Martin
Luna dozed off on my arms after she cried for a while. She didn’t even touched the food that my secretary ordered for us. I slowly lifted her from my lap so I could lay her on the bed. I watched her meek face for a moment. Hindi ko mapigilang mapatiim-bagang nang dumako ang paningin ko sa pasang tinamo niya sa pagkakasampal ng Mama niya malapit sa kanyang panga.
She already gone through hardships since she was young. All I ever wanted to do with her is to take care of her, make her feel important and loved.
I kissed her forehead before I leave her in the bed. My phone rang and saw it was my male secretary from the main office. Muli kong dinungaw si Luna sa kama. When I made sure she’s already sleeping soundly, tinungo ko ang balcony para roon na sagutin ang tawag.
“Yes, Fred.”
“Sir, I checked your schedule for tomorrow. You have an appointment with Mr. Francisco at 1 p.m.”
Hinilot ko ang aking sentido. “Re-schedule it, Fred. I will not be available for the rest of the week.”
“Pero Sir, pangatlong re-schedule niya na po ito.” He reasoned out.
I heaved out a deep sighed. “I’ll update you tomorrow, Fred. For the meantime, halt all my schedules for this week.”
“I’ll note it, Sir.”
I ended the call and sighed again. Kuya Alfie and I were hands-on in bringing up the SVN again to its glory. The company is in recession right now. I know I have important meetings to attend to but when I received a disturbing update from my men about Luna, hindi ako nagdalawang-isip na bumyahe agad para mapuntahan siya.
I know I got important things to do in Manila. I only filed a 2-day leave for her birthday but when I learned what happened, mukhang isang linggo ko munang iiwan ang opisina.
She’s more important than anything else.
After I took a shower, tinungo ko na ang sofa para makapag-pahinga. I can see Luna from here. She’s very irresistible. I wanted to stay beside her but… no. I would lose my control if I did that. She doesn’t want me to leave her side now. I don’t want to make her feel alone, too. Masyado na siyang nasasaktan. Pakiramdam niya’y walang nagmamahal sa kanya. And if she can’t find the love and attention she’s longing from her mother, ako ang pupuno no’n.
***
Luna
Mararahang haplos sa aking ulo at mukha ang gumising sa akin sa masarap na pagtulog. Ang huling naaalala ko ay nasa kandungan ako ni Martin kagabi. I told him everything what happened. Iyak ako ng iyak habang ikinu-kwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Nakalma lamang ako nang painumin niya ako ng tubig at aluin sa kanyang mga bisig.
“Good morning…” bumungad ang kanyang ngiti sa akin. It was as bright as the sunshine. Full of vibrance and positivity. Nakaupo siya ngayon sa gilid ko.
I smiled at him bago ako nag-unat ng katawan habang nakahiga sa kama. I’m not sleepy anymore. I just want to lay in bed more for a couple of minutes or so. Pero dahil mukhang bagong ligo na ang kasama ko at nakapagpalit na, pinilit ko na ang sarili kong bumangon.
I was scratching my eyes and yawning at the same time. He chuckled. He pinched my nose habang nakangiti pa rin.
“I love your ‘just woke up’ look, baby.” He said. Then he bit his lips.
Natauhan ako sa sinabi niyang iyon. I got conscious. Bigla kong sinalat ang buong mukha ko dahil baka may muta o tuyong laway. He chuckled more.
“What are you doing?” tanong niya. Kinuha niya ang magkabilang kamay ko at ibinaba sa kama.
Umiling ako. “Teka… maghihilamos lang ako.” Iwas ko sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
“Your cheeks are rosy, baby. And your lips…” nakita kong bumaba ang tingin niya sa aking labi. I licked my lower lip because I felt it’s chapped.
Nangunot ang noo niya sa ginawa ko. What’s wrong with that?
Iniwas niya ang tingin sa akin at tumayo na. “Breakfast is ready, Luna.” At saka umalis sa harap ko.
“Uy sandali!” pigil ko pero hindi na siya nahinto. Natatawa na lamang ako sa reaksyon niya nang sundan ko siya palabas ng kwartong iyon.
Matapos kong mag-hilamos ay sinabayan ko na siya sa pagkain. He’s patiently waiting for me habang may binabasa sa kanyang cellphone. We ate sumptuously. May pagkakataong nagu-usap din kami tungkol sa kung anu-anong topic. Nagtatawanan sa mga korning jokes na ibinabato namin sa isa’t-isa. Pero mas natutuwa ako sa reaksyon niya sa tuwing napipikon ko siya.
“Bakit namumula ‘yang tenga mo?” puna ko nang matigilan siya matapos ko siyang asarin.
He unconsciously touched it. “Forget it, Luna.” And bit his lip.
Lumapit ako sa kanya at sinipat ko iyon. “Your ears are red, Martin.” Akma ko iyong hahawakan pero pinigilan niya ako.
“Don’t! It’s ticklish!” saway niya sa akin.
Humalakhak ako sa sinabi niya. Nasa dining table pa rin kaming dalawa habang nagtatawanan. Katatapos lang naming mag-almusal.
“Aalis na ako. Salamat pala sa pag-aaruga sa akin kagabi.” I said while smiling at him.
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Tila nagi-isip pa. I gently pinched his pointed nose. Doon ko lamang nakuha ang atensyon niya.
He took my left hand and interlocked his fingers in between mine. Nag-init ang puso ko sa ginawa niya.
“Do you want to come with me to Manila?” mahinang tanong niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napabitaw ako sa hawakan naming dalawa.
“Itatanan mo ako?!” I asked hysterically.
Nangunot ang kanyang noo sa aking sinabi bago humalakhak nang pagkalakas-lakas. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ko kaya hindi ko napigilang hampasin siya sa kanyang braso.
“What did I do?” natatawa niyang tanong sa akin habang hinihimas ang braso niya.
Umiling-iling ako at saka tinabunan ang aking mukha gamit ang mga palad ko. Ramdam ko ang pag-gapang ng init sa likod ng tenga ko. I am so embarrassed! Paniguradong namumula na rin pati ang pisngi ko dahil pati iyon ay mainit na rin.
“Come here, baby.” Aniya
Kinuha niya ang mga kamay ko at marahan niyang tinanggal ang mga iyon sa aking mukha. No’ng una’y pumapalag pa ako pero kalaunan ay nagpaubaya na rin.
“Hindi kita itatanan. I won’t do that to you, unless, you wanted to come with me for real.” Nanunudyong sinabi niya sa akin.
“Martin!” Saway ko sa kanya.
He chuckled. He cleared his throat at saka sumeryoso sa pagu-usap naming dalawa. “Let’s celebrate your debut in Manila. Iuuwi rin kita rito pagkatapos ng birthday mo. How about that?”
Nanlaki ang mga mata ko sa alok niya sa akin. The thought of going to other places entices me. Hindi pa ako nakakalabas ng probinsya kaya excited akong makita ang itsura ng Maynila!
I pouted but I cannot hide the excitement I am feeling right now.
“So silence means… yes?” Wika niya.
I pursed my lips this time to hide my wide smile. Tumayo na siya at hinila na rin niya ako patayo.
“Go prep yourself, then. I’ll just call someone to fix our travel.” Nakangiting sagot niya sa akin.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Sinulit ko ang pag-ligo sa hotel na iyon. Ngunit ang problema ko’y iisang damit panlabas lang ang nadala ko. Ito iyong damit na itinabi ko para sana sa paglabas naming dalawa ni Martin.
Iyon na rin ang isinuot ko. Lalabhan ko na lang iyon sa Maynila para bukas ay maisuot ko ulit. Naglagay lang din ako ng lip tint sa labi at pulbos sa mukha. Mabuti na lang at may nasama rin akong ganito.
Nang matapos ako sa paga-ayos ay binitbit ko na ang back pack ko para puntahan si Martin sa receiving area. He’s talking to someone over his phone. Inilipag ko ang bag ko sa sofa habang hinihintay siyang matapos. Napansin niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa akin. Itinaas niya ang kanyang index finger sa akin. I know what he meant that’s why I just nodded and patiently waited at him.
I took out my phone from my bag to check it. Hindi ko na tiningnan ito kagabi simula nang makarating ako rito. Gulat ang sumalubong sa akin nang makita ko ang screen ng phone ko. Ang daming missed calls galing kay Jigo at Migs! Pati text, tadtad din ako.
Tiningnan ko isa-isa ang mga iyon. Nakapag-sabi naman ako kay Aunty Esther kahapon kaya siguradong hindi na niya ako hahanapin. I’m already done checking my unread messages and missed calls pero kahit isa, walang rumehistro na pangalan ni Mama. She didn’t bother to text nor call me.
I looked at Martin and he’s still busy talking to someone. Kaya tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanya. Tinungo ko ang balcony and I dialed Miguel’s number. Nakakailang ring pa lang iyon ay sinagot niya na agad.
“Luna!” bungad ni Migs.
“Napatawag ka, Migs? Sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo. Busy kasi ako.” Ani ko.
“Nabalitaan ko ang nangyari. Nasaan ka ngayon?” he asked me in his calm voice.
“Uh…” napalingon ako sa likod ko. Martin’s still on the phone. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa balkonahe. “N-Nasa hotel.”
“Hotel? Sino’ng kasama mo? Hindi ka ba lumabas ng siyudad?”
“Nandito pa rin ako sa Tuguegarao. Kasama ko ngayon si Martin.”
“Sino?!” his voice raised after I answered him. Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“Huwag kang praning, Migs! Walang ibang nangyari. Natulog lang kami.”
“Nang magkatabi?” hindi pa rin siya nakalma.
“Hindi ko alam! Natulog ako kagabi sa kama. Paggising ko, wala akong katabi. Buo pa naman ako, Migs. Relax ka lang!” natatawa kong tugon sa kanya.
He sighed. Dinig ko ang rahas ng buntong-hininga niya sa kabilang linya. I giggled at his reaction.
“Sige na, ba-bye na. Update na lang kita.” Ibinababa ko na ang tawag ko sa kanya.
Sinunod kong tawagan si Jigo. Hindi ko pa napipindot ang ‘dialed’ button, nag-ring na iyon agad. Tumatawag na si Jigo.
“He---“nabitin ang pagsasalita ko nang marinig ko ang lakas ng boses niya!
“Nasaan ka, Luna Pineda?!”
“Ang OA mo, Jigs.” Tanging naisagot ko sa kanya.
Hindi agad siya sumagot. Hinintay ko lamang siyang magsalita. Naramdaman ko ang presensya ni Martin sa likod ko. He’s holding my shoulders now.
“Jigo, nag-usap na kami ni Migs. Sa kanya ka na lang magtanong. Text text na lang, ah? Ba-bye!” hindi ko na siya hinintay magsalita. I ended the call immediately. Ayokong paghintayin si Martin.
Hinarap ko siya nang nakangiti. “Tinawagan ko lang sila para hindi sila mag-alala. Alam na rin pala nila ang nangyari sa akin, eh.”
Tumangoo siya. “I understand.” Then he glanced at me from head to foot.
Bahagya akong nailang sa ginawa niya. “Bakit?”
“Your dress…” aniya. He pursed his lips and looked at me in my eyes. “Don’t you have other clothes to wear?”
Tiningan ko ang aking damit. Maayos naman ito ah. Medyo luma pero presentable naman. Muli ko siyang tiningnan at saka umiling. “Hindi ba bagay sa akin? Ito lang kasi ang pwede kong isuot panlabas. Puro pambahay ang naidala ko.”
“It suits you but it reveals your legs and thighs. Pati na rin ang mga braso mo. I don’t want to see anyone looking at your skin.” Aniya.
I know it sounds possessive but I liked it.
He sighed. “Let’s shop your clothes when we arrived in Manila.” Hinubad niya ang kanyang jacket at isinuot niya iyon sa akin. “Wear this. Ayokong nakikita nila ang akin.”
“Huh?” I asked. Nagsalubong pa ang dalawang kilay ko dahil sa narinig. Kunyaring nagulat ako pero sa kaloob-looban ko’y nagdiriwang ako dahil sa narinig.
“Don’t make me repeat myself, Luna. You know your stand in my life.” Sabi niya. He took my left hand and intertwined our fingers together before he continued talking. “Let’s go.”
Siya na ang nagbitbit sa bag ko at sa kanyang maleta. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Kahit no’ng nag-check out kami kanina, ang isang kamay lamang niya ang gumagalaw para pumirma sa ilang papel.
Paglabas namin sa building na iyon, naroon na agad ang sasakyan niya. Doon niya lamang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko para makapasok ako sa loob. Kinuha sa kanya ng driver ang mga bagahe namin. Tumabi sa akin si Martin sa pagkaka-upo and after we settled everything, umalis na kami roon.
“10-12 hours yata ang byahe mula rito hanggang Maynila, Mart.” Ani ko. He’s looking at his cellphone when I said that.
Tumango siya bago bumaling sa akin. “I know. We’ll ride a private plane.” Aniya.
Eroplano! Mas na-excite ako sa sinabi niya. Pero alam kong mahal ang pamasahe sigurado. Napansin niya ang kawalan ng imik ko kaya nagsalita siyang muli.
“Are you okay?” he asked.
Tumango ako habang nakangiti sa kanya. “First time kong sumakay sa eroplano!”
He smiled. “You’ll enjoy it. Kasama mo naman ako.”
Narating namin ang airport sa siyudad na ito. Sinalubong kami ng ilang personnel roon. I sensed urgency in all our movements kaya I tried my best para makasabay sa kanila. Hawak niya pa rin ako sa aking kamay. Kaya pagkarating namin sa area kung nasaan ang eroplanong sasakyan namin, para akong hinihingal.
“Are you okay?” Martin asked. Napansin niya sigurong hindi ako masyadong umiimik. Hindi niya alam, I was busy catching my breath.
Tumango ako. “Pagod lang.” ani ko.
Inalalayan niya ako pa-akyat sa private plane. Napansin kong may kaliitan ito kumpara sa mga nakita kong nakaparadang eroplano roon. Nakita ko ang dalawang piloto na mag-mamaniobra nito. Martin guided me in almost everything hanggang sa maging kumportable ako sa kinauupuan ko.
“Excited?” he smiled.
“Oo!” I answered.
Naupo siya sa tabi ko. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. After he settled, ilang sandali lamang ay nag-take off na ang eroplano. Hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam kapag umaangat na ang eroplano sa himpapawid. Parang may nahihiwalay sa akin na hindi ko mantindihan. Mahigpit ang kapit ko sa arm rest habang nakapikit ako ngunit kinuha iyon ni Martin.
“Kumapit ka sa akin. Are you nauseous?”
Bumaling ko sa kanya at tanging iling lamang ang naisagot ko. Nang maramdaman kong umayos na ang eroplano, inalis ni Martin ang seatbelt ko.
“You can relax now, Luna.” He said.
Tumingin ako sa maliit na bintana sa gilid ko. Abot-tanaw ko ang ulap sa pakpak ng eroplano. Maliliit ang mga kabahayan at ang mga bundok ay parang burol lamang sa paningin ko. I enjoyed watching the view the entire travel. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami ng Maynila.
Nang makababa na kami roon, muli kaming sinundo ng isang itim na sasakyan. Ngunit hindi katulad ng dati, ibinigay ng driver ang susi kay Martin. Nasa biyahe na kami nang magsimula akong magsalita.
“Ganito ba ang buhay mo rito, Martin?” I asked. Binabaybay namin ang daan kung saan matatayog ang mga gusali. Sa TV at pictures ko lang nakikita ito noon pero kapag sa personal na pala, nakakalula silang pagmasdan. May mga building din naman sa napuntahan kong lugar sa probinsya pero iba rito sa Maynila. Mas matataas! Mas malalaki!
Bahagya niya akong nilingon. “Yes. I usually transact with the clients and investors abroad. Kaya hindi na bago sa akin ang madalas na pag-byahe.”
“Hmm…” Inabutan kami ng traffic sa kalsada. “Saan tayo pupunta?”
“We’re going to shop for your clothes first. After that, we’ll eat our lunch.”
Narating namin ang isang sikat na mall na minsan ko nang narinig sa TV at social media. Ang ganda talaga! Hindi ko man ipahalata ay naglikot agad ang mga mata ko para mapasadahan lahat ng nakikita ko sa loob ng gusaling ito. This place screams with posh and luxury!
Dinala niya ako sa isang store na puro signature clothes ang naka-display. I tugged his hand and glanced at me.
“Mahal dito.” Bulong ko sa kanya.
“Don’t mind about it. Isipin mo na lang, regalo ko sa’yo.” Then he winked at me.
Una naming tinungo ang blouses and shirts. May isang sales lady na nag-assist sa amin habang malayang pumipili si Martin ng damit. Inaabot niya iyon sa babae kapag nagustuhan niya. Bumitaw ako sa kanya ng mahuli ng aking paningin ang isang dress.
It’s a round neck tee dress na kulay dark blue. Ang dulo ng manggas at laylayan nito ay kulay puti na pinatungan ng kulay pula. It’s simple. Pwede kong ipares sa rubber shoes o sa sandals ko. Pero nang tingnan ko ang presyo, nalula ako. Maingat ko pa iyong binitawan.
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Martin. He looked at the dress that I’m checking a while back. Kinuha niya ito sa rack. “You like this?”
Naningkit ang mga mata ko at umiling. “Hindi.” At saka ko siya iniwan ro’n. I showed to him na hindi ako interesado dahil kung ano na naman ang maisipan niya’t bilhin iyon.
Kahit mga underwear, hindi niya pinalampas. Pulang-pula ang pisngi ko habang isa-isa niyang inilalagay sa cart na hawak ng sales lady ang mga napili niya. Hindi na ako pumalag dahil sakto naman sa size ko ang mga kinukuha niya.
Ayaw niyang magpapigil sa gastos. Katwiran niya’y birthday ko raw. I love the thought of buying new things. Isa iyon sa mga hindi ko kayang gawin para sa sarili ko. Kung hindi naman galing sa ukay ay bigay lamang sa pinagta-trabahuan o kakilala ko ang mga ginagamit kong damit.
Dumako kami sa footwear. Hinayaan niya akong pumili sa magugustuhan ko. Medyo natagalan nga lamang ako dahil pinili ko pa iyong maganda pero pinakamura sa mga nakahilera.
Inabot niya ang kanyang card sa sales lady habang inaayos ang mga ipinamili niya para sa akin. Nakaupo kami ngayon sa isang sofa habang naghihintay.
“Martin, saan na tayo pagkatapos nito?” I asked in a low tone voice.
“We’ll eat. I’ll meet a client after lunch. Why? Are you tired?” suddenly, bigla siyang nag-alala sa akin.
Umiling ako. “Hindi! Nawiwili ako sa mga nakikita ko.” I smiled.
“If you want, I can bring you to my condo para makapagpahinga ka muna or… you can go with me to my office.”
“Okay lang ba ako sa opisina mo?”
Tumango siya. “Of course!”
“Sige, sama ako sa’yo!” I excitedly said.
He smirked. “Good girl.” He held my chin and pinched it gently. “And just as I promised you before, we’ll meet the person who will help us to find for your dad.”
I bit my lip and smiled at him. Tumangu-tango ako sa sinabi niya. Unti-unti akong nakaramdam ng excitement sa ibinalita niya.
Hindi na tuloy ako makapag-hintay dahil sa nalaman kong iyon.