CHAPTER 13

3098 Words
Luna     Ibinaba ako ng tricycle driver sa harapan ng cathedral. Hapon na iyon. The streets were busy dahil oras na ng uwian mula sa trabaho at ang ilang dumadaan ay galing sa eskwela mula sa kanilang summer classes.   Nadatnan ko pa ang afternoon mass sa simbahan. Kahit hindi ako nakapagdamit ng maayos, tahimik akong pumasok sa loob. Naka-short pants lang ako, simpleng t-shirt, at step-in. Paniguradong namumugto na rin ang mga mata ko, pulang-pula ang ilong at mga pisngi ko dahil sa kakaiyak.   I stayed at the back corner of the church. Marami-rami ring tao ang narito para um-attend ng misa. Kasalukuyang nagho-homily si Father nang makuha niya ang atensyon ko.   “Happy mother’s day sa lahat ng mga ina na narito ngayon.” Bati ng pari habang siya’   The whole place were filled with voices saying, ‘Thank you, Father’. I bitterly smiled on my own.   Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka masaya ko ring binabati si Mama ngayon. Pero dahil sa nangyari… I shook my head. I don’t know. She hurt me. Alam ko namang mawawala rin ito kalaunan pero masyado pang sariwa ang nangyari kanina para ignorahin ko lamang iyon.   “Isa sa mga kautusan ng ating Panginoon ay ang igalang ang iyong ina, kasama ng iyong ama. Honor your mother and your father. That is the fourth commandment of our Lord. Honoring them brings rewards of peace and prosperity towards our lives. Ang ating mga ina ang nangalaga sa atin simula nang tayo ay mabuo sa kanyang sinapupunan hanggang sa tayo ay iniluwal sa mundong ibabaw.”   Iyan ang isa sa mga rason kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi mawala ang pag-asa na baka isang araw ay magbago ang pakikitungo ni Mama sa akin. I honor her because she brought me to this world. Naging malupit man ang buhay sa aming dalawa, hinding-hind magbabago ang pag-ibig ko sa kanya bilang anak niya.   I don’t think the fourth commandment is obligatory. It’s an innate responsibility of each children. Na ang pagbibigay karangalan para sa ating magulang ay isa sa likas na pagpapakita ng pagmamahal.   The priest continued talking. “Ang ating mga ina ang isa sa pinakamalakas at pinakamatalino na nilalang na nilikha ng Panginoon. Her love is undying, just like Mary, the mother of Jesus. She can teach you all the teachings you need, but you, as her child, must have wisdom in order to grasp the learnings of her teachings.” He paused for a while. “Our mothers are not perfect, too. They have sins, too. They may have sinned us but their overflowing love towards their children are undying.”   I sighed. Sa buong sermon ni Father, walang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang pagtrato ni Mama sa akin. Hindi ko napigilang alalahanin lahat ng nangyari sa aming dalawa. Ang mga paulit-ulit na pagsasabi niya sa akin tungkol sa kanyang pinagdaanan at ang aking sakripisyo para mabuhay lamang kaming dalawa.   Mahal ba talaga ako ni Mama? Hindi ko alam. Simula naman kasi nang magkaisip ako, hindi ko iyon nakita at naramdaman sa kanya. Lumaki akong may inggit sa mga batang kasabayan ko na may ina sa tabi nila. Minsan kapag nakikita ko kung gaano sila inaalagaan ng kanilang mga nanay, umiiwas na lang ako ng tingin dahil siguradong iiyak na naman ako.   Siguro kung ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa akin ay ang desisyon niyang iluwal ako sa mundo at panatilihin sa kanyang kanlungan, ang pagi-intindi sa kanya at pagbabanat ng buto para sa aming dalawa ang magiging magsisilbing paraan ko para ipakita sa kanya ang aking pagmamahal.   Pero kahit pala ilang beses kong isaksak sa puso at utak ko na mahal ko siya, nakakapagod din palang umintindi ng paulit-ulit.   O kailangan ko lang sigurong magpahinga? Habaan ko pa lalo ang pisi ko sa kanya?   Tinapos ko ang misa para sa hapon na iyon. Mga ilang minuto pa akong nanatili sa simbahan hanggang sa mapansin kong dumidilim na. Ngayon ako nakaramdam ng kaunting kaba dahil hindi ko pa pala alam kung saan ako magpapalipas ng gabi.   Ayoko munang umuwi sa bahay dahil hindi ko na yata kakayanin pa kapag nakarinig pa ako ng masasakit na salita galing kay Mama. I felt really down by her words. It sounded like a dagger stabbing me deeply in my heart.   Kung kila Aunty Esther naman, baka malaman ni Mama na roon ako tumuloy. My mother has a bad blood towards that old lady. I don’t understand why pero ayoko na nang panibagong komosyon.   Tumayo na ako para tahakin ang palabas ng simbahan when suddenly, my phone rang. Sinagot ko na iyon without looking at the screen.   “Hello…” I said wornly.   “Hello, Luna? Nasaan ka ‘nak?” I heard a familiar worried voice from the other line. I was Aunty Esther.   “Umalis po ako sa bahay, Aunty.” Sagot ko. Umupo ako sa concrete bench sa tapat ng cathedral.   She tsked. “Dito ka na tumuloy sa amin. Ako ang naga-alala sa’yo.” Aniya.   Bahagya akong napangiti. I’m touched for her concern towards me.   “Hindi na, Aunty. Tutuloy muna ako sa kaibigan ko.” Palusot ko. Kahit ang totoo’y hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. “Uh, sige, Aunty. Low battery na ako eh. Babye!” Masigla ang boses ko nang magpaalam sa kanya at hindi ko na siya hinintay na sumagot sa akin.   Muli akong nag-isip kung saan ako matutulog. Dito na lang ba sa loob simbahan? Pero bawal naman yata. Kung sa terminal ng bus, pwede rin. Kaso open area iyon at hindi ko kilala ang mga naroon. Baka mas ikapahamak ko kung doon pa ako maglalagi.   Naisipan kong tawagan si Jigo at Migs. Pero tinablan agad ako ng matinding hiya. Kahit naman kakilala ko sila at sigurado akong papayag silang kupkupin ako kahit ngayong gabi lamang, nahihiya ako sa pamilya nila. Baka mamaya ay kung ano’ng isipin nila’t ma-issue pa kami.   My phone rang again. This time, it was Martin. Sa una’y ayoko pang sagutin muna iyon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko’t masabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin ngayon. Martin has tight senses. Nalalaman niya agad na may maling nangyayari sa akin. I don’t know how he does that pero isa ‘yan sa mga kaya niyang gawin sa akin.   Kusang namatay ang tawag niyang iyon ngunit tumatawag siya ulit ngayon sa akin. I conditioned myself and cleared my throat first before I answered his call. I need to see to it that I don’t sound like lonely or frustrated. I don’t want him to get worried.   “Hello!” I excitedly answered him.   “Where are you?” bungad niya sa akin. His voice is low, not the usual tone I hear from him every time we talk.   “S-Sa Cathedral…” Ani ko. My voice cracked when I answered him. Oh God, sana hindi niya matunugan ang alangan sa boses ko.   Hindi siya agad sumagot. I even checked my phone kung naputol na ang tawag pero he’s still there.   “Stay there. Someone will pick you up.” He said with finality. Ramdam ko ang kaseryosohan sa kanyang boses. Hindi ako sanay na ganoon siya. He was always sweet and soft-spoken to me.   Siya na rin ang nagbaba ng tawag niya sa akin. I sighed. Hindi naman ako nangangamba na lumayas ako sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay malayo muna ako kay Mama.   Nasa bente minutos na akong naghi-hintay nang biglang may lumapit sa aking babae. Tantiya ko’y nasa late 30’s to early 40’s na siya. She smiled at me so sweetly.   “Hi! Ikaw ba si Luna?” she asked me.   Alangan akong nangiti sa kanya. “Opo. Bakit po?”   Lalong lumuwang ang ngiti niya sa akin. “Ako si Liza, secretary ako ni Mr. Martin Villanueva. Pinapasundo ka niya sa akin.”   “Po? Eh ‘di ba nasa Maynila po siya ngayon?” Takang tanong ko sa kanya.   Tumango siya. “Pero papunta na siya rito ngayon.” At saka siya tumingin sa kanyang wrist watch. “Maya-maya siguro’y narito na rin siya.” She said.   Maagap akong sumunod sa kanyang sasakyan. Wala namang nabanggit sa akin si Martin na uuwi siya ngayong araw. I am expecting him to visit me the day after tomorrow, on my birthday. Pero siguro, nagbago siya ng isip.   The woman beside me was silently driving habang nasa biyahe kami. Tanging ang radyo sa kanyang sasakyan ang bumabasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Papunta kami ngayon sa isang kilalang hotel sa siyudad.   Nang maiayos niya ang pag-park sa kanyang sasakyan ay saka niya lamang ako inimikan.   “Ihahatid kita sa kwarto mo pansamantala. Kumain ka na ba?” Tanong niya sa akin.   Tanging iling lamang ang isinagot ko sa kanya.   “Sige, ipapahatid ko ang dinner mo sa kwarto mo. Tara na!” yakag niya.   Tahimik lamang akong sumunod sa kanya na parang bata. Tinungo namin ang reception area habang siya ay nakikipag-usap sa receptionist. This hotel is not as big as the one we stayed in Sta. Ana but I can say that the two have the same grandiosity. Mukhang mayayaman ang mga narito sa lugar na ito.   “Halika na, Miss.” Ngiting sinabi sa akin ni Ma’am Liza. I gave her a small smile and nodded at her. Tahimik lang akong sumakay sa loob ng elevator habang siya ay may kausap sa cellphone. Kahit hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng may usapan, hindi ko maiwasang hindi iyon marinig. At sa daloy ng kanilang usapan, mukhang kilala ko na kung sino ang kausap niya.   “Kasama ko na po siya.” Sabay baling sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti bago bumaling ulit sa kanyang harapan.   She paused and listen to the person who’s speaking from the other line, saka tumangu-tango. “Noted, Sir. Should I book a room for you, too?” Tumigil siya sa pagsasalita. “On it, Sir.” At saka ibinaba ang tawag.   Bumukas ang elevator at mabilis siyang lumabas. Mabilis din akong kumilos para hindi mahuli sa pagsunod sa kanya. Huminto kami sa isang pinto sa dulo ng pasilyo. She slid the card at saka kami pumasok sa loob.   She handed me the key card. “Dito ka muna magpalipas ng gabi, Miss. Ipapadala ko na lang dito ang hapunan mo. Magpahinga ka na.” malambing na sabi niya sa akin.   Kinuha ko sa kanya ang card. “Thank you Ma’am Liza. Si… Martin po?”   “Kalalapag niya sa airport nang makausap ko siya kanina. Papunta na siguro iyon dito ngayon.”   “S-Salamat, Ma’am.” Ani ko.   She nodded at me bago lumabas sa silid. Saka ko lamang napansin ang kwartong ito. It’s huge! Konti na lamang ay magiging singlaki na ito ng bahay namin. I got excited to look around. Kumpleto sa gamit at ang disenyo ay moderno at marangya. I got a chance to go to the balcony and enjoyed the view of the overlooking bright city.   Naalala ko ulit si Mama habang nagmu-muni-muni ako sa balkon. Ano kayang ginagawa n’on ngayon? Baka nagi-inom na naman kasama ng mga barkada niya. Wala pa naman iyon pera at ang stocks namin sa bahay ay paubos na.   Kahit sinaktan niya ako, hindi ko pa rin maalis ang mag-alala sa kanya. Isa lang naman kasi ang inasam ko kay Mama noon pa man; ang maramdamang mahal niya ako bilang anak niya.   Malalakas at sunud-sunod na katok ang gumising sa malalim kong pagi-isip. Dali-dali kong tinungo ang pintuan para pagbuksan kung sino iyong kumakatok. Baka siya na ‘yong maghahatid ng pagkain dito sa kwarto.   Ngunit laking-gulat ko nang hindi lamang ang pagkaing hinatid ng bellboy ang nadatnan ko sa labas, maging si Martin ay naroon na rin. Saglit na napadako ang tingin ko sa kanyang kamay. Hawak niya ang isang maleta habang sa kabilang kamay niya ay ang jacket niya. He’s so fresh-looking wearing a white V-neck shirt, faded pants and leather boots.   Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. He’s looking at me seriously. He ordered the bellboy to place the food in the table. Napansin kong marami iyon at hindi para sa akin lamang.   Maybe Ma’am Liza ordered food for me and Martin.   Matapos na mai-serve ng bellboy ang pagkain ay magalang siyang nag-paalam sa amin. I looked at Martin. Nakita kong inilapag niya ang kanyang jacket sa sofa habang itinabi niya ang kanyang maleta. Then his gazes darted on me. It was full of concern and filled with so much confusions.   Ako man ay nagtataka kung paano niya nalamang wala ako sa bahay.   I cleared my throat to ease the awkwardness I am feeling at the moment. Pakiramdam ko, ang dami niyang tanong na gustong ibato sa akin. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tingnan lamang ako habang nakahalukipkip.   I broke the silence between us. “Napaaga ka yata ng balik dito?” I asked.   Ipinilig lamang niya ang kanyang ulo sa kabilang direksyon ngunit ang titig niya sa akin ay hindi napuputol. Para tuloy niya akong kinikilatis sa ayos niyang iyan.   “I came here to see you.” Aniya.   I nodded and smiled uncertainly. “O-okay.” Then I bowed and looked at the floor.   I heard him sighed but I don’t have the guts to look at him. Dama kong palapit na siya sa kinatatayuan ko. He held my chin to lift it so he’ll meet my stares.   “Tell me what happened, baby.” His husky voice brought shivers unto my system.   I gave him my most assuring smile despite of being hurt a while ago. “A-Ano ba’ng gusto m-mong malaman?”   Shit! My voice are trembling now.   Imbes na sumagot lamang siya, hinila niya ako para ikulong sa kanyang matitipunong braso. He caged me and hugged me warmly.   “I’m sorry, I wasn’t there to protect you.” Aniya. Kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari sa akin sa pagitan namin ni Mama, pakiramdam ko, alam niya iyon lahat.   Dumagdag iyon sa emosyong nararamdaman ko ngayon. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin. Nababasa ko na ang kanyang t-shirt pero hindi niya iyon ininda, bagkus ay hinagod niya pa ang ulo ko para makaramdam ako ng kaginhawaan.   Maswerte ako kahit papaano sapagkat nakakilala ako ng taong kaya akong intindihin sa lahat ng bagay. Na kahit ang simpleng pananahimik ko’y alam niya ang kahulugan noon. Hindi ko na kailangang magsalita dahil ramdam niya na iyon agad.   Humagulgol ako lalo. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko sa pag-iyak. Wala akong narinig sa kanyang salita. Ni hindi niya ako pinatigil ngunit ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Pagod na ako, hindi lang sa pisikal, maging sa emosyonal din. Kung hindi niya lamang siguro ako kayakap ngayon, baka nabuwal na ako sa kinatatayuan ko dahil nangatog ang tuhod ko sa matinding pag-iyak.   Naramdaman ko na lamang na umangat ang katawan ko. He carried me bride style and we he let me sat on his lap nang maupo siya sa sofa. Humigpit ang yakap ko sa kanyang leeg para hindi ako malaglag. He gently stroke the strands of my hair at the side of my head at hinalik-halikan ang sentido ko.   “Do you want to tell me what happened?” he asked me.   Umiling ako. Kahit ganito na ako ka-kumportable sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang mahiyang i-ikwento sa kanya ang mga kapalpakan sa buhay ko. Kahit marami na akong na-kwento sa kanya sa Sta. Ana noon, pakiramdam ko, kapintasan sa pagkatao ko ang mga paghihirap ko tungkol sa aking pamilya.   “Alright. I won’t force you but I’m always ready to listen.” Muli siyang nagsalita.   “Si Mama…” panimula ko. Inilayo ko ang aking sarili para magtama ang mga tingin namin.   He wiped my drenched face because of my uncontrolled tears bago niya hinalikan ang tungki ng aking ilong. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at muling nagmulat kasabay ng paglayo ng kanyang labi sa aking ilong.   I saw how his jaw clenched. “What did she do this time?”   I gulped. “Nagkasagutan k-kami. Lumayas ako sa bahay.”   He sighed. Bumaba ang kanyang tingin sa aking panga kung saan sinampal ako ni Mama kanina. He caressed and kissed it. Doon ko lamang naramdaman na malakas ang naging pagtama ng kanyang palad dahil nakaramdam ako ng konting hapdi roon.   Martin mouthed his sorry when he noticed my sudden winced by touching the part of my bruised jaw.   “I respect your mother, Luna. But the next time she’ll do this to you, I won’t hesitate to interfere.” His voice is full of conviction.   Tumango ako. “Sorry din, naistorbo yata kita.”   Umiling siya. I am looking at his brown expressive eyes. He’s looking at me now like he’s digging my soul. “You were never been a nuisance to me, Luna. Ang istorbo sa atin ay ang mga bagay na humaharang para magkasama tayong dalawa.”   I smiled at him. Hinawakan ko ang kanyang panga. He held my hand and pressed it in his face. Dinama niya ang mga haplos ko sa kanya. Kalaunan ay hinalikan niya iyon.   “Can you stay with me tonight?” I said.   Tiningnan niya lamang ako ng may pagtataka. I smiled at him weakly.   “I don’t want to be alone tonight, Martin. Please stay with me here.”   Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko. Lumalalim ang kanyang paghinga. Tila siya nagpipigil, may kinokontrol sa kanyang sarili.   Hinawakan niyang muli ang aking pisngi at pinatakan ako ng mabining halik sa aking mga labi. Nang binitawan niya iyon, hinanap niya agad ang mga tingin ko para magtama ang aming mga mata.   “If that’s what you want. I’ll be with you tonight.” He whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD