CHAPTER 12

3370 Words
Luna     Dinama ko ang halik na iginawad ko sa kanya. Iyon ang una kong halik. At hindi ako nagsisising ibinigay ko iyon sa kanya dahil…bata man ang puso ko, alam kong iba na ang nararamdaman ko sa kanya.   Ni hindi siya gumanti ng halik sa akin. But I felt him stiffened. Kahit ako, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin iyon sa kanya. Ang tanging umandar lang sa isip ko nang mga oras na iyon ay ang kagustuhan kong mahalikan siya.   I felt his hands cupped my face. Ako na rin ang bumitaw sa halik na iyon. Pero laking gulat ko nang hinabol niya ang labi ko at pinatakan ako ng isang mabining halik. Then he rested his forehead on mine. Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko sa nangyari, at ramdam ko ang bigat ng paghinga ni Martin.   “Damn, lady. Please don’t do that again.” Anas niya.   Nagtataka ko siyang tiningnan. “W-why? Don’t you like it?”   Umiling siya at saka ako hinalikan ng mariin sa aking noo. “I might lose my control I have built for you.”   Nagtataka man sa isinagot niya, I just agreed to him. “G-ganoon ba? O-okay.” Ani ko.   Inilayo niya na ang kanyang sarili sa akin but his hands never left my cheeks. “You’re kisses are mine… alone. Wala ka nang ibang pagbibigyan ng mga halik mo, Luna. Ako lang.”   Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nang marinig ko ang sinabi niya. Mapang-angkin ang kanyang mga salita. He was never like this to me before. Pero gusto ko iyon. Gusto kong inaari niya ako.   “Eh ‘di…boyfriend na kita?” I asked. He just chuckled.   He pinched my nose. “What happened to your ‘no boyfriend while studying’?”   Natigilan ako sa sa sinabi niya. Oo nga pala. Kasasabi ko lang kanina na hindi ako magbo-boyfriend habang nag-aaral ako. Pero sa nangyari ngayon, medyo nagsisisi na ako kung bakit sinabi ko pa iyon sa kanya.   “I don’t want you to break your promise. Gusto kong makitang isa-isang natutupad ang mga pangarap mo. Magu-umpisa ‘yan sa pagtupad ng mga pangako mo sa sarili mo.”   I bit my lower lip. This guy is really a selfless, gentleman. Malawak ang kanyang pagi-isip. Kahit ako, namamangha lalo sa kanya.   “If my kisses are yours, d-does it mean your kisses are mine, too?” lakas-loob kong tanong sa kanya.   He took my hand and kiss my knuckles. “Not just my kisses baby, I’m exclusively yours.” He’s caressing my fingers now.   Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. He’s submitting himself to me. Like I am willingly submitting myself to him, too.   He’s exclusively mine. I’m exclusively yours, too, Martin. Pero hindi ko na isinatinig iyon.   Halos hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari kanina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. At sa tuwing iniisip ko iyon, my insides are celebrating. Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganoong klase ng importansya mula sa isang lalaki. He’s taking me maturely and always considers what I feel and think towards everything.   Medyo dismayado man ako dahil hindi niya nakilala si Mama, minabuti niyang umuwi na rin agad matapos naming kumain at mag-ligpit. Lumalalim na ang gabi. He even told me to lock the doors while waiting for Mama.   Bi-byahe rin siya ngayong gabi pa-Maynila. Hindi nasunod ang schedule niyang isang linggong pananatili rito sa siyudad namin dahil mabilis daw niyang natapos ang trabaho rito. Isa pa, kailangan din daw siya ng kanyang kuya dahil sa kanilang negosyo.   Hatinggabi na nang makarinig ako ng malakas na katok sa pintuan namin. Agad ko iyong binuksan at si Mama agad ang bumungad sa akin. Ngunit nangunot ang noo ko nang makita ko kung sino ang naghatid sa kanya. Si Peter, iyong lalaking kasama ng kaibigan ni Mama na naghatid sa kanya kamakailan lamang.   “Dahan-dahan, Melda. Matutumba tayo niyan eh.” May halong senswal ang boses niya. Lasing man si Mama ay narinig ko ang kanyag mahinang hagikhik. Akma niyang ipapasok si Mama sa kanyang kwarto pero maagap ko siyang pinigilan.   “Dito na lang si Mama sa sofa.” Tinuro ko iyon at matapang ko siyang tiningnan.   He smirked at me. Bahagya akong kinilabutan sa paraan ng kanyang pag-ngisi. “Sabi mo eh.”   Akay niya si Mama nang marahan siyang ibagsak nito sa sofa. Hindi maayos ang pagkakalapag sa kanya pero sakto lamang para hindi siya mahulog sa sahig.   Iba talaga ang kutob ko sa taong ito. I don’t want to be judgmental but my instinct is telling me that this man should not be trusted.   “Salamat sa paghatid kay Mama. Makakaalis na po k-kayo.” Garalgal man ang boses ko, hindi ko ipinahalata ang namumuong duda sa kanya.   Lalong lumuwang ang ngisi ng lalaki. “Relax, wala akong ibang gagawin.” Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib at labi bago ibinalik muli sa aking mata. Tanging shorts at sando lamang ang suot ko. Kahit may bra ako, pakiramdam ko ay binobosohan ako ng lalaking ito. I cleared my throat loudly na siyang nagpabalik sa huwisyo niya. Ipinakita ko ang matinding disgusto sa kanyang ginawa. Ni hindi man lang siya nahiya at walang sabi-sabing lumabas ng bahay namin.   Nang makita ko siyang lumabas sa gate, nagmadali akong isinara iyon at pumasok na sa bahay. Knock down na si Mama. Napapansin ko rin na simula nang makasama niya ang Peter na ‘yon ay madalas na ang pag-inum-inom niya.   Inayos ko na lamang ang pagkakahiga ni Mama sa sofa. Kumuha ako ng kumot at unan at saka inilabas ang lumang bentilador sa kwarto niya. Nang makita kong kumportable na siya roon, I decided to sit below the sofa, malapit sa kanyang mukha. Pinagtabi ko ang mga tuhod ko and locked it using my arms. I rested my chin on my knees and watched her as she sleeps soundly.   My Mama is beautiful. Matangos na ilong, bilugan ang kanyang mga mata at mahahaba ang kanyang pilik-mata. Ang kanyang mga labi ay natural na mapula and shaped like a cupid’s lips. She has a cleft chin, too. Hinawi ko ang kanyang maalon na buhok na tumatabing sa kanyang mukha.   My feature maybe looked like my father but I got the shaped of my lips and my wavy hair from my Mama.   Hindi ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ni Papa. Nakakahumaling ang ganda ng Mama ko. Kita ko iyon sa mga litrato niya noong kabataan niya. Sa kagustuhan kong makahanap ng ibang litrato ni Papa, hinalughog ko ang cabinet niya nang walang paalam. Doon ko nakita ang mga nakatagong litrato niya bago siya nag-Japan.   Hinaplos ko ang kanyang umimpis na pisngi. Bakit hindi niya makita ang pagmamahal ko sa kanya? Gaano ba kasakit ang idinulot sa kanya ng pagmamahal niya kay Papa para mabulag ang puso niya sa mga taong nagmamahal sa kanya? Para sa pagmamahal ko sa kanya? Gaano ba kasakit iyon para hindi niya makitang nandito ako sa buhay niya? Na kailangan niyang lunurin ang sarili sa bisyo para makalimutan ang sakit?   Unti-unting nag-init ang mga mata ko sa naiisip hanggang sa mag-unahang bumagsak ang mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko na iyon pinahid. For once, I want to show my weakness in front of her, kahit hindi niya iyon namamalayan dahil sa sobrang kalasingan. Siya na lang ang meron sa akin. Kahit hindi ko naranasan sa kanya ang kalinga ng isang ina, hindi magbabago ang katotohanang siya ang nagbigay ng buhay sa akin. Na kahit naranasan ko ang hirap sa pagdaan ng panahon, malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil iniluwal niya ako sa mundong ‘to.   “Umiibig na rin yata ako, ‘ma.” Wika ko.   Mapait akong ngumiti. Kahit sa ganitong pagkakataon man lang, maikwento ko sa kanya ang tungkol kay Martin. Kung paano niya ako pinapasaya at binibigyan ng halaga. Na ang kasiyahan ko’y kasiyahan din niya. Na karapat-dapat akong pagpursigihin at ingatan ng sobra.   “Trahedya man ang idinulot sa’yo ng pagmamahal, pero susugal ako rito, Mama. Susugal ako kay Martin. Kung kaakibat man ng pagmamahal ang masaktan, handa akong pagdaanan iyon, maramdaman ko lang ang ligayang idinudulot niya sa buhay ko.”   Pinahid ko ang mga luha ko sa aking mukha. Muli ko siyang tinapunan ng tingin bago magdesisyong tumayo na at pumasok sa kwarto ko.   Sa mga sumunod na araw, nanatili lamang ako sa bahay dahil walang raket na in-offer sa akin. May mga araw na namasukan ako bilang baby sitter sa kakilala ni Aunty Esther ng dalawang araw dahil lumuwas pa-Maynila ang magulang ng mga bata. Kaysa wala akong kitain, tinanggap ko na lamang iyon. Pandagdag din sa gastusin naming dalawa ni Mama.   Simula nang huling usapan namin ni Martin dito sa bahay, nagbago ang trato namin sa isa’t-isa. We became closer each day. Alam naming pareho na umakyat na sa panibagong lebel ang turingan namin. Hindi na lamang iyon pagkakaibigan. It’s deeper and more romantic. Wala man kaming label sa isa’t-isa, but we’re both exclusive to each other.   Mas madalas kaming magka-text at magka-tawag ni Martin ngayon. Sa tuwing magu-umpisa ang umaga ko, boses niya ang una kong naririnig. Abala siya maghapon sa trabaho pero hindi niya nakakaligtaang paalalahanan ako na kumain sa takdang oras. Sa gabi naman, ang mga kulitan namin at halakhak ang baon ko bago matulog. Pero kahit nagu-usap ang nagku-kwentuhan kami palagi, nami-miss ko pa rin siya.   Iba pa rin kapag nakakasama ko siya.   Sometimes, his absence frustrates me so much, that when I told him one night, I cried so hard. He tried to hushed me pero sandali lang din akong kumalma.   “Sshhh, stop crying. Please. Ayokong umiiyak ka.” Pangaalu niya sa akin.   Tahimik akong humihikbi dahil baka marinig ako ni Mama sa kabilang kwarto. “Sorry. Pabigat ba ako sa’yo dahil ganito ako?”   “Of course not! That thought didn’t even crossed my mind!”   Nanahimik ako sa sinabi niya. I bit my lower lip to suppress my sob. Tanging ang malalalim na paghinga niya ang naririnig ko sa kabilang linya.   “I’m sorry I can’t be with you now. But always remember that you never left my mind. Lagi kitang nasa isip ko.” He added.   Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. “Ganoon din ako.”   “Huwag ka ng umiyak, please? I’ll be with you on your birthday.” Aniya.   Kahit ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon noon, hindi pa rin mawala-wala ang galak sa puso ko sa tuwing iisipin kong uuwian niya ang 18th birthday ko. Kahit wala na akong handa, ang importante ay makasama ko siya sa araw na iyon.   “Can we video call? I missed my baby.” He said in a husky voice.   Mas lalo lamang akong na-frustrate sa hiling niya. Sa mga ganitong pagkakataon, minsan isinusumpa ko ang kawalan ng pera.   “Gusto ko ‘yon pero…” I paused. Sasabihin ko kaya ang dahilan ko?  Nakakahiya.   I heard him sighed. “Why don’t you like me to provide you for your mobile allowance? Kahit iyon na lang, Luna. Para araw-araw kitang nakikita.” He’s convincing me again.   I cleared my throat before I answered him. “Ayoko. Pagta-trabahuan ko ‘yon. Kapag may pera ako, magtatabi ako para makapag-load.”   Dalawang araw na lang ay birthday ko na. Ang sabi niya ay lalabas kaming dalawa at mamamasyal maghapon. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon para maghanap ng maaaring isuot sa araw na iyon.   Kasalukuyan kong sinisipat ang isang black maong mini skirt at isang kulay yellow na sleeveless knitted top. Maganda itong tingnan sa akin kapag isinuot ko ito dahil lumilitaw lalo ang kaputian ko. Kaso habang tinitingnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa kwarto ko, I realized na magmu-mukha akong bata kung ito ang susuotin ko.   Martin is matured. Maybe if I’ll dress and act maturely, mas babagay ako sa kanya.   Muli akong naghalungkat ng damit sa cabinet. May nakita akong kulay puting short jump suit na floral ang prints. Ito iyong isa sa mga naswertehan ko sa ukay sa night market noon. Pwede rin siguro ito. Tapos paparesan ko na lang ng sandals at maong jacket na binili ko rin sa ukay. Ito na lang ang susuotin ko.   Inihiwalay ko na iyon at isinabit sa hanger. Kasalukuyan akong naga-ayos ng mga damit ko nang biglang pumasok si Mama sa kwarto ko. Pabalya niyang binuksan ang pintuan kaya napapitlag ako sa gulat.   “Hinahanap ka ni Esther.” Malamig na sabi niya. Mabilis din niya akong tinalikuran at nilisan doon.   Paglabas ko sa bahay, nadatnan ko si Aunty Esther sa gate. Matamis siyang ngumiti sa akin at sumenyas na lapitan ko siya.   Nang tuluyan akong makalapit, maluwang na ngiti ang iginawad ko sa kanya. “Ano ‘yon Aunty? Nagawi ka rito?”   May inabot siya sa aking maliit na paper bag. Tumaas ang dalawang kilay ko habang nangingiti pa rin ako. Dahan-dahan ko iyong kinuha sa kanyang kamay.   “Happy birthday, Luna. Pasensya ka na, anak. ‘yan lang ang nakayanan ko. Inuwi iyan ng Ate Monica mo galing sa Hongkong. Kung may oras ka mamaya, pumasyal ka roon sa bahay.” Nakangiting bati niya sa akin.   I pouted to prevent my tears from falling. Parang nanay ko na rin si Aunty Esther. Simula nang mamulat ang isip ko sa reyalidad, isa siya sa mga gumabay sa akin hanggang sa magka-isip ako.   “Aunty naman. Sa isang araw pa ang birthday ko!” malambing kong sabi sa kanya. Nakita kong nangunot ang kanyang noo at mukhang nag-isip. Nang mapagtanto niya ang date ngayon, bahagya siyang humalakhak at inayos ang suot na salamin sa kanyang mata.   “Ay naku! Oo nga pala, ‘no? Pasensya ka na’t makakalimutin na rin ako. ‘di bale, pa-advance ko na sa iyo ‘yan!” Wika niya.   Hindi ko napigilang yumakap sa kanya. Kahit noon pa man ay binibigyan niya ako noon ng kung anu-ano. Pagkain, damit, at kung anu-ano pa. Tinatanggap ko rin naman iyon dahil lahat naman iyon ay napapakinabangan ko.   Masaya akong bumalik sa loob ng bahay at pumasok sa kwarto ko. Isang bote ng body lotion at ilang pirasong sabon ang ibinigay niya sa akin. Amoy na amoy ko ang bango ng mga ibinigay niya sa akin kahit hindi ko pa iyon binubuksan. Itinago ko muna iyon sa cabinet. Pagkasara ko sa pinto niyon ay halos mapatalon ako sa gulat nag makita kong nakatayo si Mama roon habang nakahalukipkip at nanliliit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.   “Ano’ng sinabi sa’yo ng matandang ‘yon?” masungit na tanong niya sa akin. I sighed. Hindi ko nagustuhan ang asta ng kanyang pagtatanong. Wala namang ginagawang masama si Aunty Esther pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang iritasyon niya sa kanya.   “Nagbigay lang po ng regalo, ‘ma.” Malumanay kong sagot sa kanya.   Pagak siyang natawa. “Nagbigay ng regalo sa’yo? Ano’ng okasyon?”   I bit my lip. Kahit simple lamang ang tanong niyang iyon, napakahirap pa rin niyang sagutin. Ganoon na nga talaga siguro ang laki ng galit niya sa mundo na pati ang kaarawan ko, hindi niya na maalala.   O sinadya niya talaga iyong kalimutan.   Tila may gumuhit na sakit sa puso ko sa aking naisip. Parang hangin na lamang talaga ang presensya ko sa kanya.   Bahagyang nagbago ang timpla ng mood ko. Pakiramdam ko, ako ang nasaktan sa sinabi nya para kay Aunty Esther. Hindi ko na napigilan ang sumagot sa kanya ng pabalang.   “Ano po bang problema niyo kay Aunty Esther, Mama? Buti pa nga siya, itinuturing akong parang tunay na anak. Samantalang ikaw, ginawa ko na ang lahat para sa’yo pero lagi mo akong binabalewala!”   Punung-puno ng emosyon ang puso ko sa mga oras na iyon. Nabasag na ang banga kung saan ko itinago ang lahat ng hinanakit ko sa mga nagdaang panahon. Kung hindi ko ito ilalabas, baka mabaliw na ako.   Paulit-ulit niyang dinuro ang aking ulo. “Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, ha? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Pasalamat ka pa nga’t binuhay pa kitang lintik ka. Kung totoong binalewala kita, matagal na sana kitang iniwan sa kalsada! Wala kang utang na loob!” sabay hila niya ng malakas sa buhok ko.   Lumandas ang masaganang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa pisikal na sakit na idinulot niya sa akin kundi sa talim ng mga salitang binitawan niya sa pagkatao ko. Parang sinaksak ng ilang ulit ang loob ko sa mga sinabi niya. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kanya sa parteng iyon, binuhay niya ako at hindi iniwan lamang kung saan.   Pero kahit pala tanggap ko na iyon noon pa, sobrang sakit pa rin palang pakinggan. Lalo na kung ang mga salitang iyon ay galing mismo sa sarili mong ina.   Hindi ko na kaya. Kailangan ko munang lumayo sa kanya. Dahil kung hindi, mamamatay ako sa sakit na nararamdaman ko.   Mabilis kong kinuha ang aking backpack at marahas na ipinasok doon ang mga damit ko na galing sa cabinet. Hindi na ako pumili pa. Nang mahagip ng mga mata ko ang damit ko na ini-hanger ko kanina, mabilis ko rin iyon kinuha at inilagay sa bag ko.   She sarcastically laughed at me while I’m busy collecting my things. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko. Narinig ko siyang nagsalita habang pilit kong isiniksik ang mga gamit ko sa aking bag.   “Sige! Lumayas ka! Sa tingin mo pipigilan kita? Pareho kayo ng ama mo! Lahat kayo iiwan niyo rin ako. Kaya mas mabuti na ring mawala ka na sa buhay kong punyeta ka!”   Hindi pa siya nakuntento sa mga masasakit na salitang ibinato niya sa akin. Pilit niya akong iniharap at malakas na dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Sumabog ang buhok ko sa aking mukha. My face numbed. Kasabay niyon ay namanhid ang puso ko sa lahat ng pasakit niya sa akin.   Nang akma niya akong sasampalin, mabilis kong sinangga ang kanyang kamay at buong lakas ko siyang itinulak. Bumangga ang katawan niya sa pader. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha. Malalim ang kanyang pag-hinga habang nanlalaki ang kanyang mga mata.   “Sarili mo lang ang iniisip mo, Mama! Kaya ka nga siguro iniwan ng Papa ko dahil kay hirap mong mahalin!” sigaw ko sa kanya.   I took my bag and stormed out of my room. Marami pa siyang sinabi sa akin na masasakit na salita pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Hindi talaga siya nakukuntento. Kahit palabas na ako ng bahay ay sinundan niya pa rin ako habang sumisigaw siya.   Nakita kong may mangilan-ngilang tao sa labas ang nakiki-usyoso sa nangyayari sa amin pero hindi ko sila pinansin. Hinayaan ko silang panoorin kami. Ang iba ay nakita ko pang nagbubulungan.   “Sige! Lumayas ka ritong inggrata ka! Huwag ka ng babalik dito! Peste ka sa buhay ko!” dinig kong pahabol ni Mama sa akin.   Nang may dumaan na tricycle ay agad ko iyong pinara. Mabuti na lamang at huminto siya ‘di kalayuan sa gate namin.   “Saan ka ‘neng?” tanong sa akin ng driver nang makasakay ako sa loob.   I gulped. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Noon ko lang nalaman na hindi ko alam kung saan o kung sino ang pupuntahan ko.   Bahala na. Ang importante ay makaalis na ako sa impyernong bahay na iyon.   “S-sa… Sa Cathedral, manong.” Nauutal kong sagot sa kanya.   Tumango siya at nilisan namin ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD