Luna
“Please don’t leave me, Martin. Please don’t leave me.”
My face was drenched by my own tears. Mahigpit ang yakap ko sa kanya. Ayokong bumitaw. Ayokong iwanan niya ako. Ayokong mawala siya sa tabi ko.
I heard him sighed bago niya ako inilayo ng bahagya at hinawakan sa aking magkabilang balikat.
“I don’t want to leave you but this is your home.” Malumanay na sabi niya.
“Luna!” umalingawngaw ang isang malakas na boses mula sa aking likuran.
Hindi ko na siya binigyan ng pansin. Ni hindi ko na nagawa pang lumingon sa kanya. Na kay Martin lang ang atensyon ko.
Naramdaman kong bumaba ang pagkakahawak ni Martin sa aking siko. Sinundan ko iyon ng tingin bago ko ibinalik kay Martin ang atensyon ko.
“As much as I wanted to keep you with me, I have to leave you here.”
Umiling ako. Hindi! Huwag ngayon. Please. My mind is screaming with my silent pleas.
“I’ll call you always. We’ll text, too.”
He held my head and kissed my temple. Matagal. May diin. Pero may kasamang seguridad. In an instant, his kiss made me calm.
At bago pa nakalapit si Jigo sa amin ay iniwan na ako ni Martin sa kinatatayuan ko. Sandali pang nanatili ang sasakyan niya roon ng ilang segundo bago iyon umandar palayo sa amin.
“Luna…” marahang boses na ngayon ang narinig ko. Nangilid ulit ang mga luha ko pero pasimple ko iyong pinalis bago ko siya lingunin ulit.
I looked at him sharply while he slowly approaching me. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kanina kay Martin. Ano’ng nakakatawa sa pambabastos ni Mama sa kasama ko? I can almost sense his doubts for reaching me pero nagpatuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.
“Sorry kanina. I didn’t mean that.” Ika niya.
He reached my elbow pero marahas ko iyong hinawi sa kanyang pagkakahawak.
“Binastos mo ang kasama ko, Jigo. Kayo ni Mama. Wala siyang ginagawang masama sa inyo!” mahina ngunit madiin kong sinabi sa kanya. Puno ng galit ang boses ko ng sabihin ko iyon.
“Tinago ka niya sa amin. Hindi ko lang maiwasan ang mag-alala! Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang galit ko kanina kaya ko lang nagawa iyon!”
“Sino ba kasing nagsabi sa’yong mag-alala ka? Ha?!” singhal ko sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko. I saw a pang of pain in his eyes. Pero hindi ko iyon pinansin. My rage is fuming because of what happened earlier.
I continued. “At hindi niya ako itinago! Kusa akong sumama sa kanya! Alam mo, hindi pa talaga ako uuwi ngayon, eh. Ise-celebrate pa sana namin ang birthday ko! Pero dahil sa nangyari kay Mama, napilitan akong uwian siya para ayusin ang problema! Pero dahil ayaw niya akong mamroblema ngayong araw, siya ang umayos sa gulong ginawa ng magaling kong ina!”
Namilog ang mga mata niya sa narinig pero hindi siya umimik. My breathing is fast and deep. I wanted to say more. I wanted them to feel how’s like to be humiliated, just like what they did to Martin.
Bahagya ko siyang naitulak. “Ano ba kasing ginagawa mo rito?! Ba’t ka pa pumunta rito?” muli kong sigaw sa kanya.
Ngunit imbes na sagutin niya ang mga tanong na ibinato ko sa kanya, mabilis niyang kinuha ang magkabilang kamay ko at iginiya iyon sa kanyang matipunong dibdib.
“Sa akin mo ibunton ang galit mo.” marahan niyang sinabi sa akin.
Hindi ako nakakilos sa sinabi niyang ‘yon. Pati ang magsalita ay hindi ko nagawa. Tila may bumikig sa aking lalamunan. Diretso lang ang tingin niya sa aking mga mata na parang nagsasabing gawin ko nga ang sinabi niya.
Nang hindi pa ako nakakilos ay siya na mismo ang gumalaw sa magkabilang kamay ko. Iginiya niya iyon para hampasin ang kanyang dibdib. Nangunot ang noo ko. He’s actually telling me to throw punches towards him!
“Kung galit ka, ilabas mo. Sa akin mo ibunton, Luna. Tatanggapin ko.” He said like almost a whisper.
Doon ako napipilan sa kanyang sinabi. Then, I suddenly realized that I already lost my control. My irrational thoughts about my anger suddenly vanished. Natanto kong nagagalit nga ako ng sobra sa maling tao.
Mali talaga itong ginagawa ko. Ang pagbuntunan ng galit ang ibang tao.
Kumuyom ang mga kamao ko sa sarili kong realisasyon. Slowly, I unguarded myself and all my frustrations poured at that moment. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang mga hikbi kong pilit na pinigilan ay unti-unting naging hagulgol.
Jigo witnessed it all. Under the full moon, with his sorrowful eyes darted on me.
Hindi na rin ako umalma nang marahan niya akong hilain at yakapin. All these time, this is all I wanted. Comfort under the arms of someone who understood me.
Hanggang sa bumuhos lahat ng masasakit na alaalang naranasan ko simula noon.
Ang maaga kong pagmulat sa kahirapan, ang kumayod sa murang edad upang mabuhay, ang kawalan ng pagmamahal sa akin ng sarili kong ina, at ang pagpilit sa sarili kong kailangang magpakatatag sa lahat ng suliranin sa buhay.
Nakakapagod. Nakakapanghina.
Lalo akong naiyak nang maisip ko ang lahat ng iyon. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Jigo sa akin.
“Sshhh. I’m just here.” Aniya habang hinahagod ang ulo ko.
Kinabukasan, nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak. Para akong hapung-hapo. Nanghihina ang katawan ko at wala akong balak na bumangon agad.
Muli kong inalala ang nangyari kagabi. Halos hindi ako mapatahan ni Jigo sa pag-iyak. Kahit ang pumasok sa loob ng bahay ay tumututol ako dahil ayokong makita si Mama. Pinalipas pa niya ang ilang minutong nakatayo kami roon habang magkayakap. Naramdaman niya siguro ang panghihina ko kaya hindi na ako kumontra ng buhatin niya ako papasok sa loob ng bahay at dalhin sa sarili kong kwarto.
Hindi na namin nadatnan si Mama sa sala pero ang mga pagkaing nakahanda ay naroon pa rin sa mesa.
Marahan niya akong inihiga sa kama bago binalutan ng kumot.
“Nakatulog na siguro ang Mama mo, Luna. Lasing siya ng madatnan ko rito sa inyo. Tumigil lang siya sa pag-inom dahil nakuha ko sa pakiusap.” Sabi niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Umiwas ako ng tingin. I don’t want to talk about her.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Inayos niya ang kumot na ibinalot niya sa akin. ilang segundo pa niya akong tiningnan bago nagpasyang iwan ako sa kwarto ko.
Naramdaman ko rin ang mga kilos niya sa labas. Parang may nililigpit siya roon. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan namin.
Inabot ko ang aking cellphone sa bandang ulunan ko para i-check iyon. Kailangan ko ring i-text si Jigo para magpasalamat at humingi na rin ng pasensya sa inasal ko sa kanya kagabi.
Pagbukas ko sa aking cellphone, ang mga text ni Martin ang bumungad sa akin.
Martin:
I’m sorry for leaving you. Your mother’s off of me. I just don’t want to cause trouble there.
Martin:
I’m going to Santiago. My brother’s wedding will be held tomorrow. After that, I’m coming back to Manila.
Martin:
Good night, baby. I’m so sorry.
I pouted when I read his text messages. Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng paggaan ng pakiramdam dahil sa mga mensahe niya. I feel like I’m the most important person in the world when it comes to him.
Naputol ang pag-iisip kong iyon nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. It was a text message from Martin.
Martin:
Good morning. I’m with my brother now. We’re just waiting for his bride. After the wedding, I’m off to Manila.
Nakangiti akong nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Good morning! Kagigising ko lang din. Congratulations sa kuya mo!
I send my reply pero hindi ako nakuntento roon at muli akong nag-text sa kanya ng panibagong mensahe.
Ako:
Mag-ingat ka pauwi sa Manila. Salamat sa ilang araw na pagkupkop mo sa akin. :)
Ibinulsa ko na ang cellphone ko at nagpasyang lumabas para pumunta sa kusina. Pagbukas ko ng ref, nakita ko ang mga pagkain na maayos na nakasalansan doon. Pati iyong pagkain na binili namin ni Martin para kay Mama, naroon din.
Ito yata iyong niligpit ni Jigo kagabi bago siya umalis.
Ang cake ang unang nakakuha sa atensyon ko. It’s a round chocolate cake with a dedication on it.
Happiest 18th birthday Luna! From Jigo, it says.
May dekorasyon pa ng isang yellow na crescent moon doon, mga musical notes at puso.
I took a slice of it and place it on the plate I got from the dish rack. Sa sarap non, kumuha pa ako ulit. Nagtimpla na rin ako ng kape para i-partner roon.
I took my phone and texted Jigo.
Ako:
Good morning, Jigs! Sorry kagabi ah. Saka salamat sa mga pagkain. Sarap ng cake mo!
Lumipas lang ang araw na iyon na wala akong ginawa kundi ang kumain at humilata lang sa bahay. Hindi ko na muna inisip ang mga gawaing bahay. Sa ibang araw ko na lang aasikasuhin ang napabayaang bakuran namin.
Buong araw din kaming nagkulitan ni Martin sa text. Inaliw namin ang isa’t-isa sa pagku-kwento ng kung anu-ano. Si Jigo naman ay nasa bodega raw nila at tinuturuan ng kanyang papa sa negosyo kaya hindi agad makapag-reply sa akin. Ayos lang ‘yon. Mas importante pa rin ang pangkabuhayan kesa sa makipag-text.
Lumipas ang halos dalawang linggo. Minsan lang ako naisama nila Jigo sa gig nila dahil ang mga sumunod doon ay hindi kailangan ng babaeng vocalist. Kahit minsan ay kinausap na nila Migs ang manager, boy band lang daw ang kailangan nila.
Kaya para hindi ako mabakante, naghanap ako ng iba’t-ibang raket. Naroon ‘yong tumulong ako sa talipapa ni Aunty Esther. Pumasok din akong yaya ng mga anak ng isang mayamang kapit-bahay namin ng ilang araw. Bumili na rin ako ng retailer sim at nagsimulang magbenta ng load. Kahit maliit ang kita, ang importante ay may pumapasok.
Sunud-sunod na rin ang datingan ng bills namin. Makakaya ko namang bayaran ito dahil may naitabi ako pero paano sa mga susunod na buwan? Mag-aaral na ako. Baka ang naitabi kong pampaaral ko ay magalaw ko na rin.
Plano kong pumasok bilang service crew sa isang fastfood restaurant pero kailangan ko munang tingnan kung kakayanin ko iyong ipagsabay sa pag-aaral ko.
Dumating ang araw ng orientation. Migs texted me earlier that we’ll meet near the gymnasium. Doon kasi gaganapin ang orientation dahil lahat ng freshmen at transferee ay mag-aattend. Isa raw si Migs sa mga napili na magdi-discuss tungkol sa mga bayarin.
I just wore my casual white v-neck t-shirt and faded skinny jeans paired with my black low cut converse shoes. I accessorized it with a black wrist band at relo na mumurahin. I ponytailed my wavy hair para malinis tingnan. Naglagay lang ako ng powder at lip tint.
Tiningnan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin sa kwarto ko. Mukha akong high school sa itsura ko. Though, I got matured physical looks, my height defines my age.
Matured looking pero ang height pang bata.
“Luna!” sigaw ni Migs nang matanaw niya akong papalapit sa gym ng eskwelahan.
I waved at him at nagmadaling lumapit sa kanya.
“Ganda mo, ah!” bati niya sakin.
I blushed profusely to his remarks towards me. He chuckled when he saw my reaction. Nag-abot siya ng bottled water sa akin.
“Kunin mo ‘to. Siguradong uuhawin ka sa loob ng gym dahil sa init. Air-conditioned naman sa loob pero sa dami ninyo, baka hindi mo rin maramdaman.” Aniya.
I took the bottle and kept it inside my side body bag. He lazily put his right arm on my right shoulder at sabay na pumasok sa loob. Nagulat ako roon pero kalaunan ay ipinagwalang-bahala ko na lang ‘yon.
Nagsama-sama ang mga freshmen at transferee base sa kursong in-enroll namin. Nasa gitnang bahagi kami nakapwesto. Pinag-gitnaan ako ng dalawang babae at isang lalaki sa upuan ko.
Magkakilala yata ang tatlong ito dahil madalas silang mag-usap habang hindi pa nag-uumpisa ang program. Feeling ko, nakakaistorbo ang pag-upo ko sa pagitan nila. Masaya silang nag-uusap habang ako ay tahimik na nakaupo lamang. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap kung saan naghahanda na rin ang mga tao sa stage.
Naramdaman ko sa kaliwang braso ko ang kalabit ng kung sino. Pagkalingon ko ay nakangiti na sa akin ang babaeng katabi ko.
“Hi! Ang tahimik mo naman.” Bati niya sa akin habang maluwang ang kanyang ngiti.
Mabilis kong pinasadahan ang kanyang itsura. The girl looks cute. Maputi, chinita at kulot ang buhok.
Dahil sa hiya ko ay tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
Tumawa siya sa naging tugon ko. Tinawag naman niya ang atensyon ng lalaking nasa kanan ko.
“Edison, magiging classmate natin siya!” sabay turo niya sa akin.
I automatically turned to him. Nakangiti rin ang lalaki sa akin. I smiled at him, too.
“Hi!” Bati sa akin ni Edison.
These youngsters are energetic. I don’t think I can get along with them.
“Paano niyo nalamang magiging classmate niyo ako?” I asked curiously.
The girl who first approached me answered me quickly. Hindi nga lang niya agad sinagot ang tanong ko, bagkus, ay nagpakilala muna siya.
“Ako si Mitch!” sabay turo niya sa kanyang sarili. Bumaling siya sa kanyang katabi na babae at ipinakilala rin niya sa’kin. “Siya naman si Karla saka siya si Edison.” Turo naman niya ngayon sa lalaking katabi ko.
“Hi!” bati ni Karla sa akin.
I nodded politely and smiled at her.
“Ang hilera na ito ay sa section A. Tayu-tayo ‘yon.” Sabi ni Mitch.
“Kunin mo ‘yung number niya, dali!” sabi naman ni Karen sa kanya.
Inilabas ni Mitch ang cellphone niya at inilahad iyon sa akin.
“Okay lang ba? Para sa pasukan, text text tayo! Taga-downstream kasi kami pero magkakakilala kaming tatlo dahil magka-klase rin kami noong highschool.” Paliwanag niya.
Oh! So, hindi rin sila pamilyar sa siyudad na ito. Ngayon ko naiintindihan kung bakit sila nakikipagkilala.
Kinuha ko ang cellphone niya at ni-type ang numero ko roon. Ibinalik ko rin iyon sa kanya pagkatapos. Hindi ko na ni-save dahil hindi ko masyadong gamay ang cellphone niya. Baka may mapindot pa ako roon.
“Ano’ng pangalan mo, ganda?” tanong niya sa akin sa wikang Ilocano.
Napaawang ang labi ko tanong niya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Marunong akong mag Ytawes at Ybanag pero hindi ako nakakaintindi ng Ilocano.
Nakita ko ang pa-simpleng pagkalabit ni Karen sa kanyang balikat.
“Foreigner ata isuna.” Bulong niya rito ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.
Umiling ako kasabay ng pag kaway ng mga kamay ko.
“Hindi! Hindi ako foreigner. Hindi lang ako nakakaintindi ng Ilocano!” nakangiting sabi ko sa kanila. Baka isipin ng mga ito ay masungit ako.
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha ng dalawang babae at saka tumangu-tango, unti-unti na ring sumisilay ang mga ngiti sa kanilang labi.
“Luna ang pangalan ko.” Dagdag ko.
Tinipa niya ang cellphone niya at ni-save na ang cellphone number ko.
Si Edison naman ang kumalabit sa akin sa braso ko.
“Half half ka ba?” tanong niya.
These people. Nakakatawa sila na hindi ko maintindihan.
“Half Japanese, Half-Filipino ako.” Sagot ko.
“Ah! Kon’nichiwa!” aniya.
Naghalakhakan kami sa sinabi niya. They are actually nice. Palakaibigan at makwento. Sinubukan din nilang makipag-usap sa ibang kasama namin doon pero ‘yong iba ay kung hindi napipilitang sumagot ay hindi talaga sila pinapansin. Ang iba ay tinaasan pa sila ng kilay.
What is wrong with these people? Nakikipag-kaibigan lang naman ang mga bago kong kasama. Tss. I shook my head. Sanay ako sa mga ganitong klase ng tao pero itong mga bagong kakilala ko, baka ma-culture shock lang sila dahil iba ang environment sa downstream at dito sa siyudad.
“Hayaan niyo na ‘yon. Nandito naman ako.” I said to them.
Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko sa kanila. Is this the beginning of opening myself for a friendship?
Okay naman siguro ‘yon. I think they’re nice. Natutuwa rin ako at unti-unti ko nang binubuksan ang sarili ko sa ibang tao. Ibig sabihin, dahan-dahan na rin akong nagbabago.
I think I found friendship with the three of them.