CHAPTER 9

3878 Words
Luna     Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Martin. Tutulungan niya akong hanapin si Papa. Kahit sa nagdaang panahon na hindi na ako umasang makikita at babalikan niya pa kami, sa oportunidad na inaaalok sa akin ng kaibigan ko, para akong nabuhayan ng loob. Ang pananabik ko sa isang ama ay muling nabuhay. Gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit hindi niya na kami nagawang balikan pa ni Mama.   Habang nag-uusap kami ni Martin ay biglang may lumapit sa amin.   “Excuse me.” Mahinahong boses ang narinig ko. Nang tingilain ko kung sino iyon, it was Migs.   I shifted on my seat at bahagya siyang hinarap. “Uy! Kararating ninyo?” I asked.   Umiling siya. “Kanina pa kami rito, Luna. Magi-start na kasi tayo mamaya.” He glanced coolly at Martin.   Napansin ko ang tingin na iyon kaya ako na ang nagkusa para magkakilala ang dalawa.   Tumayo ako. “Uh, Martin… si Migs, kasama ko sa banda. Migs, si Martin, kaibigan ko.” pakilala ko sa kanya.   Martin stood up and offered a handshake. Tinanggap iyon ni Migs. I sighed in relief. Buti pa itong dalawa at kalmado sila sa unang pagkikita. Hindi katulad noong isa.   “Halika na?” Yaya ni Migs.   Tumango ako. “Sige Migs, susunod ako.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango rin siya saka ibinaling ang tingin kay Martin bago tuluyang umalis sa mesa namin.   “He’s calmer.” Tanging sinabi niya. I smiled at him. Indeed. Sa kanilang apat, si Migs ang pinakaseryoso sa kanila. Sila Zion at Chad kasi ay mga loko-loko at si Jigo… hindi ko alam.   “Martin, sasama na ako sa kanila. Uhm…” kinamot ko ang sentido ko. “Manonood ka ba?” Alanganin kong tanong sa kanya.   He nodded. “Yes, I’ll finish your performance tonight. I assume I’ll drive you home?” his voice is full of hopes.   I puckered my lips to suppress a smile pero halata pa rin ang hindi maitagong ngiti dahil sa kilig. I cleared my throat and composed myself.   “S-sige.” I answered.   He called the waiter to settle our bills. He handed a black card to him. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakaramdam ako ng hiya sa kanya dahil wala akong mai-ambag sa gastusin. Hindi ko naman kasi afford ang ganitong klaseng dinner date. Baka nga kulang pa ang sasahurin ko sa gabing ito kahit mag-hati pa kami sa babayaran.   Teka. Dinner date? Date ba itong maituturing? Pwede naman yata sigurong mag-date ang magkaibigan ‘di ba?   Sa susunod, ako naman ang manlilibre. Pero kumakain ba siya sa karinderya? Baka maselan ang tiyan nito. Mayaman eh. Baka hindi sanay sa turo-turong pagkain. Konsensya ko pa kung sumakit ang tiyan niya.   Siguro’y ipagluluto ko na lang? Hmm. Pwede rin.   Nang makabalik ang waiter para isauli ang card niya, iginiya niya ako paalis sa mesa namin. Hinatid niya ako sa grupo namin sa gilid ng stage. Ipapakilala ko pa sana siya sa mga kasama ko pero busy na sila sa pag-prepare ng mga instrumento.   “I’ll stay in the bar while watching.” Martin said.   Tumango ako. Jigo is eyeing me. I smiled at him but he only grimaced. Herodes na ‘to. Parang bata!   Throughout the night, wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-perform. Kung minsan ay tumutugon din sa mga song request ng mga customers. In the bunch of crowd, I saw a familiar face. It was Rico, ang bank teller sa bangkong pinagde-deposit-an ko.   I saw him handed a small paper to the waiter at binulungan siya. Inabot iyon sa akin at nang binasa ko, tumaas ang kilay ko.   When I Met You P.S. You’re getting beautiful each day. Eh si Jigo? Bulong sa akin ng isip ko.   Migs giggled nang tuluyan na akong hindi makasagot. He put the back of his palm on his lips.   “Uuy! Napapa-isip na talaga siya.” He teased me.   I cupped my cheeks using my palms habang umiiling sa kanya. I blushed profusely na lalo niyang ikinatawa.   “Kaya may na-iinlove sa’yo eh. Ang cute-cute mo kasi.” He said.   I laughed at his statement. “Kumporme ka!” I said. Tumaas ang kilay ko sa una niyang sinabi. “Sino’ng naiinlove sa akin?” I asked.   Nasa ganoon kaming ayos nang lumapit sa amin si Jigo. Tapos na pala siyang mag-perform. Umayos kaming dalawa ni Migs. Pero naroon pa rin ang awra ng kulitan sa pagitan namin.   Migs cleared his throat. “Punta lang ako kay Manager.” At umalis na sa harap namin. Jigo stayed in his place.   “Jigs, ang ganda noong kinanta mo.” I said while smiling.   I saw his lips parted ngunit mabilis siyang nakabawi. “Ano’ng pinagu-usapan niyo ni Miguel kanina?”   I shrugged my shoulders. “Wala, nagbibiruan lang kami.”   Akma na akong bababa sa stage ng hawakan niya ang siko ko. “Nagustuhan mo ‘yung kanta o ‘yung…performance ko?” He gulped because I saw his Adam’s apple moved.   I smiled. “Pareho!”   “T-talaga?” Paniniguro niya. I cringed my nose. “Oo nga. Kulet.” I giggled.   He pursed his lips habang kinakamot niya ang kilay niya. “Ihahatid kita mamaya, ah?”   I pouted. “Ay, nandyan si Martin eh.” I said.   He bit his lip at dahan-dahang tumango sa akin. “Bukas? May lakad ka?”   I nodded. “Enrollment. Mag-aaral na ako.” I smiled.   Nangiti rin siya sa sagot ko. “Malapit na ang birthday mo.” Aniya. Bahagyang nawala ang atensyon ko sa usapan namin nang tumunog ang cellphone ko.   Martin:   Luna, are you done?   Hindi ko na iyon ni-reply-an dahil pababa naman na ako. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jigo.   “Oo nga eh. Pero walang pang-handa.” I laughed. “Alis na ako, Jigs. Dapat dalasan mo ang mag-perform. Ang galing mo eh. Alis na ako, ah?” Paalam ko.   Hindi ko na hinintay ang sagot niya at sinundan si Migs. Nang iabot niya sa akin ang sobre na may lamang share ko sa gabi na iyon, pinuntahan ko si Martin sa bar counter. Tumayo siya para salubungin ako.   “Let’s go?” Yaya niya sa akin.   Tumango ako. Nang tunguhin namin ang glass door ng resto-bar, narinig kong may tumawag sa akin.   “Luna!”   Nahinto ako sa paglalakad at luminga-linga. I noticed that someone’s approaching me. It’s Rico. Kahit si Martin ay natigil rin sa paglalakad. He was behind me.   Nang tuluyang makalapit si Rico sa amin, he greeted me.   “Ang galing mo kanina, ah?” he smiled widely. I noticed his eyes darted behind me bago inilipat ang tingin sa akin.   “Uy, ikaw pala.” my smile for him were uncertain.   “Hindi ka na nakabalik sa bangko.” He said.   Ngumiti ako. “Wala pa akong ide-deposito eh. ‘pag meron ulit.”   Hindi ko alam kung bakit gusto ko ng umalis sa lugar na iyon. Kung dati’y gustung-gusto kong kausapin si Rico, ngayon ay… parang nawala na ‘yong nararamdaman kong paghanga sa kanya. Hindi ko naman alam kung paano ako makakaalis doon dahil nahihiya akong magpaalam sa kanya.   “I’m sorry but we’ll go now. Malalim na ang gabi.” Si Martin. He held me on my waist at iginiya na ako palabas roon. I was relieved when he did that. He knows how to rescue me sa tuwing naiipit ako sa mga ganitong sitwasyon.   He opened the car for me at nang makapasok siya roon ay bahagya pa siyang natigilan, parang may iniisip.   “O-okay ka lang?” I asked. Nilingon niya ako. I saw how serious he is. Bumuntong-hininga siya at matamis na ngumiti sa akin.   “Yeah…” he gulped. Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na sa lugar na iyon.   Sa buong biyahe namin, halos hindi siya umiimik. Tanging ang malalim na paghinga niya lamang ang naririnig ko. I tried to open a topic pero minsan lang siya sumagot at hindi na nadugtungan iyon. Ano’ng nangyari? Oh baka may nangyari na hindi ko alam.   Nang marating namin ang bahay namin, walang umiimik sa aming dalawa. Ayokong bumaba sa sasakyan niya nang hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit ganoon ang ikinikilos niya.   I tried to speak again. “Mart---“   He gave me a small smile. “I’ll see you tomorrow, ‘kay?” masuyo niyang sabi sa akin.   Tumango ako. When his smile faded, ramdam ko talaga na may mali. I tried to reach his hand na nasa manibela pero binawi ko iyon agad. Baka ayaw niyang sabihin sa akin. Baka hindi ko na iyon concern.   Hinayaan ko na lang muna iyon. I unbuckled my seatbelts at nagpaalam na sa kanya.   “Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi mo, hmm?” a smile crept on my face. Just when I turned around to open the door, mabilis niyang hinawakan ang kaliwang braso ko.   Dahan-dahan akong lumingon. My eyes landed on my arms na hawak niya. Nakita ko kung paano dumausdos iyon sa mga palad ko until he rested his fingers on the spaces between mine. My heart warmed when I realized how intimate it is. My hand looks small compared to him.   Nang magtama ang mga mata namin, I saw how bothered he is.   “I’m sorry… I… I snapped a while ago.” Aniya. Tiningnan ko lamang siya habang nagsasalita. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.   “I’m sorry, I got…” Hindi niya matapos ang sinasabi niya. Para siyang nahihirapan sa pagsasalita.   “Bakit?” I asked.   Umiling siya. Hindi na isinatinig ang gustong sabihin.   “Pumasok ka na para makapagpahinga ka. Maaga pa tayo bukas.” Aniya. Marahan niyang binitawan ang kamay ko.   Hindi ko alam kung bakit pumasok ang ideyang ito sa utak ko pero I tried to ask him about it.   “Nagseselos ka?”   Mabilis niya akong nilingon. After a while, he smirked. “Wala naman akong karapatan, Luna.” Tumungo siya.   “Paano kung…bigyan kita ng karapatan?” I asked him. Ang lakas ng t***k ng puso ko nang sa wakas ay mailabas ko ng bahagya ang nararamdaman ko.   He shook his head. “Huwag mong pilitin ang sarili mo. Kaya kong maghintay hanggang sa makapag-desisyon ka.”   Hindi ako nakaimik sa isinagot niya sa akin. He is really a gentleman. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya. He really wanted to earn my trust for him.   He tucked the loose strands of my hair at the back of my ears. “Bukas, susunduin kita. Good night, Luna.” He dismissed the conversation. He held my chin and slightly pinched it.   Kinabukasan, maaga akong gumayak para sa enrollment. Tulog pa si Mama. Hindi naman siya lasing kagabi pero mukhang napasarap ang tulog nya.   Bitbit ang isang folder kung saan naroon lahat ang importanteng dokumento na kakailanganin ko sa enrollment, lumabas na ako ng bahay. Iniwanan ko na lang si Mama ng pambili ng ulam dahil hindi na ako nakapagluto. I told Martin earlier na sa kanto na lang kami magkita.   True enough, naroon na ang sasakyan niya. Binilisan ko ang takbo ko at sumakay na agad roon.   “Good morning!” I greeted him. Maaliwalas na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.   “Morning…” swabe niyang sinabi. Kahit sa pagbati, lalaking-lalaki pa rin ang dating.   Itinuro ko sa kanya kung saan kami pupunta. After he parked his car, mabilis naming tinungo ang gate ng eskwelahan.   Nakita ko ang nakahilerang table sa harap ng isang buiding. Sa baba no’n ay may nakasulat na iba’t-ibang kurso. Nang makita ko ang mesa para sa kurso ko, agad ko iyong pinuntahan.   “Hi! Freshman?” Magiliw na tanong sa akin ng isang babae.   “Opo.” Magalang kong sagot sa kanya. Inabutan niya ako ng isang pamphlet at isang maliit na papel. When I looked at it, check list pala iyon para sa mga kakailanganin sa enrollment.   “Nandyan ‘yong mga kailangan mong i-provide para ipasa sa amin. May dala ka na bang documents?” Tanong niya.   “Meron na po.” I handed the folder to her. Nang ilabas niya ang mga iyon, may ilang papel siyang hiniwalay.   She instructed me about the documents that I have to provide. Kailangan ko pa palang magpa-photocopy at magpa-medical. I suddenly regretted that I brought Martin here. This will be an exhausting day, panigurado.   Nang makuha ko lahat ang ibinilin sa akin ng babae, naglalakad na kami palabas ng gate nang lingunin ko siya.   “Martin, huwag ka na lang sumama sa akin. Marami pala akong kailangang ayusin. Mapapagod ka lang.” I said worriedly. Napakainit pa naman ng panahon ngayon. Baka ma-bore lang siya sa pagsama sa akin.   He shrugged his shoulders. “I will help you. I already reserved this day for us. Kung pauuwiin mo ako, wala akong gagawin maghapon.” Sagot niya.   “Sigurado ka, ah?”   He smiled and nodded at me. Ang unang pinuntahan namin ay ang ospital. Buti na lang dinala ko ang buong pera ko. May gagamitin ako panggastos sa medical. Chest x-ray, urinalysis, at CBC ang kailangan kong i-undergo. Inuna naming puntahan ang radiology unit.   “Sir, magpapa-chest x-ray po.” Ani ko.   “Purpose?” tanong niya. May kinuha siyang parihaba na papel.   “Enrollment po.”  May isinulat siya roon.   “Pangalan mo at edad mo, Miss”   “Luna Carmela Pineda, 17 po.”   Isinulat niya iyon bago inabot sa akin ang papel. “Punta ka muna sa business office tapos ibigay mo ito.  Tapos balik ka ulit sa akin.” he instructed me.   Martin took the paper to me at binasa iyon. Babasahin ko pa lang sana iyon pero naunahan niya ako.   “You reserve our seats, ako na ang pupunta roon.” Aniya.   “Okay.” I said.   Mabilis niya lamang iyon tinungo. Wala pang limang minuto ay nakabalik na siya’t inabot ang papel sa staff. When he sat beside me, hiningi niya sa akin ang checklist. Binasa niya iyon at muling ibinalik sa akin.   “You stay here, okay?” Tumayo siya.   “Saan ka p-pupunta?” I asked. Para akong nagmamakaawang huwag niya akong iwan.   “Magre-reserve ako ng pila sa laboratory.” He said.   Tumango ako. “Bumalik ka agad ah?” I said.   Ngumiti siya sa akin bago umalis. Tinawag na ang pangalan ko at pinapasok sa isang silid. The lady staff instructed me to take of my upper garments, including my bra at ipinasuot sa akin ang isang hospital gown. Iginiya niya ako sa makina at nang matapos niya akong kuhanan ng imahe, she asked me to dressed up.   “Balik ka sa amin after 2 hours ah? Ibibigay namin ‘yong resulta.” She said.   I nodded. “Thank you po.” Sagot ko.   Paglabas ko sa silid na iyon ay naroon na si Martin. Tumayo siya ng makalapit ako sa kanya.   “Let’s go to the lab now.” He said.   “T-teka, paano ‘yong bayad do’n?” I asked.   “Mamaya na…” hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis sa lugar na iyon.   Saktong pag-upo namin sa gang chair ng lab, tinawag na agad ang pangalan ko. Pinapasok niya ulit ako sa isang silid.   “Nakaihi ka na ba?” tanong ng med tech sa akin.   Umiling ako. “Hindi pa po, Ma’am.”   She handed a small cup with a lid at tissue. “Naroon ang CR, umihi ka tapos lagyan mo ‘yang cup.” She said.   Agad akong tumalima sa sinabi niya. There’s urgency in my actions. At nang matapos kong magawa ang sinabi niya, she took the cup to me na binalot ko sa tissue bago naupo sa itinuro niyang upuan.   She took my right hand and stretch it. May itinali siyang goma sa braso ko. Pagkatapos ay pinahiran niya iyon ng bulak na may alcohol. Pero nang makita ko ang injection na hawak niya ay mabilis kong binawi ang braso ko. Nang tingnan ko siya ay mabilis akong umiling-iling.   Takot ako sa karayom o sa kahit anong bagay na itutusok sa katawan ko. I remembered how I fainted when Aunty Esther brought me to the health center for ear piercing. Mas maganda raw kasi kung may hikaw ako habang nagpe-perform sa stage.   “Paano ako makaka-extract ng dugo kung ayaw mong ibigay ang braso mo?” she said. Nakita kong natatawa siya sa ekspresyon ng mukha ko. Tears pooled on my eyes when I saw that I got no options but to comply.   “Namumutla ka na. Teka…” Sinilip niya ang papel ko at lumabas.   “Sino’ng kasama ni Pineda?” Narinig kong tanong niya sa labas. Nang makabalik siya, kasama niya na si Martin.   “Sige Sir, hawakan mo na lang po siya.”   Tiningnan ko si Martin. He smiled at me. Naupo siya sa stool sa kaliwa ko.   “Huwag mo na lang tingnan, humawak ka na lang sa akin.” Aniya.   Muling kinuha ng med tech ang braso ko at pinahiran ulit niya iyon ng bulak na may alcohol. At nang iumang niya ang syringe, agad akong bumaling kay Martin. I grabbed his arms at isiniksik ko ang mukha ko roon. I felt his hand hugged my head. Impit pa akong tumili ng maramdaman ko na ang pagtusok noon sa balat ko.   After a while, naramdaman ko ang paglapat ng malambot na bagay at pandikit sa braso ko.   “Yan! Tapos na. Oh balik ka na lang mamaya after 2 hours para sa result ah?” Nakangiting sabi niya. Hindi na ako sumagot dahil ramdam ko ang panghihina ko dahil sa matinding kaba.   Nang tingnan ko si Martin, he’s smiling at me.   “B-bakit?” I asked.   Umiling siya. “Let’s go, we’ll eat lunch.” He said.   Kinuha niya ang kamay ko’t inalalayang lumabas sa silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD