Luna
We were in the bar already. This is our last night. Ang sabi ni Jigo, madaling araw kami aalis bukas. Probably, 4-5 AM. Okay na rin iyon. Dahil kailangan ko nang umuwi para kay Mama.
Martin texted me, too. Pupunta siya mamaya para sa last performance namin dito sa bar. Mas ginaganahan akong magperform dahil manonood siya ngayon. Tutugtog pa ako ng gitara while singing! Hindi ko madalas gawin iyon pero ngayong gabi, I’ll be doing my best.
Jigo and I will end the gig with a duet. Ako ang namili ng kanta. Ayaw niya ‘yon no’ng una pero nang mai-rehearse namin, nagustuhan na rin niya
And for the first time, Jigo will sing the introductory songs. It’s refreshing. Nakikita ko sa mga babaeng narito na siya ang inaabangan lagi kahit nagda-drums lang siya noong mga nakaraang araw. At nang kumanta nga siya kagabi, mas napatunayan ko na sa aming lahat, siya nga ang apple of the eye nila.
He sang I’ll Be by Edwin McCain. Tinugtog nila Chad na acoustic. Ang ganda ng kinalabasan!
Tinabihan ko si Migs. “Look at Jigo, Migs, and look at the girls. They are very attentive at his performance.”
Bahagya siyang natawa. “Selos ka ba?”
My brows furrowed. “Of course not!”
Jigo is wearing an all-black v – neck t-shirt. His muscles are in place kaya hakab ang t-shirt sa kanyang katawan. It was paired with faded blue jeans at black boots. Tanging dog tag at wristwatch na kulay itim ang palamuti niya sa katawan.
Rakistang tingnan. Tapos gwapo pa, magaling kumanta at magaling mag-drums. Almost perfect na. Maswerte ang babaeng mamahalin ng lalaking ‘to.
“I’ll be your crying shoulder
I’ll be love’s suicide
And I’ll be better when I’m older
I’ll be the greatest fan of your life”
Habang kumakanta si Jigo ay iginala ko ang aking mga mata para hanapin si Martin. Sinuyod ng paningin ko ang mga tables, exclusive sofas, ang 2nd floor, at ang bar counter pero wala siya.
“Nasaan kaya ‘yon?” I murmured.
“Sino’ng hinahanap mo?” Ani Migs.
“W-wala!” sagot ko.
Nang matapos siya sa unang kanta, diretso silang bumanat para sa pangalawang kanta. Pero kinuha niya ang acoustic guitar kay Chad at umupo sa high chair.
May humiyaw na grupo ng babae sa exclusive sofa.
“Ang gwapo!” they cheered.
Humalakhak ako sa reaksyon ng mga babae. Ang herodes, kumaway pa sa grupo na iyon kaya mas lalong kinilig ang mga girls.
“Mga kerengkeng!” I commented.
Siniko ako ni Migs. “Hindi ka ba talaga nagseselos sa mga ‘yan?”
Natawa ako. “Hindi! Natutuwa nga ako sa mga reactions nila, oh!” at muli akong natawa.
Migs murmured. “Damn you, Jigs. You’re better do something ‘bout this.”
“Bakit ‘yon?” I asked him.
Tumuwid sa pagkakatayo si Migs. “Wala. Sabi ko ang bobo ni Jigo.”
“Bakit?”
“Wala. Hayaan mo ‘yon.”
Nagkibit-balikat na lang ako. Hinanap ko na lang ulit si Martin. Unang tingin ko pa lang sa bar counter ay naroon na siya. He’s wearing white button down polo na naka tuck-in sa kanyang maong pants. Brown leather shoes naman ang ipinares niya. Nahuli niya rin ang paningin ko kaya ngumiti ako ng maluwang sa kanya. Bahagya pa akong kumaway. My heart thumped when he waived back!
Narinig kong nagsalita si Jigo.
“I want to dedicate this song to the girl I like. It’s been months and I just can’t get enough of her. This is for you, babe.”
“Migs! Migs!” Siniko ko ang katabi kong si Migs.
“Ano? Kinikilig ka?” aniya.
Nilingon ko siya at ilang ulit na tumangu-tango! “Sino ‘yung sinasabi ni Jigo?!” Natatawa na ako sa mga nangyayari.
“Ikaw.” Tipid na sagot niya.
Nalusaw ang mga ngiti ko sa sinabi niya. “Hah?”
Ngumuso siya. “Ikaw… alam mo ba kung sino? Ako kasi hindi ko alam.” Aniya.
My brow raised at muling tumango while my lips parted. “Ahh… Hindi eh.” Sagot ko.
He sang Somebody Out There by A Rocket to The Moon. This is one of my favorite songs before. Naalala ko noong high school ako, madalas ko itong praktisin ‘pag vacant period namin.
“You deserve someone who listens to you
Hears every word and knows what to do
When you’re feeling hopeless, lost and confused
There’s somebody out there who will”
Sinabayan ko siyang kumanta sa likod ng stage. Umiindayog ng konti ang katawan ko, feeling its melody.
“There’s somebody out there who’s looking for you
Someday he’ll find you, I swear that it’s true
He’s gonna kiss you and you’ll feel the world stand still
There’s somebody out there who will”
Nangingiti akong pinapanood si Jigo. Ngayon ko lang kasi siya nakasama ng matagal sa gig. Laging isang gabi lang noon. Sa mga panahong nakakasama ko siya, I know I’ve judged him that shallow. Pero ngayon, nawalang parang bula iyon.
Nasa ganoon akong pagi-isip when I felt my phone vibrated. I checked who it was. It’s a text message from Martin. Sinulyapan ko muna siya sa kanyang pwesto bago buksan ang text niya. Hawak niya ang cellphone niya habang seryosong nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay at bahagyang nangiti sa kanya.
Nang ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko, I read his message.
“Do you like your bandmate?” nangunot ang noo ko ng mabasa ko ‘yon.
Mabilis ko siyang nilingon. I can see how his lips puckered and his left eye brow raised. Nagtipa ako ng reply sa kanya.
“Of course not. He’s singing my favorite song, that’s why.” Pinindot ko ang send button.
Muli kong tiningnan si Jigo. Tapos na siya sa pagkanta niya. Si Migs na ang pumalit sa kanya at kasama na si Zion at Chad. He is singing Passenger Seat by Stephen Speaks. Kami naman ni Jigo ang magkatabi ngayon. He was drinking a bottle of water habang tinitingnan ko siya.
“Ang galing mo kanina, Jigs!” Puri ko sa kanya. Nakangiti pa akong sinabi iyon sa kanya.
Ibinaba niya ang boteng tubig at pinunasan ang bibig niya gamit ang likod ng kanyang palad. “Kinilig ka raw?” Tanong niya.
I felt my phone vibrated pero hindi ko muna iyon tiningnan. I was talking to Jigo pa. “That’s one of my favorite song, eh!”
“Alin doon sa dalawa?” he asked.
“Somebody Out There. Bakit ka nga pala nagpalit ng kanta? Hindi iyon ang ni-rehearse mo kanina ah?”
He shrugged his shoulders. “Ewan ko. Gusto ko lang kantahin.”
Tumawa ako ng bahagya. “May dedication ka pa nga eh! Sino ba ‘yon?” pangi-intriga ko.
Tiningnan niya ako ng matagal sa mata bago bumaba ang tingin niya sa labi ko. I saw him gulped. Akma na siyang magsasalita ng biglang mag-ring ang cellphone ko. It was Martin.
“Sandali lang, sagutin ko lang ‘yong tawag.” I said. Tumango lamang siya sa tinuran ko.
Bahagya akong lumayo sa stage para marinig ko ang kausap ko.
“Hello?” Medyo malakas ang boses ko’t ang isang tenga ko’y isinara ko gamit ang aking isang kamay.
“Don’t deny it. You like that guy.” Iyon ang bungad niya sa akin.
Nangunot ang noo ko. “No, I’m not. Iyon lang ba ng itinawag mo? Where are you?”
“I’m outside the bar. Lumabas muna ako sandali.”
Nanlumo ako sa sinagot niya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil maya-maya’y ako na ang kakanta.
“Babalik ka pa ba?” I asked him.
Hindi agad siya sumagot. Natahimik ng ilang segundo ang linya. I checked my phone kung naroon pa ang tawag, meron pa nga! Kaya nagsalita ulit ako.
“Mart---“
“Yes, I’ll go back.” Sagot niya.
“Dapat lang! Ako na ang next na kakanta eh.” May himig ng pagtatampo ang boses ko nang sabihin ko iyon. I can’t helped it. Nang malaman kong lumabas siya ay nanlumo ako. I can’t just switched my mood easily.
Nang marinig ko ang palakpak ng mga tao, hudyat na iyon na ako na ang susunod na kakanta. Mabilis akong nagpaalam kay Martin at umakyat na agad sa stage. Kinuha ko kay Chad ang acoustic guitar habang aalalay si Zion sa akin. I will sing Catch Me by Demi Lovato.
I cleared my lungs before I started strumming the guitar. Inisip kong walang ibang nanonood sa akin kundi… si Martin lang.
“Before I fall too fast
Kiss me quick but make it last
So I can see how badly it is will hurt me when you say goodbye”
Mabilis kong sinulyapan ang bar. Naroon ulit si Martin sa dati niyang pwesto. Nakahalukipkip at matamang nakatingin sa akin. Ibinalik ko agad ang tingin ko sa gitarang tinutugtog ko.
“Keep it sweet keep it slow
Let the future pass and don’t let go
But tonight I could fall too soon under this beautiful moonlight
But you’re so hypnotizing you’ve got me laughing while I sing
You’ve got me smiling in my sleep
And I can see this unravelling
Your love is where I’m falling but don’t catch me”
Nilingon ko ang gilid ng stage at nakita kong mataman na nanonood si Jigo. He’s with Migs na may ibinubulong sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin. Diretso lang ang tingin niya sa akin. I smiled a bit, too bago nagpatuloy sa kinakanta ko.
“See this heart won’t settle down like a child running scared from a clown
I’m terrified of what you do
My stomach screams just when I look at you”
Nilingon ko si Zion. He smiled at me widely, like he’s telling me to keep up my good work because I can see the positive response of our audience.
Nang matapos ko ang kanta, malakas na palakpakan din ang natanggap ko. Iniwan na ako ni Zion doon sa stage dahil acoustic guitar lang naman ang kailangan sa pangalawang kakantahin ko. I sang Make You Feel My Love by Adelle, but in an acoustic version.
May mga taong sumasabay sa akin dahi alam nila ang lyrics. Dinama ko ang kantang tinutugtog ko. I gave an all-out performance dahil last night naman na namin dito. Bukas, ibang buhay na naman ang kahaharapin ko.
Ang huling kinanta ko ay malapit sa aking puso. This is my mother’s favorite song. Ito rin ang kauna-unahang kantang itinuro niya sa akin. When I learned how to play the guitar, I mastered it na kahit pumikit ako’y kaya ko iyon tugtugin.
La Vie En Rose.
I strummed the guitar to the tune of the song. Kita ko sa ibang manonood ang pagtataka. Marahil ay bago sa kanilang pandinig iyon. Pero ang mga may edad na narito, napansin kong tumuwid sila sa pagkakaupo.
“Hold me close and hold me fast
This magic spell you cast
This is la vie en rose
When you kiss me heaven sighs
And though I close my eyes
I see la vie en rose”
I saw some elderlies who went in front of the stage and dance with their partners. Maya-maya’y, pati ang mga millennials na mag-jowa, nasa harapan na rin ng stage!
“When you press me to your heart
I’m in a world apart a world with roses bloom
And when you speak angels sing from above
Every day words seem to turn into love songs”
Muli kong tiningnan si Martin sa kanyang kinauupuan. Ganoon pa rin ang itsura ng ayos niya. Pero hindi katulad ng kanina, he looked like mesmerized? O imahinasyon ko lang iyon? Namumungay kasi ang mga mata niya at may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
Damn those lips. Ang pula! Na-conscious tuloy ako sa labi ko dahil kababae kong tao pero tingin ko’y maputla iyon kumpara sa mga labi niya.
“Give your life and song to me and life will always be
La vie en rose”
Nang matapos ko ang kanta, nagpalakpakan silang lahat!
“One more! One more!” sigaw ng mga nagsayaw kanina.
Nilingon ko si Migs kung pwede ba iyon. Dahil na rin siguro sa audience’ request, tumango na rin siya.
I strummed again the guitar. Pamilyar na sila sa kakantahin ko kaya kinuha nila ulit ang kanilang mga partners para isayaw sa harap.
I played Fly Me to the Moon acoustic version.
Kitang-kita ko ang enjoyment ng mga tao dahil sa kantang tinutugtog ko. Ang iba’y nakita kong umiindayog na lamang sa kani-kanilang upuan.
Nagpalakpakan ulit sila nang matapos akong mag-perform. Bumalik ako sa pwesto nila Jigo at Migs habang nagpe-prepare sila Zion at Chad sa stage.
“Luna, hindi na matutuloy ang duet niyo nila Jigo dahil sa requested song ng mga audience.” Migs said.
“So iyon na ang huling performance ko?” my phone vibrated. I checked it immediately when the text came from Martin.
“Please let’s go outside. I want to spend time with you before I leave later.”
Iyon ang nilalaman ng text. Bumaling ako kay Migs.
“Migs, can I go now?” I asked.
“Pwede naman na… pero bakit?” tanong niya.
Nag-isip agad ako ng emergency na rason. I’m sorry, guys but I need to lie.
“Sumakit bigla ang tiyan ko eh.” I touched my tummy to make it more realistic.
“Oh sige na.” Ite-text ka na lang namin kapag tapos na.”
Tumangu-tango ako. Bumaling ako kay Jigo. I smiled and left the bar.
I was busy replying to Martin’s text message nang biglang may humablot sa akin sa maliit na pasilyo papuntang elevator. I shrieked out and lost my balance! Mabuti’t maagap itong humablot sa akin at hindi ako hinayaang sumalampak sa sahig. Napapikit pa ako dahil sa gulat ko and when I opened my eyes, it was Martin who caged my body by his strong hands.
Itinayo niya ako ng maayos. I cleared my throat and smiled awkwardly at him.
“Saan tayo pupunta?” I asked.
“Sa beach.” He held my hand at pumasok kaming magkahawak kamay nang bumukas ang pintuan ng elevator.
Mabilis at may pagmamadali ang mga kilos namin. He led us to the beach near the rock formation. Walang masyadong ilaw rito pero maliwanag ang tanglaw ng buwan. It’s full moon!
Nang huminto kami sa paglalakad, tiningala ko siya. I saw his eyes gleaming. Seryoso ngunit may bahid ng pagkamangha.
“Bakit mo ako dinala rito?” I asked again. But instead of answering me, he held my left hand a bit upward while he took my right hand and place it in his chest. Ang kanyang kaliwang kamay ay pumirmi sa aking baywang.
He wants us to dance.
“I didn’t have the chance to dance with you a while back ‘coz you’re singing. This is my time now, Luna.”
He said huskily. Kahit malamig ang simoy ng hangin na pumapalo sa balat ko, hindi ko iyon alintana dahil hinaharangan iyon ng malaking katawan ni Martin.
I chuckled a bit. “Gusto mo, mag acapella ako?”
“Pwede ba?”
Tumango ako. I sang Fly Me to the Moon because it suits the ambience right now.
“Fly me to the moon and let me play among the stars
Let me see what spring is like on a Jupiter and Mars”
Naramdaman kong umindayog na ang katawan namin sa kanta ko. It was natural, hindi pilit.
“In other words hold my hand”
Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak ni Martin sa kamay ko. Mahigpit ngunit may pag-iingat.
“In other words, baby, kiss me”
Akma akong huhugot ng hangin para sa susunod na linyang kakantahin ko nang maramdaman ko na lumapat ang labi niya sa aking noo. Napahinto na ako sa pagkanta at hindi na rin ako makagalaw, dahilan para mahinto ang pag-sayaw naming dalawa.
Tiningala ko siya. His stares are full of adoration. Mapupungay ang kanyang mga mata nang tingnan niya ako.
“Luna… Please don’t think that I’m taking advantage with you but…” umiling-iling siya, tila hirap na hirap isatinig ang gustong sabihin. “The moment I saw you that night, I can’t take you away from my mind.”
Napalunok ako. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Pero gusto ko pang marinig lahat ng sasabihin niya.
“It sounds ridiculous but I think I’m crazy for you already.” Dagdag niya.
Manghang-mangha ako sa rebelasyon niya. So all these time, tama nga ang hinala kong hindi ako nagi-ilusyon lang. This is real. He confessed to me.
He held my cheeks and caress it with fragile care.
“It’s not just friendship that I want to happen between the two of us, Luna. I want more than that.” His hoarse voice sent shiver down my spine.
“Martin---“
“I’ll wait for you. I’ll pursue you when you’re ready. Just let me know when. I promise.”
Iyon ang mga huling salita niya sa akin sa lugar na iyon. He made a vow under the shimmering light of the moon. Kahit nakahiga na ako sa aking kama ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari kanina.
My stay here in this place seems so magical. Pumunta ako rito para mag-trabaho pero uuwi akong parang naengkanto. Enchanted by this magical feeling I never thought it would happen to me.
Pinilit kong makatulog dahil maaga pa kaming bibyahe bukas nila Jigo. Inabot niya sa akin ang sweldo kong nakabalot pa sa envelope at may pangalan ko pa. Nang bilangin ko ito, nalaglag ang panga ko dahil sa sobrang gulat!
Tumataginting na bente mil ang sinahod ko para sa isang linggo na iyon! Kasama na raw doon ang tip ng buong management at nang ibang customer.
Pwede na akong mag-enrol para sa isang semester! Makakabili na rin ako ng marami-raming stocks para sa bahay at pwede ko na ring bayaran ang ilang pagkakautang namin ni Mama. Maraming pumapasok na plano sa utak ko ngunit kinalma ko muna ang aking sarili. Saka ko na lamang iisipin iyon kapag nakauwi na ako.
5:30 nang umaga ay nasa daan na kami pauwi. Si Martin ay umalis ng alas una ng hatinggabi. Pagkahatid niya sa akin sa kwarto ay siyang paalam niya sa aking babalik na siya ng Maynila dahil may emergency sa kanilang opisina. He promised that he’ll frequently keep in touch with me at tototohanin niya ang sinabi niyang dadalaw siya sa akin ng madalas.
Nasa passenger’s seat ako ng Fortuner ni Jigo habang ang tatlong kasama namin ay nasa likod at mahimbing pa ang tulog. Inaantok din ako pero ayoko namang tulugan ang kasama ko dahil nakakahiya sa kanya.
Hindi kami nagu-usap pero tingin ko’y nagpapakiramdaman lang kami. Panay naman ang bunting-hininga niya at napapalingon ako sa kanya sa tuwing ginagawa niya iyon. Kapag lilingon naman siya sa akin ay iiwas ako ng tingin sa kaya at ibabalin ko iyon sa kalsada.
“Hindi na natuloy ‘yong duet natin.” He broke the deafening silence between us.
I smiled awkwardly. “O-Oo nga eh. Gusto mo dito na lang tayo kumanta?”
Bumaling siya sa akin with his lips parted. “Gusto mo ba?” tanong niya.
I giggled. “Oo naman!” Kinuha ko ang cellphone niya para buksan ang Spotify roon at hanapin ang kanta naming dalawa. nang buksan ko ay may password.
“Ay, may password!” I said. Inabot ko iyon sa kanya.
He took the phone and swiftly typed the password. Ibinalik niya sa akin iyon. When I opened the Spotify, I searched for Way Back into Love by Hugh Grant and Drew Barrymore. Nang magsimula ang kanta’y napangiti ako.
“Jigs! Ayan na!” I said excitedly.
Napangiti siya. We jammed inside his car. Panay ang tawanan naming dalawa dahil hindi lang kami kumanta kundi sumayaw pa habang nasa kanya-kanya kaming upuan. Hindi man lang pumitlag ang mga kasama naming mga tulog-mantika kahit malakas ang boses naming dalawa sa kakakanta.
Hanggang sa nakatulog din ako sa haba ng byahe. Binigyan ako ni Jigo ng travelling pillow para hindi mangawit ang leeg ko.
Nang makarating na kami sa siyudad, ginising na niya ako. Inuna niya inihatid ang mga kasama namin. Nang kami na lamang dalawa sa kayang sasakyan, niyaya niya pa akong kumain sa labas. I refused politely dahil kailangan ko nang umuwi ng bahay.
“Next time, then.” He said and pinched my cheek. I nodded and smiled at him. Inihatid pa niya ako sa gate at siya na rin ang nagbaba ng mga gamit ko. We bid our goodbyes. Nang umalis na siya’y pumasok na ako sa gate namin. Ang kalat sa bakuran, parang walang naglinis ng buong linggo.
I expected the worst when I entered our house. Nang buksan ko ang pinto’y nakita kong paupong natutulog si Mama. Ang daming nagkalat na basyo ng gin, plastic wrapper ng mga chichirya, at kung anu-ano pa. Dumiretso muna ako sa kwarto ko para ilapag ang mga gamit ko. Agad akong lumabas ng kwarto para tunguhin ang kusina. Nakita kong nakababad lamang ang mga nagamit na pinggan at kaldero sa palangganita, nagkalat ang mga baso at pati mga kubyertos. Wala na ring laman ang istante at pati ang kaban ng bigas ay ubos na rin!
Napakamot na lang ako sa aking ulo. Anak naman ng teteng oh.
Wala na akong nagawa kundi ayusin ang lahat ng kalat bago ako magpahinga.