CHAPTER 6

3534 Words
Luna     Pagkatapos kong linisin ang loob ng bahay, sinunod kong walisan ang bakuran sa harap. Ramdam ko na ang pagod pero kailangan ko munang mag-ayos ng bahay. Pwede naman akong magpahinga maghapon pagkatapos kong gawin ang lahat ng ito.   Bumili na lang ako ng lutong ulam sa labas para sa pananghalian dahil hindi pa ako nakakapamalengke. Mag-isa akong kumain dahil tulog pa si Mama. Pagkatapos kong kumain at maghugas nang pinagkainan, tumuloy na ako sa kwarto ko para magpahinga.   Nagising ako dahil sa mga kaluskos na narinig ko sa labas ng kwarto. I took my phone to check the time. Maga-alas kwatro na pala ng hapon. Napahaba ang tulog ko. Nakita ko sa notifs na may isang missed call at dalawamg text messages. Binuksan ko iyon para makita kung sino ‘yon. Lahat kay Martin galing.   “Are you home now?”   “Can I call?”   Agad akong nagtipa ng reply para sa kanya.   “Sorry, late reply. Kagigising ko lang. Nakauwi na rin ako.”   Bumangon ako at kinuha ang bag kong naglalaman ng maruruming damit. Lalabhan ko iyon bukas. Itinabi ko ang mga iyon at inilagay sa laundry basket. Kasalukuyan kong inaayos ang bag ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.   Martin calling…   I cleared my throat before I answered the call.   “Hello?”   “Sorry, did I wake you up?” he asked.   “Uh, hindi.”   I heard him sighed. “I had a meeting this morning. Sorry, hindi na ako nakapagtext.”   Napanguso ako. Guilty ba siya dahil doon? Hindi naman siya obligadong mag-update sa akin lagi.   “Okay lang.” iyon na lang ang nasabi ko dahil… hindi ako makapag-isip ng pwedeng isagot.   Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang segundo. I tried my best to open up a topic para magtagal pa ang pagu-usap namin pero wala talaga akong maisip.   He broke our silence. “Luna...”   “O-ops?”   He sighed. I gasped. Bakit ganito ang epekto mo sa akin?   “I’ll be there next week.” Aniya.   Tinignan ko ang nakasabit na kalendaryo malapit sa pintuan. Nakita kong nakabilog ang dalawang dates next week. Bumangon ako para tingnan ang nakasulat doon. Enrollment day.   “Ano’ng petsa?” I said.   “The whole week.” He answered.   “Bakit ka pupunta rito? Trabaho ba?” I asked again.   “Yes.” diretsong pagkakasabi niya.   Trabaho naman pala. Sabagay, magiging busy rin naman ako next week. Dalawang araw ang enrollment. Saka, hindi ko rin alam kung baka may mag-aya na naman sa akin sa gig. Hindi ko iyon tatanggihan kahit malaki ang kinita ko sa resort na iyon. Kailangan kong mag doble-kayod dahil magsisimula na akong mag-aral.   “Sige. Uh, ibaba ko na ito. M-mamamalengke pa ako, eh.”   “Yeah…” sabi niya pero umaasa akong hindi niya pa ibababa ang tawag. Pero…   “Bye.” I said. Ako na ang pumutol ng tawag dahil kung hindi ko gagawin iyon, mas lalong magwawala ang isip ko dahil sa tuwing nakakausap ko siya, wala akong mahagilap na salitang sasabihin ko. Masyadong abala ang isip ko tungkol sa kanya.   Kinuha ko ang sobre kung saan nakalagay ang sinahod ko sa isang linggo. Dumukot ako ng dalawang libo at itinago ko sa aking drawer ang natira. Nag-ayos ako ng aking sarili bago nagpasyang lumabas sa kwarto ko para mamalengke.   Pero nagulat ako nang bigla akong salubungin ng presensya ni Jigo sa sala. Kumakain siya ng banana cue at may isang basong juice sa lamesita ng sala namin. Nang makita niya ako ay maagap siyang tumayo.   “Hi. Gising ka na pala.” bungad niya sa akin. Tumango ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi pa rin ako nagsasalita kahit kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.   “Pinapasok na ako ng Mama mo. Lumabas ulit siya.” He explained.   Tumango lang ako ulit. Hindi ko binibitawan ang seryoso kong tingin sa kanya. It made him feel awkward and uncomfortable. I can sense it by his moves. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso at nakahawak na sa kanyang batok.   “Sabi niya, natutulog ka raw kaya---“   “Ano’ng ginagawa mo rito?” I asked him.   Mas lalo siyang nataranta sa tanong ko. Panay ang iwas niya sa tingin ko pero sinunsundan ko ang kanyang mga mata. Nang magtagpo ang paningin namin, I smirked at him.   “Nakikimeryenda!” sagot niya.   Humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay sa kanya. Come on, Jigo. Try harder.   “Dumayo ka sa amin para…makimeryenda?” I trailed off.   Natigilan siya sa sinabi ko. Tila nag-isip at may na-realized sa nangyayari. He sighed.   “Aalis na ako.” paalam niya.   My lips parted when I heard him bid his goodbye. Nang pumihit na siya palabas ng bahay, I called him.   “Jigo!” Pero hindi niya ako pinansin. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.   Bahagya akong natawa sa inasta niya. Narinig niya iyon kaya humarap siya sa akin.   “What’s funny?” supladong tanong niya sa akin.   Natawa ako sa reaksyon niya. Nakasimangot na parang bata na hindi napagbigyan sa gusto niya.   “Bakit ka nga pumunta rito? May gig na naman ba?” umaliwalas ang mukha ko sa posibilidad na baka may offer na naman siyang trabaho sa akin.   “Hindi ka ba napagod sa isang linggo natin doon sa Sta. Ana?”   I shrugged my shoulders. Nilampasan ko na siya at lumabas na sa gate. Sumunod lang sa akin si Jigo. Saktong parating si Mama kaya nahinto ako sa paglalakad.   “Alis muna ako ‘ma. Mamamalengke po ako.” paalam ko. Tumango lamang siya at binalingan si Jigo.   “Aalis ka na rin hijo?” tanong nito sa kasama ko.   “Opo, Aunty.” Magalang niyang sagot kay Mama.   “Oh siya, siya. Luna dumaan ka muna kay Esther.” Aniya.   Tumango na lamang ako sa tinuran niya. Naglakad ako papunta sa tindahan para magbayad ng utang. Nakasunod pa rin sa akin si Jigo. Pagkatapos kong bayaran ang utang, tinahak ko na ang papuntang palengke. Lalakarin ko na lang tutal ay maliwanag pa naman pero hindi na ganoon katas ang sikat ng araw.   I turned to Jigo. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad. Nakapatong ang kanyang maong na jacket sa kanyang balikat.   “Ba’t sunod ka ng sunod?” I asked. Medyo naiinis na ako ah?   “Because I’m bored?” he said with his uninterested expression.   “Kaya mo ako kinukulit?”   “Teka. Okay naman tayo kaninang umaga ah? Ano’ng nangyari?” he asked.   I sighed. I pouted my lips and let my expression tells him that I’m a little pissed.   “Mamamalengke ako, Jigo. Wala akong oras para makipagkulitan sa’yo. Ang dami kong gagawin oh.”   “Tulungan kita!”   I grimaced! Ang kulit naman nito.   “Jigo…” Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko habang nakangiwi. “Ano ba’ng problema mo? Hindi ka naman ganyan dati ah?”   Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Tanungin ko nga ito ng…   “Bakit? Crush mo ako? May gusto ka sa’kin?” I asked sarcastically.   Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas. Mahaba ang tawa niya pero habang nagtatagal, sarkastiko na iyon pakinggan. Umiiling-iling pa siya habang nakahawak sa kanyang tiyan hanggang sa matigil at inayos ang sarili niya.   “Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Luna!” at muli siyang humalakhak. “Pala eh…” I walked out and went to the market.   Hindi na siya sumunod sa akin. I smirked. Ganoon ang itinuro sa akin ni Mama kapag may lalaking nangungulit sa akin. Lagi kong ginagawa iyon kahit noong high school ako dahil ang sabi niya, sila raw ‘yung mga lalaking may gusto sa’yo pero hindi lang makaporma. Kapag tinanong mo raw sila ng ganoon, matatameme sila at sa huli, magde-deny at hindi ka na kukulitin pa.   Pero sa tingin ko naman ay walang gusto si Jigo sa akin dahil alam ko ang tipo niya. Sa ilang beses kong pagsama-sama sa grupo nila, madalas ay mga seksi at mapopormang babae ang nakakasama niya.   Iwinaglit ko sa isipan ko ang nangyari at namalengke na. Sana pala isinama ko na si Mama para nakalabas din siya at nakapamili ng gusto niya. Nag-tricycle na ako pauwi dahil hindi ko na kayang bitbitin ang ipinamili ko. Nakapasok na ako sa gate nang may narinig akong kumakanta sa loob ng bahay. Ang mala-kristal at malamig na boses ni Imelda Pineda. I smiled. Nalipasan man ng panahon ang Mama ko pero hindi kumukupas ang galing sa pagkanta.   Hindi agad ako nagparamdam sa kanya. Nakatayo lang ako habang pinapakinggan ko siyang kumakanta ng kundiman. Ilang beses ko lang narinig ang boses niya habang kumakanta pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi humanga. Nakahilig ako sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan ko siyang naghuhugas ng isasaing. Saan siya kumuha ng bigas?   Pumihit siya nang mailagay niya ang kaldero sa kalan. Napatigil siya sa pagkanta at bakas sa itsura niya ang pagkabigla ng madatnan niya akong nanonood sa kanya.   “Galing mo, ‘ma!” Palatak ko. Ngiting-ngiti ako sa kanya pero hindi siya nagsalita.   She cleared her throat. “Kanina ka pa diyan?”   Ngumiti lang ako at binitbit ang mga nakasupot na pinamili ko. Inilapag ko iyon sa mesa. “Hindi naman pero nadatnan pa kitang kumakanta.” Inisa-isa kong inilabas ang mga nasa supot. “Saan ka pala kumuha ng pambili ng bigas, ‘ma?”   Tinulungan niya akong magsalansan ng mga de-lata sa estante. “N-naglabada ako kagabi.” Nauutal niyang sinabi.   “Talaga ‘ma? Goods ‘yon!” diretso kong sagot sa kanya. Hindi siya umimik kaya tiningnan ko siya. Mataman lang siyang nakatingin. I smiled at him sweetly.   “’yong lalaki kanina dito? Nanliligaw ba sa’yo ‘yon?” tanong niya?   Nangunot ang noo ko. “Ah, si Jigo po? Hindi, kasama ko ‘yon sa mga raket ko.”   “Sigurado ka? Eh kaninang alas dos pa ‘yon dumating dito. Hihintayin ka raw magising.” Aniya.   Natigilan ako sa pag-aayos. Alas kwatro ako nagising kanina. Ibig sabihin, dalawang oras siyang naghintay sa sala!   Nakaramdam ako ng konsensya nang maalala ko kung paano ko siya trinato kanina. Pwede ko naman sana siyang pinakitunguhan ng maayos. Mamaya ay hihingin ko ang number niya kay Chad para i-text siya’t humingi ng sorry sa kanya.   Si Mama na ang nagpresintang magluto ng ulam para sa hapunan. Hindi na ako kumontra pero nagtataka ako sa mga ikinikilos niya. Pero binalewala ko na iyon, ang importante, ramdam kong hindi siya iinom ngayong gabi.   Tahimik lang kami sa hapag habang kumakain. Pinapakiramdaman ko si Mama, parang may iba talaga sa kanya. Ganadong-ganado siya ngayon sa pagkain. Kahit ang maghugas ng pinggan ay inako na niya. Kibit-balikat kong binitawan ang mga hugasin at pumasok na ako sa kwarto ko.   Kinuha ko ang cellphone ko’t tinext ko si Chad.   “Hi Chad! Pwede ko bang makuha ang number ni Jigo?”   Inilapag ko iyon sa kama at kumuha ako nga damit pantulog at underwear. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text sa akin.   “0917*******” he replied.   Agad kong ni-save ang number niya at tinext siya.   “Jigo, si Luna to.”   I pressed the send button. May dumating din na text galing kay Martin.   “Good evening.”   Napanguso ako. Masyado namang pormal ‘to.   “Hello!” I replied.   Binitawan ko na ang cellphone ko at kinuha ang tuwalya kong nakasampay sa likod ng pintuan para makaligo na. Umabot yata ako ng thirty minutes sa banyo dahil sobrang init ng panahon! Walang tatalo sa hottest city in the country! Kung hindi pa ako kinatok ni Mama ay hindi pa ako lalabas sa banyo.   “Luna! Tama na ‘yan! Sisipunin ka na diyan!” aniya.   Nagmadali akong lumabas sa banyo at dumiretso sa kwarto ko para makapagpalit. Pagkatapos kong mag-suklay, kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may text para sa akin. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon. Sabog ang inbox ko! Lahat iyon ay galing kay Jigo! May mga missed calls rin pero inuna ko ang text messages.   “Luna who?”   “Pineda?”   “Napa-text ka?”   “Si Luna Pineda ba ‘to?”   “Ano’ng kailangan mo?”   “Bakit hind ka nagre-reply?”   “Magso-sorry ka na ba sa’kin?”   “Hindi ako tumatanggap ng sorry na walang kapalit.”   At marami pang text messages na kung tutuusin ay pwedeng minsanan na lang i-type. Nagtipa ako ng reply sa kanya.   “Oo, si Luna Pineda ‘to.”   I pressed the send button pero hindi iyon nag-send. Ni-resend ko ulit pero hindi pa rin nag-send. Tinignan ko ang inbox ko and I cringed my nose when I saw a text message coming from the network.   Expired na ang promo ko.              I checked the unread messages in my inbox, too. May dalawang text messages rin galing kay Martin.   “I’m home. Have you eaten?”   “You busy?”   I exited to my inbox at nahiga na sa kama ko. Sorry na lang kayo, wala na akong load.   ***   Jigo     We’re in Chad’s place now. Nagyaya sila ng inuman kaya sumama na ako. Tutal, Luna is ignoring my presence. That girl, I do not know how to get her attention. Paiba-iba ang timpla niya. Sala sa init, sala sa lamig. Kaninang umaga naman ay okay kami. I enjoyed the trip because of her kahit na sa kalagitnaan ng byahe ay tinulugan niya rin ako. My poor baby, she’s so sleepy. Ilang beses ko ring narinig na nauntog ang ulo niya sa bintana habang natutulog. Itinabi ko ang sasakyan sa shoulder ng kalsada at kinuha ko ang travelling pillow ko sa likod ng sasakyan. When I got back on my seat, dahan-dahan kong inilagay iyon sa leeg niya but she purred like a cat nang maalimpungatan siya. I gave the pillow to her. Ipinulupot niya iyon sa kanyang leeg at itinuloy ang pagtulog.   I heaved out a deep sigh thinking about her.   “Ang lalim no’n ah?” Migs said. He’s holding a bottle of beer.   Tinungga niya ang boteng hawak niya bago siya nagsalita.   “I’m f****d up, dude.” Ninamnam ko ang pait ng beer, singlasa ng nararamdaman ko ngayon.   He chuckled. “Totally. That hit you really hard.”   “Oy, ano’ng pinag-uusapan niyo?” sumabat si Chad. Tiningnan ko siya. Inakbayan niya ang chiks na katabi niya habang ipinatong naman ng babae ang kamay nito sa hita niya at marahang hinahagod iyon.   “May nagugustuhang babae.” Maiksing sagot ni Migs. Kumuha siya ng pulutan sa plato.   “Oh bakit ganyan ang itsura mo? ‘di ka maka-score? Bago ‘yan ah!” Si Zion. Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ng babaeng katabi niyang kulang na lang ay hindi na mag-shorts dahil sa sobrang iksi ng suot niya.   I imagined Luna wearing that kind of clothing. Baka makapatay ako kapag nakita kong may tumititig sa mga mapuputing hita niya.   “Sino ba ‘yon, Jigs? Si Luna?” Chad said playfully. How in the hell? Matalim ko siyang tiningnan. “Mismo.” Sagot ni Migs. Tumawa siya bago nagbukas ng panibagong bote ng beer.   Humalakhak silang lahat. Ano bang nakakatawa roon?   “Who’s Luna? That Japanese girl you’re with in Sta. Ana?” Lia said, chiks ni Zion. Bumulong lang si Zion sa kanya, she giggled. I saw how she kissed Zion’s ear.   Napailing na lamang ako at hinayaan silang magsalita. Damn you all, fuckers.   “Nacha-challenge ka lang do’n, Jigs! Come on, I know it’s not your thing. Menor de edad pa ‘yon!” si Chad.   “Kaya nga naku-curious eh, gustong maka-experience ng bata.” Si Zion. Humalakhak silang lahat sa sinabi niya.   “Putangina niyo.” I murmured na lalo nilang ikinatawa.   “You know what? Let’s make a bet. 5k! Tataya ako kay Jigs!” at naglabas na siya ng pera sa wallet niya.   Zion took out his wallet, too. Naglabas ng pera. “Tataya ako kay Luna. Hindi ‘yan mapapasagot ni Jigo!”   “How about you Migs?” Chad said.   Umiling si Migs. “That’s nonsense.”   Nagkibit-balikat lang si Chad. Naaasar na ako sa sinasabi ng mga ‘to.   “Stop that, dickhead!” I warned him.   “Why? Don’t act as if you didn’t do this before.” He just smirked and took the cash. Bumaling siya sa babaeng katabi niya. Inirolyo ang pera at isinuksok sa dibdib. “Keep this.” Nang maisuksok niya iyon ng mabuti ay sumimple pa siya ng lamas sa dibdib nito. The girl just bit her lip, tila nagustuhan pa ang ginawa sa kanya.   Inubos ko ang beer sa boteng hawak ko. After that, I took another beer and opened it. Nagpatuloy kami sa inuman nang tumunog ang cellphone ni Migs. When he checked it, he cursed.   “Holy shit.”   Tumaas ang kilay ko. “What?” I asked. Uminom ulit ako ng beer.   “She’s asking for your number.” He answered.   Kumuha ako ng pulutan sa plato at isinubo iyon.   “Who?” I asked lazily.   He showed me his phone at napaubo ako ng mabasa ko kung sino ang nag-text. Minura pa ako ni Miguelito!   Napatuwid ako sa pagkaka-upo ko at hinablot ko ang cellphone niya.   “Give me that!”   Tinipa ko ang number ko at ni-send ko iyon agad sa kanya. Padabog kong ibinalik kay Migs ang cellphone niya. I excitedly took out my phone on my pocket and waited for her to text me. Wala pa yatang isang minuto ay nag-text na siya sa akin! I excitedly opened the message and read it.   “Jigo, si Luna ‘to.”   Tumayo ako at iniwan sila roon sa lanai. I stood up near the pool and called her.   Hindi niya sinagot. Baka hindi lang narinig. I called her again. Pero katulad nang nauna, hindi rin niya iyon sinagot.   What are you doing to me, Luna? Sinasadya mo ba ‘to?   I texted her instead.   “Luna who?” I pressed the send button. Sinadya kong mag-text sa kanya ng ganito para hindi halatang nage-expect ako. Hindi na ako mapakali. Nilaru-laro ko ang cellphone ko at chine-check iyon every 10 seconds!   I texted her again.   “Pineda?”   Wala pa ring reply. I walked to and fro near the pool habang nakapamaywang. This will be the last. Kapag hindi pa nag-reply, I’ll go back to my friends.   “Napa-text ka?”   Inorasan ko iyon ng dalawang minuto. Pero natapos na ang taning ko ay hindi pa rin siya nagre-reply. Humugot ako ng hangin at nag-extend pa ng isang minuto. Sa bawat segundong umaasa ako sa reply niya, para akong gagong ngumingiting mag-isa dahil unti-unting sumisilip ang pag-asa kong makausap na siya ng madalas.   Pero wala pa ring reply.  Naiinis na ako. I called and texted her multiple times! Pero ni isa sa mga iyon ay hindi niya sinagot. I got really pissed at her for not answering my text and calls. Nasasaling na ang ego ko. Ba’t ba ako nagkakaganito sa isang babae? Kung tutuusin ay maraming babaeng nagkakagusto sa akin, mas magaganda pa sa kanya!   But… Luna is different among others.   Bumalik akong bigo sa kinauupuan ko kanina. Wala na si Zion at Chad, pati ang mga babae ay wala na rin. Only Migs stayed in the lanai. Pasalampak akong naupo sa sofa habang sapo ang ulo ko.   “Oh? Kumusta? Nakausap mo?” he asked.   Sa inis ko’y kumuha ulit ako ng beer sa bucket at binuksan iyon. Nilagok ko ang laman no’n at pinangalahatian ko. He laughed at me.   “You don’t have to answer me dude. I knew it.” Humalakhak siya at umiling, pagkatapos ay uminom ng beer.   “Damn it! Ang hirap. Kahit sa Sta. Ana, pumapalag siya. She even befriended a stranger samantalang ako, hindi niya makausap ng matino!” I hissed.   “That’s simple. Court her.” He said. Tumungga siya ulit ng beer.   I smirked at napailing. “Ni hindi nga nakikipag-kaibigan ‘yon. And she f****d my mind when she told me that guy in the bar is her friend!”   Humalakhak siya. “Ah. Now I understand. Gusto mo nang bakuran.”   I sighed. Inubos ko ang laman ng bote. “This is hard.” Napapikit na lang ako dahil ramdam ko na ang hilo.   Inubos niya na rin ang beer niya.   “Well, rocks are everywhere. But a diamond? It’s hard to find.” Tinapik niya ang balikat ko at tumayo na.   Napasandal na lang ako sa headrest ng sofa. I closed my eyes because of the throbbing pain in my head. Damn, beers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD