CHAPTER 15

3792 Words
Luna     Pagkatapos naming mananghalian ni Martin sa isang restaurant sa loob din ng mall na iyon, tinahak na rin namin ang daan papunta sa kanyang opisina. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe namin, nakatulog ako sa kanyang sasakyan.   Mararahang tapik sa balikat ang gumising sa akin. Halos ayoko pang dumilat dahil tuluy-tuloy ang pagpikit ng aking mga mata at talagang gusto kong ituloy ang pagtulog ko.   “Luna…” a man’s voice suddenly called me.   Ilang beses niya akong tinawag habang tinatapik sa aking balikat at nang tuluyan na akong dumilat at luminga-linga sa paligid, ang gwapong mukha ni Martin ang agad na bumungad sa akin.   Maraming sasakyan ang nakapaligid. Mukhang nasa parking area kami. Sandali. Parking area na ba ito ng building ng opisina niya?   Agad kong inayos ang aking sarili. Nag-unat pa ako at saka kinalas ang seatbelt sa aking katawan.   “Sorry, napasarap ang tulog ko. Ito ba ang building ng opisina niyo?” I asked.   I saw him smiled a bit bago umiling. “This is the building of our condominium.”   Nangunot ang aking noo. Akala ko ba ay pupunta kami sa opisina niya? “Akala ko…” hindi ko na itinuloy ang aking tanong dahil umiling siya.   “Mr. Francisco had an emergency. He re-scheduled the meeting on Friday. And besides, you were sleeping soundly. It’s like I don’t have a heart if I’ll wake you up.” Nakangiting tugon niya sa akin.   Tumingin ulit ako sa paligid natin. “Eh ano’ng gagawin natin dito?”   “We’ll go to my unit. Ipina-akyat ko na ang mga pinamili natin. I’ll let you rest. Someone will visit us later this afternoon.” Aniya.   Lumabas kami sa kanyang sasakyan. As usual, him being a gentleman, ay inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng elevator. Nang marating naming dalawa ang tamang palapag ay iginiya niya ako palabas doon.   He tapped his keycard on the security door and it automatically opened. Again, iginiya niya akong muli sa loob no’n.   My eyes roamed while my jaw dropped literally when I saw the wholeness of his place. Ang nagagawa nga naman ng pera! The design of his condo unit was minimalist with colors white, brown and gray. Ngunit sa isang tingin lamang ay halatang ginastusan ng todo. Baka ang isang mwebles rito ay libu-libo na ang halaga!   “Did you like it?” I heard him asked.   Nilingon ko siya at nadatnan ko siyang nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.   “It’s nice. Very manly.” I answered.   “I’m glad.” Nakangiting tugon niya. Lumapit siya sa akin bago hinawakan ang aking baba. “Soon, I’ll bring you to our mansion. Ipapakilala kita sa mga kapatid ko.”   Ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya. He let me do a quick tour of his place. This place is huge! May mga ganitong condominium pala? Ang mga nakikita kong condominium sa social media at TV ay parang studio type lang. Pero itong kay Martin ay halos doble ang laki sa kabuuan ng bahay namin…o baka triple pa!   Lima lahat ang kwarto niya rito, maliban pa sa library at gym. Ngunit ang huling kwarto ang umangkin sa buong atensyon ko. Music room ba ito?   May drum set, iba’t-ibang klase ng gitara na nakasabit sa isang glass closet, at ang agaw-pansin na piano. It looked like a music studio! May mga pang-recording pa, mikropono, at speaker roon. I can’t helped myself but to amaze with all the things I see inside this room!   Ayoko mang mag-assume dahil wala namang kinumpirma sa akin si Martin pero bakit pakiramdam ko, this room’s existing because of…me. Pakiramdam ko, ako na lang ang hinihintay ng mga instrumentong ito, na ang boses ko na lamang ang kailangan para tuluyang magamit ang mikropono.   Hindi ko napigilang lapitan ang piano na nakapwesto sa bandang gitna ng silid na ito. I sat on the piano bench and lifted the cover of the keys. Hindi ako maalam sa pagtugtog ng piano. Sa gitara talaga gamay ang mga daliri ko pero gusto kong matuto nito.   I remembered Migs. He knows how to play a piano. One day, I’ll ask him to teach me.   Pero hindi ko na yata kailangang magpaturo kay Miguel. Hindi ko namalayang sumunod sa akin si Martin. Nakapagpalit na siya ng t-shirt at maong pants.   “I was looking for you all over. Dito lang pala kita makikita.” He said.   Ngumiti ako sa kanya. I tapped the space in the piano bench, telling him to sit beside me. Hindi naman niya ako binigo at naupo na nga sa tabi ko.   “Bakit may ganito ka sa condo mo? Ginagamit mo ba ang mga ito?” tanong ko.   He pouted. Oh, he’s adorable without his stubble. I wish he maintains it, though, he looked mature when he has it.   “I can play the piano but definitely, I cannot sing.” He smirked.   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “You know how to play this thing?” turo ko sa piano.   Tumango siya. “Mama taught me to play the piano when I was younger. Ako lang sa aming magkakapatid ang nagkainteres sa turo niya. Kuya Alfie and Lucas…” tumungo siya bago umiling. “Puro babae lang ang inatupag ng mga ‘yon.”   I laughed at his remarks towards his brothers! He badmouthed them while he uplifts himself. This man, really. Sa gwapo niyang ito, imposibleng walang nahumaling sa kanyang mga babae!   “And you’re not?” I asked sarcastically.   He shrugged his shoulders. “I’m not. I’m busy with my studies. Hindi ako nagkaroon ng panahon sa pakikipag-relasyon.” Mayabang na sabi niya.   Ako naman ngayon ang ngumisi sa sinabi niya. “Hindi mo naman kailangan ng label. Flings exist!”   Nangunot ang kanyang noo. Napalitan ang masayang mukha niya ng kaunting iritasyon. “Where did you learn that, Luna?”   “Well... It’s not new to me. Besides, my band mates often do that. No commitment, just advances.” I answered confidently.   Ngunit hindi yata nagustuhan ni Martin ang isinagot ko base sa kanyang itsura. Suplado na siyang tingnan ngayon. Nangungunot ang kanyang noo habang ang mga tingin niya ay nanliliit. I blocked it with my sweetest smile so he’d stop frowning.   “Let’s not talk about it.” He said.   “Why? Aren’t you comfortable talking about your past flings?”   “I said, I don’t want to talk about it.” He said with finality.   “So you had flings, then?” pangungulit ko.   He gulped and avoided my stares. I smirked only. I know he had. He just couldn’t admit it to me. Besides, wala naman iyon sa akin. That was before I met him.   Kung mayroon siyang fling ngayon, that’s another story to tell.   “Fine. Play for me, then.” Hamon ko sa kanya.   He smiled at me. “Ano’ng kapalit?”   “Papalakpakan kita?”   He gave me an inverted smile. “It’s fine but it’s lame.”   My brows furrowed. Hindi ko pa ‘yon naitatanong pero mukhang natunugan niya agad ang iniisip ko. Nilapit niya lalo ang kanyang mukha sa aking mukha. Halos maduling ako sa lapit niya sa akin.   “Give me a kiss...”   I gulped. Mauulit na naman ba iyong nangyari sa bahay namin? Gusto ko. Gustung-gusto ko.   Dahan-dahan akong tumango. He chuckled before he shook his head.   “I’m kidding. I won’t do that. I’m not going to take advantage on you.” Sabi niya.   Maagap akong sumagot. “But you can kiss me!” ngunit huli na ng ma-realize ko ang isinagot ko sa kanya. Kinda desperate for a kiss, Luna? You’re so embarrassing!   Tinitigan niya ako. Matagal. Masuyo. Kahit kumakabog ang dibdib ko ay hindi ako nagpatalo. Sinalo ko lahat ng titig niya sa akin kahit na nakakapanlambot ang kanyang mga tingin. Bumaba ang kanyang titig sa aking labi. Unconsciously, I licked my own lips. Nangunot lamang ang kanyang noo at muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata.   “No.” tanging sagot niya sa akin.   Natigil kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon ng hindi na lumalayo pa sa akin.   “Yes, Fred.” He said with formality. Medyo nanibago ako sa himig ng kanyang pananalita. May otoridad. May diin.   Nakinig siya sa kanyang kausap. Maya-maya ay sumagot siya ulit.   “Okay. Give them everything they need. We’ll meet them tonight.” He paused again. “Alright.” Then he ended the call.   Hinarap niya akong muli. “You should rest. We’ll have our dinner with someone later tonight.” Aniya.   “Sino?”   “People who will help us find your Dad.” Wika niya.   Natigilan ako. This is really happening! Dito na mag-uumpisang masagot ang lahat ng mga katanungan ko tungkol sa Papa ko.   Inihatid ako ni Martin sa isang kwarto katabi ng kanya. Maluwang ito at kumpleto na sa kasangkapan. Ang gagamit na lamang talaga ang kulang. Narito na rin pala ang mga gamit ko at ang pinamili niya para sa akin.   “If you need something, don’t hesitate to tell me. I’ll be in the library. I guess you already know where it is?” aniya.   Tango lamang ang isinagot ko sa kanya.   Nang makaalis na siya sa kwarto ay sandali rin akong nag-explore. May maliit na silid para sa mga damitan. Sa kabilang pintuan ay ang banyo. Natuwa pa ako dahil may bath tub din dito sa loob.   Para akong naka-check in sa hotel. Ang ganda ng lugar niya! This place screams with wealth and comfort. Kapag may pera ka talaga, nakukuha mo ang lahat ng naisin mo.   Ngayon ko nare-realize ang layo ng pagitan naming dalawa ni Martin. He’s rich while I’m like a poor rat.   I wonder how he liked me despite all the unwanted things I have in my life.   Nakahiga ako ngayon sa kama. Naisip ko si Mama. I always try my best to be patient to her, to understand all her pain, and to be a good daughter to her. All these years, questions about myself have piled up. Sa dami nga no’n, nakalimutan ko na rin ‘yong iba.   Nasa sasakyan na kami ngayon ni Martin papunta sa isang restaurant kung saan namin kikitain ang mga inimbitahan niyang tutulong sa akin. Ang sabi niya’y mga Japanese lawyers sila na nanggaling pa sa Japan. He invited them to meet us. All expenses paid by Martin Villanueva!   Pagpasok naming dalawa sa restaurant na iyon ay iginiya agad kami ng isang waiter papasok sa isang private room, like he was expecting us already. Mabuti na lamang at may mga damit na akma sa lugar na ito ang napasali ni Martin sa mga pinamili niya. Kahit papaano ay hindi ako magmu-mukhang alangan dito. I am wearing a dark blue ditsy floral dress at stiletto na kasama sa mga binili niya. Siya naman ay naka button down long sleeve at coat and tie.   Mas lalong lumutang ang kagwapuhan niya. Normal lamang sa mga kagaya nila ang ganitong klase ng kasuotan. Samantalang ako, tuwing espesyal na okasyon lamang nakakasuot ng ganito, o kaya kapag may mga gig at required na magsuot ng ganitong mga damit. Minsan management pa ang nagpo-provide.   Pagpasok namin sa isang silid ay may dalawang lalaking Hapon ang naroon at isang lalaki rin na sa tingin ko ay mukhang Pilipino. Siya ang unang sumalubong sa aming dalawa ni Martin.   “Good evening, Sir.” Bati niya sa amin. Tumayo rin ang dalawang lalaki para bumati at mag-bow sa aming dalawa. I smiled at them curtly. Martin greeted them, too and extended his arms for a handshake. Malugod na tinanggap naman iyon ng dalawa.   “Are we late, Fred?” Martin asked.   Ah. So, siya pala si Fred.   “No, Sir. Just in time.” Bumaling siya sa akin. “Good evening Ms. Pineda.”   Simpleng pagtango at maliit na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya dahil sa matinding hiya na nararamdaman ko. Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa braso ni Martin. He caught my attention na siyang nagpabaling sa aking tingin sa kanya.   “Relax, Luna. Loosened up.” He said.   “O-Oo.” Sagot ko. Hindi naitago ng boses ko ang kabang nararamdaman ko ngayon.   We settled on our seats while ordering our food. Hinayaan kong si Martin ang um-order para sa akin. Habang nagu-usap ang mga kasama ko ay hindi ko maiwasang tumingin sa isang Hapon na nasa kaliwang bahagi ko. Nang nilingon ko siya ay nadatnan kong nakatingin na rin siya sa akin. I smiled at him. He smiled, too. Ibinalik niya ang tingin niya sa mga kalalakihang nasa aming harapan.   “Sir, this is Mr. Hajime Kurosawa, a lawyer from the Citizen’s Network for Japanese-Filipino Children. Beside him is Mr. Kenjie Matsui, his colleague. By the way, Mr. Matsui is half Japanese, half Filipino. Gentlemen, I would like to introduce to you, Mr. Martin Villanueva. He’s the Vice-President for Administration and Finance of SVN, Corp.” Masusing pakilala ni Fred sa magkabilang partido.   Nagtanguan sila. Fred continued. “Beside him is Ms. Luna Pineda. His…” sandali siyang natigilan. Hindi sigurado kung paano niya ako ipapakilala.   “She is a dear friend.” Salo ni Martin.   “What is your name again?” tanong sa akin ng hapon na abogado.   “My name is Luna.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “Ah! Runa!”   I waived my hand at him. I tried my best to look friendly. Kahit mga ka-lahi ko ang mga ito’y hindi ako pamilyar sa kanilang customs. Baka magkamali pa ako ma-misinterpret pa nila.   “No. Not Runa. Luna! Letter L.” I smiled at him.   “Oh, I see. Runa.” Ulit niya.   Nangiti na lamang ako sa kanyang itinugon. Ang sabi ko, letter ‘L’ eh. Kulit.   I heard the chuckles of the younger Japanese man, iyong nangiti sa akin kanina.   “Pasensya ka na, they pronounce letter ‘L’ as ‘R’.” aniya.   My lips parted in amusement! This man knows how to speak Tagalog!   “Marunong ka palang managalog, eh!” bulalas ko. Nakangiti na ako ng maluwang sa kanya. Bumaling ako kay Martin but he only looked at me intently. Ibininalik ko ang tingin ko kay Mr. Matsui.   Tumango siya. “Katulad mo, JFC din ako,”   “Oh. Galing!” I only said. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Martin. Hindi ko iyon tiningnan pero nakita kong lumapat ang tingin ni Mr. Kenjie Matsui sa magkahugpong naming mga kamay.   “Let’s eat first? We’ll discuss later.” Malambing na sabi ni Martin.   I nodded at him while smiling. Siyang dating ng mga orders namin ay nagsimula na kaming kumain. Nag-usap silang apat tungkol sa organisasyon na kinabibilangan ng dalawang panauhin. Kung paano sila nagsimula hanggang sa kung paano nila napapalakad hanggang ngayon ang kanilang grupo.   Matapos naming kumain ay nagsimula na sila sa pagpapaliwanag.   “Ano ba ang gusto mong mangyari, Ms. Luna? Are you going to seek for child support? Recognition? Gusto mo bang magpakuha sa ama mo sa Japan?” Tanong sa akin ni Mr. Matsui.   Umiling ako. “Gusto ko lang siyang makilala. Gusto ko siyang makausap. Iyon lang ang gusto ko Mr. Matsui.” Sagot ko.   “Please, just call me Kenjie.” He said while smiling at me.   “Then, please just call me Luna.” Sagot ko.   Bago pa nagsalita si Mr. Matsui ay narinig ko ang pagtikhim ni Martin sa tabi ko. Idinantay niya ang kanyang kamay sa aking kaliwang balikat at saka bumulong sa aking kanang tenga.   “Baby, please don’t be too friendly. You’re making me jealous.” He said huskily.   “Huh?” I said. He just smirked at me at pumirmi na ang kanyang kamay sa gilid ng aking baywang.   Nakita kong sinundan ng tingin ni Mr. Matsui ang kamay ni Martin sa aking baywang bago niya binalingan si Mr. Kurosawa. He translated what I said in Japanese. Tinugon niya iyon gamit ang kanilang banyagang salita bago siya nagpaliwanag muli sa amin.   “Ms. Pineda’s request is a simple case. The first thing we have to do is to locate his father.” Tiningnan ako ni Mr. Matsui. “Do you know his address in Japan?”   My lips parted. Hindi ko alam ang eksaktong address niya. Umiling ako sa tanong niya. “Pero si Mama ay sa Tokyo noon nag-trabaho bilang…singer. Sa trabaho na rin sila nagkakilala.”   “Mag-katrabaho sila?” he asked again.   “Hindi… Hindi ko alam, eh.” Nanghihinang sagot ko.   Paano ko ba matutulungan ang mga ito sa paghahanap kung ang mga basic information ay hindi ko man lang mai-provide? Should I call my mother? Kaso baka ‘pag nalaman niya ang tungkol dito ay tuluyan na akong itakwil no’n.   Si Martin naman ang nagsalita. “Are you sure you don’t want to seek support from your father?”   Umiling ako. “Sapat na ang dahilan na hindi niya kami binalikan kaya tinalikuran niya kami ni Mama. Ang gusto ko lang mangyari ay makausap siya. Peace of mind ang gusto ko, Martin.”   “But we can fight for her rights, attorney?” Si Fred naman.   Tumango ang matandang hapon. Nakakaintindi siya ng kaunting English.   Hinawakan ko ang mukha ni Martin. “It’s okay, Martin. This is what I want.”    Umigting ang kanyang panga. Tinitigan niya ako ng mariin. Tila nananantiya sa sagot ko. I smiled at him to give assurance and finality to my answer.   Binalingan kong muli si Mr. Matsui. “My father’s name is Hiroto Inoue.” I said. Galing sa aking wallet ay inabot ko ang kaisa-isang litrato namin ni Papa. “This is my father. Ako ang batang karga niya. I was only 9 months old at that time. Wala pa akong isang taon ay bumalik na siya sa Japan. He kept in touch to my mother for several months hanggang sa nawalan na rin sila ng communication.”   He took the information I gave to them critically. I continued, though, the information I can only share are the stories once shared to me.   “Hindi sila kasal ni Mama. Apelyido ni Mama ang dala ko at hindi rin nakapirma si Papa sa birth certificate ko.” I said.   Nakita kong may inabot si Fred kay Martin na isang kapirasong papel. He scanned it quickly bago inabot iyon sa abogadong kaharap namin.   “This is her birth certificate. Take this. It might help you in locating Mr. Inoue.” Lahad niya rito. Saan nakakuha ng kopya si Martin?   Then I remembered noong enrollment. Siya ang pinapunta ko para mag-reproduce ng papel ko. Baka doon na siya kumuha ng kopya.   “I’m sorry. I didn’t ask you already.” Malambing na sabi niya.   “It’s okay.” Tugon ko.   Mr. Matsui explained to us the process. Na kailangan ngang mahanap muna kung nasaan na ngayon ang ama ko. Then, they will send to him a notification about my request. Kung magbago raw ang isip ko’t manghingi ako ng kanyang suportang pampinansyal at pagkilala, sasabihin daw nila iyon sa kanya. Kapag hindi siya sumang-ayon ay pwede raw maghain ng kaso laban sa kanya.   “The process might take a little while but our office is offering free legal assistance through Japan Federation of Bar Association.” Mr. Matsui explained. “May mga dokumento rin kaming kailangang hingin sa inyo, and… we need a solid written statement from your mother about your Papa, Ms. Pineda.”   “Statement? Paano ‘yon?”   “She will narrate everything. From the start, kung paano sila nagkakilala hanggang sa noong iniwan niya kayo. Anything that will narrate the events that involves your father. This will become an evidence of your claims. May mga ibang ways din katulad ng history of travels niya rito sa Pilipinas, his old passport na may record kung saan dinalaw niya kayo, his letters for your Mom. Mga ganoong bagay.” he said. uminom siya ng wine bago muling nagsalita. “Only if you want to be recognized by him and you’re going to pursue a case against him if he will refuse you for recognition.”   Marami pa siyang in-explain sa akin. At kung sakali raw na tanggapin ako ni Papa, bago ako tumuntong ng bente anyos ay pwede akong mag-apply ng Japanese nationality!   18 na ako bukas. Kung iyon ang hihingin ko sa aking ama, pwede akong sumunod sa kanya.   Pero paano si Mama? “You don’t have to decide right away, Ms. Pineda. Pag-isipan mong mabuti ito.” Ani Mr. Matsui.   Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. My mind is thinking a lot of things.   “Katulad mo, isa rin akong JFC. Inabandona kami ng aking ama noong bata pa lang ako. Nang malaman ko ang tungkol sa organisasyon na ito, hindi ako nag-dalawang isip na humingi ng tulong. My father is reluctant in recognizing me as his son. I fought for my rights and here I am today, working already for the organization who once helped me.” He smiled.   I got interested at his statement. So pareho pala kami ng sitwasyon.   Martin butted in. “So, I think that’s all for tonight? We’ll update you as soon as Luna will give her decision.”   Tumangu-tango silang dalawa. May ilan pa silang napag-usapan. May ibinilin din si Martin kay Fred bago kami nagpaalam sa kanilang lahat.   Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan niya pero hindi pa niya iyon pinapaandar. Tahimik na naman siya. Katulad noong nasa resto-bar kami sa Tuguegarao noon.   “Tahimik ka.” I said. I held his arm to get his attention. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng pagak.   “Nakapag-desisyon ka na ba?” he asked.   Umiling ako. “Hindi pa.”   Tumango siya. “I hope… whatever your decision is… you’ll also consider me.” He said softly bago pinaandar ang sasakyan niya at lisanin namin ang lugar na iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD