CHAPTER 8

4068 Words
Luna     Maaga akong nagising ngayong araw ng linggo. Ilang araw din akong hindi nakapag-ayos. Kailangan ko ring maglaba dahil parang Christmas tree na sa taas ang mga nagpatung-patong na labahin. Mamayang 3 p.m. pa naman ang rehearsal para sa gig mamayang gabi. Marami pa akong oras para sa mga gawaing bahay.   I plugged on my bluetooth earphones in my ears. Isa ito sa mga bagay na iniingatan ko dahil hindi ko naman ito ma-afford. Binigay sa akin ito ni Migs noon. I played the songs I downloaded. At habang naghi-hiwalay ako ng mga puti sa de-kolor, nakikinig ako ng musika. Minsan ay sinasabayan ko ‘yon kantahin. Nagsalang na ako ng sinaing, nag-walis sa loob ng bahay, at nagbabad ng mga damit sa batya.   Nagpahinga ako saglit para magkape. Ang sarap ng tulog ni Mama, mukhang nag-enjoy sa mga friends niya sa kanto kagabi. I laughed and shook my head at my own thoughts.   Sinimulan ko ang pagwa-walis sa harap. Naipon na naman ang tuyong dahon ng manga sa gilid ng bakuran namin. Habang nagwawalis ako’y sinasabayan ko ‘yon ng pagkanta.   I got carried away with the song na hindi ko na namalayan na napapalakas na pala ang boses ko.   “And so I cry sometimes when I’m lying in bed Just to get it all out what’s in my head And I, I am feeling a little peculiar”   Pataas na ang nota ng kanta kaya humugot ako ng hangin para makanta ko iyon ng maayos. I even used the broom stick and imagined it as my microphone.   “And so I wake up in the morning and I step outside And I take a deep breath and I get real high And I scream from the top of my lungs what’s going on”   And when I was about to sing the chorus, may narinig akong naghiyawan sa labas ng bakuran namin. Mabilis kong tinanggal ang earphones ko para makumpirma kung meron ngang nagi-ingay sa kalsada. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka may nag-aaway na kapit-bahay. Nang sumilip ako sa hindi gaanong kataasan na bakod na yari sa hollow blocks, mga tambay lang ang nadatnan ko roon sa tapat namin.   “O bakit ka tumigil? Ituloy mo, ‘neng! Para kaming nakikinig sa radyo. Kaganda ng boses eh!” sabi ni Uncle Ben.   Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko naisip na napapalakas na ang pagkanta ko. The song requires a powerful voice pero hindi ko aakalain na aabot hanggang sa kapit-bahay ang boses ko.   Natawa na lang ako at napakamot ng ulo sa sinabi niya. Ngunit nang tumalikod ako’y parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa gulat nang madatnan kong nakatayo si Jigo roon. I uttered a soft curse. At sa inis ko’y naihampas ko sa kanyang hita ang walis tingting!   “Aray! Ano’ng problema mo?” he said. Hinahagod niya ang parte ng hita niya na napalo ko.   “Ano’ng ginagawa mo diyan?! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!” I shouted at him.   He just laughed at my reaction. Parang tuwang-tuwa pa siya dahil sa nangyari. I am so annoyed with what he did, tapos siya? Tatawa-tawa lang?   “Ano ba kasing ginagawa mo rito?” I asked. Tinalikuran ko siya para tapusin ang ginagawang pagwa-walis sa tuyong dahon.   I-n-off ko ang bluetooth earphones at ibinalik ko iyon sa case bago isinuksok ulit sa aking bulsa. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.   “Nasa’yo pa rin pala ‘yang earphones.” He told me but his eyes are on me.   I looked at him blandly. “Oo. Bigay ni Migs.” Lumabi ako at kinuha ang timbang yari sa lata at dust pan. I heard him murmured pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. “Ba’t ka nandito?”   He pouted. “Sungit mo naman…” he smiled boyishly. Lumitaw ang kanyang malalim na dimples. “Hindi na kila Migs ang rehearsal. Sa bahay na lang namin.” He said.   My lips formed an O habang tumatangu-tango ako. “Sa’n ba sa inyo?”   He smirked. “’wag ka nang mag-alala do’n, susunduin kita mamaya.”   I shrugged my shoulders at ipinagpatuloy ko ang pagwa-walis.   Ang akala ko ay aalis na siya katulad ng madalas niyang gawin pagkatapos naming mag-usap pero nanatili siya sa kinatatayuan niya. Nang mahakot ko na ang mga tuyong dahon ay binuhat ko na ang timba at nilingon siya.   “May sasabihin ka pa ba?” I asked.   Nilapitan niya ako habang mataman niya akong tinitingnan. I gulped at his stares. Para akong malulusaw sa paraan ng pagtitig niya. Pero ayokong ipakitang naaapektuhan ako kaya tinapatan ko rin iyon ng masungit na pagtitig ko. Akma siyang magsa-salita nang mapansin ko ang pag-singhot niya.   I automatically imitated his action. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang amoy sunog na sinaing!   Mabilis kong binitawan ang mga hawak ko’t patakbong pumasok sa loob para patayin ang kalan! Sumunod sa akin si Jigo sa loob at siyang labas din ni Mama sa loob ng kanyang kwarto.   “Ano ‘yong amoy sunog? Luna! Pinabayaan mo ‘yong sinaing?!” Paghi-histerya ni Mama.   Agad kong pinatay ang apoy sa kalan at saka binuksan ang kaldero. Mas naghari ang amoy tutong na kanin. Pwede pa naman iyon kung tutuusin dahil may mga bahagi namang hindi nasunog. Nilapitan ako ni Mama at nang makita niya ang hitsura ng kanin ay nagalit siya sa akin.   “Ano ba kasing ginagawa mo sa labas at nakalimutan mo itong sinaing mo? Naku, Luna! Sayang ang bigas! Makakasunog ka pa sa ginagawa mo!”   Marami pa siyang sinabi sa akin na halos hindi ko na ma-absorb. Tinanggal ko na ang kaldero sa kalan at inilapag sa counter. Naghugas ako ng kamay at balak ko ng magluto ng ulam nang biglang tumahimik si Mama sa pagtatalak sa akin at napalitan iyong ng malambing niyang boses.   “Nandyan ka pala, J-Jigo. Kanina ka p-pa ba d-diyan?” nauutal niyang tanong.   Oo nga pala. Nawala na sa isip ko na narito si Jigo. Nilingon ko siya’t nakitang nakangiti siya kay Mama.   “Good morning po, Aunty Melda! Makiki-kape lang po sana ako eh, kaso ayaw yata ni Luna!” lokong sabi niya.   Napanganga ako sa kanyang sinabi! Ang herodes na ito, ipapahamak pa ako kay Mama!   Lumapit si Mama sa kanya at hinawakan siya sa braso. Iginiya niya ito paupo sa bangko ng dining table. Nagpatianod naman si Jigo at mukhang enjoy na enjoy niya ang paga-asikaso ni Mama sa kanya.   “‘eto talagang si Luna, oh! Pasensya ka na Jigo, hindi kasi marunong tumanggap ‘yan ng bisita, eh! Maupo ka diyan at magti-timpla ako ng kape mo.” Magiliw na sabi niya sa bisita ko. Jigo glanced and evilly smirked at me.   Umarko ang kilay ko sa ginawa niya. This man, nakuha na nga ang loob ng Mama ko, pinagmukha pa akong sinungaling.   Tinalikuran ko na lamang silang dalawa at pinagtuunan ko nang pansin ang pagluluto ng ulam. Si Mama naman ay nag-timpla ng kape nilang dalawa. I was busy scrambling the eggs habang sila ay nagku-kwentuhan. Dinagdagan ko na iyon dahil dito na rin daw siya kakain. Nagdagdag na rin ako ng isang lata ng corned beef.   Tagaktak na ang pawis ko nang matapos ako sa pagluluto. Lumabas si Mama para bumili ng tinapay sa tindahan. Only Jigo and I were left in the dining area. Nang inihain ko na ang ulam sa mesa, nag-sandok na ako ng kanin. Jigo watched my every move.   Naupo na ako para saluhan siya sa almusal. “Kumain na tayo.” I said coldly. Nagsimula na akong maglagay ng kanin at ulam sa plato ko.   He got something from his pocket at marahang lumapit sa akin. Lumingon ako sa gawi niya nang tinawag niya ang pangalan ko and I was stunned by his sudden move. Hawak ang kanyang panyo, pinunasan niya ang pawis ko na namuo sa aking noo pababa sa aking panga, hanggang sa marating niya ang leeg ko.   I froze. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. His moves are slow and feathery. Maingat at seryoso niya iyong ginawa sa akin.   “I’m sorry for what I said a while back. Sinakyan ko lang ang Mama mo para hindi ka na niya lalong kagalitan.” He’s still wiping my neck. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, umayos siya sa kanyang pagkaka-upo.   I cleared my throat to ease the awkwardness that’s building inside of me. Iba na rin ang t***k ng puso ko. Bumibilis na iyon at nakakaramdam na ako ng pagkataranta.   “K-kaya pinagmukha mo akong sinungaling kanina sa harapan niya, ganoon ba?” I rebutted.   He smirked at me. “Well, I don’t think she took it seriously. Your Mom loves me, Luna.” He winked at me. Akma ko pa siyang sasagutin pero siyang dating ni Mama na may hawak na isang supot ng monay.   Umupo siya sa tabi ko at nagsandok ng sariling pagkain. “Kumain ka lang, Jigo! Pag-pasensyahan mo na lang ang nailuto, ah?” malambing na sabi ni Mama sa kanya.   I rolled my eyes for what she said.   “Okay lang po ‘yon, Aunty. Ako nga lang itong nakikikain eh!” Kinamot niya ang kanyang ulo.   I shook my head. They continued chatting habang ako ay tahimik na kumakain lamang. May mga pagkakataon ding sumasagot ako sa usapan pero silang dalawa ang matagal na nag-usap.   “Alis na po ako, Aunty!” Paalam ni Jigo kay Mama. Hinatid ko siya sa may gate namin.   “Oh sige, next time ulit ah? Dumalaw ka rito!” Mama answered. She’s in the door jamb of our main door.   “Opo!” Jigo even waived at her. Nang makapasok na si Mama, mabilis na dumapo ang kamay ko sa tagiliran niya’t madiin ko siyang kinurot do’n! He grimaced from pain. Akma siyang sisigaw pero mabilis ko siyang binalaan. “Sige! Subukan mong humiyaw at didiinan ko lalo ito!” Mariin kong sinabi sa kanya.   He bit his lower lip to suppress his outcry from the pain I inflicted him. When I got satisfied from pinching his side, binitawan ko na iyon. Mabilis niyang hinagod ang parteng kinurot ko. He even lifted his shirt at sinilip iyon. It turned red immediately. Halatang-halata dahil maputi ang kutis niya.   “Ang liit-liit mong babae pero mapanakit ka!” he said.   Akma ko pa siyang susuntunkin pero maagap siyang lumayo sa akin. My lips formed in a thin line at mababakas sa aking mga galaw ang inis at iritasyon sa kanya. Tinawanan niya lamang ako. Mabilis siyang lumabas ng gate at isinara ito.   “Susunduin kita mamaya rito. Hintayin mo ako, babe.” He pouted for a kiss and winked at me!   Sa inis ko’y inilusot ko ang aking braso sa butas ng gate namin pero hindi ko siya naabot. Mas lalo siyang natawa dahil sa hitsura ko. Dahil hindi ako nakaganti, nagpahabol ako ng salita sa kanya.   “Sira ulo!” I shouted.   Padabog akong tumungo sa likod-bahay at pinagdiskitahan na lamang ang mga labahin ko. Ang hambog na ‘yon! Hindi na nakuntento sa panga-alaska sa akin. At dahil bwisit na bwisit ako sa kanya, hindi ko namalayang patapos na ako sa mga labahin ko.   Kinain ko ang tirang ulam kaninang almusal. Iyon na ang nagsilbing tanghalian ko. Si Mama ay umalis at hindi ko alam kung saan na naman nagpunta. I took my afternoon nap before I readied myself for the rehearsal.   True enough, Jigo was here 30 minutes before the call time. Nang makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan, ako lang ang kanyang pasahero. I asked him kung nasaan na ang ibang kasama namin. He shrugged his shoulders while driving.   “Naroon na sila. Ikaw na lang ang kulang do’n mahal na prinsesa.” He’s starting again.   Para hindi na humaba ang usapan, hindi ko na siya sinagot. This will kill his mood to annoy me. Kotang-kota na ako sa mga panga-asar niya. He noticed my silence kaya itinabi niya ang sasakyan.   Humarap siya sa akin. “Naaasar ka na ba?” he asked. Ang kanyang kaliwang braso ay nakahawak sa manibela ng kanyang sasakyan.   I rolled my eyes and looked at him. “Sa wakas nakaramdam ka rin!”   He laughed weakly. “I just want you to be comfortable with me, Luna.” He started to maneuver his SUV.   Hinarap ko na rin ang kalsada. “Ah! So this is your way to be comfortable with you? You’re making it worst, Jigo.”   Imbes na seryosohin niya ang sinabi ko, he stretched his arms and reached for my cheeks. Kinurot at pinanggigilan niya iyon. I couldn’t do anything but to scream in pain.   “Ang cute-cute mo talaga! Hmm!”   Puro asaran ang ginawa namin sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay nila. It’s huge! It could passed as a mansion! Mukha itong ancestral house pero yari sa semento. Kulay puti ang dominanteng kulay nito.   Pumasok kami sa loob at tinungo ang music room nila. Nadatnan namin ang ibang kasama sa banda. They were prepping their instruments. Nakita kong nagbulungan si Chad at Zion nang makita kaming dalawa na magkasamang pumasok. They even shared a high five! At nang tuluyan kaming makalapit ni Jigo, I saw Chad’s wide smirk at him. Hindi ko na lamang iyon binigyan ng pansin.   We rehearsed. Puro rock songs ang tutugtugin. Limang kanta ang ibinigay sa akin ni Migs for the whole night kaya tinutukan ko ang rehearsal. Kaso dahil sa mga ginawa ko kaninang umaga, mukhang halata sa boses ko ang pagod ko.   “Luna, bakit ganyan ang boses mo? Napuyat ka ba?” Migs said.   Umiling ako. Medyo nawawalan ako ng gana pero pinilit kong magmukhang okay dahil ayokong isipin nilang nagi-inarte ako. Break time namin ngayon at nagpahatid ng meryenda si Jigo sa music room nila.   “Pagod lang. Pahinga lang ‘to. Mamaya, okay na.” ani ko.   I took out my cellphone from my bag when I heard it rang. Martin is calling. Inilipag ko ang aking bag sa upuan at bahagyang lumayo sa kanila para makausap ko siya ng maayos. Palayo na ako sa kanila nang marinig kong nagsalita si Zion.   “Ooop! I’m winning!” he said cheerfully. May narinig pa akong nagsalita pero hindi na roon ang atensyon ko, na kay Martin na.   “Hello?”   “Hi. Are you busy?” he asked. Kahit ang boses niya’y may idinudulot na kakaiba sa aking pagkatao.   Nangiti ako ng marinig ko ang boses niya. “N-nagre-rehearse kami.” I answered. Hindi ko maiwasan ang mautal kapag kausap ko siya.   “Hmmm. Can we have dinner before your gig?”   I gulped. Lumingon ako sa pwesto ng mga kasama ko. They were chatting but one of them caught my attention. Jigo was staring at me darkly. Iniwas ko ang aking tingin at bumaling ulit ako sa bukas na bintana.   “Saan ba tayo pupunta?” I asked him.   “Anywhere you want? It’s up to you.” Magiliw na sabi niya.   “S-sige. Sa bar na lang din? Resto-bar naman ‘yon. Okay lang ba?”   “Alright. Text me the location, then.”   Narinig ko ang malakas na tunog ng cymbal ng drum set. Parang malakas na hinampas iyon ng kung sino. I can hear Chad’s chuckles while Zion tries to suppress his giggles.   “Luna, start na tayo.” Malalim na sabi ni Jigo.   Nilingon ko siya at marahang tumango.   “Martin, praktis na raw kami. Ibababa ko na ‘to.” I said.   “Sure. See you later.” He said. Nai-imagine kong nakangiti rin siya habang nakikipag-usap sa akin.   We rehearsed again hanggang sa ma-satisfy na ang buong grupo. Alas otso ng gabi ang umpisa ng gig kaya may oras pa ako para makipagkita kay Martin. Tutal ay alas singko pa lang naman ng hapon.   “Sabay-sabay na tayo pumunta ro’n. Dito na tayo kumain mamaya. Nagpaluto na ako.” Jigo announced.   Inayos ko na ang mga gamit ko para makaalis na sa kanila. I already talked to Migs about my plan of going there first. Hihintayin ko na lang sila. He agreed naman.   I smiled. “Jigo, mauuna na---“   “Sa’n ka pupunta?” masungit na tanong niya sa akin.   “Sa bar. Hihintayin ko---“   “’di ba ang usapan, sabay-sabay?” nakataas na ang kanyang isang kilay.   I reasoned out. “Nagpaalam naman ako kay Migs. Pumayag naman siya.”   Tinalikuran niya ako. “Bahala ka, wala kang masasakyan diyan.” At lumabas na sa music room.   I was a bit off by Jigo’s action. Bumalik na naman ang dating ugali niya. Well, hindi ko naman ine-expect na ihahatid niya ako pero…’di bale na nga. Maga-abang na lang ako ng tricycle.   Nakalabas na ako sa gate ng bahay nila at matiyagang naghintay ng tricycle. Kaso naalala kong exclusive subdivision pala ito at kung meron man, baka malimit lang. Kung hindi ko pa sisimulan ang maglakad, baka maubos lang ang oras ko rito sa kakahintay.   I started walking. Siguro’y nakakadalawang bloke na ako nang may pumitada sa aking likod. I automatically looked at the vehicle at natigilan ako ng mapansing kay Jigo ‘yon. Natigil ako sa paglalakad nang tumigil din ang sasakyan niya.   Bumukas ang bintana ng passenger’s seat. “Sumakay ka na. Ihahatid na kita.” Malamig niyang tinuran sa akin.   Hindi na ako umimik sa sinabi niya’t dali-dali ko nang binuksan ang pintuan ng kotse niya. “Iniwan mo sila?” I asked.   “Eh sa hindi kita matiis, eh!” anas niya.   I pouted. Hindi ko na siya sinagot dahil nagu-umpisa na naman ang pagmu-muryot niya. Ito talagang si Jigo, minsan nakakatuwa, madalas nakakaasar.   “Ba’t ka ba nagmamadaling pumunta ro’n?” he asked.   Sinagot ko siya habang nagte-text ako kay Martin. “May kikitain ako ro’n.”   To Martin:   I’m on my way now.   I pressed the send button. Itinuon ko ang tingin ko sa kalsada.   He scoffed. “Sino? ‘yong kaibigan mo?” he said sarcastically.   Nilingon ko siya. “Jigo, mabait si Martin.”   Itinigil niya ang sasakyan. “Ako ba Luna? Hindi?” tanong niya. Napansin kong nasa harapan na kami ng resto-bar.   I avoided his question. “T-thank you, Jigs.” Akma kong bubuksan ang pintuan ng kotse niya ng hawakan niya ang siko ko. Nang nilingon ko siya, I saw how his eyes darted on me. May lungkot akong nakita sa kanyang mga mata.   I sighed and faced him.   “Luna, pwede mo rin naman akong maging kaibigan.” Marahan niyang sinabi.   I puckered my lips. “Paano? Lagi mo akong binu-bwisit.” I said. Though minsan, ‘yong mga cold attitude niya sa akin noon, hindi ko na pinagtutuunan ng pansin dahil alam kong natural sa kanya ‘yon. Ngayon lang naman siya lumalapit sa akin ng ganito.   He smirked. “Iyon ba ang tingin mo sa ginagawa ko sa’yo? Binu-bwisit kita?”   Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. It was Martin. I didn’t answer it at kusa na iyong namatay.   Nilingon ko ulit si Jigo. Hinihintay niya ang sagot ko.   I cringed my nose and rubbed my brow. “Oh sige, sige. Bahala ka na.” I immediately opened the door at umalis na roon. Nang makalayo ako ng bahagya ay muli akong lumingon sa likod. He’s still there at bago siya umalis at pumitada siya sa akin.   I looked for Martin inside the restaurant. Naka-bihis na ako ng pang gig mamaya. Isang black spaghetti strap blouse na pinatungan ko ng red and white checkered button down blouse. Hindi ko na ibinutones iyon. Pinaresan ko ng maong skinny jeans at itim na heels. Itinirintas ko ang buhok kong maalon na lampas balikat.   Kumaway si Martin na nakapwesto sa pinakadulong bahagi ng resto. Tumayo siya para salubungin ako. Nang makarating ako sa mesa namin, he guided me to my sit.   “Salamat.” Nakangiti kong tinuran sa kanya. His lips parted a bit but he was able to compose himself. He nodded and smiled at me, too.   He called the waiter and ordered for the both of us. At nang makaalis ito, he initiated the conversation.   “Ano’ng oras kayo tutugtog?” he asked. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa mesa at pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri.   I did the same thing. I looked at him straight in his handsome eyes and it draw lazily on mine. Hindi ko maikakailang may nararamdaman akong espesyal para sa kanya pero ayokong ipahalata sa kanya iyon. Maybe I’m just crushing on him. Normal naman iyon ‘di ba?   “Mamayang alas otso pa. Mamaya, nandito na rin ‘yong mga kasama ko.” I answered.   He nodded. “Susunduin kita bukas sa bahay niyo. Would that be okay?”   “Oo naman! Ipapakilala kita kay Mama.”  I said excitedly. “Oo nga pala. Nagbago ang isip ko, 2-year course na lang ang kukunin ko kasi baka hindi kayanin ng budget para sa apat na taon.”   “Ano’ng kurso, kung ganoon?”   I pouted. “Computer Secretarial. Para makatapos ako kaagad at makahanap na ako ng trabaho.” Dumating na ang pagkain namin at maingat iyong inilapag ng waiter.   “Though it’s advantageous to take up a four-year course, a two-year course would do, too. Kung sakaling maisipan mong ituloy into bachelor’s degree, pwede rin iyon.” he said.   Nag-usap pa kami sa mga iba’t-ibang bagay. I observed that Martin has a very broad understanding in various topics. Marami akong natututunan sa kanya. Hinding-hindi siya nauubusan ng ideya sa mga bagay na gusto kong pag-usapan.   After we ate our main course, he offered me desserts but I politely refused. I told him na nakakaapekto kasi sa boses. Baka hindi ako maka-raket ng ilang araw kung kakain ako ng malamig o matamis.   “Okay, then. I’ll take note of that.” He said.   I shrugged my shoulders. “Pero alam mo, I love sweets. It’s just that, I can’t take a risk eating it. Baka ilang araw o linggo akong matengga. Wala akong kikitain.” Natatawang sagot ko sa kanya.   “Kahit konti lang?” he asked teasingly.   “Pwede rin kung malaki ang kinita ko sa huling gig at hindi ako kukulitin ni Mama sa paghingi ng allowance niya.” I giggled.   He laughed, too. “I would love to meet your mother, Luna.”   “Oo, bukas! Kapag hindi siya bartek.” I laughed again. Natigilan siya sa sinabi ko. I cleared my throat and speak again. “I mean, lasing.” I smiled.   He chuckled a bit. “I got a question but it’s kinda personal.”   My brow arched when he spilled his words. Napalunok pa ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, sa paraan ng pagkakasabi niya, parang may puzzle piece siyang hawak tungkol sa personal kong buhay.   “A-ano ‘y-yon?” My voice is shaking.   “Interesado ka bang hanapin ang Papa mo?”   My lips parted at his question. Matagal ko nang gustong hanapin si Papa pero…pinapangunahan ako ng hina ng kalooban. Isa pa, I don’t have resources for that. At ang tanging pagkakakilanlan ko sa kanya maliban sa kanyang pangalan ay ang kaisa-isang litrato na hawak kong sinagip ko sa pagkakasunog noon. Itinapon kasi ni Mama ang mga pictures namin na meron si Papa, ang iba’y sinunog niya.   Humugot ako ng hangin bago ko siya sinagot. Ang buong atensyon ko ay nasa kanya na.   “Paano?”   He smirked. “I will not promise you anything yet but we’ll try. That’s my birthday gift for you.” Inubos niya ang kanyang wine na nakalagay sa kopita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD