CHAPTER 4

3462 Words
Luna     Nang marating namin ni Jigo ang hotel room ko, marahas kong binawi sa kanya ang braso ko. He just heaved a sigh.   “Jigo, ano’ng problema mo? Bakit naman ganoon ang inasta mo sa harap ng kasama ko?” I asked him furiously.   Nakakahiya kay Martin. Wala naman siyang masamang ginagawa sa akin kundi ang ihatid lang ako rito sa kwarto ko.   Itinuro niya ang direksyong pinanggalingan namin. “Bakit sumasama ka sa taong kakakilala mo lang? Paano kung may gawing masama sa’yo ‘yon?” May bahid ng galit ang boses niya.   Sinapo ko ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos niya noong mga nakaraang araw, lalo na ngayon.   “Sasama ba ako roon sa tao kung alam kong may masamang balak ‘yon sa’kin? Saka… Ano ba’ng pakealam mo kung sumasama ako sa kanya?” naiinis kong tanong sa kanya.   Nagtangis ang kanyang mga bagang sa tanong ko. Pati ang paghinga niya ay lumalalim rin.   I crossed my arms and raised my brows. Hindi na siya nakasagot. Akma na akong papasok sa loob ng hotel room ko pero pinigilan niya ako sa aking braso. Masuyo niya akong hinawakan at hinila paharap sa kanya.   “I’m sorry. Naga-alala lang naman ako sa’yo.” Mababa na ngayon ang boses niya. Para niya akong inaamo.   “Alam mo Jigo, kung hindi lang talaga kita kilala, iisiping kong nagseselos ka.” Sabi ko. I heard him sigh again. Binawi ko rin ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak.   “Pumasok ka na sa kwarto mo.”   He looked defeated. Hindi ito ang nakasanayan kong makita sa kanya. Ang Jigo na kilala ko, maangas ang dating, mayabang ang awra, at suplado ang hitsura.   “Salamat sa paghatid.” ‘yan lang ang mga nasambit ko. Iniwan ko na siya roon at pumasok na sa aking kwarto.   Nang makapag-ayos na ako ng aking sarili, I readied myself to sleep. I checked my phone again to see if there are texts or calls that I haven’t answered. Nakatawag pa ako kay Mama bago kami tumugtog kanina kaso hindi ko siya makausap ng maayos dahil mukhang lasing na naman siya.   Inilipag ko na ang cellphone ko sa ulunan ko para matulog na nang bigla itong mag-ring. I checked the wall clock. It’s almost 1 in the morning. I checked my phone at unregistered ang number na tumatawag.   I answered the call. “Hello?”   Walang sumasagot pero naririnig ko ang paghinga ng tumawag sa kabilang linya.   “Hello?” ulit ko.   “Hi… Did I wake you up?” I heard a familiar voice on the phone.   “Patulog pa lang. Sino ito?” tanong ko.   “This is Martin.” He answered.   Kaya pala pamilyar ang boses. But I can’t remember giving him my number.   “Saan mo nakuha ang number ko?” I asked.   “I have my ways. Are you mad?”   Natigilan ako sa kanya. Hindi ko alam na kayang niyang gawin iyon. I suddenly remembered Jigo’s words.   “Nagtataka lang ako dahil hindi ko naman ibinigay iyon sa’yo.” I said.   “So you are mad.” I heard is low baritone voice.   Galit nga ba ako? Bakit hindi ko iyon maramdaman?   “I’m sorry. I’ll end this call now.” He uttered again.   Nataranta na ako sa sinabi niya. Gusto kong pabulaanan iyon.   “H-hindi naman ako galit. Nagtataka lang.”   “I got your number from the information desk.”   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig niya. Hindi ba’t confidential ang mga ganoong impormasyon? Sino ba talaga itong taong ito?   “Ganoon kalawak ang impluwensya mo?” I asked again. Still astonished by what he did.   Binalewala niya ang tanong ko. “Can I see you later? Before we leave? Sasabihin ko sa’yo ang lahat.” Huling araw na rin namin dito pero tingin ko’y bukas ng umaga pa kami bibyahe.   “Sige. Sa dating pinuntahan natin. Alas otso ng umaga.” I said. Ako na ang nag-set ng lugar at oras.   “Okay. Take a rest. I know you’re tired.”   “Okay. Bye.” Paalam ko.   “Bye.” And the call ended.   I woke up at 6:30 in the morning. Naghalungkat ako ng damit na pwede kong gamitin mamaya. Halos nagamit ko na lahat ang pantalon ko. Ang tanging naiwan na lamang ay ang maong shorts ko.   Sabagay, hindi naman ganoon kaiksi iyon. Teternuhan ko na lang ng kulay dilaw na knitted turtle neck na blouse. Mabilis akong naligo at nag-ayos. I just braided my hair. Alas syete pa lang ng umaga ay nasa buffet restaurant na ako para mag-almusal. Nakapila na ako para kumuha ng pagkain. Mabilis ko lamang iyon tinapos dahil balak kong pumunta ng maaga sa meeting place namin ni Martin.   Alas syete y media ng umaga ay papunta na ako roon. Pero laking gulat ko nang makita na siya roon. Naka white beach polo siya habang naka wayfarer, khaki short at dark brown leather slippers.   Fresh na fresh tingnan!   Naka-upo siya sa dating hammock na inupuan namin noong nakaraan gabi. Ang mga siko niya’y nakatukod sa kanyang mga tuhod at tahimik niyang pinagmamasdan ang ganda ng karagatan.   Marahan akong lumapit sa kanya. Napansin niya rin agad ang presensya ko kaya mabilis siyang tumayo para salubungin ako.   “Good morning.” He greeted me with a smile. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko matagalan ang pagtatagpo ng mga mata namin.   “Good morning din.” Bati ko.   Para akong natuod sa gulat dahil hinuli niya ang baba ko at ipinaharap ang mukha ko sa kanya. Nag-init ang mukha ko at paniguradong mamumutok na naman ang mga pisngi ko dahil sa sobrang pula nito.   “You’re blushing. Are you okay?” Martin asked. Hindi ako makapagsalita dahil sa tindi ng hiyang nararamdaman ko. May kung anong nagrarambulan sa tiyan ko at hindi ako makapag-isip ng tuwid. Namamawis rin ang mga kamay ko sa kaba.   “O-oo. Ano’ng pagu-usapan natin?” tanong ko. Pati ang dila ko’y parang nauumid na.   Bakit ganito ang epekto ng taong ito sa akin? To think na kakakilala ko lang sa kanya.   “Let’s talk about ourselves. Doon tayo sa duyan.” He said with authority. Bumalik siya sa duyan para maupo at sinundan ko lamang siya. When we settled to our seats, he started talking.   “I haven’t introduce myself to you well…” panimula niya.   Tumango ako. “O-oo nga eh. Tapos gusto mo pang makipag-kaibigan sa a-akin.” I chuckled to ease my tension building up inside me.   “I want to be your friend, Luna.” He firmly said.   “Tss. Bakit? Wala ka bang kaibigan?” diretsa kong tanong sa kanya.   He puckered his lips. “Meron naman.”   “Naman pala eh. Bakit gusto mo pang makipag-kaibigan sa akin?”   “Hindi ba pwede?” balik-tanong niya.   I pouted my lips. “Pwede naman. Pero paano ‘yon? Aalis ka na. Eh ‘di hindi na tayo magkikita.”   “Can’t we be friends despite of the distance? We can still call and…text you know?” he suggested.   I chuckled. “Hindi mo ako maaasahan sa ganyan. Bihira akong magpa-load dahil kailangan kong magtipid.” Sabi ko.   Kinamot niya ang kanyang kilay. Tila naghahagilap ng mas magandang paraan kung paano namin maitatawid ang ‘friendship’ na sinasabi niya.   “I can visit you often. Tutal ay may branch kami rito sa probinsya.”   Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis ko siyang nilingon. Bakit ako nakakaramdam ng excitement sa sinabi niyang iyon? Bibisita? Ibig sabihin, madalas kaming magkikita! Bigla tuloy akong nabuhayan ng dugo at hindi pa man nangyayari ang sinasabi niya, marami na agad ang pumapasok sa utak ko!   “Talaga? Taga-Tuguegarao City lang ako!” I said excitedly.   “I know.” He murmured. Hah? Alam niya?   Kumunot at noo ko. “Alam mo?” I saw a hint of panic in his face pero mabilis siyang nakabawi. “You told it to me before.”   Napatingin ako sa taas. Iniisip ko kung kailan ko nasabi iyon sa kanya. Pero hindi ko iyon maalala.   “Talaga? Hindi ko kasi maalala.” Kinamot ko ang anit ko.   He chuckled. “Bata ka pa lang pero makakalimutin ka na.” he pinched my nose.   “Hindi na ako bata, ‘no! Dalaga na ako. Sa amin nga, iyong mga ka-edaran ko, may mga anak na!” may pagmamalaki kong sinabi sa kanya. He looked at me with his brows furrowed.   “You’re still a minor! At ano’ng ibig mong sabihin sa sinabi mo? Gusto mo na ring magkaanak?” manghang tanong niya sa akin.   Humagalpak ako ng tawa sa tanong niya. Ano ba itong lalaking ito. Nang makita ko ang mukha niyang walang ekspresyon ay umayos ako. I cleared my throat.   “Hindi. Ang ibig kong sabihin, hindi na ako bata. 18 years old na nga ako next month eh.”   Tumango siya, “Ano’ng date?”   “12.”   “May 12. I’ll take note of that.”   I chuckled again.   “Bakit kaya ang gaan ng pakiramdam ko sa’yo?” I asked him without inhibitions.   “Talaga?” aniya.   Tumangu-tango ako. “Oo. Pakiramdam ko, matagal na kitang kilala.”   He smirked. “That’s why we have to be friends.”   “Bahala ka.” Nagkibit-balikat ako.   Marami pa kaming pinag-usapan. Mga basic information namin sa isa’t-isa. Ganoon naman talaga ‘di ba? Sabi niya, wala na raw siyang ina at ang ama niya’y nasa ibang bansa kasama ang pangalawang pamilya niya. Tatlo silang magkakapatid, siya ang pangalawa. Sa Maynila raw sila nakatira at may business silang real estate at property developer. Hindi ko masyadong maintindihan iyon sa pero tingin ko’y malaking kumpanya iyon. Sila rin pala ang nag-develop sa resort na ito. Kaya pala malakas ang impluwensya niya dahil doon. He’s 24 years old. Almost 7 years ang gap naming dalawa. Tapos gusto pa niyang makipagkaibigan sa isang katulad ko. Ano bang mapapala niya?   Hindi ko alam pero may namumuong malisya sa likod ng utak ko. Ayokong mag-assume pero… posible kaya? Na magkagusto sa akin itong taong ito?   Pero malabo rin. Siguro pareho kami nang nararamdaman sa isa’t-isa, na magaan ang loob at parang matagal nang magkakilala kaya… gusto niyang makipagkaibigan sa akin.   Sabi ko, balak kong mag-aral ngayong pasukan. May konting takot akong nararamdaman dahil baka bigla akong huminto sa pag-aaral kapag nawalan na ako ng pagkakakitaan.   “You should really study. Ano ba’ng kurso ang gusto mong kunin?” he asked. He ordered some snacks for us at ipina-deliver pa niya rito sa pwesto namin.   Nilunok ko ang fries na nasa bibig ko bago ako magsalita. “Sabi ni Aunty Esther, maganda raw ang Business Administration. Ganoon din kasi ang kurso noong anak niya. Kaso nung nag-inquire ako, ang dami palang major no’n! Hindi ko tuloy alam kung ano’ng kukunin ko.” I sipped on the mango juice he ordered for me.   “You should get a course that in lines with the career you wanted to pursue in the future.” He suggested.   “Ayun! Gusto kong mag-trabaho sa mga kumpanya tulad ng sa inyo.” Then I realized something. “Alam ko na! Sa’yo na lang ako maga-apply! Friends naman tayo, ‘di ba?” siniko ko siya sa kanyang braso.   He just laughed at my statement. I laughed, too.   “Let’s see what we can do about that.” He drank his juice.   “Tsk. Titignan mo pa? Madali akong matuto sa gawain. Hindi ako magiging sakit ng ulo mo, promise!” I even raised my right hand to show him that I’m serious with my words.   Nilingon niya ako pagkatapos niyang ilapag ang baso sa maliit na mesang inilagay ng waiter kanina.   “Why do you insist that you want to apply as my secretary? Don’t you want to be the owner?” he asked playfully.   Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano ‘yon? Maga-apply ako bilang may-ari? Pwede ba ‘yon?   “P-pwede ba ‘yon?” alanganing tanong ko sa kanya.   He laughed out loud. Napapailing pa. Ipinilig ko ang ulo ko pa-kanan. Bakit pati ang pagtawa niya’y ang sexy pakinggan? “Silly girl.” He licked his lower lip. “You’re so cute.”   Lumabi lang ako sa sinabi niya. Bahagya pa akong napatalon nang mag-ring ang cellphone ko. When I saw who it was, I cleared my throat before answering the call.   “Hello, Mama.” I said.   Mataas na boses agad ang sumalubong sa akin.   “Luna! Kailan ka ba uuwi? Wala na akong makain!” sigaw ni mama.   Bahagya ko pang inilayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Mama. Ang sakit sa tenga. Nakatingin lang sa akin si Martin. I smiled at him apologetically. Muli kong inilagay ang cellphone ko aking tenga para kausapin siya.   “Mama, bukas pa ako uuwi.” I said.   “Akala ko ba isang linggo lang? Wala na akong stocks dito! Ubos na rin ang perang iniwan mo. At si Esther! Ayaw magpautang!” untag ng kausap niya sa kabilang linya.   “Nag-usap na kami ni Aunty Esther, Mama. Pauutangin ka niya kung pagkain ang kukunin mo sa kanya. O baka gin na naman kasi ang uutangin mo kaya ayaw ka niyang bigyan?”   “Aba’t--- Hoy Luna! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!” galit na sabi niya.   Napapikit na ako. Nagsimula na namang magbunganga ang Mama ko sa telepono. Nakinig lamang ako roon at hindi na umimik. Tumaas ang kilay ko nang biglang maputol ang tawag. Nang tingnan ko’y na off na nga ang tawag.   Ibinaba ko ang cellphone ko. I looked at Martin. Nahihiya ako dahil nasaksihan nya kung paano ako tratuhin ng Mama ko. Ito rin ang isa sa mga rason ko kung bakit hindi ako nakikipag-kaibigan. Nahihiya ako na makita nila kung paano ako ipahiya ni Mama pagdating sa mga ganitong bagay.   “Sorry. Narinig mo pa ‘yon.” Hindi ko siya matingnan ng mabuti.   “You don’t need to be sorry. Bakit siya tumawag sa’yo?”   “Wala na raw siyang stocks sa bahay. Wala na raw siyang pagkain.” I said.   He took his phone. May pinindot siya roon. “I can call my secretary to bring her some groceries. Just tell me your address. I’ll have it deliver there.”   Namilog ang mata ko sa sinabi niya! “Don’t you dare do that, Martin!” I warned him.   “Why? She’s your mom.” He said.   “Huwag! Nag-usap na kami ni Aunty Esther! Papautangin siya kapag pagkain ang kukunin niya sa tindahan niya.”   “You’ll save money if I’ll do this, mababawasan ang babayaran mo sa kanya.”   I gulped. “Kapag ginawa mo ‘yan, hindi na kita papansinin.”   His eyes widened at my statement. Ibinaba na niya ang cellphone niya at humarap siya sa akin.   “I’m your friend, Luna.” He reminded me.   “That doesn’t mean you have to solve my problems.”   He creased his brows. Gusto pa rin ipilit ang suhestiyon niya.   “Bahala ka, Martin. Hindi ko talaga tatanggapin ‘yang gusto mo.” Tumayo na ako at tiningnan ang oras sa cellphone ko. 11 AM na. Pwede na akong mag-early lunch.   “Ano’ng oras ng alis mo?” I asked.   He shrugged his shoulders. “Tomorrow morning.”   “Akala ko ba, ngayon na?” “I want to watch your last performance for tonight.” He said.   I smiled. “Supportive. Hmm… sige na. Mauuna na ako. Kailangan ko nang mag-lunch dahil may rehearsal kami ng 1:30 PM.”   “Can we have lunch? Sa seaside?”   Tiningnan ko ang direksyon ng seaside resto. Umiling ako sa kanya.   “May bayad ‘yan diba? Doon sa buffet, wala akong babayaran.”   Tumayo na siya at hinuli ang kamay ko.   “Let’s eat there. Para maiba naman.”   Hinuli ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Okay lang ako sa buffet. Saka nilibre mo na ako sa meryenda, eh.”   Hindi niya ako pinansin. Hanggang sa kusa na rin akong sumama sa kanya dahil…gusto ko pa siyang makasama ng matagal.   Pinaupo niya ako sa upuan at tinawag ang waiter. Sinabi niya ang order niya sa waiter samantalang ako ay naghahanap ng pinakamurang meal sa menu.   “Luna, what’s yours?” He asked.   Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Hindi pa ako nakakapili. Ibinababa ko na lang ang menu sa mesa.   “’yong parang sa’yo na lang.” I said. Tumango siya and he instructed the waiter.   Dumating ang pagkain namin. We enjoyed the food. Nang matapos kaming kumain, inihatid niya ako sa hotel room ko.   “Salamat!” I smiled at him.   “See you later then?” he said.   Tumango ako. “Sorry pala sa nangyari kagabi. Nag-usap na kami ni Jigo. Hindi na mauulit ‘yon.”   “I understand.”   Nagpahinga ako sandali sa loob ng kwarto. Saktong naroon na ako sa hall nang sumapit ang ala una y media ng hapon. Gulat na mukha ng mga kasama ko ang nadatnan ko sa kanila.   “Buong umaga ka namin hindi nakita ah! Hinahanap ka ni Jigo! Ilang beses ka niyang binalikan sa kwarto mo. Kulang na lang ipa-page ka na sa buong resort dahil hindi namin mahagilap.” Ani Zion.   “Sorry, namasyal lang ako diyan. Nasaan na siya?”   “Nasa hotel room niya. Nagpapalit lang ‘yon.”   Ilang sandali lang ay dumating na si Jigo. Mukhang bagong ligo pero bakas sa mukha at kilos niya ang pagod.   “Let’s start?” Si Migs.   Tumango si Jigo. Acoustic at pop ang genre namin ngayon.   “Luna, you can choose your own songs to sing.” Migs said.   “Pwede ba akong mag-gitara? Marunong ako!” I smiled.   “Paano magfa-function si Chad? Kaya mo ba?” Ani Migs.   “Oo, saka praktisado ko ang mga ‘yon.” I said confidently.   Tumango siya. “Okay. I-rehearse mo ngayon. Titingnan natin.”   Binalingan ni Migs si Jigo. “Jigs, the manager talked to me. He’s requesting you to sing.”   “Solo?” Jigs asked.   “Yes… Duet would do, too.” Migs said.   “Sa’yo? No f*****g way.” He glared at Migs.   “Gago! Of course, with Luna!”   Bumaling lang si Jigo sa akin bago sumagot.   “Huwag na. I can do solo pero I don’t think I can sing well kung duet.”   Umiling si Migs at lumapit sa akin.   “Luna, talk to him. Ikaw lang ang makakapagpapayag diyan. This is work, act professionally.” Migs said before he turned to Chad and Zion.   I sighed bago lumapit kay Jigo.   “Jigo…” tawag ko sa kanya. Hindi siya bumaling pero kita ko ang mga mata niya sa direksyon ko.   “Hinanap mo raw ako. Sorry, hindi ako nakapagpaalam.” Mahina kong sabi. I was playing with my fingers. May mali nga naman ako roon. Kung nagsabi sana ako na may pupuntahan ako, sana’y hindi na siya naghanap.   He was playing his drumstick habang nakatungo. Parang batang nagtatampo. I squatted to meet his stares. I crossed my arms and leaned it on my knees. I rested my head on my arms. Nang lingunin niya ako’y nangunot ang noo niya.   “Sorry na. Ayaw mo ba akong ka-duet? Porke’t magaling kang kumanta?” I smiled sweetly at him.   “Tss…”   Ayan na. Malapit nang bumigay.   I poked at his right cheek using my index finger. Nilingon niya ako. I smiled and cringe my nose. “Bati na tayo.”   Umiling siya. He bit his lower lip at tumungo.   “Damn. I’m fucked.” He whispered.   “Huh?” I asked.   “Tumayo ka na diyan. Magre-rehearse pa tayo sa… kakantahin natin.”   Ngumisi ako at tumayo na. Now I know how to handle this man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD