Luna
Hindi na ako kinulit ni Jigo pagkatapos ng nangyari. Wala na rin akong natanggap na text at tawag galing sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng pangamba na baka hindi na niya ako isama sa mga susunod na raket. Pero nang tumawag si Migs na may gig sa isang local bar dito sa siyudad sa darating na Linggo, nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib.
Sabado ng hapon ay nag-paalam ako kay Mama para mag-simba. Paalis na ako ng bahay ng bigla niya akong pigilan.
“Luna.” Nangingiti niyang sabi sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin sa harap ng salamin.
Nilingon ko siya habang nagsu-suklay. “Bakit po?”
“May pera ka ba?” Maluwang ang ngiti niya sa’kin.
Hinarap ko muli ang salamin habang iniipit ko ang aking buhok. “Bakit po?” muli kong tanong sa kanya.
“Eh… Alam mo na ‘yon ‘nak! Ang tagal ko nang hindi nakakasama ang mga kaibigan ko eh. Saka… may kinita ka naman noong nakaraan ‘di ba?”
I sighed. Hinarap ko siya. “’ma, sama ka na lang sa’kin. Magsimba tayo. Pagkatapos pasyal tayo sa plaza. May night market ro’n!” nakangiti kong sinabi sa kanya.
Pero nalusaw ang ngiti ko nang makita kong nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Kanina’y nakangiti lang siya pero ngayo’y naging matigas ito. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Nagda-dahilan ka lang yata para hindi mo ako bigyan eh? ‘di ba may kinita ka naman? Ikaw talaga Luna kahit kailan basta nakahawak ka ng pera ayaw mong mamigay!” Galit na sabi niya sa akin.
Nasaktan ako sa pang-aakusa niya sa akin but I tried my best to be understanding and patient. Malumanay akong sumagot sa kanya.
“Hindi gano’n ‘yon, ‘ma. Gusto lang naman kitang makasama---“she cut me off.
Matalim ang mga mata niya nang bumaling siya sa akin. Pinagtaasan niya ako ng boses. “Ang gusto kong makasama, ‘yong mga kaibigan ko sa kanto! Hindi ikaw! Magbibigay ka ba o hindi?”
I bit my lower lip when I heard her words. It feels like I was stabbed several times. Ang bigat sa pakiramdam na marinig mo galing mismo sa ina mo na ayaw ka niyang makasama. Pati ang mga akusasyon niya sa akin ay hindi ko matanggap.
Dahan-dahan kong kinuha ang aking wallet at dumukot ng isandaan. Inabot ko iyon sa kanya. Kitang-kita ko kung paano umaliwalas ang kanyang mukha ng bigyan ko siya ng pera.
Mabilis niya iyong kinuha sa akin at isinuksok sa kanyang shorts.
“Magbibigay ka rin pala eh, ang dami mo pang satsat!” mataray na sabi niya.
Umalis siya sa harap ko at padabog na isinara ang pinto.
I deeply sighed and puckered my lips to suppress an emotional outburst. Pero hindi iyon napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Maagap kong pinunasan iyon. Mas maganda yatang umalis na ako para makalimutan ko ang nangyari rito sa loob ng bahay.
Kinuha ko na ang aking sling bag at nagmadali akong lumabas ng bahay. Kahit may pera ako ay mas pinili ko ang maglakad para maiwaglit ko sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Nag-isip ako ng ibang bagay katulad ng mga gagawin ko sa enrollment, kung magkano ang babayaran, at kung ano’ng mga dadalhin ko sa eskwela.
Pero sa tuwing nag-iisip ako ng panibagong distraction, mas lalong nagsusumiksikt sa utak ko ‘yong mga nangyari. Kaya imbes na pigilan ko ang pag-iyak, hinayaan ko na lamang na tumulo ang mga luha ko. Sa tuwing tumutulo iyon ay maagap ko iyong pinupunasan. Mabuti na lamang at humupa na ang emosyon ko nang makarating ako sa simbahan.
Sa ilang beses kong pagtangkang lumayas sa bahay at mamuhay na lamang ng mag-isa, at the end of the day, I will always find myself going back home and decide to stay with her. Hindi ko siya maiwan kahit pagsalitaan niya ako ng masasakit kapag nagagalit siya. Dahil kahit pagbalik-baliktarin ko man ang mundo, siya pa rin ang Mama ko.
Matapos ang misa ay nanatili pa ako sa simbahan ng ilang minuto. Parang ayoko pang umuwi. Pero hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta. I checked my phone and there I saw few text from Martin.
“I’m here in your city now.”
“Why aren’t you replying? May problema ba, Luna?”
I exited my inbox. Oo meron. Wala akong load at hindi kita mare-reply-an.
I went out to the church and decided to go to a mall. Papalamig na lang ako roon, magli-libang kahit walang pambili ng kung anu-ano.
Pumara ako ng tricycle dahil may kalayuan na ang simbahan sa mall. When I arrived there, I went to the arcade to entertain my troubled mind. I saw some familiar faces there. Mga naging kaklase ko noong high school. Probably they are in second year college now habang ako, magu-umpisa pa lang mag-aral.
I never mind kung ma-delay ako sa paga-aral. Tanggap ko na sa sarili ko na iba ang sitwasyon ko sa kanila. Kaya nilang mag-aral na hindi iyon pinaghihirapan. Paghihirapan na lamang nila ang tapusin iyon samantalang ako, kung hindi ako kakayod, hindi ako makakatuntong sa kolehiyo.
Tanggap ko naman. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi ako malungkot.
I went to the department store. Tumingin-tingin ng mga damit, sapatos, bags, at mga laruan ng mga bata. I saw a sales lady approaching towards me.
“Hi Ma’am. May nagustuhan po kayo?” she welcomed me with a friendly smile.
Ibinalik ko sa estante ang isang lego set na nagustuhan ko. Iyong maliliit na version nito na may instruction kung paano bubuuin.
Umiling ako sa kanya. “Mamimili muna ako.” Palusot ko kahit ang totoo’y wala akong balak bilhin iyon.
Umalis na ako roon at nagtungo naman sa movie house. Tumingin-tingin ng mga pelikula na showing at mga coming soon.
“You wanna watch a movie?”
I startled when someone talked beside me. I heard a familiar voice at mabilis akong lumingon sa direksyon kung saan nanggaling iyon. Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng makita ko kung sino iyon.
“Uy.” Tanging nasambit ko.
Ngumiti siya sa akin habang nakapamulsa. He’s wearing a light blue polo shirt, dark maong pants, and a boat shoes. Hakab na hakab ang kanyang suot sa kanyang katawan. Tanging itim na relong pambisig lamang ang kanyang naging accessory.
“Gusto mong manood?” Martin said.
Nilingon ko ulit ang film poster. Saka umiling.
“Hindi na. Malalim na ang gabi ‘pag natapos ‘yan.” I said and turned to him.
Tumango siya. He looked at his watch before he returned his eyes on me.
“Uhm. It’s already six in the evening. Let’s have dinner then?”
I looked at him straightly in his handsome eyes. Nakaka-engganyong sumama pero wala akong gana sa anumang bagay ngayon.
I gave him a small smile and slowly shook my head. I saw how disappointed he is for turning down his offer.
“Busog pa kasi ako. Uhm… Sige ah? Uuwi na ako, Martin.” I said. I nodded at him once at akmang lalampasan na siya nang masuyong niyang hinawakan ang aking siko para pigilan ako.
He sighed. “May problema ka ba, Luna?” he said. Lumingon-lingon ako sa paligid ko. I smiled again and shook my head.
Someone called me from behind. “Luna!”
Lumingon ako at nakita kong patakbong lumapit si Jigo sa amin. Pagod ko siyang tiningnan. Dumapo ang ang kanyang tingin sa kamay ni Martin na nakahawak pa rin sa braso ko.
“’lika! Sama ka sa amin nila Migs.” Pagyaya niya sa akin.
Dahan-dahan kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak ni Martin.
“Uuwi na ako eh.” I answered.
Tiningnan niya ulit si Martin bago nagsalita. “May maghahatid na ba sa’yo?” he asked.
Umiling lamang ako.
“Eh ‘di hatid na kita!” masaya niyang tinuran.
I furrowed my brows at his statement.
“Huwag na. Alis na ako.”
Then I leave them both on the movie house.
***
Martin
I could do nothing but to watch her leave. She became cold towards me after we went separate ways on that night in the resort. How I wish I could stay here a little longer but my work in the company requires my presence.
I heard his bandmate speak while both of us were stunned by walking out without notice.
“Tsk. Nag-away na naman yata sila.”
Bumaling ako sa kanya. “Sino’ng nakaaway niya?” I asked.
The asshole just smirked and shrugged his shoulder. “’di ba kaibigan mo siya? Ba’t di mo alam?” he said sarcastically. Hindi na ako sumagot dahil mabilis na rin siyang umalis sa harap ko.
Go to hell, I murmured.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Luna at mabilis siyang sinundan.
***
Luna
Nakalabas na ako sa mall na ‘yon. Nakahinga ako ng maluwag nang iwan ko ang dalawang lalaking nagu-unahan sa akin sa paghatid. Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang malakas na boses ng tumatawag sa akin.
It was Martin. Bakit na naman?
Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Medyo hinihingal pa dahil mukhang tumakbo para madatnan ako.
“I will not force you to tell me what happened about your sudden coldness towards me but please, let me drive you home.” Marahan niyang sinabi.
I saw how eager and hopeful he is para ihatid ako sa amin. Tumango na lamang ako sa sinabi niya dahil hindi ko maitatangging may parte sa sarili kong masaya ako ng makita siya. Wrong timing nga lang dahil wala ako sa mood ngayong mga oras na ito.
He guided me to his car. Siya ang nagbukas ng pintuan sa passenger’s seat at nang makapasok ako’y maingat niya itong isinara. When he settled to his seat, nilingon niya ako at bahagyang tumaas ang kilay niya.
Walang pasabing lumapit siya sa akin at may inabot sa kanang bahagi ng ulo ko. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at ramdam ko ang mainit niyang hininga. Sa lapit niyang iyon sa akin ay napapikit pa ako.
He just buckled my seatbelt.
Nagsalita ako ng binuhay niya ang makina.
“Pasensya ka na sa inasta ko kanina.” I said.
Nilingon niya ako. He smirked bago siya umiling.
“You don’t have to be sorry. You declined my offer politely. Whatever your reasons, I will understand it.” He said.
I gulped when I realized how his words comforted me. Pakiramdam ko’y hindi ko kailangang magkunwari kapag siya ang nakakausap ko. I can be whatever I want, I can speak whatever I want to say, and I can show my emotions without thinking anyone’s opinion.
“I… I just don’t know how to handle things like these. I already told you before, I’m not the friendly type. Pakiramdam ko, kapag inilalabas ko ang totoong sarili ko, nagiging pabigat ako.” sabi ko.
True enough, that’s my main reason why I don’t want to be friends with anyone.
He sighed and look at me. Akma niya akong hahawakan sa kamay ko pero pinigilan niya ang sarili niya. It landed on the gear shift of his car.
“Don’t think it that way. There are people who wants to be friend with you. You just have to find the right ones.”
I smirked. My sight landed on my lap.
“Ayoko na ng ganoon. Kung maghahanap pa ako ng magiging kaibigan pero hindi pala ako masasamahan sa huli…” umiling-iling ako. “Huwag na lang. Pagod na akong ma-reject.” I said.
Tuluyan niya nang hinawakan ang kaliwa kong kamay. Tiningnan ko iyon bago ko inilipat ang tingin ko sa kanyang mukha.
“I can be your friend, Luna. A friend who will always understand and who can be patient with you. You just have to open your heart for it.”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Hindi nga iyon ang hinihingi mo sa akin ‘di ba? You want more than that. That’s what you told me when we were---“he cut me off.
He held my chin and guided my eyes on him. “Forget it. If friendship is what you can only offer for me now then I’ll gladly accept it. I will not rush things between us.”
I bit my lower lip with what he said. This man in front of me is trying to win my trust. Hindi kaila sa akin na may espesyal akong nararamdaman sa kanya pero dinadaig iyon ng kawalang tiwala ko sa lahat ng bagay. Kaya kong kalimutan iyon because I don’t trust people easily.
Nagsalita siyang muli. “And I will work out to earn your trust. Please, Luna. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon para lumaya sa mga paga-alinlangan mo. You deserve to be happy.”
I smiled at him uncertainty. Siguro ay tama nga siya. Hindi ko magagawa iyon kung hindi ko susubukan. With a little courage and support from him, maybe I can do it.
Tumango ako sa tinuran niya.
Nang maihatid niya ako sa bahay, I unbuckled my seatbelt at lumingon sa kanya.
“Salamat sa paghatid. Uh… Pasok ka muna?” Pagyaya ko sa kanya.
Sinilip niya ang bahay namin. “Nandyan ba ang Mama mo?” he asked.
I shrugged my shoulders. “Hindi ko alam. Pero bago ako umalis, pumunta siya sa… kanto at…” kinamot ko at likod ng tenga ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang totoo. “A-alam mo na.” alanganing ngiti ko sa kanya.
He nodded and smiled at me.
“Pumasok ka na sa loob. Next time na lang ako papasok kapag nandyan ang Mama mo.” He said.
Napanganga ako sa sinabi niya. He declined my offer not because he doesn’t want come inside but he wants my mother’s presence when he enters our home.
“M-may gig pala ako bukas ng gabi. Kung hindi ka b-busy, baka g-gusto mong manood.”
“Sure, just text me the location.” Aniya.
Tumangu-tango ako. “Sige! Magpapa-load ako mamaya.”
Nasa kama na ako ngayon habang si Mama ay nasa kanyang kwarto na. Kahit lasing na siya ay pinilit ko siyang pumasok sa kwarto para kumportable siyang makatulog.
Ka-text ko ngayon si Martin. Sa tuwing nagre-reply siya sa akin ay mabilis pa sa alas kwatro kung buksan ko iyon.
“You should sleep now. It’s already late.”
Nagtipa ako ng reply. Kunyari’y nagtatampo ako.
“Ayaw mo yata akong ka-text eh. : (.”
Ilang sandali lamang ay tumawag siya sa akin. I answered it with a low, controlled voice.
“H-hello?” I said.
“Please don’t think it that way. I just want you to rest now. You have a gig tomorrow night. Baka mapuyat ka.”
I smirked. Concern ah?
“Ngayon lang kasi ako nagka-load, eh…”
“We have plenty of time tomorrow to text and call.” Sagot niya.
I pouted.
“Matutulog ka na rin ba?”
“After this call. But I want to make sure that you’ll sleep now.”
I giggled. “Busy ka ba sa lunes?” I asked.
Natigilan siya sa tanong ko. Nag-isip siya siguro kung may schedule siya sa araw na iyon.
“Why?”
“Uhm… Enrolment sa lunes. Baka gusto mong sumama?”
“Alright.”
Lihim na nagdiwang ang loob ko sa sinabi niyang iyon.
“Good night, Mart…” I said.
“Good night, Luna…”
Hinintay kong siya ang magbaba ng tawag pero lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin niya iyon pinapatay. I ended it instead.
Inayos ko na ang pagkakahiga ko nang muling tumunog ang cellphone ko. I thought it was Martin but it turns out, it’s Jigo.
“Good night, Luna panget.” Saad sa kanyang text.
Lumabi ako at inis siyang ni-reply-an
“Ikaw ang pangit!”
Ibinaba ko na iyon at pumikit na nang muli iyong tumunog.
“Uy nag-reply siya! Ba’t gising ka pa? Iniisip mo ako ‘no?
I grimaced when I read his text. Feelingero talaga itong kumag na to.
“Feeling!”
Iyan ang huling reply ko sa kanya. Kung magre-reply pa siya ay hindi ko na iyon sasagutin.
Lumipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na ngayon ang loko-loko!
“Hello?” inis na sabi ko sa kanya.
“Beauty rest ka na?” dinig ko sa kabilang linya.
I answered him. “Oo! Para gumanda ako at lalong ma-inlove ka sakin. Sige na, bye!”
“O-okay, baby cakes. I’ll kiss you good night.” He said.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Sira ulo!”
He just chuckled. Siya na rin ang nag-off ng tawag.
Inis kong binitawan ang cellphone ko’t pinilit na ang sariling matulog na.