-ayos lang ako.” I said.   Nasa loob na ako ng kwarto ng marinig ko ang pahabol niya.   “Huwag ka na masyado magpa-maganda. Dati ka ng maganda. ‘di ba Aunty Melda?” At sabay silang naghalakhakan.   Aba’t talagang close na sila ni Mama!   Nagsuklay ako ng buhok at nagpunas lang ng mukha. Pagkatapos ay humarap na rin ako sa kanila sa mesa.   “Pinagtimpla na kita ng kape mo.” Jigo said. Itinulak niya palapit sa akin ang isang tasa ng kape.   “Salamat.” I said. Kumuha na rin ako ng isang tinapay at naglagay ng chocolate spread doon.   Nang maubos ko ang unang tinpay na kinain ko, saka pa lamang ako nagtanong sa kanya. “Ikaw ba ang nagdala nito?” I asked. Tumayo na si Mama at dinala ang baso niya sa lababo.   “Maiwan ko muna kayo. Luna, ‘yong bisita mo.” She eyed me. Tumango lang ako sa kanya.   Ibinalik ko ang tingin ko kay Jigs. “Ang aga mo namang bumisita.”   Sumimsim siya ng kape bago sumagot. “Ayaw mo ‘yon? Ako ang unang nakita mo ngayong araw.” He smirked.   “Kung yayayain mo akong lumabas---“   “Dito lang tayo.” he said.   “Eh ano’ng gagawin natin?” takang tanong ko sa kanya.   “Manonood ng TV? May mga dala akong board games. Pwede rin tayong mag-food trip.” He offered.   Nangunot ang noo ko sa mga sinabi niya. “Wala kaming cable. Pwede rin ang board games. Pero wala kang mafu-food trip dito. Gusto mo bang mag-ulam ng ginisang bagoong?” I asked sarcastically.   He laughed so much na pati ako ay nahawa na rin sa tawa niya. Ilang segundo rin kaming naghalakhakan hanggang sa nakabawi kami.   “Walang problema sa akin, Luna.”   I shook my head. “Sira ulo ka talaga, Jigo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD