Luna
Whole day ang orientation namin. Isa-isa nilang ni-discuss sa amin ang mga rules and regulations ng eskwelahan. Ipinakilala rin sa amin ang mga empleyado na naroon. Kahit si Migs ay ipinakilala sa amin. Isa siya sa mga nagsalita at tumalakay tungkol sa pagbabayad ng tuition fees and other school fees. Oo nga pala, sa Cashier’s Office pala kasi siya nagta-trabaho.
Bago pa kami nag-lunch break ay tumugtog pa ang mga seniors namin. Banda rin sila na puro kalalakihan. Pero ang ikinagulat ko ay si Migs ang vocalist.
Sa dinami-dami ng mga estudyanteng naroon, nagtama pa rin ang mga mata namin. He winked at me and smiled widely. Ako naman ay lumabi dahil sa style niyang ‘yon.
“Ang gwapo! Ano na namang pangalan no’n?” bulalas ni Karen. Mukhang hindi ito nakinig kanina nang ipinakilala siya ah.
They’re enjoying the performance of the band in the stage. Or rather…enjoying watching the performers.
“Si Migs ‘yang kumakanta.” Sagot ko sa kanila.
Tumili ulit si Karen nang kantahin ni Migs ang chorus.
“Kilala mo ‘yong bokalista?” excited na tanong ni Mitch.
Tumango ako. “Oo. Ipapakilala ko kayo mamaya.” Sabi ko.
Ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos kaming i-dismiss para mag-lunch, halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante para makalabas sa gym. Niyaya ako nila Edison na sumama na sa kanila sa lunch. We were almost at the main door of the gym when someone called me.
Nilinga-linga ko pa kung saan nanggagaling ang boses na iyon. I know that it’s Migs pero sa dami ng estudyanteng palabas ng gym, hindi ko agad siya napansin.
“Ayun siya!” Turo ni Karen sa akin habang nakangiti at nagpipigil ng kilig.
Natawa ako sa nakita ko. Sabagay, sino ba naman ang hindi kikiligin sa lalaking ito? Tulad ng mga kasama namin sa banda, gwapo rin si Miguel. Pero sa kanilang lahat, siya ang may pinaka-maamo ang itsura. Hindi katulad ni Jigs, Chad at Zion, mga mukhang bad boy na manyakis!
Nang makalapit si Migs ay tiningnan niya ang mga kasama ko. Bahagyang nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pananahimik ko habang ang isang kasama ko ay parang mahihimatay na sa kilig habang hinahampas si Edison.
Isa-isa ko silang ipinakilala kay Migs. They’re polite at him. Migs even offered a handshake to them. Nang mahawakan ni Karen ang kanyang kamay ay nagtawanan pa kami dahil hindi na niya napigilan ang kilig na nararamdaman niya simula ng makita niya ito sa stage.
“Sir! Ang gwapo-gwapo mo! Ang galing mo pang kumanta!” Then Karen shrieked.
Migs laughed at her. Sumama na rin siya sa amin sa canteen para mag-lunch. He became our instant tour guide. Kinuwento niya sa amin kung saan ang pwedeng tumambay kapag vacant period namin, kung saan pwedeng magpa-photocopy nang hindi na kailangang lumabas pa sa school premises, at marami pang iba. Itong canteen na kinakainan din namin ngayon ay mura at marami ang serving kaya ito ang inirekomenda niya sa amin.
Nang mag-umpisa ang afternoon program, magalang na nagpaalam sa amin si Miguel. Kailangan na raw niyang bumalik sa opisina nila.
“Bye, Sir!” Magalang na paalam ng mga kasama ko.
“Nice meeting you, Sir Migs!” dagdag pa nila.
Ngumiti rin siya sa kanila. “Ako rin. See you around!” at bumaling siya sa akin. “Bye, Luna.”
Ngumisi ako at itinaas ko ang isang kilay ko. “Good bye, Sir Migs.” I said mockingly.
He smirked, too, bago umiling. “Try harder.” At tuluyan na kaming tinalikuran.
The afternoon discussion made me sleepy. Ganoon din sa ibang mga kasama kong estudyante. Marahil ay dahil sa busog ang mga estudyante at sa malakas na buga ng aircon. Kahit si Karen ay nakasandal na ang ulo sa balikat ni Mitch. Si Edison ay nakita ko ring pipikit-pikit at kapag nagugulat ay umaayos ito ng upo.
Umiling ako. Kung hindi lang required ang mag-attend ay baka umuwi na rin ako kanina pagkatapos kong mag-lunch.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag. I was expecting that Martin will text me in between lunch break pero wala akong na-receive kahit isang text mula sa kanya. He became busier when his father arrived here in the Philippines. Ang sabi pa nga niya’y siya ang pansamantalang humalili sa kanyang kuya nang magpunta ito sa ibang bansa para kausapin ang mga kliyente at investors nila.
He said that they are aiming in closing the deals with their clients.
Dahil sa walang magawa at nakakaramdam na rin ako ng pamimigat ng aking mga mata, I texted him.
Ako:
Hi! I’m already done with my lunch. Kain ka na rin. Take care!
Ilang minuto ko na iyon nai-send pero hindi pa rin siya nag-reply. Muli akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Still busy? Nandito pa rin ako sa school. Hindi pa tapos ang orientation.
Pero nakailang tingin na ako sa cellphone ko ay wala pa rin siyang reply. I admit, sa mga ganitong pagkakataong hindi niya masagot ang mga tawag at text ko ay nakakaramdam ako ng tampo. I can’t help myself but to feel it. He promised me that we’ll always update each other.
But I’m trying my best to be mature in all things when it comes to him. Sa trabaho lang naman siya naging abala. Kapag libre na ang oras niya, nagre-reply din naman siya sa akin.
O baka naman nagiging clingy na ako sa kanya kaya ganito na ako mag-isip at kumilos pagdating sa aming dalawa?
Nang matapos ang orientation, sabay-sabay ulit kaming lumabas ng mga bago kong kaibigan. Nagkayayaan pa kaming mag-meryenda sa isang canteen na sinabi ni Migs kanina. He’s right. Masasarap ang mga ibinebentang meryenda rito at mura pa!
“Nagbo-boarding ka rin ba rito, Luna?” tanong ni Mitch sa akin.
Umiling ako. Nilunok ko muna ang kinakain kong kwek-kwek bago sumagot sa tanong niya.
“May bahay kami rito.” Ani ko.
“Malapit lang ang boarding house namin dito sa school. Magkakasama rin kaming tatlo. Sa kabilang bahay nga lang si Edison dahil hiwalay ang mga lalaki sa mga babae.” Si Karen naman.
Tumangu-tango ako. Hindi roon natapos ang kwentuhan namin. 5 p.m. na nang makaalis kami sa school. Bago ako umuwi, dumaan na ako sa isang book store para bumili na ng mga gamit ko sa darating na pasukan. Isusunod ko na rin sa ibang araw ang pagbili ng tela para sa uniporme. Tutal naman ay binigyan kami ng school ng dalawang linggong palugit para roon.
Pagpasok ko sa isang book store ay agad kong napansin ang dami ng tao. Marami rin ang namimili ng mga gamit para sa darating na pasukan. Nag-sale din ang karamihan sa mga items nila kaya siguro ay sinasamantala ng mga namimili ang murang halaga.
Kinuha ko lang ang mga basic na kailangan. Isang binder na may lamang sampung filler, ilang pirasong ballpen, isang pad ng yellow paper at isang maliit na pack size ng 1/4 na index card. Hindi na ako bumili ng bag dahil maayos pa naman ang bag ko. Ang sapatos ay isasabay ko na lamang sa pagbili ng tela sa susunod na pagkakataon.
Matapos kong bayaran ang mga napili ko ay nagpasya akong tumambay muna sa mga benches sa loob ng mall. Magpapalamig na lang muna ako rito. Aaliwin ulit ang sarili.
I admit that Mama and I are still not in good terms. Matigas siya. Sa ilang beses kong sinubukang mag-reach out sa kanya ay nire-reject niya lamang ako. Nang pinilit ko naman ang makipag-usap ay nauwi na naman sa pagtaas ng boses niya. Kaya hindi na ako nagpumilit at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.
Hindi na rin siya nanghihingi sa akin ng pera. I know that I should be glad about it pero pakiramdam ko ay may mali. Ang ipinagtataka ko ay kung saan siya kumukuha ng para sa bisyo niya. Ang takot ko pa nga noon ay baka umuutang na naman siya ulit sa mga tindahan sa amin pero nang magtanong ako ay wala naman daw siyang lista sa kanila.
Nang magsawa ako sa pagtambay ay naisipan ko na ring umuwi. Dumaan din ako sa talipapa ni Aunty Esther para makabili ng lulutuin.
Pagbukas ko ng gate, dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang malakas na halakhak ni Mama sa loob ng bahay. Nagtaas ako ng kilay. May bisita ba kami? O baka si Jigo na naman ‘yon?
Pero natigilan ako sa gulat ng pagpasok ko ay nakita ko si Mama at isang lalaking naka-akbay sa kanya habang naninigarilyo ito. May ilang bote rin ng beer ang nakapatong sa lamesita. Ibinalik ko ang tingin ko dalawang taong sa tingin ko ay…naghaharutan.
Si Peter ang kasama niya.
Halos hindi nila mapansin ang presensya ko. Nanatili lamang ako sa pintuan habang pinapanood ko silang maglampungan sa sofa. Hinalikan ni Peter ang leeg ni Mama na siyang ikinahagikhik niya. Natawa naman ang lalaki sa naging reaksyon niya kaya pinagapang naman niya ang kanyang kamay sa tiyan ni Mama.
Ngumiwi ako sa nasaksihan ko. Ano itong nakikita ko? May relasyon na ba ang dalawang ito?
Malakas akong tumikhim para makuha ko ang atensyon nila. Pareho silang napalingon sa gawi ko nang marinig nila ako. Mabilis na umayos sa pagkakaupo si Peter habang patay-malisya namang humalukipkip si Mama.
“Ikaw pala, Luna! Pasensya ka na’t nagkakatuwaan lang kami ng Mama mo.” Aniya habang hawak niya ang kanyang batok. Parang nahihiya sa nadatnan ko kanina.
Tumango lamang ako. My eyes darted on my mother. Nakataas naman ngayon ang isang kilay niya.
“Oh? Ano’ng tinitingin-tingin mo?” suplada niyang tanong sa akin.
I shook my head once with a blank expression. Iniwan ko na sila roon at dumiretso na sa kusina. Dinig ko pa rin ang mga litanya ni Mama sa akin.
“Akala mo kung sinong makatingin eh. Hoy! Hindi na ako hihingi ng pera sa’yo kung ‘yan ang iniisip mo!” habol niya sa akin.
“Tama na ‘yan.” Saway ni Peter sa kanya.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng lulutuin. Inilipag ko na lamang ang mga ipinamili ko sa mesa. Hindi ko napansing sumunod sa akin si Peter.
“Namili ka pala?” Hindi niya na ako hinintay na sumagot at may dinukot sa bulsa ng kanyang maong na pantalon. Humugot siya ng dalawang daan at inabot iyon sa akin.
“Bumili ka na lang ng lutong ulam para makakain ka na agad. Kumain na kasi kami ni Melda eh.” Nakangising sabi niya sa akin.
I don’t know but every time he smiles at me, para akong kinikilabutan. Parang may halong malisya.
Umiling ako. Determinadong hindi ko tatanggapin ang pera niya. Instead, I asked him.
“Ano ka ni Mama?” I asked with a hint of accusation.
Hindi pa rin ibinaba ni Peter ang perang inilahad niya sa akin. Wala akong balak na tanggapin iyon pero mukhang ipipilit niya sa akin.
“Ah! Hindi pa ba sinasabi ng Mama mo sa’yo? Boyfriend niya na ako!” pagmamalaking sagot niya sa akin.
Natigilan ako. Boyfriend? Kailanman ay wala akong narinig na nagka-boyfriend si Mama. Puro bisyo lang ang inaatupag niya kapag naisipan. Ni hindi sumagi sa isip ko na makikipag-relasyon siya ulit.
Inilipag niya ang pera sa mesa at tahimik na umalis sa harapan ko. Binalikan niya si Mama roon sa sala at nagpatuloy sila sa pag-sasaya.
I sighed and shook my head. Napapikit na lang din ako sa namumuong frustration sa kaloob-looban ko. Pakiramdam ko ay may nagbabadyang problema na namang darating sa amin.
Bigla akong nawalan ng ganang magluto. Tutal ay kumain naman na sila at busog pa ako, hinugasan ko na lang ang isdang binili ko sa talipapa bago ko iyon isinilid sa ref. Kinuha ko na ang mga gamit kong nakalapag sa mesa at dumiretso na sa kwarto ko. Hindi ko ginalaw ang perang iniwan ni Peter. Bahala siya. Hindi ko tatanggapin iyon.
Kinabukasan, itinuon ko na lamang ang sarili ko sa mga gawaing bahay. Naging pabaya rin ako ng ilang araw dahil busy ako sa mga raket.
Sinimulan ko ang paglilinis sa loob ng bahay. Inis na inis ako dahil naroon pa rin ‘yong mga basyo ng beer nila kagabi.
Ni hindi marunong magligpit! Pati mga kinainan nila ay nakatiwangwang pa rin. Marahas akong bumuga ng hangin sa dibdib ko. Ang aga-aga pero ito ang bubungad sa akin.
Padabog kong sininop ang mga bote at dinala sa likod ng bahay kung saan ko inilalagay ang mga basyo ng alak. Bumalik ako roon sa sala at dinampot naman ang mga plastic, ang mga plato, kutsara, baso at pitsel, pinagsasama-sama ko na. Hindi ko na iyon inayos ng mabuti dahil sa pagkabwisit na nararamdaman ko.
Sinadya kong ibagsak ang mga iyon sa lababo. Wala akong pakialam kung mabasag ko man ang mga baso o kung magising ko man si Mama. Nagpupuyos ang dibdib ko sa iritasyon.
Bakit siya nag-boyfriend? Hindi nga niya ako magawang tapunan ng atensyon tapos makikipag-relasyon pa siya sa lalaking ‘yon! Kung dahil sa bisyo naman ang rason, hindi siya ang klase ng lalaking magugustuhan ko para sa kanya dahil imbes na ilayo niya dapat si Mama sa mga masasamang bisyo ay lalo niya lamang siyang inilalapit dito.
Biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Mama at laking gulat ko ng makita roon si Peter. Nangunot lalo ang noo ko. Habang pino-proseso ng utak ko ang dahilan kung bakit pa siya narito ay naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.
Hindi. Hindi pwede ito.
“Gising ka na pala, Luna.” Nakangiting sabi niya sa akin.
Humalukipkip ako at isinandal ko ang likod ko sa kitchen counter. “Tanghali na.” suplada kong sagot sa kanya.
Humalakhak siya at umiling. Kumuha siya ng mug at binuksan ang thermos. Nangunot ang noo niya ng mapansing wala iyong laman.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Wala ka bang bahay?” tanong kong muli sa kanya. I don’t care if he thinks I’m rude. I just don’t want him here in our house.
Kinuha niya ang takuri para magsalin ng tubig sa gripo. Dahil nandoon ako at nakatayo, isiniksik niya ang sarili para makalapit doon. Mabilis akong umiwas at lumayo na lamang sa kanya dahil kung hindi ko gagawin ‘yon, siguradong magdidikit ang mga balat namin.
Iniisip ko pa lamang na mangyayari ‘yon, para na akong kinikilabutan.
“Dito na ako titira simula ngayon, sabi ng nanay mo.” Kaswal niyang sinabi sa akin.
“Ano?!” Marahas na tanong ko sa kanya.
Ang namumuong ideya kanina sa utak ko ay nagkatotoo. Ang mga salita niya ay paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko. Hindi ko matanggap. Ayokong i-proseso.
Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?
“Huwag kang mag-alala, akong bahala sa lahat. Tubig, kuryente, pagkain, at kahit anong gastusin. Sagot ko ‘yan. ‘di ba nag-aaral ka? Kahit sa baon mo, kaya kong bigyan ka. Sabihin mo lang kung magkano.” Sabay ngisi niya sa akin.
Nagtagis ang mga bagang ko. Hindi ako tatanggap ng pera mula sa’yo, I said to myself.
Kung nakakamatay ang matalim na tingin, siguradong nakabulagta na ang lalaking ito rito sa kusina.
Nang maisalang niya ang takuri sa lutuan ay bumalik siya sa upuan ang prenteng naupo roon.
“Bakit mo ginirlfriend si Mama?” tanong ko sa kanya. I want to know his motives. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito.
He scoffed at me. “Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre para may ka…” then he clicked his tongue twice sabay kindat sa akin.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ang dugo ko sa aking ulo. Mabilis ko siyang nilapitan at malakas na hinampas ang mesa. Ramdam ko ang sakit na nanuot sa mga palad ko dahil sa pagkakahampas ko pero mas nanaig ang iritasyon ko sa kausap.
“Bastos ka!” I said in disgust.
Ngumisi siya. Ngising-demonyo ulit. Saktong tumunog ang takuri hudyat na kumulo na ang tubig na isinalang niya sa kalan.
“Wala ka ng magagawa, Luna. Dito na ako titira. Nasa’yo ‘yan kung aalis ka o…” pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at saka muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata. “…sasaluhan mo kami ng nanay mo.”
Tumayo siya tinalikuran na ako roon.