Luna Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Pagkatapos kong um-attend sa orientation sa Mananawit, na kalaunan ay nagkaroon pa ng on the spot na audition, ang mga sunud-sunod na quizzes at examination naman ang hinarap ko. Sa loob ng ilang araw na naging abala ako ay hindi ko napansin na malapit na pala ang sinabing araw ni Martin na pagluwas ko sa Maynila. Sa huling tawag niya sa akin ay susunduin niya raw ako para personal na ihatid sa lugar kung saan kami magkikita ni Papa. Aaminin kong naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Iyon ay dahil sa kawalan ng oras niya para sa akin. Idagdag pa ang mga ideyang sinabi ni Jigo sa akin noon. Sa tuwing nale-late siya sa pagsagot sa mga text ko, o kaya ay hindi siya nakakatawag sa akin, lalong nadaragdagan ang kutob kong baka n

